CHAPTER TWO

M I L L E R

"Aaw. Wala raw si Axel? Inagahan ko pa naman today para magkatabi kami."

"Bakit daw?"

"Excuse daw kasi may sakit."

"Talaga? Oh no! Do you think we can visit him?"

"Pwede naman siguro pero hindi ko kasi alam address niya, eh."

"Oh, right. Wala palang nakakaalam kung saan siya nakatira."

Ang aga-aga ay ganitong usapan ang madadatnan ko sa classroom. It seems Axel is absent today and the girls are disappointed about it. 70% ng klaseng ito ay mga babae at lahat sila ay pinili ang oras na ito dahil nandito si Axel.

But it's kind of fine for me, at least isang subject lang kami magkasabay ng schedule. I don't have to deal with these girls all the time. Ito ang unang beses na naging magkaklase kami. And I assure that this will be the last one since I know how troublesome it is to be that person's classmate.

Napakusot ako ng mata nang bigla na lang lumabo ang paningin ko. Malamang ay sanhi ito ng kulang ko sa tulog. Inalis ko ang salamin ko sa mata para tingnan kung may dumi ba dito, at nang may nakita akong maliit na fingerprint ay kaagad ko itong pinunasan gamit ang dulo ng t-shirt ko. Minsan kasi ay sinusuot ko ito lalo na sa umaga.

"Miller?"
Napahinto ako sa pagpupunas nang marinig ang pangalan ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung sino itong tumatawag sa akin.

"Hey, OMG. Ang gwapo mo pala kung walang salamin," she said, attempting to start a conversation.

Kung tama ako ng pagkakatanda ay isa siya sa mga miyembro ng grupo na inimbitahan ako sa group assignment namin noong isang araw.

Kahit na saglit ko lang nakita ang mukha ng babae ay sigurado ako na isa siya sa mga taong iyon. Lalo na kung suot-suot niya ang puting Converse shoes na sapatos na suot niya rin noong araw na iyon.

I guess they haven't given up yet.

"A-Ah... S-Salamat," sagot ko tapos ay umiwas ng tingin sa kanya.

"May nakaupo na ba dito?" tanong niya sa akin.

Wala akong pakialam kung uupo man siya sa tabi ko tutal wala naman talagang nakaupo roon. Pero pakiramdam ko ay hindi na niya ako titigilan pa sa sandaling payagan ko siyang umupo sa tabi ko ngayon.

Ladies are dangerous. If you show them a little bit of kindness, they will stick on you like a leech.

"M-Meron na. Pumunta lang siya ng banyo saglit," pagsisinungaling ko.

"Oh. S-Sige... doon na lang siguro ako kina Hanna," sambit ng babae sa dismayadong boses.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang tuluyan na niya akong iniwan mag-isa.

Ilang sandali lang ay dumating na ang professor namin. Nabanggit niya ang tungkol kay Axel pero hindi ko ito gaanong narinig dahil abala ako sa pagbibilang ng budget ko ngayong linggo.

Marami akong gastusin. Magtatapos na ang linggo pero wala pa akong naiipon na panghulog sa utang ko. Kulang pa ako ng tatlong libo para sa lingguhan kong hulog at limang daan para sa inuupahan ko. Isa pa, wala akong sideline mamaya pagkatapos ng duty ko sa convenience store. Sa madaling salita ay gipit na gipit na ako.

"Wala na akong mauutangan," anas ko sa sarili habang nakapatong sa lamesa ang ulo ko.

Patuloy lang sa discussion niya si Ma'am. I would love to listen to her if only I have less problem to think. Nakakawalang gana lang kasi talaga itong wala tayong pera.

"Okay, I give you one week extension in your assignment since I'll be busy for the accreditation next week," anunsyo ni Ma'am sa lahat bago umalis ng classroom.

