CHAPTER THIRTEEN

M I L L E R

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na buhatin papasok ng boarding house ko si Axel. With the amount of bleeding he is having tumulo na sa sahig ng pintuan ko ang dugo niya. Nagmadali akong ihiga siya sa kama saka bumalik sa labas para punasan ang pulang likido. Baka kasi may makakita pa at kung ano pa ang isipin.

Pagkatapos ng saglit kong paglilinis ay binalikan ko na si Axel sa kama. Hindi pa rin siya nagigising at tila ba hindi humihilom ang mga sugat niya. Hindi kagaya ng gabing 'yun ay mas maputla ngayon ang mukha ng lalaking ito. Tagaktak din ang pawis sa kanyang noo at maya't maya siya kung umubo. His situation is worse than before.

"Haa... Ngh!" Eto na naman siya sa mga masakit niyang pag-ungol.

I quickly grabbed a glass of water the moment I noticed his eyes opening. Tumakbo ako ng kusina at kaagad din na bumalik sa kama.

With his eyes half open, Axel is obviously delirious. Mabilis itong gumagalaw, kaliwa at kanan, at saka paitaas. Kapos din ang kanyang pag-hinga na para bang naglalakad siya at may malaking pasanin sa kanyang likod.

Pulang-pula ang puti kong bedsheet na sa pagkaka-alala ko ay kakapalit ko lang noong pumunta ang isa sa mga regular ko sa bahay, ang gabi ng failed extra service. Marami rin kasing dugo sa katawan si Axel noong gabi na natagpuan ko siya sa eskinita. Natuyo pa nga ito roon sa bedsheet kaya kailangan ko itong ibabad at labhan ng mabuti. Nasa baba ang laundromat ng boarding house na ito. At dahil hindi lang ako ang mag-isa sa loob ay may nakapansin sa natuyong mantsa ng dugo sa bedsheet ko.

"Dinugo ba ang kasama mo kagabi?" tanong ng kasabay ko sa akin. Of course, hindi ako sumagot but the fact that someone noticed it at ganun kaagad ang naisip niya. I must say that I really do have a bad reputation in this building.

"I guess I have to throw this away after." Napakarami na rin kasi ng dugo.

"Hey, you need to drink water!" sambit ko kay Axel nang makita kong nakadilat na siya.

Pero kumunot lang ang kanyang kilay tapos ay hinawi ang baso sa kamay ko na tila ba naaasiwa siya sa boses ko. Maingat din siyang tumalikod. He curls his body as if he has something to protect between his belly.

"Com... on... I-I ... ha– to... heal... fast." May binubulong siya pero sanhi siguro ng mabigat niyang paghinga at sakit ng kanyang katawan ay hindi niya ito masabi ng maayos.

Okay. Something is really happening. Bigla na lang kasing naghilom ang pasa sa likod ng kanyang binti. Habang unti-unti naman na naglalaho ang isa sa mga kalmot sa hita niya. Umabot kasi ito hanggang likod kaya nakita ko ang pagsara nito.

"Agh!" biglaan na pag-sigaw ni Axel.

Tumayo ako sa kama at humakbang ng isang beses. "What... What is it now?" Ano na naman kaya ang gagawin niya? Ano na naman ang mangyayari?

Bumalikwas na naman siya at humarap sa akin. Nang magawa na ito ay dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa kama. His eyes are still closed but I bet he is conscious now... maybe.

Bigla na lang niya kasing iminulat ulit ang kanyang mga mata ngunit imbes na siya ay magising ay nagmistulan lang na walang buhay ang mga ito. Ang mas nakakatakot pa ay nag-kulay pula na naman ang mga mata niya. At nagsi-tubo na ulit ang kanyang mga pangil.

"Haa... haa..."

Looking at him now, he seems like a hungry animal. Pero hindi siya nakatitig sa akin kung hindi sa kawalan. Diretso lang ang kanyang mga tingin at blangko pa rin.

"Axel," tawag ko sa kanya. Nagbabakasakali na magising siya. Baka kasi ano pa ang mangyari sa akin kung lumala ang nangyayari. Baka makalimutan niya kung sino ako at masaktan pa niya ako.

"Hey. Axel, wake up!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat, tapos ay inalog-alog siya ng malakas para lang magising. "Gumising ka! Baka kung ano pa ang gawin mo sa akin."

Call me selfish, but what else can I think if a vampire like him is acting strange inside my house?

I started to panic. "Oy! Wake up!" sigaw ko ulit sa kanya.

Pero hindi pa rin ito epektibo dahil sa sandaling inangat niya ang kanyang ulo. Sa sandaling nagpakita na siya ng palatandaan na naririnig na niya ako, ay malakas na hinawi ni Axel ang kamay ko.

