CHAPTER SIXTY

* * *

May bagong imbensyon na naman si Paolo. Sabi nga nila, mas madaling maging masama kaysa maging mabuti. Ganito rin ang kondisyon pagdating sa Siyensya. Mas madali ang gumawa ng bagay na makakasira sa iba.

Hindi kontento si Paolo sa ginawa niyang mga potion. Masyadong mabagal ang epekto nito at napakaraming proseso pa ang dadaanan bago masawi ang bampira. Halimbawa na lang dito si Axel. Dalawang uri ng nakamamatay na kemikal na ang nasa kanyang katawan, at humihinga pa rin siya.

"It's such a pain in the ass. Do we really have to wait an hour or even months before we could kill anyone?" ito ang mga salitang lumabas sa bibig ni Ronaldo noong bumisita siya sa mansyon ni Paolo.

Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng mananaliksik. Alam niyang masyadong mabagal ang epekto ng mga imbensyon niya.

Kaya ilang buwan din siyang nagkulong sa kanyang laboratoryo. Nagkaroon lamang siya ng saglit na pahinga nang bumisita si Bernard doon para sa kanyang mga alpha na naghahanap ng kapares para sa kanilang estrus. At ngayon, matapos ang maraming mga araw at gabi na walang tulog at magdamagan na pagharap sa kanyang mga libro ay computer ay nakagawa na rin siya ng isang prototype.

Naisipan niya na ipaghalo ang lahat ng mga nakalalasong sangkap. Gumamit siya ng matibay na metal. Gumagamit din ng mahika ang mga bampira. Para saan pa't may malalapit silang kaibigan sa ibang mundo.

Unang nilikha ni Paolo ay isang sandata – isang maliit na punyal. Matalas at madaling hawakan. Dahil prototype pa naman ang materyal ay naisipan niya na gawin na muna itong punyal. Ibinigay niya ito kay Bernard na siyang walang padalos-dalos namang sinubukan.

"Napakawalang kwenta naman ata nito," komento ni Bernard sa gawa ng kaibigan.

Nang sinubukan niya ang punyal sa isa sa mga tauhan niya ay nakita niyang naghihilom pa rin ang sugat nito. Mas mabagal ang paghihilom, pero hindi pa rin sapat para mabawian ng buhay ang bampira.

Nagkaroon na naman ng halos isang linggong pananaliksik si Paolo, at nadiskubre niya na hindi pa niya gaanong nalinang ang materyal. Ito ang dahilan kaya hindi pa ito sapat para pumatay ng isang purong bampira.

Nang malaman ito ni Bernard ay nagpatawag siya ng isang vampirized at walang pag-aalinlangan na itinusok ito sa kanyang puso. Hindi naman gumalaw ang dating mortal na bampira sa inaakala niya na gagaling pa ang kanyang sugat. Hindi rin nagtagal ay napaluhod ang bampira.

At kagaya ng isang ordinaryong tao ay namatay siya sa ordinaryong paraan. Hindi na naghilom ang kanyang sugat. Naubusan siya ng dugo hanggang sa nawalan siya ng buhay sa mismong tapat ni Bernard. Naka-obserba ang lahat sa kanyang nanlalamig na katawan na para bang nakama-manghang tanawin.

"Oh. He's dead," mutawi ni Bernard nang natumba ang vampirized at huminto na sa paghinga.

Nasiyahan si Bernard sa resulta, mas lalo na si Ronaldo. Ang kailangan na lang nilang gawin ay bigyan ng sapat na oras si Paolo para mabuo ang kanyang imbensyon.

Namangha si Bernard sa punyal kaya hiningi niya ito sa kaibigan. Sinong may akala na magagamit niya ito sa loob ng maikling panahon?

"Miller. Miller!" Nagsisisigaw si Axel habang sinusubukan niyang makatayo sa sofa.

Natanggal na ang pisi na nakatali sa kanyang kamay at paa. Ngunit ngayon ay nasa sahig naman si Miller, nakahandusay at walang malay.

Noong una ay hindi narinig ni Axel ang parte na binanggit ni Bernard ang kakayahan ng gamit niyang punyal.

