CHAPTER SEVENTEEN
M I L L E R
"One hundred thousand pesos?!" magkahalong gulat at mangha na mutawi ng taga-singil na nakaharap ko ngayon sa opisina ng laundering corporation na pinag-utangan ni Dad. "Saan ka naman galing nito? Sigurado ka ba na ihuhulog mo ito lahat ng isang bagsakan lang?" Inamoy-amoy ng lalaking kalbo ang envelope na may lamang pera na para bang ito ang kauna-unahang pagkakataon niya na makahawak ng ganito kalaki na halaga.
Tumango lang ako bilang sagot sa katanungan niya. "Hindi ba't estudyante ka pa? Alam mo wala rito si Bossing, hindi mo kailangan magpa-impress ng todo-todo kaya pwede mo 'tong bawasan at kumuha ng konti pang tuition mo. Hindi mo kailangan na pilitin ang sarili mo," sulsol nito sa akin.
But then again, it's not like that is the only money I have. May pera pa naman ako galing sa part time job ko at sa trabaho ko sa club. Sakto na 'yun sa pagkain at tuition ko ngayong quarter. Isa pa, ngayon lang ulit ako nakahulog ng tuition sa university cashier na hindi kulang-kulang. I have my scholarship pero hindi pa rin nito covered ang ibang miscellaneous fees at iba pang facilities.
"It's alright. The larger the money I bring here every weekend, the better. I could pay the debts much faster," pangangatwiran ko.
Huminto sa pag-singhot sa pera ang lalaki at seryosong inilapag ang envelope sa lamesa. "Sige. Mukhang determinado ka na rin naman." He then typed something on the computer. Tumakatak ang tunog ng keyboard nito, tapos ay sunod na tumunog ang printer nila. So, they are giving their clients receipts here. Like a proper money laundering corporation.
"'Yan na lahat ng payment history mo ngayong buwan. Ilang beses ka rin na nag-minimum pay sa hulugan nung mga nakaraan mong linggo kaya naman medyo mahaba-haba pa ang bayaran mo, bata," sabi ng matanda habang nakangisi.
"I'll just work harder to shorten the time, then," bulong ko bago tumayo. I don't think he heard me but before I left, I announced, "I'm leaving," to the man.
Mukhang ang mga taga-singil lang sa labas ang may matapang na itsura at siga na karakter. The man here looks more like an accountant than a henchman of a mafia boss. And their record's office has a normal office aura with computers and tons of papers on the table rather than the previous office I entered before during my first time in this building. Mukha kasi 'yung opisina na napabayaan dahil sa mga nakakalat na damit at mga bote ng alak sa paligid.
Linggo ngayon... at nagkaroon ako ng pagkakataon na pumunta sa mismong opisina nila para magbayad. Mahirap na kung sa taga-singil sa labas ko ito ibigay, baka itakbo pa nila ang one hundred thousand ko na literal na dugo at pawis ang binuhos ko.
"Oh, kumusta na kaya 'yung Axel Wesley na 'yun?" Thinking about blood led me to think about him. There's nothing special. I am just curious about what vampires do to be in that state almost thrice a week. Maybe it's just their body's constitution? Since they have all sorts of quirky abilities on them.
I don't know. But what happened last time really surprised me.
Nangyari ito noong isang araw, sa likod ng convenience store na pinagtatrabahuhan ko.
Pagkatapos niya akong hindi pansinin sa lecture nung araw na iyon ay nandoon siya sa convenience store at humihingi ng tulong sa akin. I guess I was not wrong to think that he will eventually come for my aid.
"Kaibigan mo?" tanong sa akin ni EJ na parehong nagulat din sa itsura ni Axel sa mga sandaling iyon.
I glanced at him, and reluctantly whispered, "Not really... an acquaintance," tapos ay bumalik ulit ang tingin ko kay Axel. "Uhm, could you please wait for at least three minutes?" tanong ko habang nakataas ang tatlo kong mga daliri.
I noticed him scowling. Mukhang hindi siya sang-ayon sa request ko.
"Three minutes na lang ba ang naiwan sa'yo?" sambit ni EJ na sinagot ko naman ng maliit na pag-tango, "Ay, ayos lang pre. Mag-usap na lang kayo. Wala naman masyadong tao ngayon kaya ayos lang na ako lang mag-isa. At saka darating na rin naman mamayamaya ang susunod sa shift mo." And with EJ's permission ay tumungo na nga kami ni Axel sa lugar kung saan walang makakakita sa aming dalawa. Since bawal siya sa loob ng staff room, I brought him behind the convenience store. Pader at dead end na rin kasi ang nasa likod ng store.
Hindi ko siya hinawakan. I let him walk by himself but he was obviously wobbly and unsteady with his feet. May mga sandali pa nga na muntik na siyang matumba.
At nung nasa likod na kami, una niyang sinabi sa akin ang, "Let me drink your blood," na para bang nanghihingi lang ng isang basong tubig sa akin.
He looked out of it. Blanko ang kanyang mga mata at hindi ito maka-focus. Kumapit siya sa balikat ko at halos isandal na ang buong katawan niya sa akin. Inamoy-amoy niya rin ang leeg ko na para bang nakakatakam itong putahe sa lamesa.
Ah. I am indeed a delicious food for that man... Well, maybe not literally me, but my blood is.
"T-Teka... Hindi ba delikado kung magpapakagat ako sa'yo rito? Baka mahimatay ako," pag-aalinlangan ko.
Can't we just do this kind of thing at my place? Or in an enclosed place? The blood sucking always makes me anxious.
Tumigil sa pag-amoy si Axel sa leeg ko at gamit ang mahina at naghihikahos niyang boses ay sinagot niya ako ng, "You won't... I only need a few...s-sip."