"Argh! Ano ba–" Nayakap ko ang kamay ko nang makaramdam ako ng hapdi. "O-Oh sh*t!" Hindi ko na nakontrol pa ang lakas ng boses ko nang makita ang dumudugo kong kamay.

Hindi lang pala ang pangil ni Axel ang matalim pati rin pala ang mga kuko niya.

"Buti na lang hindi sa mukha."

Iniwan ko muna siya at pumunta ng kusina para linisin ang sugat ko. Pagkatapos ay bumalik din kaagad sa sala para kunin sa bedside table ang first aid kit ko na akala ko ay hinding-hindi ko na magagamit sa sarili ko. Patayo na ako, at uupo na sana ulit sa kama nang tumambad sa akin si Axel. "AH!" Takot kong sigaw nang makita ang nagliliwanag niyang pulang mata at nakausli na mga pangil. Natumba at napaupo tuloy ako sa sahig ng wala sa oras.

"Man, that scared me. Ayos ka la—" Nanigas bigla ang buo kong katawan resulta ng mabilis na paglapit ni Axel sa akin. Ang kaninang nasa tapat ko lang ay bigla na lang na nasa pagitan ng leeg ko. Rinig ko ang mabigat niyang paghinga, at mainit nitong pakiramdam sa balat ko.

"W-W-What are you doing?" kabado kong tanong.

Is he going to bite me?

Itutulak ko na sana siya palayo. Pero hindi ko magawa dahil sa lakas niya. He just kept on pushing himself to me.

"Haaah..." I felt a hot air in the right side of my neck.

Kakagatin niya na ba ako?

"P-Poison... It's poison," bulong niya sa akin. Lumingon ako ng bahagya para makita siya only to see him biting his own arm.

"Anon– Anong ginagawa mo?!" Inilayo ko siya sa akin at pilit na hinihila palayo ang braso niya sa kanyang bibig. "Stop that! Stop! You'll rip your arm!"

What is he doing? Pinipigilan ba niya ang sarili niya na kagatin ako? Whatever he is trying to do, it looks painful. Malalim na nakabaon ang dalawa niyang pangil. Not to mention he still have several wounds in his body.

Nang maalis ko na sa bibig ni Axel ang braso niya ay kapansin-pansin ang pagpula ng ilalim ng mga mata niya. Natigilan din ako nang maramdaman ang malamig na likido na pumatak sa kamay ko.

"Masakit ba?" I suddenly asked him out loud.

It's a stupid question. Of course, he's in pain.

He sure is bold to bite himself and save me despite the wounds in his entire body.

"I-It hurts! Hurts ... so ... so... much! Ahn... Haa..." Kahit na sinagot niya ang katanungan ko ay kita sa mata ni Axel na wala pa rin siya sa katinuan.

How should I say this... Mukha siyang lasing at walang kamalay-malay na binibigkas ang mga salita mula sa kanyang isipan.

"Help... Help me," daing ni Axel na ngayon ay nasa sahig na at nakaluhod habang hawak-hawak ang duguan niyang kamay. "... M-Mateo! H-Help me!"

Mateo?

Now, who is this person?

"Blood... Mateo, I need ... b-blood now!" Bumuhos na ng tuluyan ang luha ni Axel. Whoever is Mateo? He must also be a vampire or someone close to him. "Nothing is healing any–more... my wounds... my wounds won't heal!"

He is scared. Sa boses pa lang niya ay nararamdaman ko na ang takot niya.

His beautiful face is now messed up with tears and blood mixed up. His pale skin became a paper canvas, with prints of agony drawn into it. He is like a lost soul, afraid and pained. His hands are trembling. Nagmistulan siyang api na ikinulong sa isang madilim na selda. Biglaan na lang naglaho sa harap ko ang binatang si Axel Wesley na kilala ng lahat bilang matalino, mayaman, at gwapo. Yakap niya ang kanyang sarili. Nakamulat man ang kanyang mga mata ay para naman siyang bulag.

"Mateo... Mateo... Blood. I need– urgh! Blargh!"

"Sh*t," napamura ako ng wala sa oras nang sumuka siya bigla ng dugo sa harap ko.

He is helpless.

This must be the reason why he is desperate for my blood. Halatang-halata na nagsisinungaling siya sa akin. For observation? I might become a vampire? A win-win situation? Alright maybe the last one is correct if money is involved. Pero kitang-kita naman na sa aming dalawa siya ang mas nangangailangan ng tulong ko.

So, blood is not just a food to eat for the vampires. It seems like it is also their vitality. Mukhang napapagaling nito ang mga sugat nila.

Lantang gulay nang nakaupo sa sahig si Axel. Nakasandal siya sa gilid ng kama at parehong nakalapag sa sahig ang mga kamay niya. Nakayuko na rin siya at tanging hikbi na lang niya ang nagpapahiwatig na siya ay buhay pa.

