CHAPTER ONE HUNDRED-FOUR
* * *
Water Grande ang pangalan sa kumpanya ng tiyahin ni Logan. Nagmula sa mayaman at malaking pamilya ang binata, at hati ang opinyon ng pamilya nito sa isyu ni Ronaldo at ng Supreme.
Suportado ng ama ni Logan si Ronaldo, kaya naman ay hindi ito nagrereklamo sa tuwing naririnig nito na may misyon na naman na pinapagawa ang kanyang amo sa anak. Ito ang kanyang paraan para makapag-secure ng maayos na posisyon ang kanyang pamilya kung sakaling manalo si Ronaldo sa laban. Nais din niya na matapos na ang pangunguna ng mga Lorenvetti sa mundo ng mga bampira.
Sa kabilang banda ay nanatiling tapat naman ang iba nitong mga kapatid sa Supreme. Kaya ang ilan sa kanila ay naninirahan malapit sa Red Mansion. Nag-iinvest sila sa mga proyekto na mayroon ang kumpanya ng Supreme at ng iba pang bampira na may negosyo.
At ang natitira sa kanilang kamag-anak ay ang mga neutral o mga walang kinakampihan na partido. Isa rito ang tiyahin ni Logan at ilan pang mga pinsan ng kanyang ama. Madalas ay mga beta at gamma ang mga ito. Mahina ang pisikal at kapangyarihan nila bilang bampira, kaya mas pinipili nila na manatili at makibilang sa mga mortal.
Subalit, mukhang napilitan ang nagmamay-ari ng Water Grande na ibigay sa mag-ama ang proyekto nito. Dahil nga suportado ito ni Ronaldo, ayaw masangkot ng tiyahin ni Logan sa gulo at maging tampulan pa ng karahasan mula dito.
Samantala ay tama rin ang hula ni Mateo na hindi lang negosyo ang sadya ni Logan sa i-lalaunch nilang water supply system.
"What are you doing here so early in the morning? Are you not supposed to sleep when the sun is out?" tanong ni Logan sa mga kasama.
Nasa isang malapad at malaki na conference table sila nagtipon-tipon. Parihaba ito. Magkatapat sa magkabilaang kabisera si Ronaldo at Aaron, habang nasa kabilang sulok naman si Paolo at Logan.
Abala si Paolo sa pagbabasa ng makapal na libro at nasa silid lang dahil sa utos ni Ronaldo. Hindi talaga siya interesado sa pag-uusapan nila. Habang si Logan naman ay tila kagigising lang ang itsura. Magulo ang kanyang buhok, at nakapantulog pa ito. Puting maluwag at manipis na damit, at boxer shorts.
"Huwag kang magpa-kampante. Hindi ibig sabihin ay tapos na ang trabaho natin," paalala sa kanya ni Aaron.
Nagbuntong-hininga si Logan sabay irap sa matanda. Inilipan niya ang tingin kay Ronaldo at nagtanong ng, "Lord Ronaldo, are we really going to mix vampire fluid into that water supply system?"
"Hoy!" sabad ni Aaron, "Hindi ka ba nakinig sa sinabi ko noong isang araw?"
"W-What is it again?"
"Ang sabi ko patibong lang ang water supply project."
"Hm? Isn't it much better if we do it for real? The more vampirized, the larger the battalion. The more, the marrier!"
Nahinto sa pagbabasa si Paolo nang marinig ang suhestiyon ng binata. Inilapag niya ang kanyang binabasang libro at isinara ito habang naka-ipit sa pahinang kanyang binabasa ang kanyang daliri. Ito ay para hindi niya mawala ang pahina.
"Hey, kid. Don't make any useless idea," saway niya rito.
"What now? Isn't it a great idea?"
Umiling-iling si Aaron. "Hindi, dahil wala tayong kasiguraduhan kung ilan ang magiging alpha sa mga nakainom ng tubig na may vampire fluid. Maliban pa rito ay magiging sakit lang sa ulo ang mga vampirized na beta at gamma ang ranggo. Idagdag pa ang maaaring masasawing mortal dahil hindi kaya ng katawan nila ang vampire essence."
Iniisip pa lang ni Aaron ang maaaring idudulot nito na trabaho sa kanya ay kinikilabutan na siya.
"Haaay~ Who do you think will clean up the mess? It's me right here," bumuga ng hangin si Paolo habang binabalik ang atensyon niya sa libro sabay dagdag sabi ng, "Look at you with all those young hormones. Tsk. Tsk. Tsk. A waste of time."