"Miller, how long are you going to stay there?" tanong niya sabay buhat sa tila lantang gulay na katawan ni Miller. Inakala niya na agad din na bubuksan ni Miller ang kanyang mga mata, puno ng pag-asa siyang naghintay.

"That's useless, you know?" sabi niya matapos ang ilang segundo na panonood kay Axel. "You're looking so pathetic. Alam mo ba kung ano 'to?" Itinaas ni Bernard ang duguan na punyal na para bang isa lang itong kahoy na stick.

"Bastard! What did you do to him?" bulyaw ni Axel.

"Oh..." saglit na munang nag-isip si Bernard kung sasagutin niya si Axel. Pero sa huli ay nagpagdesisyunan niyang balewalain ito at magpatuloy sa sinasabi niya kanina. "This little one here is the future of slaughtering vampires. Ikaw nga sana ang unang makakasubok nito kung hindi lang sumingit ang lalaking 'yan? But anyways, hindi rin naman ito tatalab sa'yo... hindi pa. Siguro mga after a year or less. Kaso hindi mo na maabutan pa ang first trial ng final product dahil mamamatay kana ngayon."

"I. Won't. Die." Dahan-dahan at klarong sambit ni Axel.

"Talaga? Sa tansya ko nasa mga sampung minuto na lang at eepekto na ang potion na ibinigay ko sa'yo. And your knight and shining armor is pretty as good as dead in the cold floor. Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Patuloy siyang tinutuya ni Bernard.

Hindi nagpa-apekto si Axel. Sinusubukan pa rin niya na gisingin si Miller. Mahina niyang tinapik-tapik ang pisngi nito. Nang makita na gumagalaw pa ng bahagya ang nakapikit nitong pilik ay tila ba nabuhayan ulit ng pag-asa si Axel.

"Miller! Oh, goodness! Miller. O-Open your eyes...Please, don't sleep. Open your e-eyes."

"Aww. Ang sweet mo naman sa kanya, Axel. Nakakalungkot din na pareho kayong mamamatay sa kamay ko."

Mamamatay.

Kamatayan.

Nang marinig ito ni Axel ay hindi niya mapigilan na maluha.

Paano ito nangyari? "It's because I let myself get into trouble. I got tricked by that evil old geezer again and got captured by this perverted demon. I dragged Miller along me. I am the only one who should die now. But... But I dragged him along. It's my fault again." Nagsisimula nang malito ang isipan ni Axel. Hindi na siya makapag-isip pa ng matuwid. Lalo na at nasa mga kamay niya ang duguan na katawan ni Miller. Idagdag pa ang lason na nasa kanyang katawan.

Unti-unti rin siyang nanghihina. Namamanhid na ang kanyang mga binti na pinapatungan ng mabigat na katawan ni Miller.

"Hang in there..." sambit niya sa likod na kanyang isipan tapos ay inilapat ang kanyang labi sa maputlang labi ni Miller.

Umaasa siyang makakatulong ang natitira niyang lakas kay Miller. Ang lakas na kanina pa niya tinitipid para bumagal ang pagkalat ng mga kemikal na nasa kanyang katawan.

Handa siyang isakripisyo ang sarili para kay Miller.

Nanlaki ang mga mat ani Bernard sa kanyang nasaksikhan. "Ha! Gagawin mo talaga 'yan? Handa kang mamatay para sa mortal na 'yan? If that's what you're going to do ay dapat kanina ko pa pala tinadtad ng saksak ang lalaking 'yan!"

Labis na galit at matinding pagseselos ang nasa puso ngayon ni Bernard.

Dati silang magsing-irog ni Axel kaya alam niya kung ano ang ibig sabihin ng ginagawang pagsasakripisyo ni Axel ngayon para kay Miller. Alam niya rin na hindi nagpapadalos-dalos si Axel.

"Sino ba ang mortal na ito para isakripisyo ni Axel ang kanyang sarili?" Hindi na niya kailangan pa ng kasagutan mula kay Axel. Alam na niya.

Mariin pa rin na hinahalikan ni Axel si Miller. Nakakairita sa mata.

Uundayan na niya ng saksak si Axel gamit ang punyal nang may biglang sumingit sa pagitan nila.

