CHAPTER THIRTY-TWO


M I L L E R

"How is your subordinate's training? Are they getting any improvements?" rinig kong tanong ni Axel.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan ng dalawa kanina. Akala ko nga ay tapos na silang mag-usap. Akala ko ay sa wakas makakatulog na ako, pero malinaw pa rin pala ang mga boses nilang dalawa. At malinaw na hindi pa sila tapos sa pag-uusap nila.

"You've seen the seniors who got injured, right? They are doing well. While the newbies are still in training, they can take it slow. Really. However, by the way our enemy is trying to make things more difficult for us by cutting off our blood supply, and constantly developing abnormal vampirization to humans. I'm afraid that I will have to deploy them with the skills they have right now."

Hindi ko na naman narinig ang boses ni Axel. Pero ilang minuto rin ang lumipas ay nagsalita na siya.

"I'm sorry."

His words and tone surprised me. He sure sounds regretful and dejected.

"Ax!" Mateo shouted, which made me more surprised, "Don't be such a downer, we know that it was not your fault."

"I... I am not a child, Mateo. I know which is which, and I know what being at fault means. You don't have to keep spouting such lies."

Mateo sighed loudly, loud enough for me to even know it despite just listening to their voices.

"Axel, you seem so tired. With all the chasing they did to you, and the work you have in the Supreme's office. You have to rest and get yourself together."

"I am not tired, Mateo."

"Your body might be not, but your mind sure is tired. Everyone around you, especially the ones who know you best, can tell it by just watching you." Isa na namang panandaliang katahimikan ang dumating sa dalawa, at ilang segundo rin ang lumipas ay muling nagsalita si Mateo, "I must leave. I left vampire blood in your kitchen, in the refrigerator. You have that human with you anyway so you will have enough human blood... Rest, and I will take care of the Supreme about this matter."

"Mateo! Please, do not tell the Supreme yet."

"Why? Do you intend to lie longer to the Supreme about that human? Won't you get rid of him?"

"No. I will tell him myself soon. Just... Just let me confess my own mistake. Besides, I've been consuming his blood through biting and we kis– he already has a lot of vampire essence in his system. It's too late to get rid of him... I can't get rid of him."

Axel's voice sounds defensive. He seems to be trying his best to convince Mateo. Para bang alam niya na hindi ito basta-basta papayag sa gusto nito unless he give him a proper reason.

Hindi ko na narinig pa na sumagot si Mateo, imbes ay naiwan na lang ang isa na namang malalim at malakas na buntong-hininga. This time I am sure that it does not belong to that guy but from Axel. Mukhang umalis na si Mateo.

Of course, I shouldn't be waiting for the sound of the closing door since he might not use it. Maaaring nag-teleport na siya paalis.

Either way ay hindi na ako lumabas maski na alam kong umalis na siya. For some reason, I am aware that Axel is still in the living room and he wanted to be left by himself.

Hindi ko alam pero tumalas ang pakiramdam ko. Naalala ko ang sinabi ni Kristoff na sabihin ko sa kanya kung may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko. I was about to grab my phone when I heard Axel's heavy footsteps, then a creaking noise of the door's hinge echoed as it slightly slammed close. Pumasok na siya ng kanyang kwarto.

Now, I remember about Axel referring me as specimen #2. Hindi ko alam. I suddenly felt pathetic for being used by him, but at the same time I am relieved. At least nadagdagan pa ang rason niya para hindi ako iwan.

And why I thought about it is still a mystery to me.

* * *

I have the freedom to wake up any time I want the following morning. Hindi sa tinatamad ako o dahil may sakit ako, but because my morning class was rescheduled. Mukhang abala ang prof namin sa araw na ito at kailangan mag-resched ng meeting sa Sabado.

Lately, I feel so out of place. The classes are not the same anymore. I feel that something is wrong. I'm not sure if I am reaching the lowest point of my academic attention, pero ayos naman ang performance ko. It's just, I don't feel fine at all after all the things I discovered about this world. Like for example, the vampires.

Kahit gising na gising na ay hindi pa rin ako bumabangon. I stayed in bed for a while. I only got the will to stand up when I felt my stomach aching for food. I checked the clock beside the bed to see if I woke up late.

Hindi akin ang relo. May mga gamit na kasi ang kwarto na ito bago pa ako lumipat. The room has a bedside table, night lamps, and an alarm clock. The bed has its sheets and pillows. It feels like an accommodation rather than a personal bedroom. Kaya naman hindi ko na binago ang ayos dito, maliban sa lagyan ng mga damit ko ang kabinet ng kwarto.

When I checked the clock, its long hand was still at seven while the smaller one was in front of eight.

Maaga pa. And I thought I woke up at 10 AM because I am feeling this extreme hunger.

