SIDE STORY SIXTEEN

Fifteen Years Later

Ilang metro mula sa tarangkahan ay maririnig ang matinis na banggaan ng matatalim na espada. Ganun din ang lagapak ng lupang tila binagsakan ng higanteng bato, at mahihinang sigaw ng mga bampirang seryosong nag-eensayo.

Isa na namang ordinaryong araw sa Red Mansion. Nasa malawak na training ground ang mga mandirigmang bampira. Habang may ilang mananaliksik na inoobserbahan sila mula sa malayo. Ang iba naman ay abala sa mga gawain sa opisina at kanya-kanyang tipa sa kanilang mga computer. Ganito ang karaniwang eksena sa mansyon.

Subalit sa paglipas ng panahon, lalo na nitong nakaraan na labing limang taon ay nadagdagan ang bilang ng miyembro ng Red Mansion. Kabilang na rito ang anak ng kanilang Supreme at ng anak nina Miller at Axel.

Mataas na ang sikat ng araw, ngunit mapayap pa rin ang mga nag-eensayo. Palatandaan na wala pa sa mansyon ang munting bampira.

"See you in tomorrow's class. Make sure you study well for the quiz, okay?"

"Yes, ma'am!" Masiglang tugon ng mga estudyante.

Palabas na ng silid ang kanilang guro nang bahagya itong napaatras pabalik.

"Good afternoon, ma'am. Andyan po ba si De Leon?"

Tumaas ang leeg ng guro para hanapin ang estudyanteng hinahanap ng staff.

"Ms. De Leon?" tawag niya.

"Sir!"

Agad naman na may sumagot subalit hindi niya makita ang estudyanteng pinagmulan nito.

Mayamaya pa ay kumalabog ang pinto ng banyo, niluwa nito ang labing tatlong taong gulang na babaeng naka-ponytail ang tali ng buhok. Matangkad at may maputing balat, nangungusap ang mga mata nito, may matangos na ilong, at magandang hugis ng mukha.

"Oh. Oo. She's here."

Sumilip ang taong nasa labas, bahagya siyang napangiti ng makita ang kanyang pakay.

"Kepler, dumiretso ka raw sa opisina ng daddy mo."

"Sure," masayang tugon ng bata.

"Papunta ako ng principal's office, Kepler. Do you wanna come with me?" tanong ng guro nila.

"Nope. Ayos lang po. Salamat."

Tumango na lang ang guro bago tuluyang lumabas ng classroom. Sa sandaling nangyari ito ay mabilis na nangibabaw ang ingay ng mga estudyanteng naiwan. Kanya-kanya silang kuha ng mga bag at tayo sa kanilang mga upuan.

"Bye, Kepler. See you tomorrow."

"Suzy, sabay tayong umuwi."

"Daan tayo sa convenience store!"

"Gusto niyong sumali? Maglalaro kami ng volleyball!"

Sigaw roon, sigaw riyan. Panay ang pagtaas ng boses ng mga bata maski na nasa harap lang nila ang kausap nila.

Sa ganitong oras madalas nangyayari ang ganitong eksena, sa oras ng uwian.

Agad din naman na inayos ni Kepler ang gamit niya. At nang masigurado na kumpleto na ang lahat ay kalmado siyang lumabas ng silid.

"Bukas ulit, guys!" Pamamaalam ng batang babae sa mga kaklase.

May ilan na nakarinig at binati siya, at may iba naman na kumaway lang sa kanya.

"Hm? Hindi ba sa unahan ang principal's office?" pagtataka ng kaklaseng nakakita kay Kepler na lumabas.

Oo, sa kabila nga ang direksyon patungo ng principal's office pero may ibang bagay na sadya si Kepler. Nagtago siya sa espasyong nasa gitna ng huling classroom at ng storage room. Pumikit siya at inalala ang anyo ng principal's office.

"You can do it, girl. You can do it. Pangungumbinsi niya sa sarili."

Subalit nang buksan niya ang kanyang mata ay hindi man lang siya nangalahati sa layo ng kanyang destinasyon.

"Ugh. Class 3 na naman?" reklamo niya.

Wala na siyang ibang magawa kung hindi ang lakarin ang natitirang layo. Dumaan siya sa lima pang classrooms at tatlong faculty office. Nakasabayan din nga niya sa paglalakad ang kanilang guro na saglit niyang binati. At nang marating ang principal's office ay matamlay niyang ibinagsak ang sarili pinakamalapit na upuan mula sa pinto.

"Ah! I'm exhausted!" angal niya.

Samantala ay dahan-dahan naman na isinara ng kanyang guro ang pinto.

"Good afternoon, sir," bati nito sa punong-guro ng kanilang eskwelahan.

"Good morning, Ma'am Mercedes. Uhm, take a seat... Kepler, get inside."

Tumayo si Kepler tapos ay yumuko para humingi ng paumanhin sa pag-agaw ng upuan na para sa mga bisita ng opisina.

"Sorry, ma'am."

"No worries, Kepler."

