CHAPTER ONE HUNDRED-FIVE

M I L L E R

After seeing the urgency Jessica showed when she called me, Axel got curious. Hindi na siya nagpaawat at sumama siya sa akin sa laboratoryo. Nadatnan niya ang lab sa pinaka-abalang senaryo nito simula noong siya ay nasaksak.

"What's happening?"

Sa sandaling binitawan ni Axel ang katanungan na ito ay wala niisa sa kanyang mga tauhan ang nangahas na magsalita. Lahat sila ay nakatingin sa akin o kaya kay Mateo, naghihintay lang ng hudyat.

Napunta sa akin ang mga mata ni Wilfredo. Bumuntong-hininga ako. Ano pa ang silbi ng paglilihim kay Axel kung nasa iisang bubong lang naman kami? Malalaman at malalaman pa rin niya ang tungkol sa mga nangyayari.

Huminga ako ng malalim at saglit na pinikit ang mata. Alam ko naman na maayos na ang katawan ni Axel, ngunit ayaw kong isipin niya na nangyayari ang lahat ng ito dahil sa kanya. That's what makes this situation overbearing for me.

"Miller, don't you want to talk to me?" Axel's expression has begun to become grim.

Iiwas sana ako ng tingin para lang masabi ang nangyayari. Pero baka hindi niya ako pagkatiwalaan. Up until the incident with the red light district, Axel believed that I was too weak to join the battlefield at tutol siya sa halos lahat ng involvement ko sa mundo ng mga bampira.

For someone who is truly weaker than me, Axel is overprotective. Naiintindihan ko naman dahil kung tutuusin bilang isang bampira ay isa lamang akong sanggol. Mag-iisang taon pa lang simula nung nakagat niya ako.

Tumayo ako ng matuwid at malalim siyang tinitigan sa mata. "We found the source of the poisonous black pearl."

Syempre, Axel didn't have a single idea about the black pearl. Kaya ipinaliwanag namin ito ni Mateo sa kanya. Mula sa sandaling inatake siya hanggang sa mga oras na ito.

More than an hour ago nasa kama pa si Axel, mahimbing na natutulog. Now, he's right here with us in the laboratory, pinag-aaralan kung paano nagawa ni Paolo na paramihin ang dugo ng Supreme.

Ayon sa sinagawa nilang test sa bago na namang mga bangkay, ay may pagkakapareho nga ang mga ito. Pareho silang uminom ng dugo. I know that's trivial since we are vampires. Blood is part of our diet. In fact, it's our most important diet. Yet, the blood the researchers found from these corpses is different. It has a 0.001 nanometer mass of red blood cells. And that blood cell is where the vampire Supreme's blood information was stored. Sa loob ng ilang araw na nasa katawan ito ng biktima ay mamumuo ito. Hanggang sa maging kasing sukat na nito ang munting perlas.

Dito magsisimula ang trigger. At sa sandaling makaramdam ng lubos na takot ang bampirang may blood cells sa katawan ay mag-aactivate ito. Kagaya ng isang time bomb. Sasabog ito. Magiging poison para sa healthy cells sa katawan at magdudulot ng kamatayan. Once the blood cell finished its purpose, isusuka ito ng biktima and the oxygen in the atmosphere turned its red color to black. Kaya naman itim na ito nung nakita namin.

Isa pa, ang makita ang biglaang pagkamatay ng mga kasama nila ay ang nag-induce ng takot sa mga nahuling tauhan ni Ronaldo. Ito ang dahilan kung bakit sila sunod-sunod na nalagutan ng hininga.

"That Paolo, I'm sure he did more than just scraping the Supreme's blood. He must have done several trial-and-errors and spent innocent lives for experiments to achieve such a deadly weapon," sambit ni Axel habang tinititigan ng maigi ang bangkay na nasa chamber. He sighed then asked, "Then what now? What's your plan?"

Nakatingin siya kay Mateo. It must not have occurred to him that I would be directly involved with the next topic.

"Ronaldo is plotting another hideous plan. Logan even announced it on TV," Mateo informed him.

"Sigurado ako na isa itong patibong."

