SIDE STORY ELEVEN
M I L L E R
Iba't ibang uri na ng puno ang natatanaw namin habang nasa daan. Napapansin ko rin na mas dumadami ang mga puno habang palayo kami nang palayo mula sa entradang pinasukan namin kanina. At halos naglalaho na ang nabuong daan gawa ng mga paang tumatapak rito.
"Are we still on the right path?" tanong ko kay Axel.
Baka kasi nagkamali kami ng nilalakaran at nasa gilid lang ang tamang daan.
Tag-iisang backpack ang dala naming dalawa. It's not even hiking bags, these are the regular travel bags and are way lighter. No wonder Axel told me not to be too detailed on my belongings. Tanging mga importanteng gamit lang daw ang dalhin ko.
"Yup. We're on the right path. Don't worry, honey."
"Talaga? I just notice... nawala na 'yung daan..." Pahayag ko habang sinusuyod ng tingin ang buong paligid na nakain na ng berdeng damo at matayog na mga puno.
"This is a hidden place. Not open to any human and other destructive persona, no matter what kind they are. Don't worry, the beast men made sure that no creature could disturb their peace. So, if you're not welcome, there will be traps to stop you from coming further or someone who will scare you away. The vanishing of paths is just normal."
Right. May nabanggit nga pala si Axel kanina na haunted ang gubat na ito. Sira-sira at nakakatakot ang aura na pinapakita ng entrance kanina. Wala rin akong nakita na streetlight nung nasa sasakyan pa kami. The place was too dark and eerie na sa layong sampung metro pa lang ay sinasabi nang ayaw nitong maistorbo ng kahit sino.
Habang papalayo kami nang papalayo ay nagkakaroon na rin ng sense ang mga kuwento ni Axel kanina. Lalo na at mas na-iimagine ko ang pamumuhay ng mga beast man. Subalit, kasabay ng kalinawan na ito ay ang nakakakabang realization.
"Wait..." mutawi ko sabay bahagyang napahinto, dahil dito ay nauna ng konti sa paglalakad ni Axel.
Kinailangan niyang tumigil bago niya ako nilingon.
"What is it?"
Sinipat ko muna saglit ang paligid at saka bumulong ng, "Kung ganito na kalayo ang nilakad natin, at puno nga ng patibong ang gubat na ito... Ibig sabihin ba... may sasalubong din sa atin na mga patibong? Is there a trap for us too?"
Sa sandaling iniwan ng mga katanungan na ito ang bibig ko ay agad ko naman na naisip na baka alam ng pinuno nila na paparating kami. Kung alam ni Axel ang daan patungo sa lugar ng mga beast man, siguro naman napagsabihan niya ang lider ng pamayanan nila. Siguro naman may komunikasyon pa rin ang mga ito sa mga bampira.
I really want to believe that I was right about the permission thing, kaso iba ang sagot ni Axel sa inaasahan ko.
"Oh. That? I am not so sure. Uhm, seryoso kasi talaga sila sa pagprotekta sa tirahan nila kaya..." Binigyan ako ng matamlay na ngiti ni Axel.
Mukhang alam na niya na may dalang masamang balita pahayag niyang at hindi na tinapos pa ang sasabihin niya.
"Let's continue walking?" pagbabago niya ng paksa at tumalikod sa akin na suot pa rin ang ngiti na nagsilbing pantakip ng pagkakamali niya.
Nagsimula nang humakbang si Axel pero sa sandaling lumapag sa lupa ang kanyang paa ay may narinig akong tahimik na pagpitik sa hindi kalayuan.
Sh*t. Iyan na nga ba ang sinasabi ko!
I instinctively dragged Axel as I wrapped him with my body. Sabay kaming lumundag palayo sa humaharurot na ilaw sa lupa. Hindi ko gaanong natitigan ang bagay dahil sa pagmamadali, ngunit base sa nahagilap ko ay tila ba tumatakbo ito sa tuwid na linya at patungo sa direksyon kung saan ay ilang segundo lang ay nakatayo si Axel.
Kahalintulad nito ang ilaw na nabubuo sa tuwing sinisindihan ang dulo ng tali ng isang granada o kaya ng paputok.
Boom!
Hindi nga nagkamali ang katawan ko na tumakbo at hilahin si Axel dahil segundo lang ang pagitan ay nagkaroon ng pagsabog.
Hindi ito masyadong malakas. Pero dahil sa madilim at tahimik ang gubat ay umalingawngaw ito sa buong paligid.
"What was that?" tanong ni Axel habang umuubo-ubo gawa ng usok na nilikha ng pagsabog.