Ilang daang taon lang ang tanda ni Paolo kay Logan. Pero dahil iba ang kanilang hilig ay nagmistulang aksaya lang sa oras para kay Paolo ang ginagawang kalokohan sa kama ni Logan.
Natigil ang tatlo sa kanya-kanya nilang sentimyento nang gumalaw si Ronaldo. Umayos lang naman siya ng upo habang nilalaro sa kanyang kamay ang itim na bilog na bagay. Oo. Ito ang itim na perlas na natagpuan nina Miller at Mateo mula sa mga namatay na bampirang nakalaban nila.
Parang holen niya itong nilalaro sa kamay. Nakangisi siyang humarap kay Logan. "Good job. We are here to celebrate your great performance on TV. Now we just have to wait for the Supreme to take the bait."
Gumuhit ang mahaba at manipis na ngiti sa labi ni Ronaldo. Habang napabunton-hininga na naman ulit si Logan.
"But the atmosphere here doesn't suit well for a celebration. It's chilling and dark. Smells like evil." Batid nito sa sarili habang pinapanood ang pagpasok ng mga tauhan ng kanyang mansyon na may bitbit na pagkain.
"They even went ahead and made my servant prepare a feast."
Walang nakinig sa hinaing ng lalaki. Nasapawan ito nang magsalita ulit si Paolo.
"The stones are activating one by one. The ones who were caught will eventually die and leave no trace to spill our plan."
Tama. Tinutukoy ni Paolo ang itim na perlas na natagpuan ngayon nila Miller. At kagaya ng halos lahat ng mga masasamang imbensyon, ay siya rin ang gumawa nito.
M I L L E R
"Uh, sa tingin mo, sa paanong paraan nati-trigger ng itim na perlas ang katawan ng mga vampirized?" Jessica, one of the researchers in the laboratory, asked me.
Isa siya sa mga researcher na lumapit sa akin para hingin ang opinyon ko tungkol sa black pearl. But the truth is, maliban sa mga nabasa ko sa findings nila ay wala na rin akong alam tungkol dito.
Siguro ay namangha sila na ang isang vampirized na tulad ko, na dapat sana ay lakas ng katawan lang ang mayroon ay kayang umintindi ng komplikadong mga research data na nakalaan para sa mga bampira. Wala naman talagang mahirap. Everything is pretty the same with the mortal's Science, maliban na lang kung hahaluan nila ito ng mahika.
"Mahirap sabihin. This is also my first time to see such a thing. At wala rin akong nakita na tungkol dito sa notebook ni Axel," saad ko.
"Hindi pa rin ba nagigising si Master?" banggit ni Wilfredo, na kabilang din sa research team.
"Nope. Not yet." Umiling-iling ako. "But then, can you tell me some more of your observations? Baka may maitulong ako."
Wala namang problema kung paminsan-minsan ay gagamitin ko ang natutunan ko sa Science laboratories ko.
Tumungo kami sa loob ng isa sa mga cubicle na nasa lab. Doon ay may isang chamber na tila isang malaking bathtub na may vacuum glass na covering. Doon ay nakahiga ang isang bangkay.
"Galing ba 'yan sa red light district?" ani ko.
Tumango si Jessica at Wilfredo.
Namumutla na ang bangkay. Kulay lila na rin ang labi nito at sa tingin pa lang ay masasabing matigas na ang laman.
"Did you undergo an autopsy?"
Jessica nodded and handed me a folder. "That's the result. Sinasabi na may ininom silang juice, base sa resulta ay 23 days o mahigit na ang nakalipas simula nang pumasok ito sa sistema ng bampira na ito."
"We also found the same results for the majority of the vampirized's body. That's why we pointed it out."
"Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagsawi ng mga sundalo na nakuha natin."
Suddenly, the information came like a storm. Hindi naman ako kabilang sa pinagkakatiwalaan ng lubos ng Supreme. I'm not even a researcher here, yet they are all coming to me. They are hoping that I know the answer.
I really wish that I knew.
I really do...?
Teka. Mahigit 23 days? At magka-parehong mga resulta?
"Doesn't that sound off?" Binasa ko ang results ng autopsy nila. There are similarities that they might have thought are normal. They drank orange juice.
"Isn't this suspicious?" Turo ko sa magkaparehong resulta ng bangkay na nasa loob ng tube at ng bangkay na nauna na nilang na-test.
"Uh, we actually tested three corpses," Wilfredo told me, "and the other didn't drink the same juice. Out of 100, 20% were free from the beverage."
"At nauna pa silang namatay kaysa sa ibang nakainom," dagdag pa ni Jessica."
