Chapter 11

Chapter 11

Inalis niya ang kamay ko sa braso niya at umiling. Muli siyang uminom at ibinaling ang tingin sa mga kaibigan niya na masayang nakikipagsayaw sa mga lalaking kasama nila.

"Ayokong ipahamak ka, Loire." She shot me a small smile.

Umayos ako ng upo at hinarap din ang tinitingnan niya. I fell silent and she cleared her throat.

"Do you wanna dance?" she asked.

Umiling ako. Nagsalin ako ng alak sa baso niya at inisang lagukan 'yon.

"Are you disappointed because I didn't kiss you?"

Kahit hindi ko siya lingunin ay batid ko ang pagngisi niya. Now, she was being playful again.

"Later at home, you can do whatever you wanna do with me—"

Hindi ko na siya pinatapos pagsasalita at tumayo. Derederetso akong lumabas ng bar hanggang sa tumigil ako sa parking.

"Hey!" she called me.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I suddenly felt frustrated. Or was it because of the alchohol?

Sumandal ako sa gilid ng jeep at nag-angat ng tingin sa kanya.

"What's wrong?" she asked.

I didn't answer. Hinakbang niya ang distansya namin at pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

I had a lot of things to say but I couldn't tell her. Lumunok ako at inalis ang pagkakapulupot ng bisig niya sa katawan ko.

"Have fun inside, Isla," I said coldly.

She breathed out a sigh and shook her head.

"Bakit bigla kang nagsungit? Lasing ka na ba? Anong gusto ng baby ko, ha?" Muli niyang inilapit ang sarili sa akin.

Inilayo ko rin siya muli. "Ikaw ang lasing."

Natawa siya. "Hindi pa." Inginuso niya ang loob ng jeep. "Gusto mo bang mag-sex?"

Malamig ang dumamping hangin sa balat ko pero hindi noon natalo ang init ng tingin niya sa akin. Ako naman ang napabuntonghininga.

"Come on. Quickie lang." Hinawakan niya ang kamay ko. Akmang hihilahin na niya ako pero hinigit ko rin siya at mahigpit na niyakap.

"Loire..."

My sudden move astounded her. Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya at mas lalo siyang natigilan.

"Aren't you cold? Your top is too small," I commented. Hinawakan ko ang ibabang bahagi ng likod niya na hubad. "Bra ba 'yan? Bakit nag-bra ka lang?"

Doon siya natawa. "We call this brallete," she said.

Kulay itim 'yon, at ibinabalandra ang mayaman niyang dibdib at flat abs. Ramdam ko na umangat ang tingin niya sa akin. Naka-jeans siya na itim din pero ang nakakainis ay ripped 'yon. Bagay na bagay 'yon sa suot niya na black booths.

"Bakit ganyan ang suot mo? Kulang na lang maghubad ka."

Ngumisi siya at mas hinigpitan ang yakap sa akin. "Pipigilan mo na rin ba ako sa pananamit ko?"

Napalunok ako. Nakatitig ang magaganda niyang mga mata sa akin at naghihintay ng sagot.

Umiling ako. Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"But you should dress appropriately at school."

Tumango siya. "This is the first time. Guys I dated with always scolded me because of my choice of clothes."

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok sa kanyang mukha. "Kung saan ka masaya."

She inched closer and kissed me. Saglit akong natigilan pero hinayaan ko rin siya. Nakita ko na lang ang sarili na hinahalikan siya pabalik. It was a long, passionate kiss that I never thought I would ever experience with someone. I always wanted it rough and savage.

Nang humiwalay siya ay agad kong hinawakan ang mukha niya at ako naman ang humalik. She giggled as she kissed me back again.

"You are such a good kisser," I said in between kisses.

Ngumiti lang siya at ipinulupot ang mga kamay sa batok ko. Pagkatapos ay humilig siya sa aking dibdib. Walang umimik sa amin hanggang sa humiwalay siya at malamlam ang mga matang tumingin sa akin.

"Akin ka lang, Loire," mahina niyang sabi.

There was this foreign feeling again. Tinalikuran niya ako at sinundan ko siya na papasok muli sa loob ng bar. Binalikan namin ang mga kaibigan niya.

"Uy, magkasama pa rin kayo?" takang tanong ni Zoie kay Miss Silva.

Iba-iba ang reaksyon ng mga kaibigan niya. Batid sa ekspresyon nila ang kuryosidad.