Kinuha ko na ang tank top ko at sinuot na ito bago ako lumabas. Just as expected, wala na sa sala si Axel. Dumiretso na ako ng kusina para magluto. I opened the fridge only to see a half full pitcher of blood. This must be the vampire blood Mateo left for Axel.

Goodness, how can they store such a thing inside their refrigirator as if it's just grape juice? Hindi ito ang first time kong makakita ng dugo sa ref ni Axel. But this sure is my first time to see blood stored in a pitcher instead of a blood bag (or packs, as what the vampires called those).

Hindi ko na ito ginalaw at kinuha na lang ang mga kailangan ko. I cooked something quick, like egg and bacon. Kumuha na rin ako ng instant noodles sa supply ni Axel. Gutom na gutom na ako wala na akong oras para magluto ng komplikadong putahe.

While eating alone, my mind started to wonder about Axel's words last night.

"...I've been consuming his blood through biting and we kis– he already has a lot of vampire essence in his system. It's too late to get rid of him."

That sure sounds alarming. Hindi ko tuloy maiwasan na usisain ang sarili ko.

If I were to be honest, I truly felt more than simple hunger these past few days. This began some time ago, noong ikatlong beses na kumagat sa akin si Axel. That's when I felt extra hungry. Pero binalewala ko lang 'yun. Hindi rin naman kasi masyadong kakaiba ang ganung pakiramdam sa mga araw na 'yun. I barely have money to spend on my food. Ngayon na medyo nakaka-luwag-luwag na ako, iniisip ko na lang na ito ang paraan ng katawan ko para maningil sa mga araw, buwan, at mga taon na nagkulang ako ng pagkain sa tiyan ko.

But then last week, I felt another urge... I am extremely thirsty. Even earlier when I wake up a glass of water is not enough. So, I decided to grab an instant noodle at baka kailangan ko lang humigop ng mainit na sabaw.

"I guess it is not the soup that I need," sambit ko. I am still unsatisfied.

Nang matapos na akong kumain ay uminom ako ng tubig. Yet, the dry feeling in my throat still remains as if the water evaporated inside my mouth before it reached my throat. It's painful. I even drank eight times.

Tumungo ako ng ref para kumuha ng juice. Nakita ko kasi ang isang litro ng four seasons na juice sa pinto ng ref. I took it and gulped it empty. Pero ang matamis lang na lasa ang dumaan sa lalamunan ko.

"Kailangan ko atang magpa-check-up." Baka kasi hindi lang pagtuyot ng lalamunan ang maramdaman ko. Baka pati na rin ang pagsakit nito. Ayaw kong maka-istorbo ito sa trabaho ko.

Hindi ko namalayan na higit isang oras na pala ako sa kusina. Trying to figure things out. Lumabas na ako. Pabalik na sana ako ng kwarto ko when I heard the suppressed grunting somewhere.

"Ngh... ngg... ahng..." Noong una ay nagtutunog taong nabibigatan sa mga dala niya ang mga ungol na ito, Pero nang huminto ako para makinig pa ng maigi ay nagbago ito ng tono. "Ah! Ngg... ahng! Haa... sh*t... ngh- ah!" Ang tahimik na ungol ay nahaluan ng nasasaktang sigaw. Para bang maya-maya siyang hinahampas.

Nag-aalinlangan akong naglakad patungo sa pinto ng kwarto ni Axel. I am sure na dito nanggaling ang tunog na iyon. Since I am outside and it is just us in this unit, whose voice that would belong?

Humakbang ako ng isang beses palapit sa pinto. Pero sa palagay ko ay naka-lock ito. Simula nung lumipat ako ay hindi pa ako nakapasok sa kwarto ni Axel. Ni-pagsilip ay hindi ko pa nagawa. I have zero idea what's in his room.

Humakbang ako ulit, but this time pabalik na sana sa kwarto ko when another, "Ah! Sh*t!" echoed from the other side of the door.

I am starting to get more conflicted. Idagdag pa ang hindi karaniwang pagtalas na naman ng pandinig ko. Axel's breathing... I can also hear them just like whenever he has to drink my blood and have his mouth near my ears enough for me to hear his breath and feel its warmth against my skin.

Ipinatong ko ang kamay ko sa door knob. Pero sa hindi inaasahan, nang subukan ko itong pihitin ay bigla na lang itong pumilipit ng tuluyan sanhi para mabuksan ng bahagya ang pinto.

"It's open."

Hindi ko ito inaasahan, I still went inside. Nabuksan ko na rin naman. Tumuloy na ako sa loob.

Wala namang masyadong espesyal sa kwarto ni Axel. It is very similar to his mansion. It has the exact same furniture inside my room except to the three large porcelain flower pots. Walang mga bulaklak ang mga flower pot pero may disenyo silang bulaklak. Ang kurtina ng kanyang kwarto ay may kulay pink at berdeng kulay ng bulaklak. His bedsheet is pure color of snow but his tables is adorned with rose flowers. Although those are made out of plastics, they still look fresh and real beside him.

