CHAPTER ONE HUNDRED-NINE
* * *
Nagpatuloy lang ang laban sa loob at labas ng building. Kaliwa't kanan ang pagtilapon ng mga katawan at talsik ng dugo mula sa parehong pangkat. Ngunit kung tutuusin ito na ata ang pinaka hindi marahas na labanan sa pagitan ng mga bampira. Dahil may hawak na delikadong sandata ang magkalaban na panig ay alam nila na hindi sila pwede na tahasan na sumugod at masaktan dahil hindi na agad gagaling ang mga sugat na matatamo nila.
Nangunguna sa mahinahon at estratehikong pakikipaglaban ang mga sundalo ni Mateo. Dahil sanay sila na gumamit ng iba't ibang sandata ay walang problema sa kanila ang mang-agaw ng patalim mula sa kabila. Mas magaling din sila sa hand-to-hand na labanan, at mas organisado sila kumilos. Tatlong beses na madiskarte ang mga ito kaysa sa kanilang kalaban.
Sa kabilang banda ay brutal at padaskol naman ang kilos ng karamihan ng mga tauhan ni Ronaldo. Madalas sa mga ito ay mga purong bampira pa naman na malalaki ang ulo. Mayabang sila kung sumugod at hindi man lang iniisip ang kahihinatnan ng kakulangan nila sa kakayahang unawain ang kilos ng kanilang kaharap. Umaasa rin sila sa mabilis nilang regeneration sanhi para maging dehado sila sa labanan kung saan gamit ng lahat ang anti-vampire na mga sandata. Ngunit sa huli ay mapapantayan pa rin naman ng mga ito ang galing ng mga sundalo ng Red Mansion. Tatlong beses din kasi ang dami nila kaysa mga ito.
Kung mayroon man na masasabing kalamangan ang mga mabuting bampira, ito ay ang mas marami silang makukulekta na mga anti-vampire na sandata mula sa mga napatumba nilang kalaban. Tig-iisa kasi ang mga ito habang iilan lamang ay may dala sa mga sundalo ng Red Mansion. Alam ng lahat ang importansya ng materyal na nasa mga punyal ng kampo ni Ronaldo.
"Kumusta na kaya si Master? Hindi ko pa rin siya naririnig," batid ng isa sa mga miyembro ng clan ni Mateo.
Narinig din kasi ng mga ito ang malakas na ugong ng pagtilapon ni Mateo kanina. Subalit lingid sa kanilang kaalaman, sa sandaling binulalas ng bampirang nagsalita ang katanungan na ito ay nasa kalagitnaan na rin ng pakikipag-sagupaan si Mateo kay Logan.
"You're turning into a savage, Logan," sabi ni Mateo. Nakita niya kasi ang katawan ng biktimang mortal ni Logan.
Ito ang narinig niyang boses ng nalagutan ng hininga segundo bago siya inatake ni Logan. Hindi siya makapaniwala sa kinahinatnan nito sa loob ng halos isang daang taon nilang hindi pagkikita.
"He can even drink human blood directly from the host as if it's a coffee fresh from a vending machine."
Nakakapanibago ngunit hindi na ito nakakagulat para kay Mateo. Noon pa lang ay may malaking potensyal na para maging savage si Logan.
"Is that what your father taught you?" tanong niya.
Ngumiti si Logan. Pula ang kanyang mga mata at balot ng dugo ang kanyang katawan sanhi ng marahas niyang pagngatngat sa mortal na biktima.
"No. He never told me what to do. Perhaps we can say that this is just my personality, my nature. It's not like it's a problem to follow one's natural instinct. Am I correct, Mateo?"
"His words are to be expected..." Napakuyom ng kamay niya si Mateo sabay mutawi ng, "I really wanna break that face of yours."
"Come here then." Hamon ni Logan, sabay silang tumalon patungo sa isa't isa at agresibo na sumugod.
Wala silang hawak na anti-vampire na sandata. Lahat ay purong lakas lamang nila subalit sapat na ito para lumikha ng napakalakas na lindol.
