CHAPTER TWENTY-EIGHT

* * *

"My Lord," ani ni Axel sa likod ng pinto ng silid ng Vampire Supreme. Malayo man ay rinig pa rin ng Supreme ang boses ni Axel sanhi ng matalas nitong pandinig.

"Come in, Archer," tugon ng Supreme.

Archer, ang dating pangalan ni Axel ilang daang taon na ang nakaraan. Isa ito sa tatlong pangalan na papalit-palit niyang gamitin. Archer, Ace, at Axel. As sa bawat henerasyon ay may iba't iba silang personalidad at propesyon. Ngunit iisa ng sekreto, at ito ang pagiging bampira.

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Axel sa kanyang pagpasok at kaagad na nagbigy ng impormasyon, "I have talked with the clan leader in Central Visayas. But, he still refused to help us."

"Ano raw ang kanyang rason?" tanong ng Supreme.

May matalas na dulo ng mga mata at makapal na kilay si Maximilian. Ang kanyang labi mapula ngunit may kauntin linya sa gilid nito na mas mapula at halos kulay kayumanggi na. May matangos din siyang ilong at makakapal na pilikmata. Hindi maitatanggi na may edad na ang tunay na anyo ng Supreme, lalo na at higit isang milenyo na siya sa mundo. Gayunpaman ay tulad ng lahat ng bampira ay may kakayahan siyang magpalit ng anyo ay madalas na gamit ang anyo ng isang gwapo at matipunong binata na nasa edad na dalawampu't anim na taong gulang.

"He said they are also having a scarcity of human blood," sagot ni Axel, " The humans are being vigilant with the previous news of death made by Ronaldo's group. And the doctors of the hospitals they are acquainted with refuse to give them more than the amount they originally have as they begin to doubt us."

"He did not wonder why we needed more blood?"

"No, My Lord."

Sa kay tagal ng panahon ay ngayon lang nagkaroon ng kakulangan ng supply ng dugo ang mga bampira na naninirahan sa Red Mansion at mga kalapit nitong clan. Ang clan ay ang tawag sa grupo ng mga bampira na naninirahan sa isang rehiyon sa buong mundo. Nakakalat din dila sa buong Pilipinas at madalas na ang clan leader ay ang piankamatandang miyembro ng pamilya. Hindi kinakailangan na sila ay magkadugo, basta ba at tanggap sila sa grupo. At ang mga taong nasa Red Mansion ay miyembro rin ng iba't ibang clan na nagtipon-tipon para tulungan ang Supreme sa pagbabalanse ng relasyon ng mga bampira sa iba pang nilalang sa mundo.

Subalit, ngayon na ang labanan mismo ay bampira sa bampira ay nagkakaroon ng opresyon pagdating sa supply ng dugo. Nababawasan ng mga hospital na taga-supply ng blood packs ang mga bampira sa capital dahil sa pananakot ni Ronaldo sa mga taong doktor na kasundo ng Supreme. Malamang ay pinagbantaan na niya ang mga ito na gagawing bampira kung ipagpapatuloy ang pakiki-ugnayan kay Maximilian, o mas masama pa ay baka ginawa na niya itong mga bampira.

"Okay. Mukhang wala na tayong magagawa if they are also scarce. Then, how about your experiment? Are there any significant findings?" Pagbabago ng paksa ni Maximilian. Nais niyang makarinig ng bagong balita na papawi sa sakit ng kanyang ulo.

"Recently, I compared two specimens..."

Panimula ni Axel na kaagad naman pinutol ng Supreme. "Oh, yes. You mentioned them, and both are exposed with vampire's essence, am I right?"

"Yes, My Lord," agad niyang tugon, at agresibong dinagdagan ito upang hindi na ulit masingitan pa. "The specimen #1 had passed away yesterday, the assistant informed me. It happened most likely a month after it received the essence. Seems like it experienced an incompatibility with the vampire essence."

Ang specimen na tinutukoy ni Axel ay isang mortal. Ngunit dahil ipinagbabawal ang basta-basta na pagkuha ng mortal para pag-eksperimentuhan dahil labag ito sa moral na ethics sa parehong nilalang – tao man o bampira – ay kumuha si Axel ng taong may nilabag na malaking krimen. Hindi kagaya ng sa mga mortal, may konting pinagkaiba ang mga bampira pagdating sa moral.

Great sinner has lesser moral value. Dala ang ganitong pananaw ay kumuha ng mamamatay-tao si Axel. Isang tao na hinatulan ng kamatayan ng korte kaya kung anuman ang mangyari sa kanya, maging bampira man siya o hindi ay hindi na mahalaga – kikitilan pa rin siya ng buhay.

"How about the other one?"

"T-That one," kinakabahan na sambit ni Axel, "it just previously tested so the essence has yet to reach a month. More likely, it is still its third week, and will soon reach the same duration as specimen #1. Yet, so far, unlike the previous one, it does not display any hostility to the essence yet," paliwanag ni Axel.

Nakahinga siya ng maluwag pagkatapos niyang ipaliwanag ang specimen #2 niya. Paano naman na hindi kung ang ikalawa niyang specimen ay isa ring mortal, ngunit ang isang ito ay inosente at hindi man lang niya maayos na naipresenta sa Supreme. Kaya kinakabahan siya at baka hanapin niya ito at nais na makita ng personal.

Wala niisa ang nakakaalam kung sino o ano ang specimen #2 ni Axel. Ganun din siya, lalo na at aksidente niya lang din itong nahanap.

