CHAPTER ONE

M I L L E R

Sa mundo kung saan ang lahat ng tao ay pinanganak na hindi pantay-pantay ay inakala ko na nakakaangat ako sa lahat. And in the middle of my downfall, I met an odd guy.

~ ~ ~

Every day is a hustle for me. I may look calm in the outside, but I am actually falling apart only because of my father's stupidity. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin ako sumusuko. I refuse to give up. Pinagsasabay ko ang trabaho at ang pag-aaral, because unlike Father, I don't want to be a failure. Nagsisimula sa pagbyahe patungo sa university ang bawat umaga ko.

7:00 am, mag-isa akong nakatayo sa hintayan ng jeep. I have my plain white t-shirt and black pair of jeans, and my earphones on. Wala naman talaga akong pinapatugtog, they are just effective in getting rid of people around me. Nag-aaral ako sa isang private university, mahal ang tuition fee kaya kailangan kong magsipag. I know, I have the choice of getting in a state university, one that does not require high tuition or might actually free. Yet, I need a much flexible time. Sa university kasi na pinag-aaralan ko ay malaya akong pumili ng schedule. I can choose morning classes or evening. Their curriculum is perfect for working students like me.

Night class ako mula noong 2nd year hanggang 3rd year, lumipat lang ako sa umaga dahil sa mas dumami ang costumer ko sa trabaho ko sa gabi. Kung saan mas malaki ang kita doon ako dapat magpokus para mas mabilis matapos itong sakit ng ulo na ipinamana sa akin ng walang kwenta kong ama.

Magara ang university na aking pinapasukan, I've been studying here even before my father had his mischief. Bonus na lang nga siguro ang flexible nilang curriculum sa tunay kong dahilan kung bakit dito pa rin ako pumapasok kahit na gipit ako sa pera. I am in my 5th year in college. Yes, 5th year since I repeated my 2nd year due to unfortunate events.

The university has a vast campus capable of having 10 wide buildings all up to three to fifteen storeys, a track and field, a swimming pool, 5 parking lots, an arena, and a food court. It's not like it is a rare sight, but it has become a rare sight for unfortunate people like me. Maswerte nga ako na hindi pa ako nakikick-out sa university na ito kahit na madalas akong delayed magbayad ng tuition fee.

"Hey, dude!" salubong sa akin ni Jared. Kaklase ko siya noong 2nd year pero hindi kami malapit sa isa't isa, madalas niya lang talaga akong binabati sa umaga.

At first, I have no idea what he could gain by greeting an aloof person. However, it turns out he loves to be treated as the hero for greeting the batch's lonely guy, which apparently is me. His father is a local politician, that only makes me think that it is his way of endorsing his father. I don't care if he feels good about that and if that is his real intention. I could barely hear his greetings anyway since the corridor's so noisy with people full of energy chattering early in the morning.

Mahina kong ipinitik ang dila ko nang makita ang mahabang pila ng mga tao sa tapat ng elevator. Dagsa na kasi ang mag estudyante tuwing malapit nang mag-alas ocho. I should have wake up earlier, at least 5 o'clock, but my costumer last night was full of energy that I couldn't escape and ended up accompanying her until midnight.

I entered the elevator last, lowering my head, and avoiding any contact. Kahit sa loob ng elevator ay panay pa rin ang pag-uusap ng ilan sa mga kasama nila, this time I used my earphones for real. Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone ko at binuksan ang music player. I prefer hearing songs than their silly talks and their carefree life.

When I reach the door of my classroom a huge crowd suddenly came in before me, wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumabi sa gilid ng pinto at hintayin silang makapasok lahat. Karamihan sa kanila ay mga kababaihan, may iilan na lalaki pero iisang mukha lang ang nakikita ko sa kanilang lahat — kalandian. Nasa klase ko rin kasi ngayon ang sikat na sikat na si Axel Wesley, maganda ang pangalan, pero mas maganda ang mukha ng nagmamay-ari. I won't deny it, so I won't sound bitter.

Pumasok na ako ng classroom ng walang pumapansin dahil na'kay Axel na ang atensyon ng lahat. It's not like I am expecting people to notice me, sinasabi ko lamang ito to describe how attractive this Axel Wesley is that even a tall guy like me will come unnoticeable if he is around. Nihindi na nga napansin ng lahat ang professor naming kapapasok lang din. Kailangan pa niyang hampasin ang whiteboard para lang alisin ang atensyon ng lahat kay Axel.

This guy has been popular in the university since his 1st year. When I came back to school men and women are still swooning over him. He is more gorgeous and feminine than any other lady I've met, yet he does not look weak nor fragile. How should I put this... perhaps I could say that he has this androgynous aura that even I mistook him as a woman when I bumped into him on my way in the elevator during my 3rd year. But it doesn't matter because I have nothing to do with him.

"I would love to hear your take about Plato's Allegory of the Cave. You could pass your assignment through my email," the old woman professor told us, she scribbled her email on the board and continued to speak, "There... Send me your papers to this email don't forget to write your group name as the subject, and of course you have to include the list of the members. Do you understand?"

"Yes, ma'am," matamlay na tugon ng lahat.

"That's all for today, you can now choose your groupmates. See you next week," the professor finally concluded and quickly fixed her things.

"Axeeeel! Sa group ka namin!"

"Hoy! Sinong may sabi na sa inyo si Axel? Kagrupo namin siya!"

"Ano? Pumayag na ba siya?"

"H-Hindi... papayag pa lang. 'Di ba, Axel?"

