CHAPTER THIRTY-SEVEN




M I L L ER

"What... What happened to him?" gulantang kong tanong habang papalapit sa kinaroroonan nila Dan at Axel.

"Who is that?"

"Wait. What just happened?"

"Kilala mo ba siya, Miller?" tanong ni Dan sa akin sa sandaling nakalapit na ako.

"H-He is my roommate."

"You have a roommate?" ani ni Diane na sumunod pala sa akin. Ganun din si Israel na mukhang sakto na kalalabas lang ng staff room at nakita si Dan na akay-akay si Axel.

"Akala ko ba ayaw mo ng roommate?" sabi ni Dan.

Bigla ko tuloy naalala na tinanggihan ko siya noon nung inaya niya ako na tumira sa iisang apartment para makatipid kami sa renta.

"Uh... I recently got one. It's a long story but you're right, I get to save more." I guess I can say that? But the truth is I save way, way more. I don't even get to pay the rent, and the place is a condominium unit at that.

"What happened to him?" Diane popped behind my back. She stared at Axel with extreme curiosity.

"Exactly. Dan, nakita mo ba kung ano ang nangyari?" While asking I also wonder if Diane remembers Axel's face. But I recall that she ran that night with just the sight of his bloody torso kaya siguro naman ay hindi siya familiar kay Axel.

"Uh, hindi ako sure," sinubukan ni Dan na kamutin ang ulo niya kahit na nahihirapan na siyang ituwid ang tindig dahil sa tao sa kanyang balikat, "Pasuray-suray siyang pumasok. I thought he's drunk, tapos tinanong niya ako tungkol sa'yo. Kaso bago pa man ako makasagot natumba na lang siya bigla. Kumapit siya sa lamesa kaya nasalo ko siya bago pa man siya bumagsak ng tuluyan sa sahig."

Just when he finished narrating what happened, Axel softly uttered, "Miller."

"That too. Panay pa rin ang tawag niya sa'yo kahit lupaypay na siya. Hindi ko na alam ang gagawin kaya sumigaw na ako. Pasensya na talaga Diane kung naistorbo ko kayo."

Looking at Dan's reaction, he must be too surprised to see a person as pale as Axel. Lalo na kung bigla na lang itong natumba sa tapat niya. I couldn't blame him.

Kinuha ko na kaagad si Axel sa kanya. "Careful," sabi ko. Aakayin ko na rin sana siya sa balikat ko when I felt his light body immovable. Nagmistulan siyang malaking sangay na natumba sa puno. Mabuti sana kung isa lang siyang matuwid na linya, kaso his limbs are just as flabby as his entire body is.

Inilagay ko ang isa kong braso sa likuran ni Axel, habang ang isa naman ay sa ilalim ng kanyang tuhod. As soon as I carried him his head made a soft thump on my chest as it lightly placed itself in there. Naturally leaning on for comfortability.

"Uhm, can I borrow the room upstairs?" saad ko kay Dan nang maayos na sa mga braso ko si Axel.

"Hey, you're leaving me behind? Oh, what a gorgeous man." Nagbago bigla ang tono ng boses ni Diane nang makita ang mukha ni Axel. "What's his name? Is he drunk?" Itong mga klase ng tanong na ito ang nagpapataas ng balahibo ko.

I may not know her business skills, but I know how professional she is when it comes to hooking with guys. She is basically the female version of a cassanova. A mischievous woman.

"I'm sorry. But I would be more doomed if I let him be." Hindi ko na sinagot ang dalawa niyang mga katanungan at gumawi na lang kay Dan.

Hindi ko na inulit ang isanabi ko. He just responded with, "S-Sure. Teka,"  at nagmadali siyang pumunta ng staff room at mabilis din na bumalik, "Eto. Israel, pakitulungan naman si Miller."

Tumango lang din si Israel at nauna nang naglakad sa amin.

The club house has a room upstairs. Sometimes, Dan sleeps here lalo na sa mga araw na wala siyang morning classes. May mga araw rin na ang manager namin ang nandito. Among the workers, silang dalawa at ang morning shift sa front desk ang madalas na gumagamit nito. Kaya naman may susi rin si Dan.

"Thanks bro. I'm sorry for the trouble. Pakisabi kay Dan na i-note na lang ang natitira kong oras," saad ko.

"Early out?"

"Oo. This person has some... I mean... has a difficult case that I must address properly. Hindi na ako makakabalik agad."

