CHAPTER THIRTY-FIVE
* * *
Matapos nilang gunitain ang panloloko nila kay Axel ay nabalot ulit ng nakakabinging katahimikan ang silid ba kinaroroonan ni Aaron at Bernard.
Tinungga ni Bernard ang natitirang laman ng wine bago niya ito ibinagsak sa lamesa. Pinunasan niya ang kanyang labi at saka bumuga ng hangin, "Haaa..." sa tonog pa lang ay maririnig na nasarapan siya rito.
"Kumusta naman ang inutos ko sa'yo?" tanong ni Aaron sa sandaling binitawan niya ang bote at hinarap muli si Bernard.
"It's a success. I did what you told me. I bet his system is slowly decreasing without him noticing it," pahayag ni Bernard.
Bahagya naman na umangat ang kilay ni Aaron nang marinig ang sinabi nito.
"Talaga? Magaling... Paano mo 'yun nagawa?" Alam niya kasi na hindi magiging madali ang pinapagawa niya kay Bernard.
Ngumisi ang binatang bampira. "Guess our past did the work for it to be easy."
"Inilagay mo ba ang capsule sa inumin niya? You really are a sneaky one," komento ni Aaron sa dating nobyo ni Axel.
"I tried to lower his guard. We were just talking and stuff. He won't eat with me obviously, he was basically not letting his guard down so I tried another tactic. I was getting impatient, anyway," kwento niya.
May iba pang pangyayari na naganap sa araw na natagpuan ni Miller si Axel sa loob ng eskinita sa pangalawang beses. May ginawa pa si Bernard kay Axel bago niya ito hinaras.
Noong una ay inakala ni Axel na isa lamang ito sa mga araw na pagtutulungan siya ni Bernard at ng mga tauhan nito. Sa dami ng beses na ginawa ito ni Bernard ay alam na ni Axel kung ano ang dapat gawin, ang saglit na lumaban bago tumakbo. Sasalo siya ng mga ilang sugat bago tumakas at hanapin si Miller para uminom ng dugo para ibalik ang kanyang lakas. Halos nagiging normal na ang ganitong senaryo para sa kanya.
Subalit, lingid sa kanyang kaalaman ay may bagong plano sa kanya ang kanyang amain. Inutusan ni Aaron si Bernard na bigyan ng lason si Axel. Kung hindi ito sasama sa kanila kahit anong gawin nilang pangungumbinsi, at kung mahirap siyang kunin dahil sa galing nitong tumakas. Wala na silang magagawa pa kung hindi ang paslangin ang beta.
Isa si Axel sa asset ng Red Mansion. Siya ang Scientist ng kanilang kalaban. Isa pa, malaki rin ang sakop ng hawak niyang angkan. Si Axel na ata ang maituturing na pinakamalakas at maimpluwensyang beta sa panahon na ito. Alam nila na kung mawawala si Axel ay mahihirapan na kumilos ang kampo ng Supreme. Maliban sa mawawalan ng moral ang halos kalahati ng kanilang puwersa (na pawang mga miyembro ng angkan ng mga Wesley) ay hindi na rin nila malalaman kailan man ang sikreto ng vampirization.
Get rid of Axel Wesley. He is the weakest link. Ito ang utos sa kanila ni Ronaldo.
Weakest link. Paano ba na hindi? Sa bigat pa naman ng nagawa niyang maling desisyon. Sa tindi pa naman ng pagtataksil na kanyang natamo mula sa kanyang amain na itinuring niyang pamilya at ang pagkawala ng kanyang ina. Paano ba na hindi siya manghina?
Kagaya ng mga naunang pagsugod ni Bernard ay inambahan nila si Axel sa daan. Madilim at tahimik ang lugar. Pero imbes na magdala ng mas maraming tauhan ay isa lang ang nasa likod ni Bernard.
"What's this? You ran out of guys?" tanong sa kanya ni Axel nang mapansin ito.
"Maybe yes. Maybe no." Humakbang ng tatlong beses si Bernard palapit kay Axel. Kalahating metro ang layo ng bawat hakbang niya, tila ba nagmamadali siya na malapitan si Axel.
Naalarma naman sa kakaibang pagkilo ng lalaki si Axel. Umatras siya ng dalawang beses. Inihanda na rin niya ang dalang maliit na sandata na laging nasa kanyang bulsa. Isa maliit na foldable knife. Flat at kulay itim ang hawakan na minsan ay inilalagay niya sa kanyang pitaka upang hindi mahalata ni Mateo o ng kahit na sino na kanyang kasama.
"Well, too bad. I still won't go easy."
Nagbitiw ng mahinang tawa si Bernard. "Kung makapagsalita ka para kang may laban sa mga alpha ko."
May punto si Bernard. Ngunit sa isipan ni Axel ay walang kaso sa kanya ang makipaglaban sa isang alpha. Lalo na at kung isa itong baguhan – isang vampirized alpha na maliban sa hindi sanay sa katawan niyang bampira ay hindi rin marunong gamitin ang kanyang kakayahan bilang alpha.
