CHAPTER TEN

M I L L E R

"Dude, can you even hear yourself, right now?" ani ko bilang tugon sa kababalaghan na sinasabi ni Axel. "If you want some blood, why don't you go to a hospital or something? Hindi pwedeng sa akin ka humingi."

I may have a strong physique and healthy body, but that's all I have right now. I am able to work from sunrise to sundown, thanks for my strength and health. I won't risk my blood to some random person... or vampire in this case.

"Hm? I am quite sure that I am hearing myself just right," tugon niya na para bang walang mali sa mga pinagsasabi niya.

"You're asking for my blood. Akala ko ba hindi ka umiinom ng dugo mula sa buhay na tao?" Is he serious?

I am obviously a living human being.

"Oh, that, I can explain," aniya sabay pisil ng kanyang labi. Nag-krus ang kanyang mga braso at bahagya siyang tumingin sa sahig bago ulit tumingala sa akin. "It's complicated to explain, tho."

"What?" Napakamot ako ng ulo. "You're wasting my time." Tutal maaga na rin naman akong umalis sa trabaho at nandito na ako sa bahay, mas mabuti pa na itulog ko na lang ito at magpahinga. "Could you just leave?"

"No, I can't," he stubbornly replied.

Bumuntong-hininga ako. "Hey... I promise I won't tell anyone about your secret. I get it that you are an old vampire, you have powers, and need blood. Pero wala rin naman akong pagsasabihan so I can keep your secret... it's just please! Please. Please. I beg you to stop following me."

Napagod na ako. Nakakapagod itong laging may nakabuntot na tao... o bampira.

"Why won't you help me?"

Argh! Can't this person understand?

"Because you need my blood? And blood is precious! It's blood, man."

Bakit dugo ko ang kailangan mo?

"Didn't I tell you that I–"

"That's it. Gusto ko nang matulog." I grabbed him by his arm to bring him outside. "You should j– hm?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nung hinila ko na siya, he felt so light than I expected him to be.

"Ngh!" He groaned while trying to get rid of my grip on his arms.

Napansin ko rin na nakangiwi siya at halos mawalan na ng balanse sa kinatatayuan niya.

Akala ko ba bampira siya? Isn't he supposed to be strong?

"Get out now," bulyaw ko sa kanya sabay bitaw sa kanya.

I was afraid to hurt him, he was so light. Baka magkaroon pa siya ng pasa dahil sa akin. Napakaputla pa naman ng balat niya. Isa pa, may mga paa siya. He can leave on his own.

Axel Wesley sighed. Then he glanced at me with sleepy eyes. "I guess I have to try again next time."

"Hey. Stop trying again!" saway ko sa kanya. He should just give up and look for another human.

"I wish I can just do that," sambit niya at nagtungo ng pintuan. Aabutin na niya sana ang doorknob when he paused then said, "Ah, to make it clear, I am not an old vampire. A four-century old vampire is considerably young for us. Our age is comparable to humans in their adulthood stage." He then opened the door, and disappeared again.

* * *

After what happened the other day, I now have a new agenda in school – that is to avoid Axel Wesley... strictly and stubbornly.

It's Monday again, maswerte akong hindi dumating sa bahay ang mga tauhan ng pinag-utangan ng ama ko. Tinagalan ko ang pag-uwi kahapon mula sa trabaho dahil baka nasa labas na sila ng bahay ko at naghihintay. Obviously, I still do not have the money for the week's quota. Pero buti na lang ay wala sila. I thought they must have gone there tapos ay hindi na nakapag-hintay sa akin at umuwi na lang agad. Kaso nung nagtanong-tanong ako sa mga nagtitinda sa harap ng boarding house namin ay wala raw silang nakitang mga lalaki na umaaligid sa pinto ko.

Such luck. But I know that I cannot be lucky twice. Kulang pa rin kasi ako ng 2,000. Hindi pa rin ata ako pwede mag-advance sa convenience store, pero susubukan ko pa rin na magtanong kay Sir Franco lalo na at may pabor siya sa akin ngayon.

Pero bago ang lahat ay kailangan ko muna na matapos ang unang klase ko ng hindi nakakausap o nakakalapit kay Axel Wesley. Just like any other day since the night of the failed extra service, ginalingan ko na ang pag-iwas sa kanya. Nihindi ko na nga siya kinumprunta tungkol sa paper namin sa Philosophy at ginawa na lang ito para sa aming dalawa. Wala akong number niya kaya hindi ko siya natanong kahit sa text man lang, at kung meron man, I still wouldn't want to text him. But I remember that he told me he was busy. So, I initiated and wrote the paper for us.

"Good bye, and see you next meeting," paalam sa amin ng Philosophy professor namin. She was about to leave and I was about to get ready for the next subject when she said, "Oh. Mr. De Leon, and Mr. Wesley, can I have a brief talk with you guys outside?"

Of all timing? Ngayon pa talaga.

Agad akong tumingin kay Axel na nasa harap nakaupo. He is three seats away from me, pero mukhang naramdaman niya rin ang pagtitig ko sa kanya dahil sumaglit muna siya ng tingin sa akin bago siya tumayo.

Nauna lang siya ng konti na lumabas sa akin, and when I get there isang tanong kaagad ang bumungad sa aming dalawa. "So, tell me the reason why you passed two different papers for your group?" Nakaangat ang isang kilay ni Ms. Dy habang palipat-lipat sa aming dalawa ang kanyang mga mata.

"Pardon?" ani ni Axel.

"Wait, 'wag mong sabihin..." hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil tumango-tango na si Ms. Dy.

"Yup. Yup. You both did your papers on behalf of the two of you as a pair."

"Bakit ka gumawa?" tanong ko kay Axel.

"I don't want to fail, and you look like you don't care."