Maingat ko nang inilapag sa kama si Axel. "Ah, oo nga pala," bulalas ko ulit nang may idadagdag pa ako, "Pakipalitan na rin ako. Table 16. Paki-samahan si Diane, regular ko."

Tumango lang ulit si Israel bago isinara ang pinto. Sinundan ko siya para i-lock ito.

"What happened to you this time?" I rushed back to Axel who was almost lifeless in bed. Syempre wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.

Again and again and again. This is no longer a new sight but I still panic whenever I see him in this hopeless state. A vampire's first aid is nothing similar to humans. Hindi nga ako sigurado kung first aid ang maitatawag ko sa gagawin ko ngayon para sa kanya.

Inilagay ko muna sa ibabaw ng pulso ni Axel ang kamay ko para pulsuhan siya. I felt his cold harm but he is definitely alive. I kind of feel ridiculous checking a vampire's pulse knowing fully that he doesn't die easily.

I took off my tuxedo and rolled up my polo's sleeves. But then I paused when I remembered that the situation could be very bloody after Axel sucks my blood so I have to prepare a cloth to wipe the crimson liquid off. I glanced around the room to check if there was extra cloth. Anything will do as long as I can use it to wipe. Unfortunately, I can't find one easily.

Maliit lang ang silid, sakto lang para magkasya ang two-person bed with enough space to walk around. May isang table rin na walang nakapatong. I bet this is where the stay-in staff will put their belongings. Ngunit sakto naman nang lalabas na sana ako ng silid, nakita ko ang isang maliit na pinto. It is not small in height, rather is smaller in frame. Maybe two inches and a half leaner than the usual doors. When I peek inside, it is the bathroom. May isang toilet bowl, balde, at sink sa loob. Of course, the staff will have to stay all night. Mabuti naman at may banyo rito. Dumako ang mata ko sa gilid ng toilet and found the exact thing I would prefer to use in wiping my blood – tissue paper.

Kinuha ko ito kaagad at bumalik na kay Axel. Hindi man lang siya gumalaw simula nung iwan ko siya. I slowly make him sit para maging mas madali niyang mainom ang dugo ko. With him on my chest again, I lift my arms and put it in his mouth. Tulog pa rin siya, that means he cannot bare his teeth to bite my flesh.

"Excuse me," I said as I tried to reach for his fangs with my finger. "Don't worry, malinis 'to."

Nang maramdaman na ng daliri ko ang pangil ni Axel ay sinubukan ko naman na ilabas ito sa bibig niya. When I got his fang exposed, I first thought of piercing my finger with it since it would be very difficult for him to ingest it. Hindi lang dugo ang kailangan ko, kailangan rin na mainom ni Axel ang dugo ko. Kung kailan desedido na ako sa plano kong walang kasiguraduhan at nadampi na sa kanyang pangil ang balat ko, his mouth twitched. And the next thing I know is that his fangs are already deeply pierced in my arms.

Napangiwi ako sa sakit ng kagat at pumipintig na sakit sanhi ng kanyang pagsipsip.

"Huwag kang magkalat," paalala ko sa kanya. Inabot ko ang tissue sa tabi ko at kaagad na hinarang ang tumagas na dugo sa kanyang bibig na mabilis na tumutulo sa balat ko.

Sa kabila ng sinabi ko, Axel did not reply. Few seconds later he stopped sucking and went limp in my arms again.

Tulog na ba siya ulit?

Yumuko ako para silipin siya. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makita itong nakapikit pa rin at humihinga ng komportable.

I placed him back gently. Then, I went to the sink to clean my wound. Now that I think about it, I don't have a plaster or a tiny band aid to cover the wound.

"Mukhang kailangan ko pa rin na bumalik sa staff ro— hm?"

Natigilan ako sa paghuhugas nang marinig ko ang sunod-sunod na, "Ngh... Haa...ugh..." kasabay nito ay ang mahinang pag-iyak.

Kaagad akong sumilip sa labas ng banyo. Only to find Axel vomiting pale red liquid on the floor.

"A-A-Anong nangyayari!?" I quickly panicked.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat unahin. I grabbed the tissue paper at sinubukan na punasan ang sahig. Pero dahil puti ang tiles ay kumalat lang ang maputlang kulay pulang tinta na pawang magkahalong dugo at tubig.

"Ack—graaagh!" Axel attempted to throw up again.

