CHAPTER SIXTY-EIGHT
* * *
Walang gana na kinaladkad ni Aaron ang kanyang sarili papunta sa mansyon ng bampirang papalit sa naiwan na trabaho ni Bernard, si Logan.
Sa katunayan ay si Logan talaga ang unang pinili ni Ronaldo na mailuklok sa posisyon ni Bernard. Pero dahil kontra si Aaron sa mga mahalay at Inglesero na kasama ay hindi siya pumayag. Batid pa nga niya noon na kung ikukumpara si Bernard at si Logan, higit na mapusok si Logan kaysa kay Bernard. Tumira rin ito sa iba't ibang bansa kaya inaasahan na hindi ito magaling managalog o kaya ay hindi ito marunong.
Si Aaron at Bernard ang nakaatasa na mag-asikaso sa mga vampire affairs sa bansa, habang ang natirang dalawa naman ay sa labas ng bansa naka-toka.
"Hindi pa rin ba siya sumasagot?" tanong ni Aaron sa kasama niyang bampira na inutusan niya labing limang minuto na ang nakalipas na tawagan si Logan.
Yumuko ang bampira tapos ay sabay na humingi ng tawad. "Ipagpaumanhin niyo po, master. Tumawag po ulit ako pero ang assistant lang po ni Master Logan ang nakausap ko."
"Ano ba ang pinagkakaabalahan ng batang 'yan at hindi man lang niya ako maaaring makausap sa telepono?" untag niya na niinip na sa kahihintay.
Syempre ay hindi siya masagot ng kanyang tagapag-silbi dahil pati ang naka-usap niya ay ayaw rin sabihin sa kanya ang dahilan. Sa inis ay nagmandar na lang si Aaron na sumakay na ng sasakyan at tumungo na sa mansyon ni Logan ng walang anunsyo, tutal ay ayaw naman siya kausapin nito. Nasa mas mataas siyang ranggo, at tatlong siglo ang tanda niya kay Logan kaya hindi siya natatakot na sumugod sa mansyon nito.
Nang siya ay dumating ay makikita sa mga mata ng taga-silbi ng mansyon ni Logan ang gulat nang makita nila ang lalaking lulan ng mamahaling putting sasakyan.
"A clan master is here!" tawag ng isang babaeng bampira na hindi lumalampas ng dalawang siglo ang edad.
"A clan master? I don't remember that we have a visitor coming today?" saad naman ng isa pa na nagmamadaling tumungo sa pinto para silipin kung sino ito. "Master is still in his estrus so he has no visito—Oh!" Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ay tanaw na niya ang lalaking pababa ng sasakyan na kaka-park lang sa isa sa espasyo ng malawak nilang paradahan.
Putting t-shirt at simple na kulay asul na pantalon ang suot nito. Naka-itim na sandals at may nakasabit pang shades sa kulyar ng t-shirt niya.
"Is Master done?"
"I have no idea," tugong ng babaeng bampira sabay kibit-balikat niya.
"What do you mean you have no idea? Quick! Call Mr. Loren."
"H-Huh? W-Why?"
"That's Aaron. He is someone close to Lord Ronaldo. Quick!"
Sa taranta ay nagmadali na rin na umakyat ng hagdan ang batang bampira. "Goodness! Faster!" pag-aalburoto ng isa. Agad din naman na naglaho sa gitna ng hagdana ng babae.
Faster daw kasi sigaw ng lalaki kaya nag-teleport na lang siya para mas mapabilis ang kilos niya, kahit na hindi naman talaga siya sigurado kung magagawa niya ito ng tama dahil hindi pa siya gaanong hasa sa pag-teleport.
Samantala ay nasa tapat na ng pinto si Aaron. Agad na yumuko at binati ng lalaki ang kanilang bisita. "G-Good afternoon, Master Aaron."
"Hindi ako sigurado kung maganda ba ang hapon. Nasaan ang master mo?" malamig niyang sambit.
Hindi sigurado ang lalaki kung dapat ba siyang magsabi ng totoo. Sa hindi malamang dahilan ay pinagbabawalan sila na ipagsabi na may estrus ang kanilang master.
Ibubuka na sana nito ang bibig niya para magsinungaling nang bigla siyang makarinig ng boses sa kanyang likod na siyang sumagot sa katanungan ni Aaron.
"Master Aaron, ipagpaumanhin niyo. Ngunit wala rito si Master Logan." Isang lalaking may suot ng Americang puti ang humarap kay Aaron. Akalaing uling ang napaka-itim niyang buhok, at nasa likod niya ang kanyang mga kamay.