Ilang beses nang napansin ni Axel ang bagay na ito. Higit kalahati sa mga dinadala na tauhan ni Bernard ay mga vampirized alpha. Para sa isang katulad ni Axel na araw-araw na bumibisita sa Red Mansion at nakikita ang pag-eensayo ng mga alpha, hindi na nakapagtataka kung mapuna niya ang padaskol na kilos ng mga bampira ni Bernard.
Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa siya nahuhuli ng mga ito. Nakakalamang ang utak ng isang beta kaysa purong lakas ng mga alpha.
"Heh," mahinang tawa ulit ni Bernard, "no, I was just kidding. May tunay akong dahilan kung bakit isa lang ang dala kong tauhan ngayon," sambit ni Bernard.
Nanliit ang mata ni Axel habang sinusuri ang kamay, bulsa, dibdib, at buong katawan ni Bernard. Duda siya sa bagong sadya nito sa kanya.
Madilim na at walang katao-tao sa lugar nila. Magaling nga talaga humanap ng timing si Bernard.
"Ano 'yun?" alerto pa rin na tanong ni Axel.
"This morning... I was just thinking about what went wrong in our relationship?"
"What?"
Bakit niya gustong pag-usapan ang tungkol sa bagay na matagal na nilang kinalimutan? Nihindi na nga ulit sumagi sa isipan ni Axel kung anong nangyari sa relasyon nilang dalawa.
"Hm. Nothing. I am only here to tell you that being in Ronaldo's side didn't make me a cheater. I was loyal to you. It was only you. But then, when you saw me that day. Side by side with Ronaldo, I saw disgust all over your face... Why, Axel?"
That day. Umalingawngaw sa pandinig ni Axel ang dalawang salitang 'yun. Hirap pa rin si Axel na kalimutan ang araw na 'yun. Ang hindi pinag-isipan niyang pagsugod sa lungga ni Ronaldo na nagdulot ng kasawian ng daan-daang mga bampira. Walang araw na hindi sumagi sa kanyang isip ang sandaling 'yun.
Sa gabing iyon ay labis ang kanyang nararamdaman na galit sa sarili. Pinaalala lamang ulit ni Bernard ang puot niya.
Sa araw na iyon ay hindi lamang niya nadiskubre ang pagtataksil ng kanyang amain, ganun din ang kinahinatnan ng kanyang ina... at ang panloloko sa kanya ng unang taong minahal niya.
Para kay Axel, hindi lang isa o dalawa ang kanyang naging kasalanan. Tatlo. Tatlong beses siyang naging bulag sa katotohanan.
"What nonsense are you talking about?" Nanginginig na ani ni Axel. "Why are you telling me about that again?" Even if you are not a cheater, I will still break up with you. Ronaldo is a nasty person with the most abominable treacherous character. And you expected me to still accept you after knowing that? Now that I think about it, I am no longer sure if I ever love you truly. Dagdag na sambit ni Axel sa kanyang isipan.
Dahil sa sinabi ni Bernard ay nawalan ng pokus si Axel. Alam niyang walang mabuting rason si Bernard sa pagbanggit ng nakaraan. Pero hindi niya pa rin maiwasan na mag-isip ng malalim.
"Ang sabi mo sa akin ay hindi mo ako susundan. You will never be with me."
"Shut up, Bernar—"
Hindi pa man natapos ni Axel ang kanyang sasabihin ay biglaang nasa tapat na niya si Bernard.
"I won't hangga't hindi ko nagagawa ang kailangan kong gawin... you will regret leaving my side, Axel."
"What are you talking about? In the end, you still want to fight with me, right?"
Mag-teteleport na sana si Axel palayo kay Bernard nang mabilis itong kumapit sa kanyang braso, sanhi para masama sa kanya ang lalaki.
Sabay silang sumulpot sa madilim na eskinita. Nang makita na kahit anong oras ay maaaring makatakas si Axel sa kanya, hindi na nag-padalos-dalos pa si Bernard. Hinigpitan niya ang hawak sa braso ni Axel at palihim ngunit mabilis na dinampot ang capsule sa kanyang bulsa.
Isang beta si Axel pero hindi naman ibig sabihin ay wala na siyang lakas. Kaya pa rin naman ni Axel na itulak si Bernard. Pilyo si Bernard. At sa loob ng sampung taon na relasyon nila ni Axel ay marami na siyang nadiskubre tungkol sa katawan ng binata. Maikli man ang sampung taon para sa isang bampira, sapat naman ito para kilalanin nila ang isa't isa – kahit paano ay ganyan ang nasa isipan ni Bernard.
Para mahinto sa pagpupumiglas si Axel ay dahan-dahan na hinawakan ni Bernard ang likod nito. Tila ba nagpapahid siya ng langis sa gitnang bahagi ng likod ni Axel.
"Ah!" pagtili ni Axel sa gulat.