"Akhng," isang mahinang ungol ang narinig ni Bernard.

Napaatras siya sa gulat. At nang makita kung sino ang biglaang sumulpot ay hindi niya maiwasan na mapangiti.

"Oh. What a great honor. I've got a surprise visit from the Lord Supreme himself, Lord Maximilian." Yumuko ng mababa si Bernard, sa sobrang baba ay nagmistulan na itong pilit at walang-kabuluhan.

Nasa tagiliran pa rin ni Maximilian ang punyal nang walang kaabog-abog niya itong binunot at hinati sa dalawa.

"Itigil mo na 'yan. Bernard. Alam naman natin na matagal ka ng nawalan ng respeto sa akin bilang iyong Supreme."

Pinitik ni Bernard ang kanyang dila at tumayo ng matuwid habang binibigyan ng masamang tingin si Maximilian.

Personal na namagitan ang Supreme. "There must be something more about the vampirized I just stabbed," banggit niya sa sarili saka kabadong dumako ang mga mata ka Maximillian. "Ngayon pa talaga siya dumating. Pagpapawisan ako nito. I'll just fought with him for a while before escaping... ugh. Here goes nothing."

Kung may iba mang bampira na nasa loob ng silid ay malamang magiging nakakatawa sa kanila ang sitwasyon. Ang Supreme at isang alpha. Kahit na sabihin malakas na alpha si Bernard ay wala pa rin siyang itatapat sa pinaka-makapangyarihan na bampira. Nagmistulan siyang daga sa harap ng isang king cobra. Isang maling galaw niya lang ay maaaring maglapit sa kanya sa sarili niyang kamatayan.

Samantala, naglaho naman ang tugtugan at masayang hiyawan sa labas ng VIP area na kinaroroonan ni Bernard. Napalitan ng pulang tinta ang makukulay na ilaw kanina, at nagsi-tigil ang lahat ng sayawan.

Hawak ni Mateo ang isang manipis na espada na mas mahaba kaysa iba niyang pag-aari. Nakatarak ito sa bampirang kani-kanina lang ay buong kumpyansa na sumugod sa kanya. Pinadulas pababa niya ang kanyang hawak na sandata.

"Aahh!" pagsisigaw ng lalaki nang maramdaman niya ang paghiwa sa kanyang balat. Tumulo ang balde-baldeng dugo sa kanyang balikat habang dahan-dahan naman na lumalaylay ang kanyang braso. "Ah. Ah. Aahh! Ah–" Sa isang iglap ay nawalan ng malay ang lalaki, marahil sa takot, maaari rin dahil sa sakit, o simple dahil sa mga pangyayari.

Dahil ang mga bampira ay hindi madaling mamatay, maliban kung sila ay uminom ng nakamamatay na lason, mas lubhang mabisa na patulin ang isa o dalawang biyas nila. O kaya ang magkaroon sila ng malalang sugat na maglalaan ng mahabang oras para gumaling. Sa paraang ito ay mapapanatili silang hindi makagalaw. Tutubo rin agad ang braso nila kagaya ng butiki sa kisame na naputulan ng buntot. Mas mabuti pa nga na mawalan sila ng malay para maging mas madali ang trabaho nila Mateo dito.

"They are mostly vampirized here, master," pahayag sa kanya ng isa sa tatlong mga tauhan niya na dinala niya sa club.

"Great. It will just be easy," mutawi niya bago tinuluyan ang braso ng lalaki.

Habang abala silang dalawa sa pag-uusap ay may isa na namang matapang na sumugod sa kanila.

"Haaa—agh!" Wala pang isang segundo ay nahagip na siya ng espada ni Mateo at lumuwa ng dugo.

"Lungga ito ng mga tauhan ni Ronaldo, master!" banggit ni Leo sa hindi kalayuan. Okupado rin siya sa pakikipaglaban.

Sinong mag-aakala na ang mga taong nagsasayawan kanina ay ang kalahati ay mga bampira. Pati ang mga babaeng nagsisilbi ay mga bampira rin pala. Hindi lang ito isang negosyo, kampo at taguan din ito ng mga tauhan ni Ronaldo.