Hindi pa pala siya tapos.

Bumalik ako ng banyo at kinuha ang balde para doon siya sumuka. Good thing, kahit na unconscious siya iniwas niya pa rin sa kama ang suka niya at sa gilid ito binuhos lahat.

As I watch him fill the bucket with his vomit. The foul stench lingered inside the room.

I don't know what to do. Mukhang hindi ata umepekto ang dugo sa kanya sa pagkakataon na ito.

Tumakbo ako pababa at nagmamadaling kinuha sa locker ang cellphone ko.

"Anong problema, Miller?" saglit na tanong sa akin ni Dan nang makita akong tumatakbo pababa at paakyat pabalik sa spare room.

"I-I-It's fine. I can manage!" sigaw ko sa kanya.

As soon as I came back in, I locked the door and panicked again.

I lied. This is not fine. Totally. And I don't know if I can manage it. I need serious help.

I dialed my phone.

"Kristoff! You're master. Quick!" I yelled on the phone in an instant Kristoff answered.

* * *

Hindi mapakali si Miller. Halos bente minutos na ang lumipas simula nung ibinaba ni Kristoff ang kanyang tawag. Sa sobrang taranta niya kanina ay hindi man lang niya naalala na hindi alam ni Kristoff kung saan ang pinag-tatrabahuan niyang club. At mas lalo nang hindi pa siya nakakapunta kaya hindi siya kaagad na makaka-teleport dito.

Patapos na rin siya sa paglilinis ng kalat ni Axel nang marinig niya ang matinis na pitik ng ringtone ng cellphone niya sa bulsa, kasabay ang malakas nitong vibration.

"I'm here." Text ito sa kanya ni Kristoff.

Napatayo siya ng wala sa oras at nagmadaling pinunasan ang kamay gamit ang kanyang polo. Muli niyang sinilip si Axel na hindi lang namimilipit sa sakit, kung hindi namamawis din ng butil-butil sa noo. Pumutla pa siya nang pumutla at tila ba binabangungot sa halos walang tigil na pag-iling-iling sa kama.

"What's gotten into you?" Bakit hindi umepekto ang dugo ko? He should be fine when he had my blood.

Sa sandaling matapos niyang iwika sa likod ng kanyang isipan ang mga katagang iyon ay may narinig siyang mabibigat na katok sa pinto ng silid.

"Miller! Ako 'to. Kumusta si Mas— Axel?" Ang biglang pagbabago ng tono ng boses ni Kristoff ay nagpapahiwatig na hindi siya nag-iisa sa kabilang bahagi ng pinto.

Ano pa ba ang inaasahan ni Miller? Nasa club house siya ngayon. Ito ang lugar kung saan siya nagtatrabaho kaya malamang ay hindi lang silang dalawa ni Axel ang nandito.

Binuksan ni Miller ang pinto. Sinubukan niya na umakto ng mas kalmado kaysa sa kanina, at sinabi na, "He is very sick."

Katulad ng inaasahan ay nakita niya sa tabi ni Kristoff si Billy. Buti na lang wala sa kanila ang atensyon nito. Para bang may sinisilip si Billy sa baba, at naka-sibilyan na rin siya. Mukhang patapos na ang shift niya.

"Billy, thanks bro. We'll be leaving now," sabi ni Miller sa kanya bago bumalik sa loob para buhatin ulit si Axel.

"Teka... dadalhin mo ba ang kaibigan mo sa ospital? Bakit hindi na lang kayo tumawag ng ambulansya?"

May punto nga naman si Billy. Bakit nga ba hindi? Mas mabilis nga kung kanina pa siya tumawag ng ambulansya. Subalit ay posible lamang ito kung normal na tao ang kaibigan ni Miller.

Nihindi nga pwedeng sabihin na isang tao si Axel.

Isa siyang bampira. At hindi ambulansya o ospital ang kailangan ng mga kagaya niya.

"Hindi na kailangan. I got my car with me. Kami na ang magsusugod sa kanya sa ospital," sabad ni Kristoff at saka binuksan ng maayos ang pinto para kay Miller at Axel.

Nagsisinungaling si Kristoff sa sinabi niya na may dala siyang sasakyan. Wala siyang dala. At lalong-lalo nang wala siyang sasakyan. Pero bilang isang bampira ay may abilidad siya na mas mabilis pa kaysa anumang uri ng sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top