Ganun din naman ako, habang nagpapagpag ng damit at bag ko na halos sinalo ang lahat ng abo. "I have no idea. Pero sa palagay ko ay patibong ito ng mga beast man."
Nauna akong tumayo tapos ay inalok ang kamay ko kay Axel para tulungan siya. Hindi niya naman ito tinanggihan at sabay naming sinilip ang sumabog na parte.
"Oo nga. Kitang-kita na seryoso sila," batid ko nang makita ang resulta nito.
Nagsanhi ng malaking butas ang pagsabog. Nasa mga limang metro ang lalim nito. Sapat na para masaktan ang sinuman na mahuhulog sa butas. Maliban pa rito ay tiyak na magdudulot din ng sugat at iba pang pinsala sa katawan ang pagsabog kung sakaling hindi agad na nakaiwas si Axel dito.
Axel laughed awkwardly. "Ha.Ha.Ha. Right. They seem to be serious about it."
Kung ako lang ay hindi ako magdadalawang-isip na bumalik. At saka magpapatuloy muli matapos na magpaalam sa mga nagmamay-ari ng gubat. Kaso hindi ito ang sitwasyon ngayon. Axel and I came here with the same intention and I can feel his anticipation ever since we departed. And it would be rude if I cut that anticipation right at the moment where we are getting so close to our destination.
I will never do that. Nandito ako para suportahan ang mahal ko.
"Miller?" Inabot ko ang kamay ni Axel.
"It's safer if you stay close to me."
Matagal-tagal ng hindi ko nagagamit ang aking abilidad. Maliban sa mabilisan na teleportation technique at pagpapalit ng mukha, ay hindi ko na ginagamit pa ang mga kakayahan na hinasa ko para labanan ang mga tauhan ni Ronaldo. Now is the time to check if I still got those moves.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. At kagaya ng inaasahan ay marami pa ngang naghihintay na mga patibong sa unahan. Apat na beses kaming binati ng parehong pagsabog. Tatlong beses na binulaga ng mga matatalas na patalim na kung saan-saan na lang sumusulpot. At dalawang beses na kinumutan ng lambat na gawa sa lubid na sing kapal ng braso ng isang sanggol.
"Malayo pa ba?" I asked Axel for about the fifth time.
"Almost." Maikli niyang tugon tapos sabay na pinisil ang kamay ko.
Hindi na tuloy ako sigurado kung malayo na ba ang nilakad namin o sadyang marami lang talagang patibong sa paligid kaya natatagalan kami sa paglalakad.
Sa pagpapatuloy namin ay napansin ko na ibang uri na naman ng mga puno ang nasa paligid. These trees are fruit bearing, unlike earlier that are almost just tough and tall trees. May mga puno ng mangga, santol, lanzones, makopa, at iba pa.
Mukhang malapit na nga talaga kami dahil may napapansin akong pinitas na mga prutas. Malinis din ang pagkakahiwa ng mga balat ng prutas na nasa lupa. Itinapon ang mga ito rito dahil imposible na nahati ang mga ito noong nahulog.
May nakita akong bunga ng santol sa hindi kalayuan. Mababaw lang ito at sa tingin pa lang ay abot ko na ito agad.
"May santol doon, oh," banggit ko kay Axel, at saka tumungo sa puno.
Hawak-hawak ko pa rin si Axel kaya nahatak ko rin siya patungo sa parehong direksyon. "Don't touch anything, Miller." He warned.
"Relax. I just want a bite."
"What? Miller, don't..."
Just as Axel tried to stop me, a simultaneous sound of sharp clanking echoed in the dark. Sunod na lang na nahagip ng mga mata ko ang kulay pilak at hugis tatsulok na mga patalim na kumikinang sa ilalim ng maliwanag na buwan.
"Hihingi lang po sana ng isang santol," paalam ko.
Although, it's kind of late for that.
- - -
"Buti na lang at kasama nila si Emman. Kung nagkataon ay walang nakakilala sa inyo, master. Tiyak na maglalaban kayo roon."
"Right. I'm sorry about that. We were so excited to come here that we did not even think about sending you a letter."
"Ayos lang, ayos lang. Wala rin namang kartero na pumupunta rito kaya pahirapan ang pagdating ng mga sulat niyo rito."
Of course, it's impossible. Sa dami ng patibong na nakatanim sa buong gubat, walang kartero ang mangangahas na pupunta rito.
"Pero may nakita akong post box sa entrance kanina. Are you not using that one?"