Hindi pa nga nakakalabas ng classroom ang professor namin ay nag-agawan na kaagad ang dalawang babae kay Axel. Limang tao kada grupo ang kailangan sa assignment na ito, at nag-uunahan ang lahat na makuha si Axel para maging kagrupo.

It must be hard to be popular.

"Ah... I already have my groupmates. We've been in a group before, haven't we?" Huli kong narinig na sinabi niya sa dalawang babae.

I don't have to watch them or even look for my groupmates. I can always have the excuse na walang gustong makagrupo ako at gawin ng mag-isa ang assignment. It's easier that way.

In the afternoon I go at the convenience store near the university where I work part-time. It suits me well as it is so close, I can just run my way right after a class. But this job is not enough to pay my tuition and the trouble Father did. Sabihin na natin na, this is for my living.

At three o'clock after my convenience store duty I do heavy works kagaya ng construction o kaya pagiging kargador sa palengke. Depende na lang kung anong ialok sa akin. Ito ang paraan ko para mapanatili ang malaman kong pangangatawan na importante sa isa ko pang trabaho. Unlike before I can no longer afford expensive gym membership that's why I take advantage of the heavy-duty part-time jobs I have. It's like hitting two birds with one stone because I also get my budget for my food through these various muscle training jobs. They pay me minimum but it's surely enough since I usually have my meal at my third job.

And that third job is no other than being an escort. Night is actually the time where I am most active. After keeping my shape through heavy duty works, I travel to the other side of the city where clubs and brothels are popular.

"Welcome, Miller!" bati sa akin ng receptionist ng building namin nang dumaan ako patungo sa dressing room.

Nililinaw ko lang, hindi ako bayaran wala sa job description ko ang gamitin ang katawan ko. But I can give an extra service for the right price. It's illegal in my workplace. Bawal kaming magbigay ng extrang saya pero dahil gipit ako at kailangan kong makaipon ng pera sa lalong madaling panahon napagpasyahan ko na kumapit na lang sa patalim kahit ngayon lang muna.

* * *

Sa masikip na eskinita ng Obrero ay maririnig ang mahinang yapak ng mga paa ng lalaking tumatakbo sa gitna ng gabi. Tahimik na ang lugar, mahimbing nang natutulog ang mga tao sa mga kabahayan. At tanging mga bulong na lang ng mga insekto ang maririnig sa paligid.

Maya-maya niya kung hawakan ang kanyang tiyan dahil kapos na siya sa hangin at namamanhid na ang kanyang mga binti sa layo ng kanyang tinakbo. Ngunit wala siyang panahon para huminto. Bawal siyang huminto kung hindi ay maaaring ito na ang magiging katapusan ng kanyang buhay.

Pumasok siya sa mas makipot na eskinita, kung saan ay madalas tambayan ng mga magsing-irog na gustong magkaroon ng panandaliang privacy sa ilalim ng mga bituin ng syudad. Maswerte siya na bakante ang mumunting espasyo sa sandaling ito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Madilim man ay wala itong kaso sa lalaki dahil tatlong beses na mas malinaw ang paningin niya sa gabi kumpara sa ordinaryong tao. Napakapit siya sa kalawangin na hagdan na nakadikit sa pader ng eskinita. Mabilis niyang hinakbang ang isang paa rito at halos walang kahirap-hirap siyang umakyat. Tatlong bakal ang kanyang nalalagpasan sa bawat akyat niya.

Kung tutuusin ay kaya naman ng lalaki na akyatin sa isang lundag lang ang tuktok ng pader. Ngunit sanhi ng kanyang pagod ay wala nang sapat na lakas ang kanyang mga paa para gawin ito.

Nais na niyang magpahinga. Noong nasa itaas na siya ay bumungad sa kanya ang malawak na bubungan ng establisyementong inakyat niya.

Hinga. Hinga. Hinga. Sinasamantala niya ang malamig na hangin ng gabi.

Takbo. Takbo. Takbo. Bawal siyang huminto.

Talon. Talon. Talon. Maingat niyang inilalapag ang mga paa upang hindi magsanhi ng ingay sa payapang gabi.

"No, wonder he's so strong," wika niya habang nakatitig sa maliwanag at bilog na bilog na buwan sa madilim na kalangitan.

Malakas din ang simoy ng hangin sa taas kaya panay ang paghawi ng lalaki sa kanya buhok na hanggang leeg ang haba. Bumagal ng konti ang kanyang pagtakbo nang bumuntong-hininga siya, nais na niyang matapos ang abalang araw na ito.

Habang nagpapatuloy sa kanyang pagtakbo ay dinilaan ng lalaki ang sariling labi. "I am hungry," sambit niya ulit sa sarili.

Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling kumain ng matinong pagkain. Kung kailan niya huling natikman ang manamis-namis at nakalalasing na sarap ng paborito niyang inumin.

Wala siyang preno. Mabagal man ngunit sinisigurado niya na palayo siya nang palayo sa humahabol sa kanya, na sapat ang kanyang layo para hindi siya maabutan nito. Kampante na sana siya sa distansya nila nang bigla niyang naamoy ang dugo ng kalaban na humahabol sa kanya.

"Sh*t," mutawi niya at saka binilisan pa ang takbo. Subalit huli na ang lahat nang tumalon sa harap niya ang malaki at matangkad na lalaki. Batak ito sa malalakas na kalamnan at may matalim na pangil.

"I have no match to a combat-type vampire. But that doesn't mean I won't try," sabi niya habang pinupwesto ang kanyang mga kamao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top