CHAPTER ONE HUNDRED-SEVEN

* * *

"How do you feel that the project your family entrusted to you will finally come to its launching and will soon be operating? Are you not overwhelmed with nervousness at this moment?" Ito ang tanong ng host kay Logan na nasa gitna ngayon ng stage.

May dalawang podium sa entablado, tig-iisa sa bawat sulok. Ang isa ay para sa host at ang isa naman ay para sa guest speaker. Sa oras na ito ay nasa kanan ang babaeng host, habang sa kaliwa naman nakatayo si Logan.

Sa harap o gilid man tumanaw ay may spotlight sa paligid na pawang mga ilaw ng Christmas tree dahil sa makukulay nitong ilaw.

Napapaligiran sila ng mga kamera. Flash dito. Flash diyan. Kaliwa't kanan ang pag-click ng press sa kanilang mga kamera. Sa likod naman ng mga ito ay ang mga bisita na nakaupo sa kanya-kanyang lamesa. Kagaya ng unang nabanggit may mga bisitang silang artista at mga sikat na negosyante kaya ang ibang kamera ay sa kanila nakatuon.

Lahat sila ay tahimik na nakikinig sa taong nagsasalita sa entablado. Pati sila ay ngayon lang din nakilala ang sinasabing tagapagmana ng isa sa mga sikat na MNC o multinational corporation sa bansa. Ang kanilang brand ay kilala hindi lang sa Pilipinas, pati na rin sa ibang dako ng mundo... Kahit papaano ay ito ang persona na binigay nila kay Logan bilang parte ng plano.

"Multinational corporation, my as$. That kid is just a national corporation heir... the lowest one in the rank at that. He just stole his cousin's identity to do whatever devious trick they are planning." Ngumisi si Mateo habang iniisip ang mga katagang ito. Nasa gilid siya ng main hall nakatayo, nagbabantay at nag-aalalay sa mga bisitang gustong kumuha ng pagkain. Kasama niya rito si Leo. Nagkataon kasi na ang huling dalawang tao na nakita nilang lumbas sa backdoor ay parehong mula sa catering team.

Matapos ang ilang sandali ay binuka na ni Logan ang kanyang bibig. Humarap siya sa mga tao na may ngiti na puno ng kumpyansa.

"Hmm... There's nothing much to say, but you could put it that I am nervous. Just, just the right nervousness, not so overwhelming or whatnot. I think it's natural to be, you know, feel my heart beating so fast since it's my first time and I am collaborating with Auntie Hilda's business... Yet," buntong-hininga nito, "Regardless, I am still confident that this will be a success."

"Wow. Nervous but confident. It's really good to be young and talented like you, Logan."

Nahihiya na hinawi ng binata ang hangin at natatawang sumagot. "It is. It is. So, please treat me with utmost consideration." Yumuko si Logan sa harap ng lahat at nagpalak-palakan naman ang mga manonood sa ipinakita na paggalang at pagpapakumbaba nito.

"Dapat naging artista na lang siya sa galing niyang umarte," komento ni Leo.

Narinig ito ni Mateo na katabi niya lang at ng iba pang mga naka-konekta sa earpiece nila.

"How's your location, Miller? Are you already on standby?" tanong nito kay Miller.

Pagkatapos kasi na magpalit ng damit ni Miller bilang guwardiya ay nakita siya ng kasamahan nito. Napag-utusan tuloy siya na mag-assist ng importanteng bisita, dahilan kung bakit natagalan sa pag-pwesto si Miller.

"I am. Nasa likod na ako ng stage," sambit niya.

Tumango si Mateo nang marinig ito. Sa kabilang banda ay nakita naman ng iba nilang mga kasamahan ang sekretong senyas na ito. Sabay-sabay silang naghanda at pumwesto sa tabi ng mga bisita na mga mortal.

"Alright! Thank you so much, Logan. Now! To the most awaited ribbon cutting for the opening of this building, may I call on Mrs. Hilda Hoffman who is at the entrance of the building with her constituents."