"Sir, wala bang ginawang masama sa 'yo si Isla?" Naniningkit ang mga mata ni Maya.

"Oo nga, Sir? And you said your friends are coming. Where are they?"

Tumikhim ako dahil sa tanong ni Nova. Miss Silva sat beside her. Inagaw niya ang basong hawak ni Hope at ininom 'yon.

Hindi na lang ako sumagot. Tinabihan ko siya at kita ko na pinipigil niya ang pagngiti.

"Kung hindi lang ako estudyante sa Hasse, inakit na kita, Sir," natatawang wika ni Hope, lasing na lasing na.

Nagtawanan sila, maliban sa kanya.

"Pagpasensyahan n'yo na, Sir Loire. Kanina pa lasing 'yan. Kaka-break lang din nila noong lalaking kasayaw niya kanina," napailing na sabi ni Maya.

Nagkwentuhan pa kami at madalas ay sa akin natutuon ang usapan.

"Mahilig ka ba sa matalino, Sir?" tanong ni Nova.

"Yes," tugon ko.

"Maputi?" si Praise.

"Hmm, yes."

"Sexy?" Tumingin si Maya kay Miss Silva na wala pa ring tigil sa pag-inom. Tahimik lang ang katabi ko na parang may malalim na iniisip.

"I'm a hypocrite if I say no. So, yes," I answered.

"Hala, Isla! Mahilig sa masarap si Sir. Masarap ka ba?" tudyo ni Zoie.

"Have you asked my flings and exes, Zoie?" Miss Silva looked at her friend. "Kaya nga hindi nila ako makalimutan."

Tumutok ang tingin ko sa kanya. Nilingon niya ako at mas sumeryoso pa ang mga mata niya. Kumuyom ang kamay ko.

Someone cleared her throat. Nang lingunin ko ay si Maya ito.

"Tara na, Isla, uwi na tayo."

Kumurap si Miss Silva at binalingan ito. "Hindi ako uuwi. Nagpapasundo ako sa driver ng lola ko," sabi niya at muling nagsalin ng alak sa baso.

"Isla!" malakas na tawag ni Hope.

"Hey, we can't leave you here!" Muling umupo si Zoie pero umiling lang si Miss Silva.

"Don't worry, I'll stay here with her." Inilibot ko ang tingin sa kanila. "Mukhang antok na antok na kayo. Lasing na lasing na rin ang iba. You should go home already."

Tumingin si Maya kay Miss Silva at tipid ako nitong nginitian. "Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka! Magustuhan mo! Kainis!" iritang sabi ni Maya.

"Siguraduhin mong hindi ka hahanap ng makaka-make out. Masasabunutan kita bukas!" Dinampot ni Nova ang purse niya at tumayo na rin.

They bid their goodbyes before leaving. Nang kaming dalawa na lang ay tumayo na rin siya at hinawakan ang kamay ko. Nagmamadali siyang pumasok sa jeep at lito ko siyang sinundan. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang hinuhubad niya ang pantalon niya.

"Isla!" Agad akong sumakay at pinigilan siya.

Umiling siya at pinagpatuloy ang pagbaba noon. Napalunok ako dahil sa ginagawa niya. She sat astride me, leaving her panties on, and kissed me fully on the mouth.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"Isla, what are you doing?"

"Fuck me here, Loire." She sucked on the skin of my neck.

Mabilis ang reaksyon sa pagitan ng mga hita ko, lalo na nang lumandas ang dila niya sa aking leeg.

"Please, I want you right now!" She was begging and her kisses trailed up my ear.

"Isla, people might see us!" Wala akong pakialam kung may makakita sa amin pero siya ang inaalala ko.

Iniangat niya ang sarili at ibinaba ang pants ko kasama na ang underwear. Sinunod niya ang kanya at mabilis na umupo muli sa kandungan ko. Agad niyang ipinasok ang akin sa kanya at mariin niyang hinalikan ang mga labi ko.

Sabik ang uri ng paghalik namin sa isa't-isa. I cupped her breasts as she moved her hips seductively. Tumatagaktak ang pawis sa noo niya.

"I hate how you look at my friend," she muttered breathlessly. "Type mo ba si Zoie? Kung makatingin ka sa kanya!"

Bumaba ang halik ko sa leeg niya at mas bumilis ang paggalaw niya sa taas ko. I slapped her butt cheeks and she groaned.

"You're my type."

Napatigil siya sa paggalaw. Kumurap siya habang gulat ang mga matang nakatingin sa akin.