What? Ako pa talaga ang walang pakialam?

"I do care. I am the human here."

Hindi naman ata ikakalugmok ng buong buhay niya kung hindi siya makapasa sa subject na ito. O kahit hindi siya maka-graduate. He's been alive for so long. Ano pa ba ang pwedeng mangyari sa kanya kung sakaling hindi siya makapagtapos?

"Excuse me?" sabad ni Ms. Dy, "What are you talking about?" Hindi ako sumagot, ganun din si Axel. Hindi siya nagpakita ng kung anuman na kaba o kaya ay pagkataranta. Mukhang sanay na siya sa mga ganitong sitwasyon; people trying to threat him by revealing his identity.

"I don't know what happened to you at ganyan na lang kayo kagalit sa isa't isa but, if possible. Could you please forget about that and do your work properly this time? Matagal pa naman ang deadline, you can still collaborate with each other," pahayag ni Ms. Dy na inemphasize talaga ang salita na collaborate.

Paalis na sana siya nang pigilan ko siya. "Ma'am, bakit hindi na lang po kayo mamili sa pinasa namin? I'm sure both are promising," suhestiyon ko sa kanya. Maaga kong ginawa ang paper namin para magkaroon ako ng mahabang oras para sa trabaho. Pero kung uulit na naman ako na kasama si Axel ay mababaliwala lang ito.

"That would be great, both of you did a great job." Akala ko ay papayag na si Ms. Dy lalo na at malapad siyang nakangiti, "But again, the essence of this project is collaboration. I hope you could do at least that. Mahihirapan kayo sa mga susunod na hakbang sa buhay niyo kung hindi niyo alam kung paano makisabay at makipagkasundo sa ibang tao," aniya bago tuluyan na kaming iniwan sa tapat ng pinto ng classroom namin.

Lumingon ako kay Axel na saktong papasok na ng classroom.

"Wala ka bang plano?" tanong ko.

"Send me your work, and I'll just do something or combine them together to make it seem we made it together," tugon niya at pumasok na.

Well, that's convenient to me.

Kinuha ko naman ang tablet ko sa bag at saka ginawa ang sinabi ni Axel. Mabilis lang naman akong kausap.

As usual ay nasa convenience store na naman ako pagkatapos ng mga subject ko sa umaga. Dapat ay day-off ko ngayon kaso dahil nga kailangan ko ng dagdag na 2,000 ay naisip ko na lang na pumasok. Sakto rin naman na wala ang isang part timer ngayon. Ito ang pabor na hinihingi sa akin ni Sir Franco.

"Sir?" sambit ko sabay katok ng pinto ng staff room. Pinihit ko na ang doorknob at binuksan ang pinto. "Sir, magandang araw po."

"Oh, Miller. Salamat pala sa pag-fill in mo ngayong araw," sabi ni Sir Franco tapos ay inalis ang kanyang salamin sa mata. Hinimas niya muna ang gilid ng kanyang ilong bago nagtanong ng, "Anong kailangan mo?"

"Sir, if it's not too much, can I have a favor from you?"

"Hm." Sir Franco uttered to indicate his permission.

"Gipit na naman po kasi ako. Can I have the payment for today's extra duty in advance?"

Noong una ay akala ko na magagalit si Sir Franco. Kumunot kasi ang kanyang noo habang nakapatong sa ibabaw ng naka-intertwined niyang mga kamay ang kanyang baba.

"Tungkol na naman ba 'yan sa utang ng pamilya mo?" wika niya.

Ah. Nabanggit ko na nga pala sa kanya ang tungkol dito. Tumango na lang ako bilang sagot. "Sige. Sige. Makukuha mo ngayon ang bayad," nakangiti niyang sabi.

"Thank you so much, Sir!"

Minabuti ko nang gawin ang iba pang stall sa store. Hindi lang ang stall ko ang inayos ko, kung hindi pati na rin sa absent na part timer.

"Oh, Miller. Ba't nandito ka?" tanong sa akin ng kararating na isa pang part timer. Siya ang papalit sa akin ngayon pagkatapos ng shift ko. "Hindi ba't si Cj ngayon?"

"May sakit daw, eh. That's why I volunteered. I also need the extra cash," tugon ko bago pumasok ng staff room at nagbihis. Hindi na ako nagtagal at kaagad nang lumabas ng locker room. Sakto rin naman na kapapasok lang ni Sir Franco sa staff room kaya naibigay na rin niya sa akin kaagad ang bayad ko ngayong araw.

When I went to count all the money in my pocket, halos mapamura na lang ako. "Nagkulang pa talaga." Bigla tuloy akong kinabahan at baka pag-uwi ko ngayon ay nasa bahay na 'yung mga tauhan ng pinag-utangan ng tatay ko.

Ayaw ko muna tuloy na umuwi. If I got to be beaten to death today, I rather have myself be prepared and take my time. Babagalan ko ang pag-uwi ko at maglalakad na lang kahit na may pera pa akong pamasahe.

Naka-ilang hakbang pa lang ako palayo ng convenience store when a gray Mercedes SLS suddenly stopped beside me.

"Woah, ang cool." Ito ang una kong nabulalas nang makita ang kotse. I remember that before our business went to bankruptcy, sinabi ko kay Daddy na bilhan ako ng ganitong modelo ng Mercedes. But of course, it never happened. I even had to sell my Cadillac Escalade, the first car I ever had at hindi na nasundan pa.

"What are you looking at? Do you need a ride?" Napatingin ako sa may-ari ng sasakyan.

"Axel?" I said out of surprise.

"Hi, Mr. De Leon."

Bakit pa ako nagulat?
Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad, nang umabante rin ang sasakyan niya.

Anong ginagawa niya rito? How did he know I would be here?

Aside from being a vampire he is nothing but a creep.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top