May tatlong higanteng monitor ang malawak na event hall. Ang isa ay nasa taas ng entablado na siyang nasa likod ng host at ni Logan. Ang isa naman ay nasa kanang gilid ng entablado kung saan kita ng mga taong nasa kaliwa ang buong screen, at ang isa naman ay nasa kaliwa para sa mga taong nasa kanan.

Ang dalawang screen na nasa baba ng entablado ay pinapakita si Hilda Hoffman, ang chairwoman ng kumpanya. Kasama niya ang dalawa niyang assistant, mga tauhan nila sa kumpanya, at ang iba pang press. Kulay pula ang ribbon na nakatali sa pinto ng building.

Sunod naman na nag-flash sa gitnang monitor ang malawak na dam na sa timog-silangan ng syudad ang lokasyon.

Nang makita ito nina Mateo ay napa-isip sila kung saan ang saktong lugar na kinaroroonan nito.

"Have any of you been to that area?" tanong niya sa lahat ng mga kasama.

"Hindi pa po."

"I haven't."

May iilan na sumagot saglit. Ang huling tumugon ay si Miller.

"I've been around the area five years ago, pero wala akong natatandaan na may under construction na dam. Ang tagal na rin nun."

Sikat ang parteng iyon ng lugar dahil sa mga talon at natural spring kaya hindi na gaanong nagulat si Miller nang makita ang lokasyon.

"Okay... let's have someone check the place. Stefan, bring five men there," utos ni Mateo kay Stefan na nasa kabilang building ang istasyon.

Sa monitor ay ipinapakita ang lawak at ganda nito sa mga bisita. May iba na humahanga at may iba na nagtataka. Nang makita ni Mateo ang ekspresyon ng mga ito ay bigla siyang napaisip.

"What's with that surprised expression? There must be something wrong with that dam." Naiinip na siya.

"Technicals..." hudyat niya sa mga kasama na maayos na nakapuslit sa control room.

"Handa na kami, master."

"Great! Everyone is ready," sambit ng host na para bang naririnig nito ang tugon ng tauhan ni Mateo. "But first, let's see what future this Water Grande dam promises to us!"

Nawala bigla ang footage ng dam sa monitor sa gitna ng stage. Pinalitan ito ng isang trailer. Unang ipinakita ang malinis at mala-kristal na tubig mula sa bundok, at sunod na nag-flash ang aerial shot ng buong dam na napapalibutan ng berdeng puno.

"... will provide natural and clean water system to Quizon Ci—"

"AAHH!" Napatili ang lahat nang bigla na lang dumilim ang paligid. Namatay ang lahat ng ilaw pati ang tatlong monitor.

Hindi makagalaw ang host at mas lalong nanatiling nakatayo ang press dahil sa biglaang pagkawala ng kuryente na pati ang kanilang naglalakihang kamera ay na-off din.

Ngunit kung gaano kabilis na binalot ng dilim ang buong silid ay ganoon din kabilis bumalik ang liwanag. At sa muling paglinaw ng paligid ay tumambad ang mga bampira na nakasuot ng itim na suit at nagsisi-taasan ang mga kuko. Sa kabilang banda ay nasa gilid naman ang mga kasamahan nila Mateo. Suot pa rin nila ang kanilang mga 'hiniram' na damit subalit sa pagkakataon na ito ay may hawak silang tatlo hanggang apat na mortal.

"OMG! What's happening?" pagtititili ng babaeng artista nang makita na naglaho sa entablado si Logan.

Pero bago pa man na may sumagot sa kanya ay nagbago na ang buong paligid niya. Ang kaninang maliwanag at magarbong event hall ay naging madilim nang silid ng isang hotel.

"W-Who are the—" Hindi rin makapaniwala na sambit ng isa pang bisita nang makita ang mga kasamahan nila Mateo na naghihintay sa building. Ngunit hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang agad na siyang nawalan ng malay. Pinasinghot nila ng pampatulog ang mga mortal at maingat na pinaupo at pinahiga isa-isa ang mga ito para masigurado ang kanilang kaligtasan.