Bago pa niya maibuka ang bibig ay gumalaw na akong muli sa ilalim niya. Hinalikan ko siya at bumalik siya sa pagiging agresibo. Gumagalaw ang jeep ko ngunit wala akong pakialam sa mga nakakikita.

I felt her tightening around me and that just meant one thing. Ilalayo ko sana siya sa akin ngunit mas ibinaon niya pa ako sa kanya.

Lumunok ako nang tuluyan na akong sumabog sa loob niya.

"Isla..."

Sumubsob siya sa dibdib ko, halatang pagod.

"Isla, why did you..." I couldn't finish my sentence.

"I really want to tell you something, Loire. But I can't," she disregarded what I was about to say. Humigpit ang yakap niya sa akin. Muli siyang gumalaw sa itaas ko at hinalikan ako sa dibdib.

Mabilis na lumiyab ang init na hindi agad namatay. Muli kong inalalayan ang pang-upo niya. Inilayo niya ang mukha sa akin at tumitig sa mga mata ko.

Her eyes were full of unspoken words. Mabagal na ang paggalaw niya sa kandungan ko at mas lalo akong nababaliw sa ikinikilos niya. Magsasalita sana ako ngunit muli na niyang sinakop ang bibig ko.

Natulog siya at hanggang sa nakarating kami sa bahay nila ay himbing pa rin.

"Isla, wake up. We're here." Bumaba ako at pinagbuksan siya ng pinto.

Nagmulat siya at pupungaspungas na lumabas ng jeep. Umuna siya sa akin paglalakad. Muntik na siyang matumba kaya inalalayan ko na siya papasok.

"Inom pa," sarkastiko kong sabi.

"Ge, bukas ulit."

Sa bathroom ng kanyang kwarto siya dumeretso. Gustuhin ko mang sabayan siya pero kailangan niyang makatulog. She looked so damn tired, so I needed to restrain myself from touching her again.

Lumabas siya na nakatapis lang ng tuwalya. Lalapitan niya sana ako pero agad akong umiwas at pumasok na ng bathroom.

Dinama ko ang pagtama ng tubig sa katawan ko mula sa shower. Laking pasalamat ko paglabas ko dahil nakasuot na siya ng damit. Napailing ako dahil T-shirt ko ang suot niya.

Kinabukasan ay pinagtakhan ko ang pagiging tahimik niya. Sabay kaming nag-breakfast at pumasok sa school pero hindi niya ako inuusap. Nasa faculty room na ako at magtatanghalian na rin nang naisipan kong i-text siya.

Me:

Let's have lunch together.

Matagal bago siya nag-reply.

Baby:

I'm busy. May tinatapos kami sa isang major subject.

Hindi ko siya kinulit pero hindi ko napigilan ang pag-usbong ng inis ko. It was like she's dodging me.

Wala ako sa sarili na nagturo at pinalagpas 'yon. Akala ko ng sumunod na araw ay papansinin na niya ako, pero hindi pa rin.

Nakauwi na ako at lahat sa bahay namin, pero talagang naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko na rin siya pinadalhan ng message kahit nangangati ang mga kamay ko na gawin 'yon.

Mabagal na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang lunes. Nakita ko siya na bumaba sa kanyang sasakyan habang nasa loob pa ako ng jeep.

Kumunot ang noo ko nang lumabas sa passenger seat si Royce. May kung anong nagtulak sa akin na tawagan siya.

Habang naglalakad sila ng lalaki ay inilabas niya ang sariling cell phone. Pero hindi niya sinagot ang tawag ko.

Napahampas ako ng kamay sa manibela dahil sa matinding inis. Nagmamadali akong bumaba at pabagsak na inihagis ang bag ko sa swivel chair sa faculty room. Kumuha ako ng tubig at agad itong ininom. Nabitawan ko ang paper cup nang napaso ang dila ko dahil sa init ng tubig.

Hindi ko napansin na mainit pala ang napindot ko.

I felt the attentions of the professors on me. Nilingon ko si Ma'am Ruby na nakatingin din sa akin. Agad kong dinampot ang kalat ko at kumuha ng mop para punasan ang tubig na tumapon.

Paglapit ko sa table ko ay naka-receive ako ng text.

Ma'am Ruby:

What's wrong? Mukhang wala ka sa sarili.

Me:

Nothing.