Sumunod si Kepler sa utos ng kanyang daddy. Tahimik siyang pumasok ng office nito. Doon siya nagsimulang mag-isip kung paano malulutas ang kanyang problema.

"Ang sabi ni Papa kailangan ko lang daw mag-ensayo. But I've been doing the same practice everyday at wala pa ring progress. Buti na lang walang tao sa Class 3 ngayon. If anything, I would have to explain my sudden appearance."

Nagbuntong-hininga ang bata, at nang napagod sa pag-iisip ay kumuha siya ng inumin sa ref. Inilabas niya rin ang baon niyang pagkain na hindi naubos sa recess.

"What's the matter?" bungad na tanong ni Axel nang makita ang matamlay na anak.

Lumapit sa kanya si Kepler para magmano bago bumalik sa upuan.

"Nothing. I don't have the luck for teleportation today again."

"Aaww. Don't rush it, my love. It will come naturally."

Nag-ayos na ng gamit niya si Axel. Alas kwatro na ng hapon, oras na ng uwian at balak ni Axel na sabayan ang kanyang anak sa pag-uwi. Karaniwang alas-sais ang kanyang out pero dahil pinatawag siya ng Supreme ay uuwi siya ng maaga ngayon.

"Hey, are you fine finishing that in the car? We'll visit the Red Mansion today."

Lumiwanag ang mga mata ng bata. Mabilis niyang inubos ang inuming dugo at ang kanyang tinapay. Masigla niyang inayos ang sarili at nauna pang lumabas ng opisina kaysa sa kanyang daddy.

"Dad! Come on. Come on! Faster."

"I am. Relax. You're so excited."

Sabik na bumisita ng Red Mansion si Kepler, dahil maliban sa marami siyang makakausap na bampira, nandoon din ang kanyang papa na nagtuturo sa mga baguhan na sundalong bampira.

Labinlimang taon na ang lumipas simula noong matagumpay na natapos ni Axel at Miller ang kanilang kataika. Halos dalawang taon din silang naghintay para mabuo ang kanilang anak. Dalawang taon at hindi mabilang na gabing puno ng init ang kanilang kama. Akala nila ay pumalpak sila sa ritwal kaya hindi mabuo ang bata sa sinapupunan ni Axel, subalit isang araw ay nadagdagan ng isa pang linya ang nakakapanlumo na isang linya ng pregnancy test ng mag-asawa. At siyam na buwan ang nakalipas ay ipinanganak si Kepler.

Masiglang bata si Kepler. Kahalintulad niya si Axel noong nagpapanggap pa siyang estudyante sa kolehiyo; lapitin ng mga tao, mapa-lalaki man o babae. Ngunit kagaya ni Miller ay pinipili lang din niya kung sino ang makakalapit sa kanya. Intimidating ika nga nila.

Marami ng nagbago sa loob ng higit sampung taon. Dahil kailangan na matutukan ng mag-asawa ang paglaki ng kanilang anak ay huminto si Axel sa pagpapatakbo ng Axellerate. Ipinasa na niya kay Butter ang kumpanya na nagpapanggap bilang siya. Sa kasalukuyan ay nasa edad kwarenta na ang anyo ni Axel at may balak na maagang mag-retiro sa industriya.

Samantala ay nagpalit na ulit ng propesyon ang tunay na Axel. Nasa junior high school na ang kanyang anak, at para patuloy itong bantayan ay naging prinsipal siya sa eskwelahan nito. Gamit niya pa rin ang parehong pangalan pero ibang apelyido na ang dala niya.

Axel De Leon. Masyado pang sikat sa industriya ang pangalan na Axel Wesley kaya ginamit niya muna ang apelyido ng asawa. Binago rin niya ng bahagya ang kanyang anyo para walang magtaka. Sa madaling salita, sa mata ng mga mortal, ay ibang tao si Axel Wesley at si Axel De Leon.

Wala namang problema rito si Kepler, maliit pa lang ay sanay na siya sa mga kakaibang pangyayari sa kanyang paligid. Naiintindihan niya na hindi sila ordinaryong nilalang at gustong-gusto niya ang pakiramdam na espesyal siya.

Nagpatuloy naman sa negosyo niya si Miller, ngunit minsan na lang siya kung bumisita rito. Madalas siyang nasa Red Mansion para magturo. Dahil sa tahimik na pamumuhay ni Miller ay halos wala siyang kailangan na baguhin sa sitwasyon niya ngayon, maliban na lang sa parte na may anak na siya. Sinusubukan niya ang lahat para maging mabuting ama. Isang mabuting ama, dahil ayaw niyang matulad sa kanyang ama

"Kepler. Kepler! Huwag kang masyadong malikot." Pagpapaalala ni Kristoff nang makita niyang nakikipaglaro sa isa sa mga nag-eensayo na alpha ang bata.

Nasa ikalawang palapag ng mansyon si Kristoff nang napansin niya ang munting bampira. Tawag pansin ang mali-maling pag-wasiwas nito ng sandata, at nang makumpirma na ito nga ay si Kepler ay agad na niya itong tinawag.