Hindi naman nahirapan sa pagharap sa mga ito ang mga dinalang alpha ni Mateo. Mga beterano at magagaling na mandirigma ang dala niya. Habang mga batang bampira at mga dating mortal ang alpha na nandito. May ilan pa nga na beta na hindi na nangahas na makipaglaban sa kanila at tumakas na lang mula sa gulo.

"Master, paano po ang isang pang VIP area?" tanong ng isa pang tauhan ni Mateo.

"Chop off a few limbs of the vampire you find in the rooms to make them immobile. Let the Supreme deal with Bernard." "And I'll go grab the couple of vampires who are both stubborn enough to not listen with my orders." Tinutukoy ni Mateo si Axel at Miller na parehong hindi nakinig sa simpleng utos niya. Si Axel na lumabas pa rin ng mansyon kahit na ilang ulit na siyang sinabihan na huwag. At si Miller na sumugod pa rin sa loob kahit na inutusan nila na maghintay.

Pagkatapos niyang ibigay ang utos sa kanyang mga tauhan ay dumiretso na siya sa VIP area na kinaroroonan nila Miller. Nasa likod niya si Leo at isa pa nitong kasama na isa-isang pumili ng silid na papasukan.

Room 007. Ito ang nakalagay sa gintong plaka ng pinto.

Hindi na nila kailangan na isa-isahin ang mga silid para hanapin ang kinaroroonan ng dalawa.

May kakayahan ang Supreme na kumunekta sa lahat ng bampira sa mundo kaya kung nasaan man si Axel at Miller ay mabilis itong mahahanap ni Maximilian.

Sa sandaling binuksan ni Mateo ang silid ay bumungad sa kanya ang madugong eksena. Si Miller na akay-akay ni Axel sa sahig... at si Bernard na nakakapit sa sofa. Duguan ang kanyang mata, ilong, at bibig. Pilit siyang tumatayo pero tila ba nakadikit sa sahig ang kanyang mga paa.

"Hahayaan sana kitang mabuhay," wika ng Supreme, "subalit sa nakikita ko labis na ang kasalanan na nagawa mo. Napakaraming inosenteng mortal ang nadamay."

Sa kabila ng kanyang paghihirap ay mayabang pa rin na ngumisi si Bernard. "Ano ba ang alam mo? You're the Supreme, so you are the most powerful. Not only that, you are also a Lorenvetti. Inosente?" Lumuwa siya ng dugo. "Pwe! Humans are just as cruel. Much crueler than any creature."

Ipinikit ni Maximillian ang kanyang mga mata. Tila ba nagpipigil ng galit.

"Hindi ba magbabago ang iyong isipan?"

"What's there to change? You're going to kill me anyway."

Kumurba ng bahagya ang labi ng Supreme at saka inangat ang kanyang kanang kamay. At mistulan bang may hawak siyang bola dito ay dahan-dahan niyang isinara ang kanyang kamay. Habang ginagawa niya ito ay panay ang pagsikip ng dibdib ni Bernard. Kasabay nito ay ang pagbilis ng kanyang paghinga.

"Ha! Y-You're r-really... doing t-this?"

"Bakit hindi?"

"Agh!" Hindi pa man nakakasagot si Bernard ay nalagutan na siya ng hininga.

Mas marami pang dugo ang tumulo sa kanyang labi at mata.

"You killed him, My Lord?" tanong ni Mateo na kanina pa nanonood.

"He deserves his death. He's been collecting humans to vampirized them." Malamig ang mga salita ni Maximilian. Dumako ang tingin niya kay Axel at Miller.

Luhaan si Axel sa kabila ng maputla niyang mukha. Agad din naman siyang nilapitan ni Mateo at pinakiramdaman ang kanyang pulso.

"Hey, you're dying," anito, pero hindi gumalaw si Axel at nanatili lang nakayuko sa maputla ring pigura ni Miller.

"Huwag kang mag-alala. Buhay pa siya. Mahusay ang ginawa mong pagbigay ng vampire essence sa kanya."

Nanga marinig ang mga katagang ito ay tila ba nagbalik ang pandinig ni Axel at tumingala kay Maximilian.

