CHAPTER THIRTY-NINE
M I L L E R
"Sasama ako," determinado kong tugon sabay abot ng kamay ni Kristoff.
In a split second, I felt a strong will of fire lit inside me.
I first thought to not come along. Ngayon lang ulit ako nakaka-luwag-luwag sa pasanin ko sa buhay. I...wanted to listen to Axel's non-stop warning na lumayo sa kanilang mga bampira. Pero nang makita ko na ang mga mata niya na para bang hinahanap ako ay sumagot na ako kaagad. Sa isang iglap ay nabalewala ang malalim kong pag-iisip sa tamang desisyon.
In the end, I came along impulsively.
Now, what should I do when I am here? Sa isang kisapmata lang ay nasa loob na ako ng hindi pamilyar na lugar.
Sa unang tingin pa lang ay masasabi nang isa itong mansyon. The mansion is somewhat cliché as the vampire's den. Unlike Axel's place, which is bright and decorated with white paint with hibiscus and rose flowers, the place is covered with black and red colors.
Indeed, a vampire-like hideout. So, this is the Red Mansion.
Hindi ako nagkaroon ng tsansa na makita ang buong lugar. Kristoff was only able to teleport to the wide living room na halos isang buong lobby na ng hotel ang laki. The place has black sofas and three giant photo frames. One of them is a portrait of a man, 'yung nasa gitna, habang ang apat ay puro landscape picture.
The place is gloomy yet fascinating, especially with the golden lights around that appears blazing inside the dark room. Pero wala na akong oras para mamangha sa buong lugar. Hindi na ako luminga-linga.
"Kristoff, saang silid?" tanong ko kay Kristoff noong nagsimula nang mawala ang konting pagkahilo ko sanhi ng teleportation.
"Sa third floor," aniya.
Maingat kong inagaw sa kanya si Axel. Mukha na kasi siyang napapagod. Maybe their teleportation also drains their energy. At kanina pa siya nag-teteleport.
"I can hold him this way. You do your thing," sambit ko.
Tumango lang si Kristoff at hinawakan ako sa braso. Sunod ko na lang naramdaman ang pamilyar na nakakahilo at mahangin na sensasyon ng teleportation ability nila.
Hindi naman ako madalas na nasasama sa mga teleportation ni Axel kaya hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon
Sunod kaming napunta sa isang silid. The room has red and gray wallpaper; with red, wide, floral patterns and gray background. May malaking higaan din dito na kulay pula ang bedsheets at unan. Maliban sa bintana at gintong tela, pati na rin lamesa sa tabi ng kama ay wala ng ibang bagay na kakaiba pa sa loob ng silid.
"Pakihiga si Master sa kama, Miller. Tatawag lang ako ng tulong," saad sa akin ni Kristoff bago tumakbo palabas ng silid. He did not teleport.
I did what he told me. Maingat kong inilapag sa higaan si Axel.
Akala ko ba na sa isang maliit na ospital ng mga bampira o clinic kami pupunta? Why are we in another room?
Tapos ko nang ihiga si Axel at lalayo sana ng konti nang may pumigil sa kain. Napangiwi ako ng bahagya nang kumapit ito sa braso ko na may sugat.
"Y-You..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita na nakapikit pa rin ang pumigil sa akin.
The person is Axel. Nanginginig niyang inabot ang kamay ko. Nakapikit pa rin siya, maputla, at may malalaking butil ng pawis sa noo. Wala pa ring pinagbago ang kanyang itsura simula nung nasa club pa kami.
Umupo ako sa tabi niya at pinunasan ang pawisan niyang noo. Now, his lonely figure is also covered with pain and hopelessness in a form of pearls of sweat.
Dahil sa matindi niyang pamamawis ay tatanggalin ko sana ang suot niyang long sleeves. Kaso naudlot ito nang may nagsabi ng, "Why did you bring him here?"
"Pa-Pakiramdam ko kasi kailangan siya ni Master." Boses ito ni Kristoff. Nakabalik na siya sa loob, at nakakapit siya sa isang matandang lalaki. He is another familiar face.
"Mr. De Leon," bati ng lalaki sa akin sabay yuko, "would you mind, I have to see Master's condition."
Gumawi ang tingin ko kay Kristoff na kakabitaw lang sa braso ng matanda.
Oh. Now, I remember who is this guy. Siya 'yung lalaking kasama ni Kristoff nung nasa mansyon ako ni Axel.
"I called my father for help. Madalas din kasi siya rito sa Red Mansion."
Umalis na rin ako sa kama. I felt Axel's hands loosening as if he ran out of strength.
Sinenyasan ako ni Kristoff na tumabi sa kanya sa gilid ng pinto at doon maghintay habang tinitingnan ng ama niya si Axel.