Kapag tapos na sila sa paghahatid ay mabilis din naman silang bumabalik sa event hall para harapin ang mga kalaban.

Sa kabilang banda ay may mga kamera pa rin na patuloy sa pagkuha ng footage nang bumalik ang kuryente. Nakita ito ni Leo, hinawi niya ang kamera at inanunsyo na, "Tapos na! Kanselado na ang launching na ito! Tapos na!"

"A-A-Ano po ang ibig sabihin nito, sir? Sino po kayo at ano po ang nangyayari?" sa gitna ng nagsisimulang gulo ay may isang mortal pa pala na naiwan. Nagtaon pa na isa siyang reporter.

"Hays..." Hindi sumagot si Leo imbes ay mabilis niyang hinawakan sa baywang ang babaeng reporter at pinaalalahanan na, "Baka magulat ka sa susunod na mangyayari." At sunod siyang nag-teleport patungo sa silid kung saan naroroon din ang ibang mga mortal.

"May isa pa?"

"Oo." Ibinigay niya sa kasamahan ang mortal. Magtatanong pa nga sana ito pero hindi na niya nagawa dahil agad na siyang nawalan ng malay.

"Leo! Leo?" Sigaw ni Miller sa kabilang linya.

Napangiwi na lang sa sakit ng tenga si Leo, naka-direkta kasi sa kanya ang connection kay mas malakas ang boses ni Miller.

"Kumusta dyan?"

"H-Hindi okay," tugon nito.

Nang marinig niya ang mga katagang ito ay alam na ni Leo na ito na ang tamang oras para sundan si Miller. Hindi na siya nagpadalos-dalos pa at nag-teleport na sa kinaroroonan ng kaibigan.

Ilang segundo lang bago nawalan ng kuryente ang silid ay nasa likod na ng entablado si Miller. Nag-aabang ng tamang tiyempo. Nang maanunsyo na ang pagpapalabas ng trailer ng Water Grande dam ay alam na ni Miller na wala na itong atrasan.

Narinig ni Miller ang pagsigaw ng mga bisita. Masasabi na ito ang opisyal na hudyat ng simula ng pag-atake nila. Kasabay ng mga sigawan ay ang pag-teleport ni Miller sa likod ni Logan kung saan niya ito sinama patungo sa isang conference room na nasa parehong building. Nakita niya ito kanina nang sinamahan niya sa paglilibot ang bisitang artista.

"You've come. How are you?" nakangisi na bati ni Logan sa kanya.

Hindi intensyon ni Miller ang makipag-kwentuhan kaya agad na siyang dumiretso sa kanyang sadya.

"Nasaan si Ronaldo?"

"Oh, that old man? He's not with me... obviously." Lumingon din sa paligid niya si Logan na para bang may hinahanap. Sa pagkakataon na ito ay siya naman ang may katanungan.

"How about Mateo, where's that man?"

May sarili rin palang sadya si Logan. Naalala niya na hindi pa siya tapos na gumanti sa dating kaibigan.

"He's not with me... obviously," panggagaya ni Miller rito. "Take that sarcasm," anito sa kanyang isipan.

Nanliit lang ang mga mata ni Logan. Napansin niya ang pamimilosopo nito pero hindi na niya ito pinansin. Gustuhin man niya na patulan at subukin ang lakas ng kaisa-isang vampirized alpha ng kalaban na kampo, pero may iba siyang gampanin sa harapan na ito.

Inangat ni Logan ang kanyang kamay at tiningnan ang kanyang relo. Oras na para umalis siya.

"Sorry, but I have other matters to attend," sambit niya bago naglaho.

Sinubukan siya na habulin ni Miller, subalit paglabas nito ng pinto ay sumalubong sa kanya ang sandamakmak na mga bampira. Vampirized man o puro, napuno ng mga ito ang hallway. Kaya naman ay humingi na siya ng tulong kay Leo na dapat talaga ay kasama niya sa pagharang kay Logan. Naunsyami lang sanhi ng reporter kanina.