"Will you remember this when you wake up?" I wonder.

He has bitten me once and drank my blood. Now that I think about it, he might be also lying about the vampirization research. Who knows kung ilang kasinungalingan pa ang sinabi niya sa akin? O kung alin sa mga nabanggit niya ang katotohanan.

Fifty thousand.

Call me a douchebag pero biglaan na lang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa proposal niya. If I let him have my blood now, will he give me fifty thousand? Kasi sa totoo lang natatakot ako sa nakikita ko ngayon. Paano kung ikamatay niya ang mga sugat niya? Sa dami ng kamalasan sa buhay ko, swerte na ako na hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakita ng bangkay.

Fifty thousand per blood sucking. Let's say I do what he wanted me to do... What will happen to me?

"Agh! Ngh... urgh! Ackk..." Hindi pa pala siya tapos sa pagsuka ng dugo. At tila lumalala lang ang mga sugat niya.

I can't take this anymore!

Tumayo ako at padabog na naglakad ng kusina. Kumuha ng kutsilyo at... nagdalawang-isip muna. Pero sa huli ay sumagi ulit sa isipan ko ang ginawa niyang pagkagat sa sariling braso para lang maiwasan ang kagatin ako.

"That's one act worth commending."

Bumalik na ako kay Axel at uminom ng Mefenamic Acid na nasa first aid kit ko. Hindi ko alam kung eepekto ito sa paraan na iniisip ko pero salamat dito ay buong tapang ko na sinugatan ang sarili kong braso.

"ARGH!" Malakas kong sigaw dahil sa pagtitimpi ko ng sakit.

Sh*t, hindi effective ang Mefenamic Acid! Pero nangyari na, nasugatan ko na ang sarili ko. Sunod kong kinuha ang baso sa ibabaw ng lamesa at binuhos ang tubig sa sahig.

Ipinatulo ko sa baso ang dugo ko.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Iilang patak lang naman ang nasa baso. At alam kong aabutin ako ng siyam-siyam sa ginagawa ko but at least doing this will allow Axel to have my blood without any contact.

Matapos ang ilan pang patak ay sa wakas ay dumami na rin ang dugo ko sa baso. Sakto lang para masakop ang buong puwet nito.

"This much?" Maliit... sobrang liit pa lang ng naipon kong dugo pero manhid na ang braso ko. "Hey, you should pay me double for the effort," sambit ko sa bampira na wala pa ring malay.

Subalit laking gulat ko nang bigla na lang niyang iangat ang kanyang ulo at tinitigan ako sa mukha gamit ang blanko niya pa rin na mga mata.

"What?" Lumipat ang tingin niya sa sugatan kong braso. "Kita mo na. I did that for you to stop screaming for help. Konting hintay na lang at matatapos na ako d— huh?" Hinawakan niya ang kamay ko at inangat ito. Now, the wound in my arm is at the same level of his mouth.

"B-Blood..." He mumbled.

"Alam ko. Alam ko. Kaya nga ito ang ginagaw— aah!" Nagpupumiglas ako nang bigla na lang niyang ilapat ang labi niya sa balat ko. Pilit kong binabawi ang braso ko sa kanya ngunit mas malakas pa rin siya sa akin. "Hey, let go!" sigaw ko.

The look in his eyes is sultry, as if he is ready to devour me. An animal soley living with his instincts.

Hihilahin ko pa sana ang kamay ko nang makita ko ang tumutulong luha sa mga mata niya at ang mariin niyang pagkagat sa kanyang labi.

Oh, he is still holding back.

With a gorgeous face like that, he surely is seductive. Ganito ba ang lahat ng mga bampira? Kamag-anak ba nila ang mga incubus at succubus?

Napatingin ako sa kakarampot na dugo na naipon ko sa baso.

Ano ba ang ginagawa ko at nag-aaksaya lang ako ng oras.

"Here," sabi ko sabay buhos ng naipon kong dugo sa sugat ng braso ko, "just make sure to pay me fifty thousand when you are conscious."

Inilapit ko sa bibig ni Axel Wesley ang sugat ko. Pinunas ko sa labi niya ang tumutulo kong dugo. At kagaya noon ay lumiwanag ang kanyang mga mata. Noong una ay tila ba nahihiya pa siya at dinidilaan lang ito, pero nung nagtagal ay ibinaon na rin niya sa balat ko ang kanyang mga pangil.

It stings. It really stings. A sharp and hard object is penetrating my flesh. Pakiramdam ko ay ikamamatay ko ang sakit. Yet, when I saw Axel's face while he was drinking my blood, I thought, "Yup, vampires are of the same species with the incubus in hell."

With his skin complexion returning to normal, Axel resembles a blooming rose. Thorny yet fragile. A person who refuses to admit their vulnerability.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top