"Your father is the butler, right?"
Tumango siya. "Oo. Pero may alam din siya sa panggagamot."
"I thought we're going to a clinic or some medical room."
"Gusto ko rin sana, may medical room dito. Pero sa kasalukuyan ay nandito sa mansyon ang Supreme at..." Nag-alinlangan siyang ipagpatuloy ang sasabihin niya bago umiwas ng tingin sa akin.
"Is it because I am a human?" Ako na ang tumapos nito para sa kanya.
"Nm, hindi naman masyadong masama na nandito ka. Relatively, you're harmless for us. Ayaw ng Supreme na may madawit na mortal, paano pa kaya kung malaman niya na binibigyan mo ng dugo si Master."
He got a point.
So, the Supreme they are talking about is someone who is kind to humans. I have to be honest, pero nagulat ako. I thought he would be someone selfish just like the vampire characters on TV.
Tahimik na kaming naghintay ni Kristoff sa dulo. Pinapanood na lang namin mula rito ang likod ng kanyang ama habang nakasandal sa dingding. As far as I can remember the butler is called Martin. He was the person who mended my wounds nung unang beses na sadyang uminom sa akin ng dugo si Axel.
"Uh, you have mentioned about the wounds I had before? 'Yung hindi ito gagaling kung hindi ang kumagat ang gagamot?"
Panggagamot is actually the act of licking the wound. Pero dahil nga sa gumagaling ang sugat ko after Axel licks my wounds, I prefer to call it that way.
I might have an impulsive decision of coming here but I guess I am still thinking straight. Thanks to my wounds that are stinging in pain. Lumala pa ang sakit nito nang binuhat ko ulit si Axel papunta sa silid na ito.
"Oo. Bakit?"
"Uh, I remember your dad mending my wounds on the first day I let Axel suck my blood. Pwede niya bang gawin ulit 'yun ngayon?"
Ang sakit na kasi talaga ng sugat ko.
"Oh. 'Yun?" Nagkamot ng baba niya si Kristoff. "Totoo nga na si Pap—Sir ang nag-asikaso sa'yo nun..." He looked at me with an awkward smile. "Si Master pa rin naman talaga ang nagpahilom ng sugat mo. Originally, lalagyan na 'yun ng gamot ni Sir pero biglang pumasok sa silid si Master at siya na mismo ang gumamot. Pero nagbigay lang ng konting vampire essence si Master nun dahil sa masama rin ang kondisyon niya, kaya medyo mabagal din naghilom ang sugat mo," paliwanag ni Kristoff.
Naalala ko nga na malala rin ang sitwasyon ni Axel nun. So, that what really happened.
"Didn't he had poiso—"
"Poison. Poison!" Biglaan na lang na sigaw ni Mr. Martin.
"Y-Yes... He got poisoned that time," mahina kong sambit para lang matapos ang gusto kong sabihin.
Kaagad naman na lumapit sa kanya si Kristoff. "Anong ibig sabihin mo, Papa?"
"He got poisoned," namumutla nitong sagot.
Anong meron sa reaksyon niya?
"Can't you just help him like the last time? He was poisoned as well back then, right?"
Umiling-ilimg ang matanda. "I wish I can do that, but the poison he got now is much more deadly."
"D-Deadly?" pag-uulit ni Kristoff.
It took me a few seconds bago naintindihan ang sinabi ni Mr. Martin. "How deadly?" tanong ko.
"Deadly enough to kill a vampire."
I felt my brows twitch. Ilang beses ko nang nakita sa near-death door na sitwasyon si Axel. May mga sandali na halos maligo na siya sa sarili niyang dugo. O kaya sing puti na niya ang papel sa sobrang putla. Hearing such type of poison, killing a vampire, is sure scary.
Killing a vampire?
How do you even kill a vampire?
Nagmamadaling binuksan ni Martin ang drawer ng kaisa-isang lamesa sa silid. Kumuha siya ng isang maliit na notebook. He mumbled to himself and made a slight gasped as he uttered a silent "Aha."
"Ano ang nakita mo, Papa?"
Lumapit sa kanya si Kristoff. Binasa muna ni Mr. Martin ang notebook sabay sambit ng, "Gypsy mint flower..."
"Th-That poison?" takot na tanong ni Kristoff.
Dahan-dahan naman na tumango si Mr. Martin saka inilapag sa lamesa ang maliit na notebook at sinabi kay Kristoff na, "Do you know about this?"
Umiling-iling si Kristoff.
Lumingon sa akin si Mr. Martin tapos ay dumako ang mga mata niya sa braso kong nakabalot ng puti kong damit.
"Did you make him drink human blood?"
"O-Oo! Pinainom ko siya," sabad ko,"W-What's wrong about itt?"
