CHAPTER SEVENTY-SIX

M I L L E R

I cut ties with my dad. Well not the severe type of cutting ties. Ayaw niya pa rin kasi akong bitawan. Ang ironic lang dahil siya itong unang nagpabaya at iniwan ang pamilya niya.

Mukha kasing may pakinabang pa siya sa akin. Mabuti na lang at kinausap siya ni Amika. She told him that no matter what he is planning it will be futile.

"Even if Miller agrees, I still won't cooperate. Besides, I've told Daddy about my boyfriend."

"How's it?"

"He was mad of course, especially when I confessed about my pregnancy."

Sa sandaling ito ay nagbago na ang malamig na ekspresyon ng mukha ni Dad. His calm brows wrinkled and his eyes widened. Naiintindihan n ani Dad na hindi na niya magagawa ang nauna niyang plano.

"I thought you were an obedient child," sabi ni Dad kay Amika.

"I was an obedient child, Mr. President. But I've grown up. No longer a child. I can decide on my own now... and that also goes the same with your son."

Pagkatapos ng rebelasyon ni Amika ay kalamado na silang nag-usap ni Dad. They discussed how to maintain good business between her father kahit na hindi man sila maging tunay na pamilya. In the end, Amika's father arrived to reprimand his daughter. He bashed her. He called her names as if being in love with the man he did not choose for her is a seen. Dad and I was there, watching their quarrel. Hindi rin kasi nanahimik si Amika.

Lahat sinabi niya sa ama niya. How much she endured being used by him. Pakiramdam niya raw ay binubugaw siya ng sarili niyang ama. Her arguments are personal and has deep origin. She was crying while spouting all the feelings and thoughts she had for father for many years. Hindi rin nagtagal ay may dumating na lalaki na nagpakilala na nobyo ni Amika.

To be honest, Amika's boyfriend is a decent guy. He seems kind and sincere. Mukhang nagmula rin siya sa mayamang pamilya. Just how important is business for Amika's father to even exploit his own daughter's freedom to choose?

In the end ay umalis si Amika at ang boyfriend niya. Habang ako naman ay naiwan kasama ang dalawang matanda. The white old man is a stranger to me, while the other one is my father who has estranged me for many years.

"Where are you going?" tanong sa akin ni Dad nung napagpasyahan ko na umalis na rin.

Ano pa ba kasi ang gagawin ko sa VIP room ng isang bar?

"I'm going home."

"Home? Do you really have a home?"

Nang marinig ko ang tanong na ito ay biglang dumaan sa isipan ko si Axel.

With a smile, I confidently answered, "I do, Dad. I found my new home."

"What? But you don't have the money to buy a new home, wait..." tumigil siya sa pagsasalita at ngumisi, "don't tell me you're living in a run-down house in a squatter's area? Is that why I can't find you? Did you really manage living in that kind of place?"

Bigla akong nakaramdam ng init ng ulo sa narinig ko. Hindi man ako tumira sa squatters' area but I am basically at the same shoe. Naghirap din ako. At ironically, the very man insulting me for living poorly was the reason why I had to experience such hardship.

"Akala ko nagbago ka na, Dad. Akala ko mababago ka ng pagbagsak mo. Pero eto ka pa rin, mas lumaki pa ata ang ulo mo."

"Lumaki ang ulo? How dare you talk to your father like that?"

"You are just my father by name, Dad. You never really acted as one... I am very disappointed. I don't want to be involved with you anymore."

"What!? How dare you disown me! You are just my son. You can't even have a decent home! You were living in an old apartment near the red light district, weren't you? You are poor! You don't have money!"

"I am!" bulyaw ko, "Oo. Mahirap ako, Dad. Naghirap ako. Alam mo ba kung sino ang dahilan? Ikaw! You even abandoned Mom and let her die. You killed Mom, Dad! Simula nung iniwan mo kami ay matagal na rin kitang kinalimutan... matagal na kitang gustong kalimutan. Kung hindi lang dahil sa pagkakautang mo ay baka nasabi ko nang ulila na akong lubos!"