"Can we still save him?"

Tumango ang Supreme. "Oo. Pero bago ang lahat ay bumalik muna tayo sa mansyon. Kailangan mo ring magamot."

"You're also in danger, Ax," dagdag ni Mateo.

Sumang-ayon sa kanila si Axel. Sabay silang nag-teleport pabalik sa mansyon. Sa loob ng mga sandaling iyon ay hindi umalis si Axel sa tabi ni Miller.

Pati sa kama ay nais niya na magkatabi sila. Tila ba natatakot siya na mawala sa kanyang paningin ang lalaki.

"Miller will wake up soon. He is someone who will become a vampire anyway," pahayag ni Mateo para pagaanin ang loob ng kaibigan.

"Yeah. He'll wake up soon." "Then I'll tell him my feelings."

* * *

"Ahn! Haa... Mn!"

Malalim na ang gabi pero naririnig pa rin sa silid ni Ronaldo ang pag-ungol ng babaeng bampira na kanyang kalaro. Ito ang katulong na kasama niya noong kinausap niya si Aaron. Malapit na ang kanyang estrus, hindi pa ito nagsisimula. Pero para bang nasa kalagitnaan na siya ng kanyang estrus sa tindi ng aksyon nila ngayon sa kama.

Alam ito ni Aaron, kaya may panahon pa siya na mapag-isa. Panahon na magmuni-muni bago ang isang linggo na mapapasakanya ang lahat ng responsibilidad ng isang lider ng mga rebelde.

Kung maingay at magulo ang silid ni Ronaldo ay tahimik at malinis naman ang kay Aaron. Sa kanya na ang buong mansyon kaya may karapatan siya na baguhin ito sa anumang ayos na nais niya.

"Dave," tawag niya at agad na lumapit sa kanyang kama ang alpha na nakabantay sa labas ng kanyang silid.

"Yes, master."

"Gusto kong kapalan ang dingding ng mga silid para walang marinig na ingay mula sa loob. Maglaan ka rin ng silid para sa mga magkaka-estrus, at kung maaari ay gawin nila ito sa pribadong lugar."

Yumuko si David at sumagot ng, "Masusunod, master."

Magkaibigan si Aaron at Ronaldo ngunit magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali pagdating sa pakikipagtalik.

"Huwag po! Ahng... ah! T-Teka..."

Nagbuntong-hininga si Aaron.

"Hindi magiging maganda para sa pagtulog ko kung dito magaganap ang estrus ni Ronaldo," sabi niya at saka bumangon sa pagkakahiga.

Hindi na rin naman siya makakapag-pahinga sa ingay kaya mabuti pa na magtrabaho.

Sa sandaling lumabas ng kanyang silid si Aaron ay dumating ang isang bampira na taranta at pawis. Nagmamadali itong tumakbo patungo sa kanya at hingal na hingal na ibinalita na, "Master! Masamang balita."

Tumango lang si Aaron bilang hudyat na maaari nang magsalita ang lalaki.

"Bigo po si Sir Bernard sa pagpaslang kay Axel. Bigla na lang pong dumating ang isang vampirized, at sumunod sa kanya si Sir Mateo at si... si..."

"Si, ano? Sino ang kasama ni Mateo?"

"... K-Kasama niya po ang Supreme!"

Lumingon ang lahat ng trabahador sa lalaki, sanhi para itago niya ang kanyang mukha. Mayamaya lang ay kumalabog ang silid na kinaroroonan ni Ronaldo at sunod na narinig ang mabibigat na paghakbang ng paa pababa sa hagda.

"Oh, come on! Who dares to call that weakling a Supreme?" bulalas ni Ronaldo. Nanginig ang lalaki sa kanyang narinig.

Pumagitna naman agad si Aaron at kalmadong nagmutawi ng, "It was me who asked him to utter the word."

Tinitigan lang siya ni Ronaldo. Halos tatlong segundo rin ang lumipas, pero agad din na kumalma ang galit na ekspresyon ni Ronaldo at naghikab.

"I have lost my appetite for sex. I'll be back to my mansion and wait for my estrus to arrive."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top