May post box doon? Sa dilim ng paligid ay hindi ko iyon napansin.
"Oo. Pero isang beses kada taon lang namin sinisilip iyon. Halos wala rin namang nagpapadala ng sulat dito sa amin."
"Oh..." Axel awkwardly laughed.
He must have not expected such a reply.
Nasa mismong pamayanan na kami ng mga beast man. At ibang iba ito sa inaasahan kong anyo ng lugar.
I thought their houses would be made out of nipa and wood. Small houses and no electrical source. Akala ko nga rin ay walang tubig dito pero nang makita ko ang hinanda nilang tsaa sa amin ay napaisip ako; saan galing ang source ng tubig at kuryente nila?
May mga bahay nga na gawa sa kahoy, pero tig-dalawang palapag at mistulang lumang bahay ng mga mayayaman noong panahon ng mga Espanyol naman ang anyo ng mga ito. At may mga gawa naman sa bato na makabago ang anyo. The place is like a modern community subdivision in a city. The only difference is that there are trees surrounding the whole area and the road is made of hardened molten rocks instead of cement.
"Sino po itong iyong kasama, master?" The chieftain finally got curious about me.
Ngumiti si Axel tapos ay lumingon sa akin. I maintain a fine distance from them to respect their conversation.
"He's my husband."
"Ah! Oo nga. Narinig kong may nagpakasal na bampira. Akala ko ang Supreme ang nagpakasal."
"She also got married. They were actually first to do the blood pack, then us."
Binati kami ng beast man. Una silang nagkamay ni Axel bago niya inabot sa akin ang kanyang kamay para ako naman ang batiin.
Mukhang wala namang nakakatakot sa kanila. I guess I am overthinking things. Especially when I saw the beast men. Akala ko ay naihanda ko na ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-imagine sa mga anyo nila. I was so confident that I wouldn't be surprised by their appearances since there were many TV series that depicted half human and half beast characters. Pero iba pala talaga kung aktwal na nasa harap ko na ang mga nilalang na ito.
Seems like I haven't learned my lessons yet after seeing and becoming a vampire myself.
Carlos ang pangalan ng pinuno nila. Kalahating tao at kalahating lobo siya, which means he came from the Kingdom canis.
"Carlos used to live in our mansion with his father."
"Oo. Pero kailangan ko rin bumalik agad para mamuno rito."
Kinuwento nila sa akin kung paano naging magkaibigan ang tatlong henerasyon ng pamilya ni Carlos at ang pamilya ni Axel. Sa tuwing may isa sa kanila na gustong bumaba ng bundok para magmasid sa pamumuhay ng mga mortal ay tumutuloy sila sa mga Wesley.
"The first one remained in animal form. I did not meet that person though. The second, was a dog, I mean they all are, but her animal form was a domestic dog instead of a wolf. And Carlos was the third. Ngayon ko lang siya nakita ng personal, I only know about him. He stayed for a month because it was then when my parents were messed up."
"Uh, don't you mind if I ask your age?" tanong ko kay Carlos.
He then quickly replied with, "87."
Woah. He's 87? I mean he sure looks old pero maayos pa rin siyang maglakad. His white hair or fur still looks fine considering that they are smooth and shiny. At ang pinaka-weird sa lahat ay mas matanda pa sa kanya si Axel pero kung itabi sila ay aakalain na apo niya ito.
"Maaari ko bang malaman kung ano ang sadya niyo rito?" magalang niyang tanong kay Axel.
Just then, Axel breathed in, as he confessed. "We want to be parents."
Saglit na natigilan si Carlos. He looked at Axel with a blank expression, confused if he's being serious. Tapos ay lumipat ito sa akin na para bang tinatanong din ako.
"Yes. We want to be parents," pag-uulit ko lang sa naunang sinabi ni Axel.
"The beast men have that method, right? The reproductive system modification that saved your species from extinction."
The chieftain seemed to be taken aback. "O-Oo. Wala namang problema, maaaring gawin ang ritwal sa ibang lahi lalo na at pare-pareho lang ang istruktura ng reproductive system ng mga lalaki."
"But, you seem reluctant," bulalas ko. I instantly thought to ask him that the moment I noticed him hesitate with his first word.
Tumawa ng mahina si Carlos habang umiiling-iling. "Mali ka ng iniisip. Nag-aalinlangan lang ako dahil baka hindi kayanin ni Master Axel."
"What– What do you mean? Bakit naman hindi ko ito kakayanin?"
"Dahil magkakaroon ng matinding pagbabago sa katawan mo, master. Kailangan mong maging handa dahil hindi madali ang pagbubuntis, lalo na at hindi para dito ang iyong katawan."