At sunod na rin akong lumabas ng classroom. Hindi kagaya ng nakaugalian ay 'di na ako dumiretso sa susunod kong klase. I am tight on money, so I have to sacrifice a day of my study to have an overtime at my convenience store duty. Sakto rin kasi na absent ang nakatoka sa 9 am hanggang 12 nn na duty kaya nagboluntaryo na lang ako na magfill-in.

Buong umaga ako na nakatayo sa cashier habang buong hapon akong nakaupo sa storage room para magbilang ng stocks. Hindi biro ang masakit na bukong-bukong sa umaga sa katatayo, at pamamanhid ng mga binti naman sa hapon dahil sa kauupo.

"Salamat sa pag-volunteer mo Mill. Akala ko talaga mag-isa lang ako kaninang umaga," batid sa akin ng kasama ko sa duty. Full time na siya dito at malamang ay mapropromote na bilang manager sa susunod na taon.

"No problem po, sir. Next time if you need someone to fill-in another person, text niyo lang po ako," sabi ko. "Sige, sir. Next week ulit." Tapos ay nagmadali na akong umalis para sa sunod na trabaho.

Dahil wala akong heavy duty work sa oras na ito ay dumiretso na ako sa club na pinagtatrabahuhan ko tuwing gabi.

"Oh! Ang aga mo ata," bulalas ng receptionist namin sa gulat.

"Bakante ako ngayon. Anong bang meron tayo dyan? Do we have an extra booking, Dan? Come on, I'll have it," mahina kong sabi sa kanya.

Dan, ang pinaikling version ng Danilo. Lalaki din ang receptionist ng club namin, of course, he's attractive. Iyan kasi ang pangunahin na requirement sa trabahong ito.

Dan has an innocent look, he has this heart face shape and a side parted long hair, which highlights his shining hair. Kahit na nagmumukha siyang high schooler sa paningin ko minsan. Although, we don't have such kind of services ay hindi maiwasan na iba ang isipin ng mga tao sa mga trabahador dito. That's why we put Dan in this spot, because he looks innocent, he can at least calm the people outside and make them think this is an ordinary club with unique concept.

"Wala Miller, eh. Konti pa nga lang tao sa loob, mahina talaga basta hapon," sagot niya sa akin.

"Pero may booking ka mamayang alas-otso ha, kay Ms. Costes, at alas diyes naman kay Ms. Smith."

"Sure," maikli kong sagot tapos ay umalis na ng club.

Wala man akong nakitang extra booking ay masaya naman ako na malaman na kustomer ko mamaya si Ms. Smith. Isa siya sa mga regular ko, at isa rin siya sa mga tumatangkilik ng extra service ko. Kaya madalas last booking ang kinukuha niya.

Habang naglalakad ako patungo sa bahay ay tinawagan ko na si Ms. Smith para kumpirmahin ang sadya niya sa booking niya ngayon. May shortcut naman ang nirerentahan kong kuwarto mula sa area na ito kaya pwedeng-pwede ko lang itong lakarin.

"Diane? How are you?" I immediately speak the moment Diane Smith answered her phone.

"Hi, Miller," she quickly replied with her soothing voice. A voice of a mature woman, "I'm good, I booked you for tonight. Did they tell you about it?"

"Yeah. I called to ask you what service you're having later? Gusto mo bang uminom, mamasyal, or the special one?"

I try my best to also sound mature. To sound a little husky, deep and hoarse yet in an attractive way. I've been using this style every time I talk to patrons that are older than me. They tend to like that type of guy.

"Ooh. So, you're preparing? Actually..." she made a brief pause, I bet she's blowing her cigarette. "I was only coming for a quick chat and whiskey. But I guess you need more, you are tight on money again, huh?" she said chuckling.

Ah~ I don't mind her mocking me if I can hear her sexy giggles. This is every young man's dream.

"Hmm. Okay. I'll have you as my snack tonight with my whiskey. I'll tell Dan to book you outside the club," she decided without hesitation and dropped the call.

I can't help but to punch the air after hearing her decision. Sa wakas tapos na ang problema ko sa pera ngayong linggo.

