CHAPTER TWENTY-FIVE

* * *

Red Mansion. Sa kabila ng itim nitong kulay at madilim nitong aura ay tinatawag pa rin na Red Mansion ang mansyon na pinamamalagian ng libo-libong mga bampira at ng kanilang Supreme.

Libo-libo. Bago pa man nangyari ang pantratraydor ni Ronaldo sa sariling kapatid ay may libo-libong bampira ang mansyon na ito. Alpha, beta, at gamma. Magkaiba man ang kanilang mga antas at abilidad ay lahat sila ay mapayapang namamalagi rito. Naging tuluyan ito ng maraming dayuhan na bampira na bumibisita sa bansa. At pati na rin ng mga bampira na inaabuso ng mga tao at nawalan ng mahal sa buhay at tahanan.

Ngunit nang sumiklab ang pagtatangka ni Ronaldo sa Supreme ay nahati ang mga bampira.

Si Ronaldo ay isang ambisyosong bampira. Hangad niya ang lahat ng kapangyarihan sa mundo ngunit hindi siya ang para dito. Sadyang hindi angkop para dito ang kanyang dugo. Si Ronaldo ay ampon ng dating Vampire Supreme. Siya ay isang ulila bago siya kinupkop nito. Nakaligtas siya sa unang digmaang pandaigdig kung saan ang kanyang mga magulang ay national weapons ng bansang Alemanya.

Itinuring siyang tunay na anak ng Supreme, at tunay na kapatid sa kanyang tagapagmana na si Maximilian . Gayunpaman, tila kinasusuklaman ni Ronaldo ang katotohanan na si Maximilian ay higit sa kanya sa halos lahat ng aspeto. Pinangarap pa niyang makuha ang trono ng Supreme. Ngunit dahil hindi siya isang tunay na Lorenvetti ay imposible na mapasakanya ang trono. Tanging ang mga Lorenvetti na direktang mga inapo ng mga orihinal na bampira lamang ang maaaring maging Supreme dahil dugo nila ang may hawak ng sikreto ng nakatagong lipunan ng mga bampira.

Lumipas ang higit isang siglo simula noong pumanaw ang dating Supreme dahil sa katandaan. Si Maximilian na ang bagong Supreme at hindi ito nagustuhan ni Ronaldo. Hindi rin nagtagal ay isinagawa na niya ang kanyang matagal na planong pagtatraidor kay Maximillian. Bago pa pala lumisan ang dating Supreme ay nanghimok na si Ronaldo ng mga bampirang maaari niya na isama sa gagawin niyang pag-traidor.

Malakas ang mga Lorenvetti, hindi lamang sa pisikal ngunit pati na rin ang kanilang impluwensya. Alam ni Ronaldo na hindi niya kayang pantayan ang lakas ni Maximilian, kaya naisip niya na subukan ang isa. At sa hindi inaasahan, ito ay naging napakadali. Lalo na at ginamit niya ang dahilan ng paghihinganti sa mga mortal na siyang nagtutulak sa mga bampira na magtago sa dilim at mamuhay ng palihim.

Ngayon, sa kasalukuyang panahon ay nagtatago na si Ronaldo. Nasa kanyang panig ang higit sa kalahating numero ng mga bampira sa mundo. Nakumbinsi niya ang maraming house clan na itigil ang kanilang tulong at pakikipag-ugnayan sa Red Mansion.

Nagsimula na rin silang lumikha ng mga bampira sa pamamagitan ng mortal vampirization. Ang lahat ng ito para sa pagbagsak ng mga Lorenvetti.

Sa basement ng Red Mansion ay makikita ang bakal na tarangkahan na magdadala sa silid na tila ipinagkait ng liwanag sa labis na kadiliman. At tanging tatlong tao lamang ang maaaring pumasok. Ang Supreme, ang lider ng mga alpha vampires, at ang lider ng mga beta vampires.

Madalas itong tahimik. Ngunit iba ngayong araw, dahil nasa silid na ito ang bampirang nadakip ni Mateo.

Walang kakaibang atraksyon sa loob ng silid maliban ang isang silya at lamesa. May halong dugo ng Lorenvetti ang masa ng sementong ginamit sa paggawa ng silid na ito kaya ay hindi basta-basta makakapasok ang sinuman na bampira kung walang permiso sa isang Lorenvetti. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi maaaring gumamit ng teleportation ability ang mga bihag dito.

Because it is not a Lorenvetti's will. Ika pa nila sa tuwing may pagbabawal na nagaganap sa isang bampira.

"Tell me that you are being forced," wika ni Mateo na nakatayo sa harap ng bampirang kasama ni Bernard nung gabing inambahan nila si Axel sa tapat ng unibersidad nito.

"Sino ang napipilitan?" tugon ng lalaki at saka mahinag tumawa. "Ako? Pasensya na pero hindi ako napipilitan. Kagustuhan ko ang sumapi kay Ronaldo dahil ayaw ko nang magtago." Huminto sa pagsasalita ang lalaki, bumuntong-hininga at muling nagsalita. "Bakit ba kailangan natin na magtago sa mga mortal? Hindi hamak na mas malakas tayo sa kanila," pangangatwiran niya.