"I agree, yet we can't risk it. We never know if they will do it for real."

"Wait..." Lumingon sa akin si Axel. He squinted his eyes, put his hands on the side slit on his lab gown, and leaned closer to me. "I feel something different. Why do I feel like you're too involved in this?"

At ito na nga, naamoy na niya.

"What's the matter about that?" sabad ni Mateo.

He paused. "Mateo... Don't tell me you made him lead the second attack on that previous mission?" tanong niya rito na hindi pa rin gumagalaw sa puwesto niya sa harap ko.

As soon as I heard the words coming out of Axel's mouth, I knew already that this matter must be discussed privately.

I held his hand. Napatingin siya sa akin nang ginawa ko ito. I calmly nodded as I led him out of the laboratory.

"Miller! You promised!"

"Yes, I promised to protect you."

"B-But, I don't want to hurt you again. I don't want to see you again on the bed lying unconscious. Miller!" Axel threw himself to me, he hugged me tightly as his whole body's shaking in fear.

He must be really afraid to beg me this way. Isa pa, we are just outside the laboratory. May ilan pa nga na nagagawi sa amin ang tingin lalo na at nasa hallway lang kami.

"Axel, mag-usap tayo sa loob." I can't let others see him in this state. Alam ko na ayaw niyang may makakita sa kanya na umiiyak.

"Please... Please... you're the only one I have left," he sobbed.

Ramdam ko ang sakit sa mga hikbi niya. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at tinago ng maigi sa mga braso ko para walang makakita sa umiiyak niyang itsura.

"Please, whatever you're planning to do, don't do it. Don't go."

I sighed. Ayaw kong makita siya na nasasaktan, pero kung hindi ko gagawin ang dapat na gawin mauulit lang ang lahat.

I closed my eyes as I teleported him with me back in our room. Mukhang hindi niya ata namalayan na nabago na ang paligid. Especially if we are still this close to each other.

"Axel... Axel, makinig ka." I slightly and gently pushed Axel to face me.

His slender shoulder went stiff. Yumuko at umiwas din siya ng tingin na para bang tinatago ang mukha niya.

"Axel, look at me."

"D-Don–"

"Show me your face. Huwag kang mag-alala, we are alone now."

Sunod kong naramdaman ang pagkalma ng kanyang mga hikbi. Para bang nahinto saglit ang kanyang pag-iyak saka inangat ni Axel ang kanyang ulo at sinuyod ng tingin ang paligid.

"Did you teleport us here?" I can hear him astound from his voice.

"Oo... Axel, pakinggan mo muna ako."

Sa kabila ng pagsusumamo ko, Axel is still in daze. Nakatitig lang ang mga mata niya sa pagitan naming dalawa. Hindi gaanong malayo pero hindi rin masyadong malapit.

But the change of location has seemingly affected his tears' momentum. Tuluyan na siyang kumalma. Bumuga ako ng hangin at hinanda ang sarili ko para magpaliwanag. Sa tingin ko ay ito na ang tamang tiyempo para gawin ito.

"Listen... I'm sorry if I broke my promise. Pero hindi pwede na wala akong gawin sa ginawa nila sa'yo..." I paused to see if he has something to say. Nang makita ko na wala ay nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "I, as well, was scared when I saw you soaked in your own blood. I thought I was going mad. Ayaw ko nang makita pa ulit 'yon. But the only way for it to never happen again is to stop Ronaldo's wickedness... Axel." I called him to check if he's still willing to listen.

Para rin naman siyang bumalik sa ulirat nang muling gumalaw ang kanyang ulo at tumingala sa akin.

"Why? What if you hurt yourself again? What if you–" he swallowed his own words, afraid for it to happen.

Hindi na niya kailangan pa na tapusin ang sasabihin niya, because I already know what it is.

"I'm not going to die," diretsahan kong banggit sa salitang hindi niya mabigkas. "I won't leave you."

I caress his face and kiss his forehead.

"Miller."