Ito na ang pagkakataon para ibuhos ng dalawa ang inggit at inis nila sa isa't isa. Inggit para kay Logan dahil sa natural na lakas at katangian ni Mateo na mapasunod ang mga tao sa kanyang paligid. At inis para kay Mateo dahil sa klase ng pamumuhay at ugali ang mayroon si Logan. Pareho silang may pinaghuhugutan.
Sa kabilang dulo naman ng gusali ay naroon sina Miller at Leo. Kaharap nila ang dalawa pang utusan ni Ronaldo na walang iba kung hindi ay sina Aaron at Paolo.
"Why did you send him away? You just lost your chance of winning by 50%." Ito ang pahayag ni Paolo nang makita ang ginawa na pagpapaubaya ni Leo sa kasama. Kasunod nito ay ang biglaan niyang paglaho.
Lumingon si Leo sa kanyang likod at baka bigla itong umatake mula roon, ngunit nagkakamali siya nang may tumawag sa kanya mula sa labas ng building.
"Hey! Here! Let's fight here." Sumenyas si Paolo na kumportableng nakaupo sa ibabaw ng sasakyang nakaparada. Ito ang dulo ng paradahan. At nasa eksaktong kabilang dulo rin ng kinaroroonan ni Paolo ay sina Mateo at Logan na umiinit na ang labanan.
"Isn't it much fun fighting outside? Look, they are having fun there." Timuro siya sa kaliwa kung saan halos wala nang makita dahil sa kapal ng usok gawa ng malalakas na impak ng suntok ng dalawang alpha sa unahan.
"Masaya ka sa nakikita mo?" tanong ni Leo sa kanya.
"Hm? Hmm... Not really. Fighting is not my cup of tea." Kibit-balikat na tugon ni Paolo. Naglabas siya ng maliit na libro mula sa kanyang bulsa. Humiga siya sa sasakyan na tila ba nasa parke lang siya.
Nagbuntong-hininga naman si Leo. Wala siyang oras para makipag-biruan. Kahit na sabihin ng kalaban na hindi sila mahilig magpalakasan ay hindi pwede na hayaan na lang niya ito. Lalo na kung ito ang parehong nilalang na gumawa ng nakamamatay na sandata laban sa sarili niyang lahi.
"Pagsisisihan mo na nilabas mo ang librong 'yan!" Sumugod ng walang pasabi si Leo.
Nag-teleport siya sa bubong ng sasakyan at padaskol na pinuntirya ang dibdib ni Paolo. Subalit nang siya ay nasa bubong na ay hindi malambot at butas na dibdib ang humalik sa kanyang kamao, kung hindi ang matigas at matalim na metal ng bubong ng sasakyan.
"I hate fighting but that doesn't mean I want to die," paglilinaw ni Paolo na nasa likod na ni Leo.
Kasabay nito ay ang painit na rin na tensyon sa pagitan ni Aaron at Miller. Napuno na ng mga galos at sugat ang katawan ni Miller gawa ng mabilis at halos hindi makitang pag-atake sa kanya ni Aaron.
Hindi maitatanggi na malaki ang agwat ng dalawa pagdating sa pakikipaglaban.
"Matapang ka," komento ni Aaron sa mas batang bampira, "ngunit marami ka pang kakaining bigas. Hindi sapat ang determinasyon at tapang, hijo. Mahina ka pa."
Nasa sahig na si Miller. May malalim na sugat siya sa braso. Ito ay sanhi ng ipinangsangga niya ito sa unang atake ni Aaron. Hindi niya inakala na may kakaibang pamamaraan pala ang nakatatandang bampira. Kung saan ay hindi lang siya nagte-teleport, nagiging dalawa rin siya sa paningin ng kanyang kalaban. Dahil dito ay nalito si Miller kung saan sa dalawa ang ilusyon lang.
Ngunit sa paglipas ng oras at sa bawat paggamit ni Aaron ng pamamaraan niya na ito ay tila ba nasanay na si Miller sa kilos nito. At unti-unti na rin niyang nakuha kung paano ito ginagawa ni Aaron.
"He is using speed. Kumikilos siya ng napakabilis hanggang sa may mabuo na bagong imahe niya," sabi ni Miller sa sarili habang tinatansya kung paano siya makaka-tyempo ng hindi na muling nagagalusan. Sa bawat subok niya kasi ay galos ang katumbas.