Ini-ready ko ang mga gamit at pumasok sa unang klase ko. Pagdating ng hapon at bakante ako ay naisipan kong pumunta sa likod ng Business building, pero wala siya rito. Sumandal ako sa puno at nag-text sa kanya.

Me:

Talk to me.

I waited but she didn't send me even a single text. Gumalaw ang panga ko at parang biglang lumutang ang ulo ko sa ere. Bumalik na lang ako sa faculty room at doon nagpatay ng oras. Binuksan ko ang messenger at kahit dito ay wala siyang chat sa akin.

Biglang nag-message si Hugo sa GC.

Hugo:

Alam mo ba, Primo?

Primo:

What?

Mukhang vacant din ang isang 'to. Si Hugo ay paniguradong nakauwi na sa bahay dahil pasado alas singko na ng hapon.

Hugo:

Nagsi-seen si Kuya, pero pag-usapan pa rin natin. Hahahaha!

Primo:

Ano nga?

Hugo:

Nakita ko siya kanina sa labas ng faculty nila. Pota, bro! Parang broken-hearted. Lalim ng iniisip!

Loire:

I'm not broken-hearted.

Hugo:

Nag-english, Primo! Bad trip nga si brotha! Anyare?

Loire:

Wala kang magawa? Maglinis ka ng bahay.

Hugo:

Iniiba usapan. Share na! Nandito lang naman kami ni Primo para makinig.

Loire:

I'm okay. Really.

Primo:

You're not.

Natigilan ako sa chat ni Primo. Hugo sent a lot of crying emojis. Nag-disconnect ako sa wifi at pumasok sa sumunod kong klase. Pinilit kong maging maayos ang takbo ng discussion namin ng mga estudyante. Uwian ay tiningnan ko ang cell phone ko, pero wala pa rin akong natatanggap ni isang message sa kanya.

Paalis ako ng faculty room at inila-lock na ang pinto nang napansin ko ang dalawang tao sa hallway na nagtatawanan.

Isla and Royce.

Nakahawak ang Royce na 'yon sa bewang ni Isla at mukhang aliw na aliw pa ang babae. Sumunod ako sa kanila na malayo ang distansya. Ngunit kahit ganoon ay kita ko sa mukha niya ang saya habang nakikipagbulungan sa lalaki.

Sa parking ay dumeretso sila sa sasakyan ni Miss Silva. Akmang papasok na siya sa driver's seat nang kinorner siya ni Royce.

Pansin kong nagulat siya. Marami pang estudyante pero mukhang wala lang sa lalaki na 'yon na makita silang ganoon ni Miss Silva.

Kumuyom ang mga kamay ko nang bumaba ang mukha ng lalaki at hinalikan siya. She didn't push him away.

Pumasok ako sa jeep at malakas na isinara ang pinto. Pinaandar ko ang sasakyan at mabilis na lumabas ng Hasse.

Namamanhid ang mga kamay ko at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakita ko na lang na ang daan patungo sa subdivision nila ang tinatahak ko. I parked the car on the opposite side of the road, not so far from their house.

I phoned her but she didn't answer. Nakatatlong tawag ako. Oras ang inabot ng paghihintay, bago ko nakita ang paparating niyang sasakyan.

Bago pa niya ito ipasok sa gate ay bumaba na ako sa jeep at mabilis ang mga hakbang na hinarang ang pagpasok niya. Bigla siyang nag-preno.

Lumabas siya na halu-halo ang emosyon sa maganda niyang mukha. Habang nakatuon ang mga kamay ko sa hood ng kanyang kotse ay pinanood ko ang takot sa mga mata niya.

"What the fuck, Sir Loire?!" she shouted.

"Sir Loire, huh?" Dumeretso ako ng tayo at tumitig sa mga mata niya. "Are you done with me, Isla?"

Pinigil ko ang sarili na sumigaw. Litung-lito ako sa ikinikilos niya.

"Loire?" she said, confusion dawned across her face.

"Sinong maysabi na lalaki lang ang laging malabo?"

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko bago tumingin sa bahay ng lola niya. Lumunok siya.

Wala akong nainom na alak pero sobrang namamanhid ang mga kamay ko at gusto ko na lang siyang yakapin.

"Sawa ka na?" tanong ko.

Doon ko nakuhang muli ang atensyon niya. Malalim ang pagkakakunot ng kanyang noo pero kita ko sa mga mata niya ang inis.

"Naglalaro ka lang pala, sana itinodo mo na."

"Do you hear yourself?" she asked. "Alam mo bang pwede kang masira sa mga sinasabi mo?"