"Tumawag ako rito para ipagbigay alam ang pagdating ko. Ngunit walang gustong sumagot ng matino sa inyo."
Yumuko ulit ang lalaki. "Ipinag-utos po ni Master na huwag ipagbigay alam ang kanyang kinaroroonan sanhi ng napaka-importante ito na misyon."
Tumaas ang kilay ni Aaron at kasabay nito ay ang pag-usbong ng kanyang hinala. Hindi Pilipino ang butler ng mansyon na ito kaya madalas ay Ingles ang gamit na wika ng lalaki. Alam ng butler na pabor kay Aaron ang mga bampirang gumagamit ng pareho niyang wika.
"Sinusubukan niyang makuha ang pabor ko." Hinala niya.
"Misyon?" wika ni Aaron.
"Opo, Master Aaron," tugon ng butler at sabay silang yumuko na naman ng katabing bampira na naunang bumati kay Aaron.
"Anong klaseng misyon ba 'yan? Wala akong naririnig tungkol sa isang importanteng misyon. Sino ba ang nagbigay nito sa kanya?" Tumanggi na maniwala si Aaron sa sinasabi ng mga ito.
Kilala niya si Logan. Tunay man na isa siya sa mga bampirang pinapadala ni Ronaldo pagdating sa mga mahihirap at importanteng misyon, pero may isang bagay pa na alam na alam ni Aaron tungkol sa binatang ito.
"Iyan po ay hindi niya rin ipinagbigay alam sa amin."
"Sa akin din..."
Natigilan ang butler at muling nagsalita. "Excuse me?"
"Gaano man ka-importante ang misyon ay kailangan itong dumaan sa akin bilang isa ako sa apat na pinagkakatiwalaan ng Supreme."
Sa pagkakataon na ito ay nagsimula nang mataranta ang butler ng mansyon. Magbubulalas pa sana siya ng isa na naman na kasinungalingan nang hindi na natiis ni Aaron ang tagal ng usapan nila.
"Ito ay walang iba kundi ang pag-aaksaya ng oras," saad ni Aaron sa kanyang sarili at humakbang papasok ng mansyon.
"Uh-Uh—Master Aaron. My apologies b—"
"Ah! Sa palagay ko ay may alam ako sa misyon na tinutukoy niyo," panunukso ni Aaron.
Ngumisi siya ng manipis at tinitigan lang ang kabadong itsura ng dalawang bampira. Bago pa man makapag-tanong kung ano ang tinutukoy niya ang butler ay agad nang nawala sa tapat ni si Aaron.
Hindi ito ang unang beses ni Aaron sa mansyon na ito, kaya alam niya kung saan ang silid ni Logan. Mabilis din naman na sumunod sa kanya ang dalawang bampira.
"M-Master Aaron, wala diyan si Mast—"
"Hahaha!" Hindi na natapos ng butler ang sasabihin niya nang biglang humalakhak ng mahinahon si Aaron. "Kahit kailan ay hindi pa rin nagsasawa si Logan sa kahalayan na ito, ano?"
"K-K-K-Kahalayan!" nauutal na pagbulalas ng lalaking bampira sa likod ng butler ng mansyon.
"Hindi niyo na kailangan na magsinungaling. Hindi pa man ako nakakapasok ay amoy ko na ang halimuyak ng pheromones ng master niyo." Pinihit ni Aaron ang busol ng pinto, ngunit sarado ito. Saglit na nakahinga ng maluwag ang dalawang bampira na nakasunod sa kanya. At agad naman na namutla nang nawala ulit sa kanilang harapan ang kanilang bisita.
Sa likod ng pinto ay ang malawak na higaan. Mga nasa sampung bampira ang nasa kama, babae at lalaki. Lahat ay nakahubad; may Morena at maputi, kulot ang buhok at matuwid. AT lahat ay mahimbing na natutulog. Sa gitna ay makikita ang lalaking may maputlang balat, itim ang kanyang mahabang buhok. Gamit niya bilang unan ang braso ng katabi niyang lalaki, habang sa kanyang kanan naman ay yakap niya ang isang babae.
Ramdam ni Aaron ang pagkibot ng kanyang kaliwang kilay. Mahimbing man na natutulog ay hindi na kailangan ng paliwanag pa para malaman kung anong klaseng kaganapan ang nasa kanyang harap.