I can sense madness all over me. Gusto kong umatake. Gusto kong sakalin ang sarili kong ama. Gusto ko siyang saktan.

Pero nanatili akong kalmado. Huminga ako ng malalim at kinagat ang sariling labi para lang hindi ko magawa ang bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli.

Tumahimik ang buong silid pagkatapos kong ibuhos ang lahat-lahat ng nasa puso ko. I even saw Amika's father looking away when I caught him smirking at my dad's way. Para bang ipinagmamalaki niya na may mas masama pang ama kaysa sa kanya.

Hindi ko ito pinalampas at sa huling pagkakataon ay nagsalita.

"Both of you are great businessmen, but you are not worthy to be a father. Sinong ama ba ang manggagamit ng anak para sa sarili niyang pakinabang? Sinong ama ba ang iniwan ang pamilya para umasenso ulit at kalimutan na lang? Both of you," dinuro-duro ko silang dalawa, "... do not know what it means to find a true home. Let me tell you, it doesn't matter if it isn't a billion-worth mansion. As long as you have someone who loves you unconditionally, that's a true home..."

"You—"

Pinutol ko agad sa pagsasalita ang ama ni Amika. Hindi pa ako tapos.

"Kung hindi ka magbabago, matutulad ka lang sa isa diyan. Dahil sa kanya ay namatay ang asawa niya kaya ngayon ay itinatakwil na siya ng kaisa-isa niyang anak."

Our conversation ended there. Umalis na ako ng bar. Pag-uwi ko ay nakatanggap na lang ako ng text mula kay Dad na gusto niya raw na ipamana sa akin ang lahat ng mga ari-arian niya kung sasama ako sa kanya.

Did he really think I would be happy with that news?

I have had enough. Itinapon ko na ang sim card ko. Tutal ay tapos na rin naman ang hulugan ko sa utang ni Dad. Wala na ako sa host club, at mukhang kinalimutan na rin ako ng mga dati kong katrabaho roon. Sa madaling salita ay wala na akong rason para gamitin ang number na ito. I can just buy a new one.

Naging normal ang mga sumunod na mga araw. By normal, kasali na rito ang araw-araw na training namin. Natuto na rin ako kung paano humawak ng espada at kontrolin ang lakas ko rito.

I am basically back in my old body before getting stabbed by that weird weapon.

At pagdating naman sa mortal na buhay ko, nagpapatuloy pa rin ako sa pag-aaral. I am a senior now kaya konti na lang ang units na kailangan kong tapusin. Less units also implies less time to spend at school. Kaya naman mas madalas ako sa training ground.

At nagtatapos ang araw ko sa loob ng kwarto namin ni Axel. Babalik akong pagod at pawisan matapos ang buong araw na training, habang si Axel naman ay pagod din dahil buong araw siyang nasa laboratoryo o kaya sa opisina niya.

This routine has become the norm for the both of us. Nag-uusap pa rin naman kami. Walang nagbabago. Naglalambing pa rin naman siya.

However, in these past two days, Axel has been acting rather distant compared to how he normally interacted with me.

Nabawasan ang lambing. Although he lets me hug him during our sleep, he would eventually loosen my tight hug and scooched further in the bed's corners.

May mga sandali rin na iniiwasan niya na malapit sa akin. Kinakausap niya pa rin naman ako, pero ramdam ko ang pag-distansya niya. Lalo na kung sa aming dalawa, siya ang pinakamalambing at mahilig magpa-init ng kama.

"Oh, Kristoff! Long time no see."

Hindi ko na kayang tiisin pa ang mga pag-iwas na ito ni Axel. Kaya isang araw, naisipan ko na kausapin si Mateo. Pero wala siya sa kanyang opisina nung pumunta ako. I only found Kristoff who was doing a small errand in his office.

"Nasaan si Mateo?" tanong ko.

"Miller. Uh, wala siya ngayong araw, eh."

Natapos na ang training namin noong araw na 'yun at hindi ko siya nakita sa ground. Kaya inakala ko na nandito siya sa opisina niya, natambakan na naman ng mga listahan ng health result ng mga alpha ng Red Mansion.