"Yes, that's true but that is not an excuse to act violent. Kagaya na lang ng kung paano ka makitungo sa mga alpha mong kasama," sambit ni Axel.

Madilim man ang silid ay balewala ito sa tatlong mga bampira na tila may built-in na night vision sa linaw ng kanilang mga mata.

Tumawa ulit ang lalaki sabay buga ng hangin. "Ha! Anong pakikitungo? Mga hunghang ang mga mortal. Natatakot sila sa mga mahiwagang bagay. Natatakot sila sa mga hindi nila kayang maipaliwanag. Inaalis at pinapatay. Kagaya na lang natin na mga bampira. Naging laman tayo ng mga libro at telebisyon nila, pero nang malaman ng iilan sa kanila na totoo tayo, nais nila tayong ipapatay kesyo mahina sila at malakas tayo ay sasaktan na natin nila!" Huminga ng malalim ang lalaki. "Ayaw ko na tapos na akong maniwala sa kanila. Ang mga mortal ay walang iba kundi mga tanga na tanging sarili lang nila ang kanilang iniisip."

Hindi pag-aari ng mga mortal ang mundo. Oo. Ito ay totoo. At ito rin ang pinanghahawakan ng karamihan ng mga bampira sa panig ni Ronaldo. Pagod na silang magtago at matakot sa mga mahihinang nilalang na ito. Panahon na para sila naman ang maging malaya at maghari sa mundo.

Hindi kaagad na nakasagot si Axel dahil alam niyang may punto ang kanilang bihag. Ngunit iniisip niya pa rin kung ano ang pagkakapareho na mayroon ang isang bampirang kagaya niya at ang mortal na tulad ni Miller.

"We all have someone important to us. We have our own beliefs. We have things we like. Kung aalisin ang kakayahan na meron kami at mga kakayahan na wala ang mga mortal..." "They are just like us," malakas niyang sambit sa kanyang nasa isipan.

"Just like us?" pangungutya ng lalaki, "Pinatay nila ang mga magulang ko sa probinsya!"

"It was because your parents killed their fellow," sabad ni Mateo na hindi na natiis ang pagdadaldal nito.

"Kasalanan ba namin na mahina sila?"

"Why can't you understand that humans still live the same way with us? We kill other creatures to survive, they become angry and confused just like us. The only disadvantage they have is that they are simply humans - no magical powers, no vampire abilities, and no extraordinary skills at all," paliwanag ni Axel sa kalamadong paraan sa kabila ng bugso ng emosyon na kanyang nararamdaman sa kaloob-looban.

"Kumakampi ka ba sa kanila?" Palipat-lipat ang mga mata ng lalaki sa dalawang bampira na nasa harapan niya. "Kayo? Kayo na mga bampira?"

"No. Of course we don't. We don't side with them, we are with the vampires. With us. And we don't even have to be brutal about it. We can be loyal to our kind without killing the humans and turning them into one of us," pangungumbinsi ni Axel.

"I'm sorry to pop your bubbles but Ronaldo is only using your hatred towards humans to reach his own goals," ani ni Mateo sabay buntong-hininga. Hindi niya akalain na ganito na lang katuso si Ronaldo para lokohin ang sariling kalahi.

Ngumisi ang lalaki. "Hindi niyo kilala si Lord Ronaldo. Wala kayong karapatan na sabihin 'yan sa kanya."

"How dare you say that?" pasaring ni Mateo, "Do you even know who we are? It's bold of you to say that without even knowing our names and positions. You've been in the mountains for too long and did not even dare to come for our aid, then easily got fooled by Ronaldo. All because you want justice for your family's death. You are a vampire. Death is luxury for us. Stop blabbering too much nonsense if you haven't been living half of our lives, young vampire."

Binalot ng nakakabinging katahimikan ang madilim na silid. Hindi nakasagot ang lalaki dahil sa katotohanang ibinulalas ni Mateo. Hindi siya makapaniwala na alam nito ang kanyang tunay na edad.

"You know what," ang pagbasag ni Axel sa katahimikan, "this conversation is meaningless. We are only going in circles. Regardless of what we say, you will never believe us because you already have your traumatic experience with humans." Nanatiling nakatikom ang bibig ng lalaki at umiwas ng tingin sa dalawa. Lumipas ang ilang segundo at muling nagsalita si Axel. "I can't listen to Ronaldo's lies anymore. I better leave, marami pa akong gagawin. Tell me about it when we meet again, Mateo," saad niya sa kaibigan bago naglaho.

Bigla naman na nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng silid. Si Mateo at ang lalaki na lang ang naiwan sa loob. Nararamdaman ng lalaki ang pausbong na pwersa sa hangin. Para bang nasa loob siya ng pinakuluang tubig at dahan-dahan na tumataas ang init nito kasabay ang paglakas ng matinis na tunog ng naipit na mainit na hangin.

"Now... tell me how you turn humans into vampires," sambit ni Mateo na nagliliwanag ang pulang mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top