"Logan..." tawag niya gamit ang mahina at mababang boses. Subalit hindi gumalaw ang lalaking nasa gitna.
"Logan." Tawag niya ulit sa mas malakas ngunit parehong mababang boses. Ngunit ganoon pa rin, wala ni maliit na paggalaw na nakita si Aaron mula sa lalaki.
Pumikit si Aaron habang pinipisil ang pagitan ng kanyang mga mata.
"Parang gusto kong mag-protesta ulit!"
Hindi na kinaya pa ni Aaron ang kanyang inis at mabilis na sumulpot sa ibabaw ng kama ng lalaki at marahas itong hinablot sabay sigaw ng, "LO... GAN!"
Dumagundong ang kanyang boses, hindi lang sa loob ng silid, kung hindi pati na rin sa buong mansyon. At sa pamamagitan lang nito ay sabay-sabay na nagsibangon ang mga natutulog na bampira sa kama.
Tumambad sa kanila ang mapula at galit na galit na mukha ni Aaron.
Mabigat pa ang mga mata ni Logan nang binuksan niya ito. Idagdag pa ang sumasakit niyang leeg dahil sa matigas niyang unan. At sa sandaling napagtanto niya na kung sino ang lalaki na nakatayo sa kanyang kama ay agad niyang hinila ang kanyang kamay at mabilis na umupo ng matuwid.
"A-A-Aaron!"
Mabilis na tinapik ni Logan ang kanyang mga katabi, at wala pang isang segundo ay naglaho ang mga ito sa kanyang kama.
Tumaas pa lalo ang kilay ni Aaron. Kimikislot-kislot din ang kanyang sentido sa pagpipigil ng kanyang galit.
"Sa nakikita ko ay tapos na ang estrus mo..."
"I... I..."
"Maaari mo bang ipaliwanag kung ano ang ginagawa mo sa silid na ito kasama ang mga bampira na iyon?"
Unti-unting lumiit si Logan at sa huli ay hindi siya nakasagot. Naaasiwa si Aaron sa itsura ng lalaki ngayon. Hubo't hubad siya at napapalibutan pa rin ng matamis na amoy ng kanyang pheromones ang buong silid.
Pagod na nagbuntong-hininga si Aaron at hinay-hinay na kinalma ang sarili bago sinabi kay Logan na, "Fix yourself and clean the nasty air in your room. Masyado kang malaswa."
Sa pagkakataon na ito ay naintindihan na ni Logan ang sinabi ni Aaron at agad naman na sumunod sa utos nito sa kanya.
Pumasok na sa silid si Loren kasama ang ilang katulong. Binuksan nila ang bintana ng silid at pinalitan ang bedsheet. Habang nililinis ang kwarto ni Logan at nagbibihis pa siya ay maghihintay naman sa beranda si Aaron.
Hindi pa rin nagbabago si Logan. Pareho pa rin siya ng dati na gustong-gusto na nilulunod ang sarili sa sarap. Kung si Bernard ay mga tipo ni Axel at Sedric ang gusto, si Logan naman ay walang pinipiling kasarian pagdating sa pagtatal*k. Mapa-babae man o lalaki, bakla o tomboy. Basta kaya siyang pasayahin sa kama, basta maramdaman niya ang nakakaadik na sarap ng mga katawang konektado sa isa't isa, sinuman ito ay tatanggapin niya.
Pareho silang may active s*x life, ngunit masasabi na mas disente pa si Bernard kay Logan. Paminsan-minsan lang si Bernard, sa loob ng isang buwan ay mga nasa tatlo hanggang limang beses lang siya kung nakipagtal*k. Labas na dito kung siya ay may estrus. Pero iba si Logan. Kung maaari at kung may oras, nais niyang maglaro. Hindi importante kung may trabaho siya o wala, kung may pagkakataon ay gagawin niya ito sa kung sinuman na kasama niya sa loob ng silid. Kung kay Bernard ay buwan ang sakop, kay Logan naman ay linggo. Sa loob ng isang linggo ay nasa apat hanggang limang beses siyang nakikipag-lampungan sa kani-kanino.
Mas lumalala pa ang kagustuhan niyang ito sa tuwing nagkaka-estrus siya. Dahil kagaya ng kanina ay mas mataas ang kanyang libido. Madalas din siyang lumalagpas ng pitong araw sa kanyang kama.
"He's always in heat," komento pa sa kanya ni Paolo nung isang beses na bumisita si Logan sa mansyon nito.