Kilala si Aaron sa pagiging mabilis, at siya lang din ang may alam kung paano gamitin ang estilo ng pakikipaglaban na ito ng hindi napapagod agad. Ito ang kauna-unahan na pagkakataon na naglaban ang dalawa kaya walang kaide-ideya si Miller sa kakayahan ni Aaron. Naglaan ng matinding pokus si Miller sa laban nila dahil inasahan pa rin naman ng binata na malakas ang kanyang napiling kalaban.
Bumangon ulit si Miller. Namangha naman si Aaron sa determinasyon na ipinapakita nito.
"Matibay ka talaga, ha. Sana ay una kitang nakita. Bakit ba hindi ganito ang mga nahanap kong mortal?"
Mapangutya na ngumisi si Miller. "Walang gustong mag-sakripisyo sa mga vampirized niyo dahil hindi niyo sila pinapahalagahan."
Napaangat naman ng dalawang kilay si Aaron. Alam naman niya ang uri ng pagtrato na binibigay nila sa kanilang mga vampirized. Ngunit hindi maaaring gawin nilang panauhing pandangal ang bawat isa sa mga ito.
"Hindi naman sa hindi namin sila pinapahalagahan. Pinipili lang namin ang karapat-dapat na bigyan ng halaga. Mahirap na at baka lumaki ang ulo ng lahat."
"Para saan pa at gumawa kami ng hugpong laban sa Supreme," dagdag niyang wika sa kanyang sarili.
"Ganoon pa rin 'yun. You ruined their peaceful lives!"
"Ah. Hindi ko inaasahan na may ganyang prinsipyo ka pala." Iba kasi ang inaakala ni Aaron kay Miller. Isang binatang may sariling prioridad at hindi pinapakialaman ang iba. "Nagkamali ako, isa ka palang makatarungan na tao," dugtong niya.
Sumagi sa isipan ni Miller na hindi naman nagkakamali rito si Aaron. Hindi nga siya mahilig makialam sa iba, hindi rin siya makatarungan na tao, at mas lalo ng swerte lang siya dahil napunta siya sa Red Mansion. Ngunit naisip niya rin si Axel. Ang taong nagdala sa kanya sa mundo ng mga bampira.
"You're not entirely wrong," tugon ni Miller, "But you have seemed to forget, may kasalanan kang nagawa sa taong importante sa akin. So, it's not that I am being righteous, I just wanted revenge."
Hindi na lingid sa kaalaman ni Aaron kung anong klase ng relasyon ang mayroon si Miller at ang kanyang anak-anakan. Pero nang maalala niya ito ay hindi niya maiwasan na ngumiti nang pinagdugtong na niya ang mga pangyayari.
"Aah~ Ngayon ay naiintindihan ko na." Humakbang siya ng isang beses palapit kay Miller. "Sinasabi ko sa'yo, naging anak ko rin kahit papaano si Axel. At sa maikling panahon na kasama ko siya sa iisang bubong, hindi siya ang uri ng tao na nagbibigay ng tunay na pagmamahal– ah. Pero huwag kang mag-alala, natural lang 'yan sa mga bampira. Maiintindihan mo lang ito kapag nabuhay ka na ng singhaba ng buhay namin... siguro mga dalawang-daang taon at mahigit, magsasawa ka rin sa pag-ibig."
Natulala saglit si Mateo sa mga pahayag ni Aaron sa kanya.
"What type of sh*t is this man talking about?"
"Are you bragging about your long life?" tanong ni Miller sanhi para matigilan si Aaron.
"Mukhang hindi mo ata ako naiintindihan bata—"
"I know you've been bored and lonely your entire life but don't compare others to yours. Kung walang nagmamahal sa'yo hindi ibig sabihin na wala na ring magmamahal sa iba."
Uminit ang dugo ni Aaron. Alam na alam din naman kasi niya ito. Palaging may ganitong dahilan, kaya hindi nakapagtataka na mayamot ang nakatatandang bampira sa pagsampal ni Miller sa katotohanan na matagal na niyang iniiwasan.
"Sige, Sige, Tama na ang kwentuhan. Siguro uunahin na lang kita para wala ng haharang pa sa pagpaslang ko kay Axel." Binago ni Aaron ang paksa, at muling gumalaw ng sobrang bilis. Sa ikalimang pagkakataon ay lumitaw ulit ang ikalawang imahe niya.