"Diane saves the day! Akala ko talaga kailangan ko na naman mangutang," bulong ko habang paakyat sa hagdan patungo sa nirerentahan kong maliit na kwarto.

"Miller," bati sa akin ng matandang lalaki na kapitbahay ko. Taga-kabilang kwarto lang siya at madalas wala doon.

Hindi ko alam kung ano ang trabaho niya. Actually, I don't know what my neighbors do for living. Lahat kami dito ay may kanya-kanyang buhay at walang pakialam sa isa't isa. Dahil malapit lang kami sa tinatawag na red light district, ang parte ng syudad na masigla tuwing gabi, marami sa amin ay nagtatrabaho rin doon. Pero may iba naman na pinili lang ang boarding house na ito dahil sa murang presyo.

Pagod kong binuksan ang pinto ng bahay ko. Bumungad sa akin ang magulo kong kama at maduming sahig. Hindi ko pa pala ito nalilinis dahil sa pagmamadali ko kanina.

"Later," bigkas ko tapos kaaagad na ibinagsak ang sarili sa kama. Dahil may bakante akong oras susulitin ko na lang ito para magpahinga. I have to be in great condition for Diane tonight.

- - -

Seven o'clock noong umalis ako ng bahay at nagtungo sa trabaho. Sakto naman na dumating si Ms. Costes noong natapos akong magbihis.

"Lizz," tawag ko sa kanya nang pumasok siya sa loob ng club suot ang uniporme niya sa trabaho.

Melissa Costes, iyan ang buo niyang pangalan. A 28-year-old bachelorette, she works as a secretary in a university.

May kanya-kanyang dahilan ang mga kustomer namin kung bakit nila kami tinatangkilik. Masyadong abala si Lizz sa trabaho para magmaintain ng relationship kaya dito na lang siya namamalagi. Sa tuwing kailangan niya ng makakausap ay dito siya pumupunta. Wala siyang fixed escort, kilala siya ng lahat dahil kung sino lang ang available sa araw na iyon ay siya na kaagad ang ibobook niya. Ito ang paraan ni Lizz para hindi mahulog ang loob niya sa isang escort.

"Kumusta?"

"Okay lang, long time no see. Minsan na lang kita nakikitang bakante," she said as she gives me a peck on my cheeks.

"I need to work hard."

"Aren't you working hard already?" wika niya.

Naging madali lang ang dalawang oras ko kasama si Lizz, dahil madalas na siya rito ay kilala na rin niya kami at kilala na rin namin siya. When an escort is with her, they don't have to pretend to be her ideal type. She's like an older sister to us.

"Bye. Salamat sa pakikinig," banggit niya bago sumakay sa kanyang kotse at umalis.

"Umalis na si Ate Lizz?" tanong sa akin ni Mario, ang baguhan namin na escort.

"Bakit?" sabi ko.

Tumingin siya sa sahig sabay wika ng, "Itatanong ko sana kung bakit hindi na niya ako binobook."

"Tatlong beses ka na niyang binook this month," sabad naman ni Dan na narinig ata ang usapan namin.

"Yeah, three times lang ang maximum ni Lizz every month. She's everyone's regular, you know?" dagdag ko naman sabay tapik sa likod ni Mario.

"Miller, andyan na ang sunod mong kostumer." Nguso sa akin ni Dan. Kaagad naman akong napatingin sa labas ng salamin na pinto at nakita ko si Diane na sakay-sakay ng mamahalin niyang Acura NSX.

"Woah! Ang yaman ng regular mo, Miller!" komento ni Mario matapos mamangha sa pulang kotse ni Diane.

"Alis na ako."

"Outside ka?" pahabol niyang tanong.
Itinaas ko lang ang kamay ko bilang sagot.

Anak mayaman si Lizz. Her parents are businesspersons based in UK and she's left in the Philippines living in luxury at the age of 29 with her small boutique business. That's all I know about her, regardless of small details, she's still a life saver because of her big tips.