Ngayon na makakasama na ni Aaron ang lalaking ito, nagsisimula na siyang mag-isip kung paano maiiwasan ang pangyayari kanina.
Matapos ang halos bente minutos ay lumabas na si Logan. May maayos na siyang suot at presentableng anyo. Hindi maikakaila na may gwapong mukha ang lalaki. Ang mahaba at itim niyang buhok at ang kumikislap niyang mga mata. Sinuman ang naisin niya ay talagang maakit niya sa kama.
"Sorry to keep you waiting," nakayuko niyang ani kay Aaron na nakatingin lang sa malayo habang humihigop ng mainit na tsaa.
"Alam mo na siguro kung bakit ako naririto, hindi ba?" panimula niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.
"I just heard about it."
Napapikit ulit si Aaron sanhi ng pagpipigil niya ng panibago na naman na inis. Muli siyang nagbuntong-hininga. "Hindi ba pwede na iba na lang?" reklamo ni Aaron na muntikan pa niyang mabulalas.
Ang ginawa lang naman niya ay ang pumasok sa mansyon ni Logan, ginising ito, at umupo para uminom ng tsaa, pero pagod na pagod na siya. Nais na niyang umalis kaya hindi na niya pinatagal pa ang pagpapaliwanag sa gagawin ni Logan sa bago niyang posisyon.
"Maswerte ka sa trabahong ito... kahit papaano," banggit ni Aaron. "Isa sa mga gagawin mo ay ang pag-aassist sa mga bagong alpha sa mansyon ni Paolo para sa estrus nila."
Dahil ang bagong posisyon ni Logan ay ang posisyon ng yumao na si Bernard, gagawin din niya ang parehong mga trabaho na ginawa ni Bernard.
"Ngunit, huwag ka muna na mag-bunyi. May iba ka pang gagawin. Hindi madali ang trabaho natin. Kailangan mo ring turuan ang mga bagong alpha kung paano gamitin ang kakayahan nila. Buhay pa naman ang kanang kamay ni Bernard, siya na ang bahala na magpaliwanag sa'yo sa iba pang detalye."
"Do I have to move?"
Umiling-iling si Aaron. "You don't have to. Just do you job properly and responsibly. Malaki ang papel na gampanin mo."
Tunay nga na mahalaga ang gampanin ng apat na pangunahing tauhan ni Ronaldo. Sila ang dahilan kung bakit patuloy na lumalakas ang puwersa ng mga rebeldeng bampira.
"Gusto kong bigyan mo ng pansin ang sekretarya ng Supreme?" saad ni Aaron. Syempre, hindi niya nakalimutan na banggitin ang kanyang anak-anakan, "Kilala mo si Axel Wesley, hindi ba?"
Kumunot ang noo ni Logan at ngumiwi ang labi. Iniisip niya kung saan niya narinig ang pamilyar na pangalan na ito. Hindi rin nagtagal ay lumiwanag ang mga mata niya sabay sambit ng, "Aha! That gorgeous beta guy. Yeah, yeah. I know him. He sits at the top of the beta hierarchy. Man! I heard that he was Bernard's lover."
Hindi na nakapagtataka kung kilala niya si Axel. Maliban sa marangya nitong pinagmulan, may panahon din na napaka-aktibo ng s*x life ni Axel. Dumating ito sa punto na hindi lang siya naging kilala dahil isa siyang Wesley, kung hindi dahil na rin sa kanyang nakahuhumaling na ganda.
"I also wanna meet him. I wonder if he'll let me have fun with him."
"Wala na ba siyang ibang nasa isip kung hindi 'yan?" Hindi na lang ito pinansin ni Aaron at nagpatuloy na lang na sabihin ang mga importanteng bagay na dapat malaman ni Logan.
"Mabuti naman at kilala mo siya. May mga panahon na uutusan kita na maglinis ng kalat."
"Oh, who might it be?"
"Si Axel Wesley... isa siya sa mga kalat na ang hirap alisin. Ah, kasali rin dito ang lalaking vampirized na lagi niyang kasa-kasama."
"Aaw, what a waste of beauty and brain."
Tunay nga na sayang ang ganda at talino ni Axel. Ngunit ang pagkamuhi ni Aaron sa kanyang anak-anakan ay higit pa sa anumang bagay.
Kung ano ang puno? Pinapaalala lang naman ni Axel sa kanya ang yumao niyang kapatid. Para kay Aaron, ang pagkatao at buhay nito ay katumbas ng salitang poot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top