"Wala? Bakit daw?"

"Simula ngayong araw, hindi na muna siya pupunta rito."

"Why? May problem aba?"

Don't tell me may isa na namang ambush, and this time, si Mateo naman ang target nila.

"Huh? Ah. Wala naman. Estrus niya lang kasi kaya isang linggo siyang absent."

"Estrus? Do you mean the annual vampire heat?"

Kristoff nodded. "Oo. At saka hindi siya, annual. Uhm, mas madalang pa siya sa inaakala ng iba."

"Really... Kung ganun, bakit kailangan na hindi pumasok ni Mateo? Delikado ba ang estrus?" I wonder.

Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Kristoff na para bang may nasabi akong mali.

"Hindi ba ganun?" tanong ko ulit sa kanya.

He shook his head then said, "Hindi naman siya delikado. Kailangan mo lang talaga mag-isolate sa iba kung wala kang makakasama."

"What? Bakit?"

"Kasi delikado?"

"Huh? Akala ko ba hindi siya delikado?"

"Ahh. Ibang uri kasi ng delikado. Ito 'yung tipo na hindi nakakapinsala sa ibang bampira. Sadyang medyo nakakahiya lang at hindi kaaya-aya kung gagawin mo ito sa hindi mo kasintahan."

Oh. So, I was right about the estrus that I am thinking about right now.

Sa pagkakaalam ko nawawala sa tamang katinuan ang mga bampira na nasa estrus nila. Walang iba na nasa isipan nila kung hindi ang makipagtal*k. Ngayon na naalala ko ang tungkol dito, nagsisimula na akong mangamba.

"Ano 'yang nasa mukha mo?" batid sa akin ni Kristoff habang palabas na kami ng silid ni Mateo. "Nag-aalala ka ba sa estrus mo?"

Tumango ako bilang sagot at hindi na nagsalita pa. Hindi ko pwedeng sabihin na natatakot ako na makipagtal*k na wala sa katinuan. To feel aroused like an animal in heat. Not too long ago ay isa akong lalaki na puhunan ang lama ko para mabuhay. Lahat ng serbisyo ko sa kama ay kalkulado para maging satisfied ang customer ko. Para sa katulad kong iniisip ang kapakanan ng kasama ko, isang malaking balakid ang estrus.

Inakbayan ako ni Kristoff. Napansin ko na luminga-linga muna siya sa paligid bago binulong sa akin na, "Huwag kang mag-alala matagal pa naman ang sa'yo. Isa kang vampirized, sa palagay ko matagal pa naman bago dumating ang estrus mo."

Napatingin ako sa kanya. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Isa pa, kung gusto kong matuto pa tungkol sa buhay ng isang bampira, andyan naman si Axel para ipaliwanag ito sa akin.

"Alright. I know, I know. I am not that worried. Magtatanong na rin ako kay Axel kung ano ang dapat kong gawin kung sa sakaling magka-estrus ako."

"Teka, ayaw mo ba akong tanungin?" malungkot na wika ni Kristoff sa akin.

For a second, I had to think what he is talking about pero hindi ko pa man naitatanong ito ay kusa na rin siyang sumagot.

"Naku naman oh! Hindi mo ba alam na kababalik ko lang? Katatapos lang din ng estrus ko."

"Oh. I didn't know."

"Hmph! Syempre naman hindi. Unang estrus ko 'yun. Hmm, medyo ayos lang naman... Ah! Oo nga pala!" Nahinto sa paglalakad niya si Kristoff. Dumiin naman ang pagkakahawak niya sa balikat ko sanhi para mahinto rin ako.

"Ano na naman 'yan?"

"Hindi mo ba alam? Estrus season ngayon," banggit niya.

"Alam ko. Kababanggit mo lang."

"Hindi man taon-taon ang estrus ng mga bampira, pero malaki ang posibilidad na kung dumating ang estrus ni Sir Mateo ay ganun din kay Master."

Wait. Why is that? Bakit kailangan na sabay sila?