"Nasaan si Logan?" tanong sa kanya ni Leo nang dumating.

"Ha!" Sumipa muna si Miller sa bampirang nasa kanyang harap bago sumagot. Tumalsik ito at nahagip ang tatlong lalaki na nasa likod niya.

"He escaped. Mukhang nagmamadali sila."

Naisip ni Miller na baka minamadali ng kalaban ang pagbubukas ng dam. Kaya nagmamadali rin siya na maubos ang mga paparating na kalaban para masundan na si Logan.

Para maiwasan na makalayo pa ito ng lubusan ay ipinagbigay-alam ni Miller sa lahat ang nangyayari.

"Notify the other people! Stop Logan to whatever he's planning!"

Tila ba narinig siya ng isa sa mga tauhan ni Ronaldo at nagpipigil ito sa pagtawa. Sumugod ito sa kanya. Dala-dala nito ang sandata na naging kahinaan na ng mga bampira. Iwinasiwas niya ang kanyang kamay. Target niya na masugatan ang braso ni Miller, mabuti na lang at nasangga ito ni Miller gamit ang kanyang sariling sandata.

Isa rin itong patalim, ngunit mas mahaba kumpara sa punyal na gamit ng isa.

"Ack!" Nagpigil ng sakit ang lalaki. Noong una ay hinayaan niya lang ito na inaakala niya na isang ordinaryong patalim lang ang mayroon si Miller. Subalit matapos ang ilang beses pang pagtatagpo ng kamao at talim nila ay napagtanto nito na hindi nawawala ang hapdi sa kanyang sugat.

Nagkaroon siya ng tsansa na silipin ito nang bahagya siyang tumilapon palayo.

"It's... It's not closing!" sigaw niya, tumutulo pa rin ang mamulamula at mamasa-masang dugo sa sugat niya sa braso. "They have the weapon! The anti-vampire weapon! They also have it! Be careful!" Pagsisigaw niya sa mga kasama na ngayon ay salitan na nilalabanan naman ni Miller.

Hindi pa man siya tapos sa pagbibigay ng babala ay may sumigaw naman sa may hallway.

"AAAAH!" Nagmula ito sa isang purong bampira na pinutulan ng kamay ni Leo.

"Sh*t!" Napamura na lang ang lalaki at walang habas na sumugod kay Miller habang abala pa siya sa kasamahan.

Pero alerto si Miller, nag-teleport siya sa likod ng lalaki at mabilis na tinanim ang kanyang talim sa likod nito.

"Listen, you shouldn't lose your focus in a battle. Because once you do, you better consider yourself as good as dead," bulong niya rito bago diniin ang kanyang sandata.

Natulala ang lahat nang makita ang pagbagsak ng kasama nila lalo na nang umagos ang dugo mula sa bangkay nito. Isa itong masamang balita para kay Leo at Miller. Siguro nga ay napatumba nila ang iilan sa mga ito, ngunit mas marami pa rin ang kalaban. Pinaghalong beta at alpha, at pawang lahat ng mga ito ay magaling sa kanilang sandata.

Pinindot ni Miller ang kanyang earpiece. "Stefan, kailangan namin ng back up ni Leo sa building number 1, conference room number 4," kalmado niyang pahayag.

Sampung tao mula sa probinsya ni Stefan, at mahigit bente mula sa Red Mansion. Lahat ng ito ay mga alpha na purong mga bampira. Sa palagay ni Miller ay labis-labis na ang mga ito para sa mga kalaban na pawang pinaghalong vampirized at purong bampira rin. Kaya kampante siya na maaari niya nang iwan sa mga ito ang buong floor ng building.

"Get all the available men here. Magiging mabilis lang 'to para sa kanila," aniya sabay senyas kay Leo. Ito ay para ihanda ang mga sarili nila sa paghabol kay Logan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top