"Nothing. But why isn't he getting well?"
I wish I also knew the answer.
"Shouldn't you know the answer?" I thought out loud. I got a glimpsed of Mr. Martin's glare. Nabastos ko ata siya sa tanong ko.
He then turned his back at me, with one of his hands under his chin. He went silent for a few minutes then said, "There's nothing we can do about it. It's inevitable. For now, let's quench the poison's thirst for human blood." Kasunod nito ay ang paglaho niya sa silid.
"What does your father mean?" Mabilis naman akong lumapit kay Kristoff para magtanong.
Nagbuntong-hininga si Kristoff.
"What is that gypsy poison?" dagdag kong tanong.
Malungkot akong tinitigan ni Kristoff bago niya inilipat ang mga mata niya sa nakapikit pa rin na si Axel.
"Gypsy mint flower, isa siyang uri ng lason. Pero nabubukod tangi ito sa lahat dahil ito lang ang kaisa-isang lason na pwedeng kumitil ng buhay ng isang bampira. Isang bampira rin ang nakaimbento nito kaya ito naging sobrang epektibong lason," he explained.
"What?"
I wanted to ask why a vampire would create a poison to kill his own kind. Then, I remembered the guy who cornered Axel the last time. They are of the same kind but they are against each other. Wouldn't I be too dumb if I asked why? Kung ang mga tao nga mismo ay kontra sa iba, sa kapwa tao nila, ang mga bampira pa kaya?
"Is there an antidote?"
Umiling-iling si Kristoff. "There is, but it will take some time to formulate," sagot niya habang binabasa ang notebook sa lamesa. "At saka si Master lang ang may alam kung paano ito gawin."
"Ano na ang gagawin natin ngayon?"
"Sa totoo lang, hindi ko alam. Ngayon lang din ako nakatagpo ng pasyente na nalason ng gypsy mint flower. Pero ayon dito, mabagal ang epekto ng lason. Malakas si Master, sigurado akong makakagawa siya kaagad ng lunas bago pa man lumabas ang mas matitinding sintomas nito sa katawan niya."
Napakuyom ako ng kamao.
Why is this making me nervous as well?
Naglakad si Kristoff sa likod ko kaya napalingon din ako. Lalo na nang makita ko ang gulat niyang itsura.
"Papa!" aniya, "Bakit may dala kang kutsilyo?"
Lumapit sa akin si Mr. Martin. Apat na malalaking hakbang ang ginawa niya bago hinablot ang kanang braso ko.
"Come on, I refuse to believe it," sambit niya sa akin saka ako hinila palapit sa lamesa. Ipinatong niya rito ang baso niyang dala bago sapilitan na binuksan ang palad ko.
Great, now I have another wound. Mauubusan na talaga ako ng dugo nito.
"What do you mean by that, miste—ah!" Napatalon ako sa gulat nang walang sabi niyang hiniwa ang palad ko.
"Forgive me, mortal. But I have one thing to check," sabi niya lang bago hinigpitan ang paghawak sa kamay ko. Tumulo ang mas maraming dugo. At nang mabalot na nito ang buong puwet ng baso ay binitawan na ako ni Mr. Martin.
He then sat on the bed and gave it to Axel.
Hindi na ako nag-reklamo. Dinukot ko na lang ang panyo ko sa bulsa para takpan ang sugat ko. Tatalikod na sana ako para humingi ng first aid kit kay Kristoff nang nauna na niya akong nilapitan.
"Patungo rito si Sir Mateo."
I don't understand why but his voice sounds cautious.
Mayamaya lang ay nakarinig kami ng sunod-sunod na ubo. Sabay kaming napatingin ni Kristoff sa taong nasa kama.
"A-Anong nangyari?" tanong ko.
Susuka na naman ba siya ng dugo?
Pero imbes na ingay ng pagsusuka ay sunod-sunod na malalim na paghinga ang narinig namin sa silid. Para bang kagagaling lang nito sa pagkalunod. Tapos ay napansin ko ang unti-unting pagbabalik ng tinta na kulay rosas sa balat ni Axel.
Huminga rin ng maluwag si Mr. Martin. He glanced at me then said, "I don't know where you went wrong in giving him your blood earlier, but you're lucky." Kinabahan na naman ako. Sa tono ng boses ni Mr. Martin ay tila ba nagbibigay siya ng babala.
"Who's lucky?"
Tumuwid ang tindig ni Kristoff sa tabi ko. Tinitigan ko muna ang hindi mapakali niyang mga mata bago lumingon.
Of course, imposible na magkamali ako ng hula kung sino ang lalaking nasa likuran namin. Lalo na kung halos isang oras ko rin na pinakinggan ang boses niya sa usapan nila ni Axel sa loob ng kwarto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top