Kumuyom ang kamay ko. Gustung-gusto ko na siyang hilahin palapit sa akin pero pinigilan ko ang sarili.

"Kayo na ni Royce?" malamig kong tanong.

Hindi siya sumagot.

"I saw you kissing at the parking."

Ganunpaman, wala pa rin akong narinig mula sa kanya. Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko at tinangkang lapitan siya, pero agad siyang umatras.

"May ginawa ba akong mali kaya bigla ka na lang nagbago?"

"Wala."

"Then why we became like this?"

"Stop acting that you have feelings for me, Loire!"

Nabigla ako sa tindi ng galit sa boses niya.

"Lumayo na nga ako!" Sumandal siya sa gilid ng kanyang sasakyan at tumuon ang kaliwang kamay roon.

"Bakit?"

"Bakit? Bakit mo tinatanong sa akin 'yan? Hindi pa ba ako halata o manhid ka lang?"

Nanatili akong nakatingin sa kanya. Napalunok ako nang muli niya akong tingnan. Kuminang ang mga mata niya dahil na rin sa ilaw sa poste sa tapat niya. But they were sad.

Umayos siya ng tayo at humakbang palapit sa akin.

"Loire, it's not just about sex!" Mariin niyang pinagdikit ang mga labi. "I distanced myself from you 'cause I'm changing."

She clutched my collar and crumpled it using both of her hands.

"You're this gorgeous man that attracts me the way others can't. Kaya nga kita nilandi! Pero ayokong hanggang landian lang tayo!"

Parang tumalon ang puso ko sa loob ng dibdib ko. I couldn't take my eyes off her beautiful face that was filled with so much emotions.

"Continue," I urged her.

Napairap siya at binitawan ako. Tinalikuran niya ako at tumuon ang kamay sa hood ng kanyang sasakyan. "Royce isn't my boyfriend."

"Then why did you let him kiss you?"

"To prove..."

"To prove what?"

Hindi niya maituloy. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.

"Magsalita ka."

"To prove if my feelings for you is real."

Mas tumindi pa ang reaksyon ng dibdib ko. Humigpit ang hawak ko sa kanyang balikat bago ko siya iniharap muli sa akin.

Mariin ang pagkakagat niya sa ibabang labi habang iwas ang mga mata sa akin. "Loire..."

"Galit ako. Akin lang ang mga labi mo, Isla." Sa wakas ay muli kong nahuli ang mga mata niya.

"Hindi 'to sa 'yo. Parte ng katawan ko 'to."

Mariin kong kinagat ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti. She really knew how to ruin the moment.

"Pero sa akin bumibigay ang mga labing 'yan."

"Maraming beses na 'tong bumigay sa ibang lalaki."

Kumunot ang noo ko. "What am I gonna do with you, Isla?"

Nagkibit-balikat siya. Hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya rito. Kinagat niya ang loob ng kanyang pisngi. Kumurap siya at mas lumalalim ang tingin sa akin.

"You said your lips aren't mine. But if you're gonna be my girl, they'll be mine."

"Ayokong labi ko lang ang inaangkin mo. Buong ako, Loire," matapang niyang sabi. "Gusto kong angkinin mo ako nang buung-buo."

Napataas ang kilay ko. Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa mukha niya.

"Kung ayaw mo, e 'di papayag na ako na magpaligaw kay Royce." Napairap siya, mukhang nainip sa sasabihin ko. "Ang daming nagkakandarapang lalaki sa akin. Bakit nga ba pinag-aaksayahan kita ng panahon?"

Isinipit ko ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang tenga. Nang hindi na ako nakatiis ay hinapit ko na siya sa bewang para mas ilapit pa siya sa akin. Gusto kong marinig niya ang eratikong tibok sa dibdib ko.

Kahit kailan ay hindi ako nagseryoso sa babae. Pero simula noong dumating siya, nagbago ang lahat. Sa mga nagdaang araw na hindi niya pagpansin sa akin, napatunayan kong hindi ko kaya na hanggang sex lang kami.

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Be my girlfriend, Isla."

Titig na titig siya sa akin. She swallowed hard, seemed like she was having a hard time processing what I just said.

"Walang ligaw?" tanong niya. "Pwede bang magpakipot sandali?"

"Gaano katagal ang sandaling 'yan?"

"5 seconds lang." Bumagsak ang tingin niya sa mga labi ko. "Sige, tayo na."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top