"S-Sige," I reluctantly replied as I closed my eyes to prepare myself from the possible pain of his sharp fangs. Hindi na ako nagmatigas pa dahil sa maputla na niyang complexion.
"Bilis— ah! Ngh..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ibinaon na ni Axel ang pangil niya sa laman ko.
Kahit na sinabi niyang konti lang ang sisipsipin niya, masakit pa rin ang kagat niya. I could hear him slurping as he sucked on my neck. Halos mawalan na rin siya ng balanse dahil sa pagtiyad niya maabot lang ang leeg ko. Kaya para maayos na makakuha ng dugo si Axel, at iwas hapdi na rin sa sugat ko ay hinawakan ko ang balikat niya para maangat siya ng konti. His waist felt so thin and slender despite of being a man.
"Hmn... Nmm..." rinig kong ungol niya.
Napapikit na lang ako sa sakit at sa pag-alingawngaw ng boses niya sa tenga ko. The sucking, slurping, and moaning is kind of weird to hear.
"Aaah!" he suddenly exclaimed in the most passionate manner. As if he just finished a bowl of premium soup. Along with it is the sting I felt as his fangs slid out of my flesh.
"You-You done?"
"Uh-huh," he uttered.
Pinunasan ni Axel gamit ang likod ng kanyang kamay ang tumulong dugo sa labi niya. For some reason, he seemed to be glowing at that moment.
Hahawakan ko na sana ang sugat ko para icheck ito nang hawiin niya ang kamay ko. I was nervous dahil bigla na naman siyang lumapit dito. Akala ko ay hindi pa siya tapos at sisipsip ulit. Pero 'yun pala ay didilaan niya lang ito. Akala ko rin ay sinisigurado niya lang na walang masasayang na dugo but then when I touched it, the pain was gone. The wound unexpectedly disappeared.
"Anong nangyari?"
"A vampire's saliva can heal the bite they left on their prey. Let's just say it's another survival ability we learned throughout the years to cover up our crimes before the current Supreme sat on his throne," he explained as his skin slowly turned back to its pinkish radiance.
Lumayo na siya sa akin at maayos nang nakatayo. The scraped lips and dark circles under his eyes were gone.
"You'll be fine after a few minutes," saad ni Axel, "You're going home, right? Take your time to sleep and replenish your body," dagdag pa niya.
Paalis na sana si Axel nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. I just remembered an important thing.
Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang cellphone ko. He was staring at me while I was removing my cellphone's case protector to get his library ID card.
"What is it?" he asked, with annoyance in his voice.
"You might have dropped this."
He glared at me, then looked at his library card. Inulit niya lang ito, tingin sa library card tapos tingin sa akin, na para bang may pinag-iisipan pa siya. 'Yung tipong inaalala niya kung paano napunta sa akin ang ID niya.
"You dropped this," sabi ko ulit.
"I-I did?" I nodded, which caused a lot more wrinkles on his forehead, "But... I don't think I went to scho... aaah. Yes. I did." Biglaan na nagbago ang kanyang ekspresyon. Tumuwid ang kunot niyang noo at sinabi na, "Thanks!" Hinablot niya ang card at aalis na sana nang huminto siya ulit para idagdag ang mga katagang, "I should just wire you the payment as soon as possible today. I'm busy so I'll be leaving."
"Already?"
"Already. Do you have anything to say?"
Umiling na lang ako at hinayaan na siyang maglaho sa harap ko.
It was my first time to witness teleportation right before my eyes so it was kind of surprising to the point that I had to step backwards and walk to the area where he disappeared to make sure that he was really gone.
But regardless of what happened that day, Axel Wesley stopped contacting me again. And yes, he did pay me the night after he sucked my blood as he promised. Axel also did not disturb me for blood again. Well, not until today.
Kaninang umaga, bago pa man ako umalis ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya. He wanted me to go to a certain address to meet him. Sa loob ng tatlong araw na wala akong narinig na balita mula sa kanya ay eto lang ang matatanggap kong text.
"Meet me at tulip corner, Grand Mage building..."
I don't know what he is up to but thinking about it right now, I guess he needs his dose of blood. Napakapit na lang ako sa leeg at sa kamay ko na nakagat na niya noon. I still can feel the pain kahit na matagal nang naghilom ang mga ito. Iba lang kasi talaga ang pakiramdam ng may ibinabaon sa laman mo lalo na kung gising na gising ka at wala itong anesthesia.
Hindi sana ako sasakay ng taxi pero biglang umulan at malapit nang mag-alas siyete. He told me to be on time as he is busy.
Ewan ko ba kung sino sa amin ang mas maraming ginagawa? When he still has time to attend the university with his regular schedules. I also don't have any idea what keeps him occupied. And what makes him look like a walking corpse.
"Room 67," sabi ko sa receptionist.
"Mr. De Leon?" tanong niya na sinagot ko naman ng saglit na pag-angat ng dalawang kilay ko.
Ngayon na nandito na ako, I just discovered that this is in fact a condominium building.
"Here, sir."
Ibinigay sa akin ng receptionist ang key card ng room which kind of confused me.
"Excuse me, why are you giving me this?" tanong ko.
Isn't he supposed to give me instructions or call the owner of the unit to announce my arrival? Or whatever their security protocol here? I mean, why give me this key card without knowing my relationship with the owner?
"Oh, Mr. Wesley told me to give it to you, sir. He wanted you to get in there by yourself."
Nagtataka ako, pero hindi na ako nakipag-debate at tinanggap na lang ang key card.
"Third floor, sir," pahabol ng staff bago ako lumayo sa front desk nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top