Oh. Really?
Bigla akong nalito. I'm sure that there must be a common factor. I want to try something. I want them to retest the corpse. Pero wala akong karapatan na iutos ito sa kanila.
May hula ako na isang ticking time bomb ang mga perlas sa katawan ng mga biktima. Sa palagay ko ay may pina-inom o kaya pinakain sa mga ito si Ronaldo. And that became the entrance of the black pearl. Its purpose is to prevent them from spilling the beans. Kaya isa-isa silang nalalagutan ng hininga.
It's a mass murder covered with mass suicide. How cruel.
"If-If you don't mind, could you do the au–"
"Miller!"
I paused. Umatras ang dila ko nang marinig ko ang pangalan ko. Did I say something wrong? Hindi ko pa nga tapos ang sasabihin ko.
"Ano?" It was Kristoff who called me. Matagal-tagal ko na rin siya na hindi nakikita sa sobrang abala ko.
"S-Si Master!"
Tuluyan ko nang binitawan ang lab results. "Run another test," I absentmindedly instructed. Itinulak ko ang lab results sa tao na nasa tabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang sunod na sasabihin pa ni Kristoff at walang pagdadalawang-isip na nag-teleport patungo sa silid namin.
"Miller, teka..."
"Axel."
"...lang." Nang nasa loob na ako ng room ay nakabuntot din si Kristoff.
I stared at Axel's bed as I carefully walked towards him. He was just lying there as usual. It's morning, so before leaving I opened a slit on the curtain para lang maarawan siya ng konti. The sun rays from the outside traced his chest. It landed there like a divine light, as if it pierced through him.
"Anong nangyari kay Axel..." I calmly uttered yet I had to stop half way when I saw his head leisurely turned to my direction. "A-Axel?"
Tumaas-baba at kumunot-kunot ang kilay ni Axel na para bang ina-adjust niya ang kanyang paningin.
Nang makalapit na ng tuluyan, I gently caress his forehead. "Bakit hindi siya sumasagot?"
"Ah. Hindi rin ako sigurado. Pero sabi ng doktor maayos na raw siya. Kailangan niya lang ng kon–"
"HAH!"
Napaatras ako sa gulat nang biglaang suminghap ng pagkalakas-lakas si Axel. Kasabay nito ay ang walang pasabi niyang pagbangon.
"Axel! What are you doing? Ba't ka biglang bumangon? Quick, get more rest!" I held his shoulder and chest para ibalik siya sa pagkakahiga.
I was trying to be careful to not harm his body. Ilang araw rin siyang walang malay at nakahiga lang sa kama. I'm sure his body is all sore and numb. Pero bakit parang wala atang iniindang sakit si Axel? He's even pressing his lips into mine now.
"Hmph... Axel."
"I'm sorry," bigkas niya sa sandaling humiwalay ang labi namin sa isa't isa.
"Bakit ka humihingi ng tawad? It's not your fault."
"I made you worry, and it was technically my fault for following you." Yumuko at iniwas ni Axel ang kanyang ulo.
I guess his physical health is great, sadyang hindi niya lang mapatawad ang sarili niya sa nangyari. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. I lifted up his face. Mukhang paiyak na ata siya. I don't want to see him cry. Kaya naman ay hinalikan ko ang gilid ng kanyang mata.
Alam kong hindi naman nito mapapaatras ang luha niya, but I just want to do it.
"Iwan ko muna po kayong mag-isa, master," anunsyo ni Kristoff. Hindi na ako lumingon pa to check if he's gone. Ganoon din si Axel na nakapikit ang mga mata.
Nagsimula na ngang tumulo ang kanyang luha, pero hindi ko na ito pinayagan na dumiretso pa sa kanyan pisngi. I wiped it with my thumb and kissed his cheeks.
"They will still come to you kahit na hindi ka sumunod sa akin. Ang importante ay ligtas ka," I quietly uttered to him.
We hugged. I can feel him on my chest as my heart just keeps beating fast. Malamang ay naririnig ito ngayon ni Axel. He is so thin, too fragile to hug tight.
Bumitaw ako sa yakap naming dalawa. Nakatingala siya sa akin. His pale angel face is looking at me with a pair of bloody red eyes. His hair turned silver and long. Ito ang anyo ni Axel sa loob ng ilang araw na nasa kama lang siya. He is in his original appearance. Hindi ko maiwasan na hawakan ulit ang kanyang mukha. At unti-unting nilapat ang labi ko sa labi niya.
"I miss you," batid ko sa pagitan ng halik namin.