Nabasa ata ni Kristoff ang nasa isipan ko at nagsalita muli.

"Hay, naku! Mali ang iniisip mo, Miller. Malaki ang posibilidad na parating na rin ang estrus ni Master dahil halos magkasing-edad lang sila ni Sir Mateo. Sa pagkakaalam ko hindi lumalampas ng singkwenta ang agwat nila sa isa't isa."

"Then, why did you have your estrus as well when you are a hundred years younger?"

"Hm, wala lang. Nagkataon lang na nagbinata na rin ako." He replied, proud smiles were drawn in his lips.

"Really, huh?"

"Oo... Naku. Naku! Miller, dapat mong bantayan si Master." Kumunot ng bahagya ang noo ko. Mukhang nabasa naman agad ni Kristoff ang pinong pahiwatig ng pagkalito ko. "Baka kasi pigilan niya ang sarili niya."

"Pigilan?"

"Pigilan. As in, magpipigil siya. Natural instinct ng mga bampira ang estrus. Sa mga panahon na ito lang kasi maaaring mabuntis ang isang bampira."

A-Ano ba ang pinagsasabi ng batang ito? "Axel can't get pregnant."

"Hindi nga. Pero may nagnanasa pa rin siya na alam mo na... na ano... na makipagtal*k. Kung pipigilan ito ng isang bampira, maaari siyang manghina."

Oh. So, estrus is indeed an important phase for a vampire.

"Pero, mukhang hindi naman ata ganyang klase ng bampira si Master. Kasi nga 'di ba, ano... 'yang aktibo naman kayong dalawa at saka... alam kong sasamahan mo siya..."

Kita mo nga naman itong si Kristoff. Siya itong sabik na magbigay kaalaman sa akin, siya pa itong naiilang na magsalita. Well, nakatulong din naman siya kahit papaano. Dahil ngayon ko lang na-realize na ang estrus, sa kabila ng mala-hayop nitong konsepto, ay banal rin pala. If this is the only time vampires can reproduce, isn't it ike a gift for them?

At kahit na hindi nanganganak si Axel, the thought of him holding back because he doesn't want to burden me is not impossibl— wait. What?

Oo nga naman!

Tumigil ako sa paghakbang. Naalala ko lang bigla ang kakaibang kinikilos ni Axel nitong mga nagdaang araw.

"Kristoff?" tawag ko sa kasama kong nauna ng mga ilang hakbang sa akin.

Lumingon naman si Kristoff, binalikan niya ako at nagtanong ng, "Anong problema?"

I might have displayed a surprised face for him to ask such a question.

"Ano ba ang palatandaan na malapit na ang estrus ng isang bampira?"

"Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol diyan! Kung naglalabas na ng mabangong amoy ang isang bampira sa katawan niya. Pheromone 'yan kung tawagin. Sanhi 'to ng pag-init ng katawan ng bampirang naghahanda para sa estrus. Iyan din ang nang-aakit sa ibang bampira para ma— Miller?"

Hindi ko na pinatapos pa sa pagpapaliwanag si Kristoff. Malinaw na sa akin ang lahat. Oh, man! Akala ko pa naman ay nagsawa na sa akin si Axel o kaya ay may nagawa akong masama para iwasan niya ako ng ganoon.

Several days ago, lalo na nung araw na nakipagkita ako kay Dad, may naaamoy na akong mabango mula kay Axel. It smells like sweet flower petals that are extremely tantalizing. I was not sure kung ano ito noong mga sandaling iyon. Akala ko ay pabango lang 'yun. Yet, these past few days, the scent became stronger and Axel also started to avoid me.

"Miller, hindi pa ako tapos!" rinig kong sigaw ni Kristoff na naiwan ko na sa likod ko. I have to quickly find Axel and talk with him.

"It's good! Salamat sa paliwanag mo."

Hay, naku. Ang tigas din talaga ng ulo ni Axel. Kasasabi ko lang sa kanya na wala siyang dapat na itago sa akin.

Tapos ito na nga, I even have to find out about it from Kristoff.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top