Right. It makes sense because a man's body is originally not meant for pregnancy. Napaka-imposible nito. It's the same thing as teaching a fish to climb trees.
"Axel, are you su–"
"Yes. It-It's fine. I can do it. It's fine." Paulit-ulit na pagbanggit ni Axel.
Lumingon ako sa kanya. Nakita ko na suot niya ang seryoso at determinado na mukha. Nakababa ang kanyang mga kilay at tuwid ang kanyang labi. He really wanted to do it. Axel has clearly made up his mind.
I also want the same. Pero nag-aalala pa rin ako sa kanya. Nag-aalala ako para sa katawan niya.
"Sigurado ka?" bulong ko sa kanya. Ito na ang huling beses na tatanungin ko ito sa kanya.
Gusto ko na sa oras na gagawin namin ang ritwal ay siguradong-sigurado siya at hindi niya ito pagsisisihan.
Ngumiti si Axel, at mahinahon na sumagot ng, "Yup. I am sure. Hundred percent. Besides," inabot niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan, "I will always have you to keep me feel safe."
Oh. Sh*t. He's giving me all his trust. I must keep up with his expectations and take care of him. At syempre handa akong gawin ito para kay Axel without any complains... only pressure.
"Sige," tugon ni Carlos. "Ipapaliwanag ko sa inyo ang gagawing seremonya bago ang ritwal. Kailangan ay makinig kayo ng mabuti para maging handa."
He took his breath and was about to start the tale when a youth wearing a beige apron with several stains came into the living room.
"Uhm, pasensya na po sa istorbo. Handa na po ang pagkain." She informed us.
"Salamat, Marie... Makapaghihintay pa po ba kayo?"
Ngumiti si Axel habang tumatango. "Yes... Of course, of course. Food is important."
Tumayo na kaming tatlo at tumungo na sa hapag-kainan nila. Wala namang kakaiba sa mga nakahandang pagkain. May mga handang gulay, isda at iba pang seafoods. Hindi rin mawawala ang lechon manok. Basically, all food is normal, except that no meat is of a mammal.
"Oo nga pala. Cannibalism na kung nagkataon." Because beast men are all mammal.
"Mukhang hindi ko na kailangan na magpaliwanag," saad ng pinuno nila.
Tumungo sa kanya ang mga mata ko at doon ko pa lang namalayan na ako pala ang kinakausap niya.
Oh. F*ck. I was thinking out loud.
"Sorry about that."
"Ayos lang. Isa ka sa mga matatalino. Naiinis ako sa tuwing nagpapaliwanag ko sa iba kung ano ang kinakain ng lahi namin."
Ngumiti na lang ako bilang sagot. Mapayapa naman ang hapunan namin. Kasabay namin sa lamesa ang asawa ni Carlos at ang dalawa niyang anak na babae at lalaki. Marie ang pangalan ng babae na siyang nag-aya sa amin kanina. Samantala tahimik naman na binatilyo si Emman na sa palagay ko sing edad ko lang noong una kong nakilala si Axel.
Agad na nilinis ng mag-ina ang lamesa nang matapos kaming kumain. Sunod naman nilang hinanda ang panghimagas.
"Lamaw po, master. Niyog po ang pangunahing sangkap niyan," sabi ni Marie kay Axel.
"Thank you, Marie."
Malapad ang ngiti ni Marie nang umalis. Ganun din naman si Axel habang minamasdan ang paglabas ng dalaga sa silid-kainan.
"Ano ang gusto mo, Miller? Do you want a girl or a boy?" bulong niya sa akin.
Gosh. We were just thinking the exact same thing. Seeing two youngsters in front of us made me think about the success of Axel's modification. Syempre kabilang din sa sumagi sa isipan ko ang maaaring maging kasarian ng magiging anak namin.
Napangiti ako. Gamit ang mahinang boses ay sumagot ako kay Axel ng, "I don't mind the gender."
Totoo ang sinabi ko. Kahit anong kasarian ay ayos lang sa akin basta ay malusog lang ang bata.
Sabay kaming tumawa at kumapit sa kamay ng isa't isa. We were about to enter the fantasy land when we heard a quiet coughing.
"Ehem!" Tumuwid ang pagkakaupo namin ni Axel at sabay kaming napalingon kay Carlos. Sumubo muna siya ng panghimagas bago nagtanong sa amin ng, "Ipapaliwanag ko na sa inyo ang proseso. Handa na ba kayong makinig?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top