CHAPTER THIRTY-EIGHT
* * *
Bumalik na sila sa unit ni Axel. Dahil may kalayuan ang host club at ang condominium building ay hindi kayang lubusin ni Kristoff ang pag-teleport niya. Hanggang labas lang ng building ang tatlo. Pagdating na pagdating nila ay halos tumakbo na si Miller patungo ng elevator sa pagmamadali niya. Napatayo rin ang babae sa front desk pero hindi na niya ito sinita nang makita kung sino ang nasa mga braso ni Miller at si Kristoff.
"Get my wallet," utos niya kay Kristoff habang bahagyang inaangat ang kanyang bulsa sa likod. Doon kasi inilagay ni Miller ang keycard ng unit.
Naintindihan naman kaagad ni Kristoff ang ibig sabihin ni Miller at hinanap ang keycard sa wallet nito. Nang makita niya ay agad na niyang binuksan ang pinto, humarurot din naman sa loob si Miller at nagmamadaling binuksan ang pinto ng silid ni Axel.
Madalas ay naka-lock ang pinto ng silid ng bampira. Ngunit sa araw na ito, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ikalawang beses na na-tiempuhan ni Miller na bukas ito.
"T-T-Teka, Mil...ler." Bigo si Kristoff na pigilan si Miller sa pagpasok sa silid ng kanyang master. Nagpakawala siya ng mababaw na buntong-hininga bago sinundan ang mortal na kaibigan.
"Pakibantayan na muna siya. I'll grab the vampire blood first," bilin niya kay Kristoff.
Naramdaman ni Kristoff na tila ba may mali sa sitwasyon nila. Nang matukoy ito ay bumulalas siya ng, "Hoy! Ako ang bampira dito!"
Tama. Siya ang bampira pero si Miller itong pursigido sa paggamot kay Axel. Sa bilis ng kanyang kilos ay mapapansin kung gaano na siya kasanay na gawin ito. Wala ng pag-aalinlangan sa kanyang mga kilos.
Wala na ring nagawa si Kristoff kung hindi ang sumunod sa utos ng kaibigan. Sinuyod niya ang silid ng kanyang master. Maliban sa sukat, unang tingin pa lang ay masasabi na wala itong pinagkaiba sa silid ni Axel sa kanyang mansyon.
Sa kabilang banda ay nagmamadali naman si Miller sa paghahalo ng dugo ng bampira at dugo niya. Kinuha niya ang dugo sa refrigerator, dumampot ng matalim na kutsilyo para sugatan ang sarili, at ipinatulo ang dugo sa baso. Sa pagkakataon na ito ay sinigurado niya na malalim ang kanyang sugat para mas mapabilis ang pagsasalin.
"What th... sh*t," mura niya sa hapdi.
Hindi na siya naghanap pa ng ibang parte ng kanyang braso at sinugatan na lang ang parehong parte kung saan siya kinagat ni Axel. Isa sa apat na malalim na bilog sa kanyang kanang braso ay may malalim ba hiwa ng kutsilyo.
Nang makakuha na ng sapat na dugo ay binuhos na ni Miller ang dugo ng bampira mula sa pitsel. Inikot-ikot niya ito sa kanyang kamay, kagaya ng dahan-dahan na pag-ikot-ikot ni Mateo sa baso noong araw na nadiskubre niya ang tungkol kay Miller.
Nang sa palagay niya ay maayos na niyang nahalo ang mga dugo, naglakad naman siya pabalik sa silid ni Axel. Sakto lang ang bilis ng paglalakad ni Miller. Sakto man, subalit malalaki ang kanyang mga hakbang na nagpapakita pa rin ng kanyang pagmamadali.
Syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Miller ang kanyang sugat. Imposible itong kalimutan kung hindi maipaliwanag ang hapdi na nararamdaman niya ngayon. Sumaglit siya sa silid niya at hinablot ang damit niya kanina na sa kama niya lang iniwan. Lumabas siya ulit dala-dala ang damit at saka mabilis na lumiko sa katabing silid.
"Here," sabi niya kay Kristoff sabay abot ng basong may lamang dugo na kalahating pulgada lang ang dami.
"D-Dugo mo 'to?"
"No. May halo na 'yang dugo ng bampira," sagot niya.
Imposible. Mahihirapan si Miller na kumuha ng ganyang karaming dugo sa pamamagitan lang ng isang malalim na sugat sa braso niya.
"Huh? May dugo ka ng bampira?" tanong ni Kristoff sa kanya. Inamoy na muna niya ang dugo sa baso para masigurado. Nang humalimuyak ang matamis at mala-alak na amoy ng dugo ay nakumpirma niya na may halong dugo ng bampira ang inabot ni Miller sa kanya.
Habang inaalalayan ni Kristoff si Axel sa pag-inom ng dugo ay sinusubukan naman ni Miller na pigilan ang pagdurugo ng sugat niya.
"Oo. Iniwan 'yan ni Mateo nung pumunta siya rito." Itinali ni Miller ang damit niya sa sugat para takpan ito.