At sa kama naman ay makikita si Axel na nakahiga. Para siyang hipon na nakabalot ng manipis na kumot at mga unan. Para bang nilalamig siya kaya chineck ko kung malakas ba ang aircon sa kanyang silid. Kaso wala akong makitang aircon. I guess he is not cold.

His room is the exception of the boring condominium unit dahil sa mga disenyong bulaklak. Kaya pakiramdam ko rin ay nasa loob ako ng mansyon niya.

Nakatayo pa rin ako sa pintuan. Still wondering what could have happen for him to act this way. At naalala ko nga ang sugat niya kagabi. It was long, although it did not bleed. I'm sure it was deep. May mga paraan lang talaga siguro sila para hindi masyadong dumugo ang mga sugat niya. It's no longer a surprise since mga bampira sila.

"Ahng!" iyak ulit ni Axel.

Ilang beses ko na ba siyang nakita sa ganitong sitwasyon?

He sure is helpless.

Humakbang na naman ako ng isang beses palapit sa kanya nang umurong ng bahagya ang kanyang paa. He then slowly moved his eyes open. Hindi siya gumalaw, tanging ang mga mata niya lang. He looked at me with sleepy eyes and panting breathe. Then, unexpectedly he reached out his arms. He seems inviting me to hug him.

"Miller..." He uttered in a quiet voice, almost a whisper.

"I am here."

"Blood... I need it." As his voice volumed up, the raspy quality revealed. Tila ba natuyo ang kanyang lalamunan.

Nagdadalawang-isip ako nung una. Parang kagabi lang kasi nung huli siyang uminom. Pero nang tinulak niya ang sarili para makabangon sa kama, at nabigo. Napansin ko ang mahihina niyang mga braso.

Tumalikod ako at balak pa sana na pumunta ng kusina para kumuha ng kutsilyo para sugatan ang sarili ko.

"Miller..." But hearing him helplessly calling my name again lit a fire in me.

Huminto ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kama niya. Saglit akong napatingin sa braso kong walang kasugat-sugat dahil napagaling na ito ni Axel kagabi.

Now that I think about it, bakit napapahilom ni Axel ang mga sugat na sanhi ng paghiwa ko gamit ang kutsilyo? If he bit me, that won't be too much of a mystery dahil napaliwanag na niya ito dati.

Habang nag-iisip ay maayos kong inalalayan sa pagbangon si Axel. With his head in my arms, I carefully hold his waist to maintain his seating posture. Nang magawa ko na ito ay nakasandal na siya sa pagitan ng braso at gilid ko, with his head on my shoulders. Itinaas ko ang isa kong braso sa tapat ng bibig niya.

"Go. Bite it," ani ko na inilalapit pa ito sa kanyang bibig na para bang nag-aaya lang na kumain.

Hindi na rin nagdalawang-isip si Axel at ibinuka ang kanyang bibig. With his fangs revealed, he is ready to take a bite for my blood.

Sa lahat ng mga pagkakataon na kinagat niya ako, ito na ata ang pinaka-mahina. Ang pinaka-maingat.

Akala ko ba ay magaling na siya? Akala ko ba ay ininum na niya ang dugong hinalo ni Mateo kagabi?

As Axel continued to gulped my blood, hindi ko maiwasan na tumitig sa parte kung saan naka-konekta kaming dalawa – ang kanyang mapulang labi. Hindi dahil sa ito ang natural na kulay nito kung hindi dahil sa dugo ko na tumatagas sa gilid ng labi niya.

"Haa... Haa... Haa..." Ang mabagal at malakas na pagbuga ng hangin ni Axel sa kanyang ilong sa bawat lagok niya ng dugo ko.

Seconds later, these desperate gulps halted. At sunod ko na lang naramdaman ang mahinang pagbagsak ng ulo ni Axel sa dibdib ko. Nakapikit siya at normal na humihinga. Mukhang nakatulog siya ulit.

"Axel?" tawag ko sa kanya baka sakali ay nagkakamali ako. Pero hindi siya sumagot kaya hinayaan ko na lang siya. Maingat ko siyang ibinalik sa kanyang pagkakahiga at pinunasan ang duguan niyang labi.

At nang palabas na ako ng silid niya. Sa sandaling isasara ko na ang pinto ay bigla akong nakaramdam ng hapdi sa braso ko.

"Oh. I am still bleeding." Hindi ko pala napagamot kay Axel ang dalawang malalim na sugat na sanhi ng kagat ni Axel sa braso ko.

Napatitig na naman ako sa kanya mula sa pintuan.

He is sleeping soundly. It will be a shame if I wake him up.

Nagbuntong-hininga ako sabay sara ng pinto. Siguro mamaya ko na lang 'to ipapagamot sa kanya. May first aid naman akong dala.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top