CHAPTER ONE HUNDRED-SIX
M I L L E R
Ipinakilala ni Mateo sa akin ang lalaki sa harapan.
"This is Stefan, he is also an alpha."
Uh-huh, right. Kahit hindi pa sabihin ay nangangamoy alpha nga ang tindig niya. I extended my hand to greet him. I'm glad that he held it with a wide smile.
How sociable. Well, I never wish to be this sociable.
When we were done shaking hands ay ngumiti lang ako ng konti at nagpakilala na rin. "Miller De Leon. I'm a vampirized human."
Hindi naman niya siguro kailangan na malaman kung saan ako nagmula, hindi ba? I think the brief yet precise information I gave is enough.
Napag-alaman ko mula kay Mateo na nagmula pa sa Mindanao si Stefan. Isa siya sa mga malalakas na alpha na naniniwala pa rin sa kakayahan ng Supreme. Naparito siya para tumulong sa pagpigil kina Ronaldo.
Maliban kay Stefan ay may iba pang sampung alpha na mula sa kanyang probinsya ang dumating. They said that those men are also skilled and their group will assist us behind. Nalaman ko rin na ang Supreme ang nagpadala sa kanila rito. This makes me feel like this is the final battle with all the men coming in the Red Mansion.
"The opening was scheduled to happen two days from now. We have to be ready. Please, relay the plan to your men, Stefan," sabi ni Mateo.
Two days, yet with all the research and experiments in the lab at pati na rin ang pag-eensayo ng lahat ng alpha para ikondisyon ang mga katawan nila naging mabilis ang takbo ng oras. In a blink of an eye, two days went from 24 hours, until it finally became three hours. Mabilis ang takbo ng oras. Hindi na namin namalayan at dumating na pala ang araw ng opening ng water supply system ng Water Grande.
I've been living in this city for all my life kaya maliban sa pagpigil namin sa masamang plano ni Ronaldo ay naging kaabang-abang din para sa akin ang opening ng water supply system na ito. Sa totoo lang ay isang kumpanya lang kasi ang nagsu-supply ng tubig sa siyudad na ito. Ang City Water District. Halos lahat ng kabahayan sa syudad ay sila ang water provider. Although Water Grande is also a famous name, they are just merely a mineral water refilling station. The biggest refilling station, in fact. They even have services even in Mindanao.
Pero hindi pa rin ito rason para hindi ako nagulat sa mabilis na progress ng project na ito. They promised to supply water to over a million households in the two cities. Isn't that an ambitious project for a water refilling station?
Sakto lang ang singil ng City Water District. Hindi mahal pero hindi rin masyadong mura. That's why I wonder how will this new water system manage their consumer's demand lalo na at bago pa sila. Wala rin akong naririnig na nag-anunsyo na sila ng presyo. I even started watching local news, pero wala rin akong naririnig tungkol sa kanila.
It just sounds fishy to me.
* * *
Magagandang panauhin at magarang disenyo. Formal ang tema kaya maraming naka-suit mapa-babae man o lalaki. Hindi pa ganap na nagsisimula ang event. Isa-isa pang dumarating ang mga bisita at wala sa venue ang tiyahin ni Logan na sinasabing mangunguna sa ribbon cutting ng bago nilang opisina.
May mga lokal na artista pa nga na aattend. Syempre nasa event din si Logan at ang date niyang dalaga ngayong gabi. May mga kamera at press, na handang ipalabas ang pangunahing bahagi ng kaganapan sa lokal na balita.
Kung titingnan ng mabuti ay para nga talaga na isa itong normal na opening ng bagong opisina at negosyo. Isang perpekto at organisadong event. Subalit, lingid sa kaalaman ng lahat ay iba ang motibo ng mga nag-organized ng event.
Walumpung porsyento ng mga tao sa loob ng venue ay mga bampira. Mula sa mga serbidor hanggang sa mga guwardiya. Pati ang mga artista na bisita ay hindi rin tunay na sla. Mga bampira lang sila na nagpalit ng anyo, at malamang ganoon din ang nagmamay-ari ng negosyo.
Tama, si Ronaldo nga ang pumalit sa tiyahin ni Logan. Nagpanggap itong babae at ngayon ay patungo pa lang sa venue.
Sa kabilang banda ay nasa kabilang building ng venue naman ang kampo nila Mateo. May ilan na kinopya ang mga mukha ng tauhan sa event. Pasekreto silang pumuslit sa likod kung saan labas-masok ang mga serbidor at ilan pang trabahador.