"Huh!?" mas malaki ang pagkagulat ni Kristoff sa pagkakataon na ito, "Nakilala mo na si Sir Mateo?"
"Nm, well yes. Hindi ko ba nabanggit sa'yo 'to dati?"
Magsasalita pa sana si Kristoff nang sinenyasan siya nito na ayusin ang pagpapainom niya kay Axel.
Sa kabila ng ingay ni Kristoff at sa tindi ng mga paggalaw ni Miller kanina marating lang ang silid ni Axel ay hindi pa rin binuksan ni Axel ang kanyang mga mata. At kung hindi dahil sa maingat na pagpapainom sa kanya ni Kristoff ay baka kanina pa tumulo sa kanyang bibig ang dugo.
Sanay na sa mga ganitong sitwasyon si Kristoff, ang pagpapainom ng dugo sa mga walang malay na bampira. Tumutulong kasi siya sa pagamutan sa Red Mansion. Pagkatapos na may maka-engkwentrong mga tauhan ni Ronaldo ay hindi maiiwasan na may mga bampira sa kanilang panig na uuwing sugatan at walang malay. Madalas na kay Kristoff naka-atas ang pagpapainom ng gamot sa mga nawalan ng malay kaya kabisado na niya kung paano ito gawin ng walang nasasayang na dugo.
Nang matapos na siya ay ibinigay niya kay Miller ang baso. Nakahinga naman ng malalim si Miller. Nakainom na ng gamot si Axel. Mamayamaya lang ay bubuti na rin ang pakiramdam nito... 'yun ang inaakala ng dalawa.
Palabas na sana ng silid si Miller para ibalik ang baso sa kusina at gamutin ang sarili nang marinig na naman niya ang parehong iyak na, "Ack—gaaagh!" na sinundan pa ng, "Bleeergh!"
"Master!" sigaw ni Kristoff.
Sumuka ulit si Axel. Sa kanyang paglingon ay nakita na naman ni Miller ang parehong maputlang dugo.
"Why isn't he getting fine?" Bigong tanong ni Miller sa sarili.
Hindi umepekto ang dugo ng tao. Ganun din ang dugo na may halong dugo ng bampira.
Napatingin si Miller sa kanyang braso at sa puting t-shirt niya na may konting pulang tagpas sa gitna. "What's wrong with him?" tanong niya kay Kristoff, umaasa siyang makakuha ng kasagutan.
Subalit, pati si Kristoff ay hindi rin alam kung ano ang itutugon.
"Malala na 'to," ito na lang ang tangi niyang nabulalas habang umiiling-iling.
"What? What do you mean you don't know? You are a vampire!" kabadong pahayag ni Miller sa kanya.
Oo nga naman. Paanong hindi ito malalaman ni Kristoff. Simple. Dahil wala talaga siyang alam. Masyado pang bata si Kristoff para malaman ang tungkol sa maaaring ibang sanhi ng pagsama ng kalusugan ng isang bampira. Isa pa, tatlong taon pa lang siyang nagtatrabaho sa mansyon ni Axel. Kulang pa ang kanyang kaalaman.
"D-Did he fought with a strong vampire today? Axel! May naghihintay na naman ba sa'yo na kalaban sa labas kanina? Pinagtulungan ka na naman ba nila?" tanong ni Miller kay Axel na wala pa ring malay.
Napakunot ng noo si Kristoff sa mga katanungan ni Miller.
Paano niya nalaman ang tungkol dito?
Dapat kasi ay siya at ang kanyang ama lang ang may alam ng mga pinaggagawa ni Axel sa likod ng Supreme.
What kind of enemy do they have?
Why would they only target Axel?
Dumaan ang mga katanungan na ito sa isipan ni Miller habang nililinis ang mapulang likido sa bibig ni Axel.
Sa kabilang banda ay halos halungkatin na ni Kristoff ang kanyang isipan maalala lang kung paano gamutin si Axel.
Lingid sa kanilang kaalaman na hindi nakipag-laban ngayon si Axel. Ginagawa niya lang ang mga gampanin niya sa Red Mansion at mansyon ng kanyang pamilya. Nasa loob siya ng laboratory, at nagtuturo rin sa ibang beta. Walang nagbago sa kanyang mga aktibidad. At natural lamang na hindi alam ni Kristoff ang sagot kung paano pabubutihin ang pakiramdam ni Axel. Dahil wala sa kanilang dalawa ang may alam na lason ang sanhi ng panghihina ng bampira ngayon. Ang gypsy mint flower.
May malakas na pangangatawan ang mga bampira pero ang isang lason ay isa pa ring lason. Naaapektuhan pa rin sila nito. Sa harap ng mahinang lason ay nakakaranas sila ng hindi malala na mga sintomas, kagaya ng lagnat at pananakit ng katawan. Kaagad din itong mawawala na parang walang nangyari. Ngunit kung malala at pamatay na lason na kagaya ng hemlock na ang kanilang makaharap, maaaring masawi ang bampira kung hindi ito kaagad na maagapan.