I traced the back of his neck and pulled it closer. Nakatingala pa rin siya, ayaw ko siyang mangawit so I slowly sat on the bed.
"Mil...ler, I'm sorry," he gasped between our kisses.
I hushed him by placing my finger on his lips, and pressed my lips again.
"Mmn... haah..." This time I kissed him torridly. My hand traced his thin body. From his shoulder upto his back. I slid my finger on his spine. "Ngh- ah!" He suppressed his voice to moan. Nakikiliti ata siya sa ginawa ko.
Kumapit siya sa dibdib ko habang nanginginig ang katawan niya.
"Are you alright?"
Mabagal siyang tumango. "Yes, I- It's just blood deficiency."
"Hindi ba't araw-araw kang sunu-supplyan ng dugo?" Dumako ang tingin ko sa tubo na nasa gilid ng kama. It was dark red with blood accumulated inside.
Pero mukhang konti lang ang nasasalo nito. Sa naaalala ko ay kahapon pa itong blood bag. Hindi pa ito napapalitan. Kung ganun ay isang bag lang ng dugo ang nakukunsumo ni Axel sa loob ng dalawang araw.
"Hindi siya sapat, hindi ba?" tanong ko.
Umiling-iling si Axel. "The blood is only enough to sustain my recovery while asleep. But it's different when I am awake."
Of course, more energy is required when a person is awake.
"Do you want to drink my blood?"
"Miller." Pagpoprotesta niya.
"Don't worry. Maayos ang lagay ng katawan ko. I am stronger now, thanks to you."
Umukit ang nalilitong mga mata sa mukha ni Axel nang binanggit ko ito. Sa kabila nito ay hindi na ako nagpaliwanag. Inayos ko na lang ang damit ko at itinapat sa bibig niya batok ko.
"Go, drink up." I told him softly.
I started to feel the tingling burn of Axel's teeth piercing through my flesh. Hindi na siya tumanggi at tahimik na kumagat.
He slurped and licked the wound when he was finished, nakita ko ang muling pag-liwanag ng mga mata niya.
"Do you feel better?"
He licked the side of his lips first, as he looked at me in the eyes, he whispered, "I feel h*rny."
Aah. It seems he is really feeling better.
Hindi ko rin naman tinanggihan ang imbitasyon na iyon ni Axel.
Sa ikatlong pagkakataon ay muli ko siyang hinalikan. It's a french kiss, deep and passionate with our tongue entangled together.
"Haah..." I can feel Axel's shallow and short breaths. Matagal ko rin itong hinintay.
Maingat ko siyang hiniga sa kama. As soon as he was comfortable, I began to explore his body. Iginapang ko sa ilalim ng kanyang damit ang kamay ko. I flicked his cute n*ps, and felt him flinching as he swallowed his voice.
I pressed my hips to his. That's when I felt his little buddy bulging.
"You're hard."
"And so you are."
Inabot ko ang gitna ng kanyang hita. Lumala ang panginginig ng katawan niya, pero nakatitig pa rin siya sa mga labi ko. Seems like he really likes kissing. Hindi ko ito pinagkait sa kanya at hinalikan siya muli.
I slightly touched his stomach to tease him. I wanted to touch Axel more. I want more of him.
Gagapang na sana ang kamay ko sa kanyang ibabang likod when we heard a silent click from the door.
Sumulpot mula sa bahagyang nakabukas na pinto ang kamay ng isang babae.
"Uhm, pasensya na... M-Miller?" untag ng boses ng babae.
Nag-iingat na ang lahat sa pagpasok sa silid namin. Mukhang alam na ata nila kung ano ang pangyayari na posible nilang madatnan dito.
Huminga ako ng malalim at umupo ng tuwid. Axel still got the dazed look so I fixed his still wet lips and messy hair, saka pa lang ako sumagot ng, "Nandito ako. Ano ang kailangan mo, Jessica?"
Unti-unting bumukas ang pinto, nang huminto ito sa paggalaw ay sumilip na si Jessica. As if making sure that she won't be seeing such a love scene again. Sa totoo lang ay hindi naman ito ang unang beses na na-istorbo kami.
Madalas kaming nahuhuli sa akto. Kasalanan din naman ito ni Axel. He always drives me at the edge and provokes me.
I wish to dream more about how Axel could seduce me but with someone in the room I know it's inappropriate.
"Master," yumuko si Jessica bilang pagbati kay Axel. Ngunit agad din naman na tumungo sa akin ang kanyang tingin at nagwika ng, "May nadiskubre na naman kami."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top