Oo. Ang ikalawang specimen na tinutukoy ni Axel ay si Miller. Nangyari na rin naman na nagkaroon ng contamination ng vampire essence ang mortal ay mabuti pa kung pakinabangan ito ni Axel. Lalo na kung may bago itong pinapakita na findings.

"Great. That's great. Masaya ako na marinig na may pagkakaiba na nakikita sa mga experiments mo." Huminga ng malalim si Maximilian at sumandal sa kanyang upuan. Pagod na siya at maraming iniisip na problema at kalahati ng mga ito ay wala pa ring solusyon. "Keep it going, we can't lose to Ronaldo's henchmen. He is slowly creating an army with the vampirized humans he has."

"Yes, My Lord."

"I'm glad. You may leave." Ngumiti si Maximilian at sunod na yumuko at naglaho sa kanyang harap si Axel.

* * *

"So how was the Supreme?" tanong ni Mateo kay Axel sa sandaling lumabas ito sa mansyon.

Nasa malawak na open field si Mateo kasama ang lima sa kanyang mga tauhan. Nag-eensayo ang mga ito para palakasin ang kanilang mga katawan. Hindi man gaanong pansin mula sa malayo pero kagagaling lang sa mahabang tulog ang limang alpha matapos umuwing sugatan sa laban kontra sa mga tauhan ni Ronaldo.

Nang makita ni Axel ang mga ito mula sa baba ng hagdan ng harapang pinto ng mansyon, alam na niya na hindi magtatagal ang usapan nila ng kaibigan.

"He was obviously worried. He even asked me about the findings of my experiments which he doesn't usually ask." Kaya naman, pinili niya na sumagot ng maayos imbes na makipag-biruan.

"Looks like he sure is in a hurry. He must be really anxious for his family," komento ni Mateo. Nagbago ang tindig ni Mateo, unayos siya at nag-krus ang kanyang mga braso. "Father told me about his conversation with the Supreme."

"And, how was it?"

"He said that the Supreme wanted to hide the young lady. But with Ronaldo's henchmen lurking anywhere would be dangerous," alalang sambit nito na tila ba nag-iisip din sa posibleng solusyon dito.

"Then, what's the plan?"

"That... father did not tell me about that. It must be something that only him and the Supreme must know."

"I understand." Tumango si Axel, pero kaagad din siya na lumingon sa open field at tumango sa silangan. "What are you up to now? Everyone looks serious," tanong niya na tinutukoy ang mga alpha na nag-eensayo sa hindi kalayuan.

"I am training them, their bodies have weakened. Just like you, some of them were hunted by Ronaldo's men, pursuing them to join against the Supreme. They fought hard and had to recover quickly, this is the last stage, exercising," paliwanag ni Mateo.

"Through sparring?" Hindi siya makapaniwala na kaya pa rin ng mga ito na gumalaw at makipag-sparring sa kabila ng trauma na maaaring natamo ng kanilang katawan.

"Yes."

"I really don't understand how alphas' bodies work," sabi ni Axel. Mabilis man na maghilom ang sugat ng mga bampira ay hindi pa rin sila Diyos para hindi makaramdam ng kirot sa katawan. Kahit na sabihin na mabilis na naglalaho ang sugat ay katumbas pa rin ng sugat (sa isang mortal) ang mararamdaman ng mga bampira.

Napangiwi na lang si Axel nang maalala ang nga sandaling tadtad din siya ng sugat sa katawan gawa ng mga kalaban nila.

"By the way, Kristoff told me you went home pretty drunk last time," pag-iiba ni Mateo ng paksa.

Nataranta si Axel at mananahimik na lang sana. Saglit siya nabulol nang maisip na mas magiging kahina-hinala kung magsisinungaling siya tungkol dito. "Wha– What? He told you that?"

What a noisy kid! He better not tell him more than that information.

Tumango si Mateo, pero hindi kagaya ng inaasahan ni Axel ay hindi ngumisi si Mateo. Nihindi siya nito tinukso, imbes as seryoso itong nagsalita. "Yes... Ax, stop looking for your father. We'll catch him soon and you'll find what you've been looking for."

"That... That would be great." Tahimik niyang tugon. Masaya man siya sa magandang sinabi ng kaibigan ay hindi pa rin niya maiwasan na magalak dahil wala ng ibang bagay na lumabas pa sa bibig ni Mateo.

"And, please, you should refrain from drinking late," paalala ulit nito, "Being a beta makes you an easy target already, don't be too careless."

"Su-Sure. I was not really being careless." Sa katunayan ay hindi sa labas uminom si Axel. Sa gabing iyon ay sa loob siya ng kanyang silid uminom. Ngunit sanhi ng kalasingan, nang nag-teleport siya patungo sana sa kusina ay sa labas ng pinto ng kanyang unit siya napunta. "I-Is there anything else?" tanong niya sa kaibigan. Baka kasi naidaldal na rin ni Kristoff ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Miller. Oo, abot ng alaala ni Axel ang sandaling 'yun.

"Hm. Nothing more. Why? Is there anything else?"

"N-No. Nothing more," aniya at mabilis na sinabi na, "Sige. Babalik na muna ako sa lab ko." Bago nawala sa harap ng kaibigan.

Ilang gabi na rin ang dumaan nang mangyari ang gabing muntik na niyang maging bagong pagkakamali. Konti na lang at makakalimutan na niya ito kung hindi lang sana nagsalita tungkol dito si Mateo.

"Of all times," mutawi niya, "ngayon pa na kailangan kong makita ulit si Miller para tingnan ang kondisyon niya."

Huminga ng malalim si Axel, at kaagad din na bumuga na higit pa sa kanyang nasimot na hangin.

Why am I being anxious about it? He is a mortal, and it is not like he is the first man I kissed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top