Ang gitnang bahagi kasi ng kanyang likod ay isa sa kanyang erogenous zones.
"Ooh. You're still sensitive here." Dahil sa pagkagulat ni Axel ay saglit din siyang napahinto. Agad din naman itong sinamantala ni Bernard at lumapit sa tenga ni Axel. "Hindi ka ba sinasamahan sa kama ng mortal na alaga mo?" bulong ni Bernard.
Nanlaki ang mga mata ni Axel sa tanong nito.
Paano niya nalaman ang tungkol kay Miller?
"W-What are you..."
"Hm? Don't you keep mortals in your lab?"
"No, we don't."
"How righteous!" tawa ni Bernard.
Nakahinga naman ng maluwag si Axel. Nagkamali lang pala siya ng intindi.
Nang makita ni Bernard na tila nataranta at kung saan-saan na naman napadpad ang atensyon ni Axel ay binilisan pa niya ang kanyang trabaho. Mabilis niyang dinukot ang mga pisngi ni Axel at pinisil ang mga ito para bumukas ang kanyang bibig.
May dalawang paraan para ipainom kay Axel ang capsule. Una, ay ang lantaran itong iligay sa kanyang bibig. Pangalawa ay ang ibigay ito sa kanya ng palihim sa pamamagitan ng halik.
Hindi niya maaaring gawin ang nauna. Alam ni Bernard na kahit na malunok ni Axel ang capsule ay pwede pa rin siyang makagawa ng antidote. Hindi ito imposible lalo na kung mabagal ang epekto ng lason.
Palihim na nasiyahan si Bernard. Hindi pwede ang una, kaya maaari niya lang na gawin ang pangalawa. Isa pa... gusto niya ang pangalawa.
Hinalikan ni Bernard si Axel. Kasabay nito ay ang pagpasok ng capsule sa bibig ng beta. Sa pagsakop ng dila ni Bernard sa bibig ni Axel ay hindi na niya alam kung ano ang nangyayari kaya hindi na rin niya namalayan na nalunok na niya ang lason. Isang minuto lang pagkatapos nito ay dumating na si Miller para iligtas siya... pero hindi lubos dahil nasa loob na ng kanyang sistema ang lason.
"Isn't it killing two birds with one stone?" mayabang na tanong ni Bernard, "I got to kiss him again after so many years. At the same time, I did the job well. I bet he won't notice the poison until the symptoms emerge."
"Magalin. Magaling. At sa sandaling lumitaw ang mga sintomas ay huli na ang lahat para sa kanya," sabi ni Aaron.
"Yup. He won't be able to make an antidote. He might know what type of poison it is, but the antidote itself takes a month to create and a few weeks to strengthen..."
"Tapos na siya sa mga sandaling 'yan," dagdag ni Aaron, "... tapos na rin ang Supreme at ang kanyang Red Mansion."
Gypsy Mint Flower, iyan ang tawag sa lason na pinainom ni Bernard kay Axel. May dalawang sangkap ang lason na ito, peppermint at hemlock.
Sinong mag-aakala na kinamumuhian pala ng mga bampira ang papermint? Isa itong malaking rebelasyon para sa mga mortal na naniniwalang bawang ang matibay na panangga kontra sa mga bampira. Katulad ng mga paniki ay ayaw ng mga bampira ng mga matatapang na amoy. Dahil ang kanilang mga ilong ay mas sensitibo, kaya hindi na nakapagtataka ang ganitong bagay. Pero dahil mas mataas na uri ng nilalang ang mga bampira kaysa mga hayop na paniki. May kakayahan silang tiisin ito, subalit kapag tumagal ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagsusuka ang peppermint sa kanila.
Ang hemlock naman sa kabilang banda ay isang sikat na lason. Hindi lang sa mga bampira kung hindi pati na rin sa mga tao. Sa sinaunang panahon ay madalas itong ginagamit para sa mga death execution. Ito nga ang lason na pinili ni Socrates sa araw na siya ay pinatawan ng kamatayan. Ito ay iniinom bilang tsaa. Ang dahon nito ay pinagkakamalan na parsley kaya may mga taong aksidente itong nakakain.
Kung sa mga tao ay dalawa hanggang tatlong araw ang tagal bago umepekto ang lason, mas matagal naman ito para sa mga bampira. Dalawa hanggang apat na buwan. Depende na lang sa kung gaano kalakas ang sistema ng bampirang nakainom nito.
Kilala rin sa pangalan na gypsy flower ang hemlock, idagdag pa ang peppermint. Rason para tawagin itong gypsy mint flower. Hinahalo ang peppermint dahil mapapabilis nito ang epekto ng hemlock.
"I bet he will last for two months," ang sabi ni Bernard.
Umiling-iling si Aaron. "You are underestimating Axel. Hindi siya isang karaniwang beta," pahayag niya na tila ba nasasabik sa maaaring gawin ng lason sa katawan ng dating anak-anakan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top