Mabilis lang nilang inaatake sa leeg ang mga ito. Nang mawalan ng malay ay kinaladkad nila ito sa nakaparada na trailer sa kabilang kalsada at doon binibigyan ng pampatulog para magkaroon pa sila ng mas mahabang oras sa pagpapanggap. Nasa loob si Miller, Mateo, at ang sampu pa nilang mga kasamahan na siyang papasok sa venue.
"Beta naman pala 'yan, eh. Painumin mo nito, magigising 'yan mamaya-maya," sabi ng isa sa mga kasama nila Miller.
May iba kasi sa kanila na hindi sinasadya na bampira rin ang nahuhuling tauhan na papalitan. Kaya para maiwasan ang pagbulalyaso dahil sa mas mabilis na magising ang mga ito kaysa sa mga mortal ay pinapainom nila ito ng matapang na pampatulog na mula sa lab ni Axel.
Nagpalit na ng damit ang iba nilang kasamahan na may bago nang mukha. Isa-isa na itong nag-silabas habang si Miller ay hindi maiwasan na kabahan.
"Ayos ka lang?' tanong sa kanya ni Leo.
Hindi gaanong kita sa mukha ni Miller ang kanyang kaba, ngunit alam naman ng lahat na hindi pa siya marunong magpalit ng anyo kaya dehado siya sa bahaging ito ng misyon.
"I'm fine," sambit niya kahit na pati siya ay hindi rin naman talaga sigurado.
"Tapos na ako..." Pagbibigay alam ng isa nilang kasama. "Sige. Kitakits na lang sa loob, mauna na ako," paalam pa nito bago pinindot ang maliit na wireless earpiece sa kanyang tenga.
Sumisilip-silip si Miller sa maliit na mga butas na nasa katawan ng trailer truck. Nag-oobserba ito kung paano siya makakapasok ng hindi nakikilala.
"I'm out," sabi na naman ng isa pa nilang kasama bago umalis.
Isa-isa nang umaalis ang mga kasama niya sa loob ng truck. Naiinip na si Miller sa pag-iisip ng paraan. Samantala ay napapansin ito ni Mateo pero nang nakikita niya na determinado pa rin ito ay hinayaan na lang niya sa pag-iisip si Miller.
Isa pa sa mga kasama nila ang maaari nang lumabas nang may nakasalubong ito na guwardiya.
"Oh, bakit ka pa nandito?" tanong ng guwardiya nang madatnan na siyang tumawid mula sa kabilang kalsada.
"Ah, na-late lang po ako." Palusot nito.
Kumunot ang noo ng guwardiya at napatingin sa kanyang relo. "Halos isang oras ka nang late sa call time..." Biglang kinabahan ang bampira nang inakala niya na mabubuking na siya. Kaya naman ay hinanda na niya ang kanyang sarili para patulugin ang mortal nang nagwika ito ng, "Sige. Sige. Pumasok ka na doon, baka mas ma-late ka pa. Malapit nang magsimula ang programa nila doon."
"A-Ah. O-Opo. Salamat po," anito at agad na tumakbo papasok ng backdoor.
Nang maiwang mag-isa ay lumilingun-lingon sa paligid ang guwardiya. Sumilip siya sa kanan kung saan ay makikita ang sunod-sunod na pagdating ng sasakyan ng mga bisita, habang sa kaliwa naman ay ang tahimik at madilim nang mga commercial building.
"Okay," sabi nito sa sarili nang sigurado na siya na wala ng makakakita sa kanya. Tumawid siya sa kabilang kalsada at tumungo sa eskinita na nasa likod lang ng nakaparadang trailer truck nina Mateo.
Pumuwesto siya roon at sinandal ang likod. Mabilis siyang dumukot sa bulsa para kunin ang isang kahon ng sigarilyo at lighter.
Nakita ni Miller mula sa butas ang lahat ng pangyayari. Pero ang pinakamahalaga ay ang mismong suot ng guwardiya. Kulay puti ang uniporme nito at naka-slacks, may suot siyang itim na bull cap at itim din na shades.
"Gabi na para mag-shades pero ayos na rin ito kaysa makilala nila ako agad," naisip ito ni Miller.
Tumayo na siya at inayos ang damit. Humarap siya kay Mateo. "May nakita na ako," aniya at agad na nag-teleport sa harap ng guwardiya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top