"Pasensya na, Axel. I won't be asking for your permission. Gagawin ko ito dahil ginusto ko. I insisted on joining the battlefield because I want to protect you... I'm also sorry for saying this yet, I will no longer seek your permission. This is my own decision." Lumapit ako sa mukha niya. I gave him a peck on his lips before I moved close to his ears. I placed my lips beside his ears as I whispered, "I believe I don't have to ask permission to protect the person I love."

With those words, Axel bursted into tears. Niyakap niya ako ng mas mahigpit. I am not sure, pero para bang mas naging mahina si Axel ngayon. It's my first time seeing him this devastated. Hindi pa nga ako nasasawi paano pa kaya kung mamalasin ako sa battlefield? Siguro natatangi ang naiwang peklat ng karanasan niya, sa unang pagkakataon ay bumagal ang paggaling ng kanyang mga sugat. Kagaya na lang ng sa mga mortal.

Kahit sino naman siguro matatakot kung konti na lang ay makakasama na niya si kamatayan.

Kinabukasan ay naging maayos na kami ni Axel. He finally got to understand my point. Although he was reluctant at first, I promised him that I won't die. Ayaw ko rin naman na mamatay. Nilinaw ko na rin sa kanya na hindi niya kasalanan ang nangyari sa unang attempt ng misyon ko sa red light district. Sadyang tuso lang talaga ang lider ng mga iyon. Kaso nakalimutan ko nga lang sabihin sa kanya ang importanteng parte.

"You... the two of you..." Isa- isa kaming tinuro ni Axel. "Mateo will lead the team, and you're having Miller with you?"

I pressed my lips as I wet it. "Nakalimutan ko." Napakamot ako ng ulo at nahihiyang tumingin sa kanya.

Hindi ko pala nasabi sa kanya na isa ako sa mga frontliner. Frontliner, ibig sabihin ay kasama ako sa mga alpha na siyang pangunahing susugod. Since, I have fought with those goons in the red light district pinayagan na ako ni Mateo sa hiling ko. Because I know, my goal can only be fulfilled if I am in the forefront.

Axel sighed. I thought he would go against it but he calmly stared at me.

"I'll be careful." I mouthed.

Lumapit din naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I know. I know. I love you."

"I love you too."

Mahina lang ang boses namin. We were just whispering behind each other's ears, just enough for us to hear each other's heart as we hugged.

Pasimple lang kaming bumitaw. As if it was just a simple hug to show support para sa isa't isa. Kahit na may nakikita ako na umiiwas ng tingin sa amin marahil sa ilang o kung anuman na dahilan, I didn't show any reaction. Malamang din ay narinig ng ilan ang pagpapalitan namin ng nararamdaman ni Axel. Yet, I don't care.

"You're not mad?" tanong ni Mateo kay Axel.

"I'm not mad at Miller. I am mad at you."

"Come on, your man can handle him—"

"Yeah. Yeah. I know. Stop repeating what has been said. You're getting on my nerves."

Napabuntong-hininga na lang ako habang pumapagitna sa dalawa. Hindi na ako nagsalita at tinaas na lang ang mga kilay ko sabay saglit na ginawi sa mga apprentice researcher ang mga mata ko. Sinundan naman ito ni Axel, and when he saw how awkward the air has become, he cleared his throat and wore his laboratory gown.

"Okay! Let's start catching up with Paolo's research. Move, move! Everyone, quick!" malakas siyang pumalakpak at taas-noong naglakad patungo sa kanila.

Napakapit ako ng dibdib nung tuluyan nang pumasok si Axel. I really thought he would stop me. Buti na lang at hindi ito nangyari.

"Let's go," Mateo commanded before he started walking. Papunta ata kami sa opisina niya. "Do you have a plan?" he asked me out of the blue when we were close to his room.

"I have something in mind," I replied. "Ikaw ba, may plano ka?"

"I do have one," aniya sabay bukas ng pinto. At sa loob ay may bago na namang mukha akong nakita.

"Oy! Kumusta!" masigla nitong bati.

He is a moreno, with an ivory set of teeth. His black and curly hair looks exotic, and he has a firm physique. Nakatayo pa nga lang siya ay ramdam ko na ang lakas niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top