Mabagal ang epekto ng gypsy mint flower, pero hindi ibig sabihin ay wala itong sintomas. Isa ang panginginig ng katawan sa sintomas, pagsakit ng katawan, pagkawala ng malay, at pagbilis ng tibok ng puso. Ngunit madalas ang mga sintomas na ito ay makikita lang sa mga tao. At mas mabilis ang epekto.
Ano naman kaya ang magiging epekto nito sa katawan ng isang bampira? Iba ang sintomas ng hemlock sa mga bampira. Dahil may kakayahan silang gumaling sa kahit anumang uri ng sugat at sakit sa pamamagitan lang ng pag-inom ng dugo, ito ang pupuntiryahin ng lason.
Isa ring bampira ang nag-imbento ng lason kaya kabisado niya ang kanyang mga biktima. Alam nito na kailangan ng kanyang mga kalahi ang pinaghalong dugo ng mortal at dugo ng bampira para gumaling, kaya naman una niyang sinigurado na aayawan ng katawan ng sinumang bampira ang sarili nilang dugo. Sa madaling salita ay hindi na eepekto kay Axel ang dugo na iniwan ni Mateo sa kanyang refrigerator. Ito rin ang dahilan kung bakit panay ang kanyang pagsusuka.
Unti-unti rin na manghihina ang katawan ng bampira, at mas tataas ang porsyento niya na dumepende sa dugo ng tao kaysa sa normal. May mga panahon na mahihilo siya, manginginig, mawawalan ng malay, o kaya ay magkakasakit. Pero lahat ng ito ay maaagapan kung siya ay iinom ng dugo ng tao. At sa sandaling umabot na sa sukdulan ang mga sintomas, magiging mistulang hangin na para sa bampira ang dugo ng tao para lang maiwasan ang mga ito. Syempre, imposible na mangayaring minu-minuto ang suplay ng dugo kaya hahanapin niya ito na para bang isang droga. Sa pinal at huling yugto ng sintomas ay ang psychosis, kasabay nito ay ang mabilis na pagtibok ng puso na nagsasanhi ng pagkamatay.
Mahaba ang proseso, mabagal, ngunit masakit at nakamamatay. Idagdag pa ang kakaibang pagnanasa sa dugo ng tao. Iyan ang nais na iparamdam ni Aaron kay Axel. Gusto niyang iparanas dito ang kung paano mag-isip ang mga sinaunang bampira bago siya mamatay. Ang mag-isip na parang hayop dahil sa kasakiman nila sa dugo ng tao. Sa puntong halos nasa estadong Return to the Origin na si Axel. Nais niyang makita si Axel na maging gutom sa dugo ng mga mortal na kanyang ginagalang.
Hindi na mapakali si Kristoff. Wala na siyang maisip na paraan.
"Dalhin na natin si Master sa Red Mansion!" suhestiyon niya.
"R-Red Mansion?"
"May mga doktor doon... m-mga doktor na bampira. At saka nandoon din ang Supreme! Maraming mga matatandang bampira doon, baka alam nila kung ano ang gagawin!"
Nanginginig na rin si Kristoff. Pumwesto siya sa likod ni Axel para alalayan ito. Samantala hindi pa rin makapag-pasya si Miller kung sasama ba siya. Hindi pa siya nakapunta sa mansyon na tinutukoy ni Kristoff. At base sa sinabi niya ay mukhang lungga ito ng mga bampira. Isa siyang mortal. Paulit-ulit nang sinasabi ni Axel na hindi siya pwedeng madawit sa kanilang mga aktibidad.
Sa sandaling ito ay maraming katanungan ang sumagi sa isipan ni Miller.
What is happening? Axel is sick, why would a vampire get sick? Why does he look like in extreme pain? What will he say if I come along? Will he get angry? Will our contract end? Will he reject me? Why am I thinking? Why am I thinking about this? Why am I worried about him? Will he just be okay?
Sa huling katanungan... What's wrong with me? He is just a vampire. Napagtanto ni Miller kung ano si Axel para sa kanya.
Isang bampira na aksidente niyang nakilala.
"Miller?" tawag sa kanya ni Kristoff.
Nakatitig si Miller sa kamay na inabot ng kaibigan. Nag-palipat-lipat ang tingin niya sa kamay ni Kristoff at kay Axel na walang malay na nakasandal sa braso nito.
If I go now what will happen? I am curious about their society but will I be able to handle the consequences that Axel warned me about?
Sa unang pagkakataon ay naging rasyonal si Miller at sumang-ayon sa babala ni Axel.
"Sasama ka ba?" sambit ulit ni Kristoff sa kanya.
Sasagot na sana si Miller. Tatanggi na sana siya kung hindi lang bahagyang dumilat ang mga mata ni Axel na kaagad tumunaw sa kanyang unang desisyon.
"M-Miller..." mahina nitong bigkas sa kanyang pangalan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top