Nang dumating ay agad na dumiretso si Kepler sa training ground para batiin sana ang kanyang papa. Kaso wala ito ng dumating siya, pero imbes na tahimik na maghintay ay sinubukan niya na buhatin ang mga sandata.

"Halika nga dito." Nag-teleport si Kristoff, siya na mismo ang humatak sa bata palayo sa matatalim na sandata.

"Aaaww! Kristoff, you're such a bummer!" angal nito sabay krus ng kanyang mga braso.

"Wala akong pakialam. Bakit ka ba nandoon?"

Nagkibit-balikat si Kepler. "Wala lang. Where's Papa by the way?"

"Nasa opisina ng Supreme."

"Oh. Really? Thanks."

At walang ano-ano ay iniwan niya si Kristoff.

Kaliwa't kanan ang natatanggap na pagbati ni Kepler habang nasa daan. Malapad ang ngiti ng mga bampira na kanyang nakasalubong at may iba pa na hindi mapigilan ang sarili na kurutin ang pisngi ng bata.

"I'm not a baby anymore," reklamo niya nang marating ang pinto ng opisina ni Maxine. Hinimas-himas niya rin ang pisngi niyang mahapdi na sa kurot.

"Okay. Let's try getting in..." Pinikit ni Kepler ang kanyang mga mata. "Bring me in. Bring me in..." Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili habang inaalala ang anyo ng silid ng Supreme.

"Kepler?"

Minulat ng munting dalaga ang mata niya ng marinig ang pamilyar na boses. Hindi siya binigo ng kakayahan niya dahil bumungad sa kanya ang mukha ni Miller at ang loob ng opisina ni Maxine.

"Hi, Papa. Oh? Dad's here too," sambit niya nang makita rin sa loob si Axel. "Kanina pa kita hinahana— W-What are you doing here?" Gulat niyang tanong ng makita ang dalawang mukha ng kinaiinisan niyang bampira.

Iisa lang ang mukha ngunit isa lang din sa kanila ang hindi kasundo ni Kepler.

"Hello, Kepler," bati sa kanya ni Maxine, "Kahapon lang sila dumating."

"Oh. Sh*t," mura ng munting binibini habang dahan-dahan na umaatras.

"Uhm... Will talk to you later, Papa!"

Kumaripas ng takbo si Kepler na sinundan naman ni Alden, ang bunso ng kambal na anak nila Maxine at Mateo.

Hindi kasi magkasundo ang dalawa dahil sa kakulitan din ni Kepler. Musmos pa lang ay madalas na niyang binibiro si Alden dahil sa iyakin ito. Gustong-gusto niya ang pakiramdam na pinapaiyak ang mas matanda sa kanya na si Alden. Subalit sa paglipas ng panahon ay natutong lumaban si Alden, tumapang siya at natuto. Hindi rin maikakaila na mas malakas ang binatilyo kaysa kay Kepler kaya mabilis din na bumaliktad ang sitwasyon ng dalawa.

"What's wrong with them?" pagtataka ni Mateo.

Tumawa naman ng mahina si Aiden. "Alden has thought of a way to get his revenge on little Kepler, Dad."

Napatakip na lang ng mukha niya si Miller sa kapilyohan ng anak niyang babae. Pero mabuti na lang daw ito kaysa ang hindi ito matutong makisalamuha sa iba. Maliban kasi sa dalawa na itinuturing ang isa't isa na kalaban, sa mata ng lahat ay sila'y malapit na magkaibigan.

Mabilis din na natapos ang pag-uusap ni Maxine at Axel. May balak ang Supreme na ilipat sa pinagtatrabahuhan ni Axel ang dalawang anak para mas madali niya itong masubaybayan. Kasalukuyan kasing sa Espanya pa rin nag-aaral ang dalawa at nandito lang para magbakasyon.

Paglabas nila ng opisina ay pasimpleng kumapit si Axel kay Miller.

"Ano 'yun?"

"My heat's next month," masayang balita ni Axel sa asawa.

Napahinto naman sa paglalakad si Miller para tingnan kung nagbibiro ba ito.

"They said the probability of pregnancy is higher when in heat. Gusto mo bang subukan natin?" dagdag pa ni Axel.

"Oh." Inakbayan ni Miller si Axel saka ito mahigpit na niyakap, nang bumitaw ay hinalikan niya naman ang asawa sa labi. "Kahit pa walang estrus, susubukan pa rin natin. I promised to keep you in check, didn't I?"

Napangiti si Axel sa pahayag ni Miller. Gustong-gusto niya sa tuwing si Miller ang nag-aaya dahil alam niyang mahahamon na naman ang karanasan niya sa kama.

Sasagot na sana siya nang hindi pa pala tapos na magsalita si Miller. Inilapit niya ang labi sa tenga ni Axel at saka bumulong ng, "I will make sure to give you my seeds tonight."

Once more, the night lingers long for the bound hearts.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top