"Hey," she greeted in silvery manner.

Pagpasok ko pa lang ng kotse ay itinaas na niya ang maitim nitong tinted na salamin. At walang pag-aatubiling kumapit si Diane sa leeg ko at hinatak ako palapit sa kanya

"Where's my kiss?" She slides her sharp acrylic nails on my face as her thumb traces my lips.

"It's been a while," bulong ko sabay sunggab sa kanyang labi. It's just a brief kiss yet I made sure that it's deep. The kiss she loves to share with all of her flings.

Umayos na ako ng upo when Diane said she wanted to have a drink first. Inaya ko siya na pumasok sa loob ng club para doon na lang uninom but she wanted a change of ambiance kaya pumunta kami sa malapit na pub.

"Alam mo naman siguro na dagdag kita na sa club namin kung doon ka uminom, 'di ba?" I frankly told her amidst our drink.

"Yuh. But tonight's special. You're going to disobey your club rules after we drink. You know I never let you feel guilty and bring you outside for special nights like this." Diane really knows guys like me. Alam niya kung ano ang kailangan ng mga gipit na kalalakihang naghahabol sa kanya para sa pera.

"Do as you wish." I simply give in. She's right anyway.

It's almost twelve midnight when we finished drinking. Diane is quite tipsy, and we are about to go to her car and drive to the nearest hotel. Pero mukhang hindi na natiis ni Diane ang init ng katawan niya dahil habang naglalakad kami sa huling eskinita patungo sa parking lot ay bigla na lang niya akong sinunggaban sa baba.

Napatingin ako sa mga taong nasa paligid. Buhay na buhay na ang red light district. Pero wala silang pakialam sa amin, they also have their own business. Ngunit kailangan pa rin namin ng privacy. That's why I grabbed Diane inside the narrow alley.

I kissed her neck up to her lips as she continued to massage my buddy. Of course, I also have to return the favor and make her feel good so grabbed her ample bosoms. She was moaning in between our kisses. It's getting deeper so as my hands on her body. We have to occasionally stop to gasp some air and continue again. Suot niya ang napakasikip na pulang damit na hanggang hita niya lang. Isang manipis na strap lang naman ang nakakabit sa balikat niya kaya madaling abutin ang kanyang hinaharap.

We're in ecstasy. Painit nang painit ang katawan naming dalawa. Inangat ko ang kanyang palda at handa na sana sa tunay na aksyon nang biglang may malakas na kalabog kaming narinig mula sa itaas. Pero mas ikinagulat namin nang bigla itong bumagsak sa mga kahon na nakatambak sa gilid namin.

"W-What the f*ck is that?" galit na bulalas ni Diane.

Kaagad akong humakbang para tingnan kung ano ang bagay na iyon. Diane seized my wrist to stop me, but I still insisted and continued to approach it. Nasa likod ko si Diane. She's basically still h*rny as she keeps rubbing her chest against my shoulders pero kaagad din itong nabalewala nang makita namin ang duguan na kamay na natatabunan ng maduduming karton.

"AAAAH!" Diane shrieked in shock and hastily run away leaving me behind with a dead body... maybe?

"D-Diane! HOY!" tawag ko sa kanya, ngunit bigo niya akong marinig dahil sa sobrang takot.

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, nihindi nga ako sigurado kung buhay pa ba ang lalaking ito. Luminga-linga ako sa labas ng eskinita at baka may nakapansin kay Diane noong sumisigaw siya. At para masigurado kung buhay o patay na talaga ang lalaki bago ko ireport sa polisya, hinawi ko ang mga karton na nakatakip sa mukha at ilang parte ng katawan niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na mukha ng lalaki. Pero kinilabutan ako nang bigla siyang gumalaw at huminga ng malalim na para bang naubusan ng hangin.

"Oh sh*t. I thought I was going to die," anito bago muling nawalan ng malay.

What is Axel Wesley doing in this area?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top