Kagaya kanina ay napapaligiran ng dalawang Aaron si Miller. Sa bawat segundo ay nadadagdagan ang mga galos sa katawan ng vampirized dahil sa panay na pagdaplis ng sandata ni Aaron sa kanya.
"Alam mo hijo walang personalan ito. Kailangan lang talaga na mawala ni Axel dahil siya ang pangunahing utak ng inobasyon ng Red Mansion. Hindi naman pwede na maunahan niya ang pambato namin na si Paolo."
Maski sa mundo ng mga bampira ay mahalaga rin ang inobasyon. Subalit kung may angkop man na tawag sa mga researcher nila ay ito na siguro ang apothecary. Sila ang mga taong eksperto sa paggawa ng mga medisina. Ang pinagkaiba lang ay hindi lang sila nakadepende sa agham at siyensya, pati na rin sa mahika.
"Are you not being unfair? Wala naman kaming ginagawang masama sa researcher niyo," banggit ni Miller. Nahihirapan na siyang tumayo dahil abot na hanggang sa kanyang binti at hita ang kanyang mga galos. At nararamdaman na rin niya ang unti-unting paghapdi ng ibang galos na lumalim dahil sa panay itong natatamaan ng punyal ni Aaron.
"Unfair?" tumawa si Aaron, "Matagal nang hindi patas ang mundo, Miller De Leon." Ito ang tugon ng bampirang nawalan ng karapatan na maging lider ng kanilang angkan.
Mas bumilis pa ang paggalaw ni Aaron, habang tumatagal ay mas nagiging solido at malinaw na rin ang mga imahe niya.
Ito ang hinihintay ni Miller. Ang dumating sa punto na sa bilis ng kanyang kalaban ay nakikita na niya ang paulit-ulit na pattern na sinusundan ng katawan ni Aaron para mapanatili ang imahe niya sa parehong lugar.
"Konti pa," sambit ni Miller sa sarili na hindi na inalis ang tingin sa imaheng nasa kanyang harapan.
"Nagpupuyos ka na ba sa galit?" panunukso ni Aaron sa kanya.
Natagalan sa pagsagot ang binata, hindi dahil sa wala siyang sagot kung hindi dahil sa dahan-dahan na niyang nakikita ang tamang tyempo.
Isa. Dalawa... Konti na lang.
"Tatlo!" sigaw nito sabay angat ng kanyang sandata.
"Aagkh!"
Naglaho agad ang pangalawang Aaron sa likod ni Miller, kasabay nito ay may tumilapon sa magkabilang gilid. Nang tumingin si Miller sa kaliwa ay naroon ang kanyang kalaban, sa kanan naman ay ang kanan nitong binti na presko at mamulamula pa.
Samantala, sa malawak na bubong ng gusali ay mag-isang nagpapa-hangin si Ronaldo. Pinapanood niya ang mapayapang lumulutang na mga alapaap na dumadaan sa maliwanag na buwan. Ilang sandali lang ay narinig ni Ronaldo ang mahinang yabag mula sa kanyang likod. Kasunod nito ay ang sunod-sunod na kaluskos ng mga paang papalapit sa kanya.
Hindi na niya kailangan pa na lumingon para alamin kung sino ito. Ngumisi na siya at naaaliw na binati ang dumating.
"Great evening. I knew you'd come."
"Hindi ka tumutupad sa usapan."
Humarap si Ronaldo. Walang emosyon ang kanyang mga mata ngunit naka-kurba pa rin pataas ang dulo ng kanyang mga labi. At sa sandaling nakita niya ang itsura ng lalaking nasa kanya likuran ay napuno ng galit ang kanyang tingin.
"Come on, you know so well that's the kind of filth I am, my ever so righteous brother."
"Dinadamay mo ang mga bampirang pinili na mamuhay kasama ang mga mortal."
Huminga ng malalim si Ronaldo. Umayos siya ng tindig at tila ba kampante pa niyang binigkas ang mga katagang, "So, you knew that this is a trap and yet you're still here? Ooh. It's my pleasure to make the great Supreme come see me in person."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top