CHAPTER NINETEEN

* * *

"The Supreme is waiting for you, Gerald," pagpapaalam ni Axel sa kanang kamay ng leader ng mga alpha vampire.

Mansyon na dalawang beses ang laki ng kay Axel at may halos dalawang ektaryang bakanteng lupain sa likod na siyang pinag-eensayuhan ng kanilang mga alpha vampires. Ito Ang tawag sa mga mandirigma nilang mga bampira.

Hindi kagaya ng mansyon ni Axel na maliwanag at malungkot, ang mansyon na ito ay malaki at nakakatakot. Napuno ng itim na tinta ang paligid at mapupulang rosas na tila ba nalalanta na. Imbes na puting ilaw ay dilaw ang kanilang gamit na mistulang apoy na ginto. May tatlong palapag ang mansyon. Mula una hanggang ikalawang palapag ay ang lugar para sa lahat. Habang ang ikatlo naman ay ang palapag para sa silid at opisina ng kanilang pinuno na kung tawagin ay Supreme. Nasa ikatlong palapag din ang opisina ng lider ng mga alpha vampire na si Mateo at ang opisina ng kalihim ng Supreme na si Axel.

Oo. Sa kabila ng kanyang walang pag-aalinlangan na karakter sa unibersidad at ang kanyang young master na dating, sa katunayan si Axel ay may seryoso at masipag na ugali sa likod ng kanyang maskara. Nirerespeto siya ng lahat dahil sa kanyang matibay na paniniwala sa mga orihinal na bampira at sa taglay niyang talino. Isa rin siya sa mga mataas na ranggo na beta vampires. Ang mga bampirang hindi man biniyayaan ng taglay na lakas ay tiyak na nangunguna naman pagdating sa ibang larangan.

Sa loob ng vampire society, laging nakasuot ng puting suit si Axel na may pulang panyo sa dibdib. Siya ay may magandang mahabang buhok na nakatali sa isang maluwag na ponytail. Matuwid at matatag ang kanyang tindig, suot niya ang seryosong mukha at mga mata na parang inaantok na akalain ay nanghuhusga.

Isang higanteng pinto at malawak na hilera ng estante ng libro. Ito ang makikita sa loob ng silid ng Supreme. Nasa dulo ang lamesa ng kanilang pinuno, at kung magsisimula sa pinto ay aabutin ng halos limang minuto ang lalakarin ng mga papasok dahil sa layo nito. Ngunit dahil hindi mga ordinaryong nilalang ang mga naninirahan sa mansyon na ito, halos isang segundo lang ang gugulin nila para marating ang lamesa ng Supreme. Ang kailangan lang nilang gawin ay ang mag-teleport.

Kaya naman nang mahatid na ni Axel si Gerald sa kinaroroonan ng Supreme ay kaagad na siyang umalis.

"He is checking a book on the second floor. Wait for him for a sec and he will be back soon," saad niya kay Gerald.

Nang nasa labas na ulit ng silid ay sinilip ni Axel ang kanyang orasan.

Alas siyete pa. Masyado pang maaga para umuwi pero dahil sa tapos na ang kanyang trabaho sa mansyon para sa araw na ito ay nais n na niyang magpahinga.

"Oh, yes. I am not practically alone anymore," sabi niya sa sarili nang maalala na kasama na niya sa bahay si Miller.

Halos isang linggo rin ang ginugol ng mortal bago tuluyang nakalipat sa bahay ng bampira. Isang buong araw itong pinag-isipan ni Miller, at kinabukasan ay una niyang inilipat ang kanyang mga damit. Sunod ay ang kanyang mga gamit sa eskwelahan, at sa pangatlong araw ay ang ilan pa niyang gamit na sa palagay niya ay kakailanganin niya rin. Pero dahil alam niya na temporaryo lang ang kasunduan na ito ay humingi siya ng pabor at nagdagdag ng isa pang kondisyon sa kontrata nila.

1. Starting Monday (**/**/20**), Mr. Miller De Leon shall live with Mr. Axel Wesley.

2. Mr. Axel Wesley must raise the monetary rate (per blood-sucking) by 10% starting Monday (**/**/20**).

3. The contract will be terminated after Mr. Miller De Leon pays his debts and shows no signs of vampirization symptoms.

4. Mr. Axel Wesley must allow Mr. Miller De Leon to visit his home on the weekends.

Sumang-ayon naman dito si Axel. Hindi rin naman siya ganoon kadalas na lumabas tuwing katapusan ng linggo at nasa loob lang ng kanyang laboratoryo.

"You're back. I thought you're dead or something," sambit ng boses ng lalaki.

Sakto kasi nang siya ay mag-teteleport sa kanyang opisina ay dumating din ang kanyang kaibigan na si Mateo.

"Dead?" tumawa si Axel, "That's impossible. But to have something other than death, might be possible." Nagkamay silang dalawa tapos ay saglit na niyakap ang isa't isa.

Kagaya ni Axel ay isa ring bampira si Mateo at kanyang kababata. Pareho silang lumaki sa mayaman na pamilya sa bansang Espanya. Subalit, kumpara kay Axel ay hindi mahilig makisalamuha sa mga mortal si Mateo. Tatlong beses pa lang siya gumamit ng pekeng pagkatao at namuhay bilang mortal sa loob ng mahigit na apat na siglo. Pagkatapos nun ay pinagtuonan na niya ng pansin ang pagsisilbi sa kanyang mga kalahi at naglingkod bilang lider ng mga mandirigmang alpha vampire ng kanilang Supreme.

"Really? What happened?" Bahagyang hindi makapaniwala niyang sambit. "You really took your time off. It is rare for you to have a month of leave in the Supremes' office."

"What else can I do? I found the best lead to find my father. It would have been a waste if I ignored it," tugon naman ni Axel.

Hindi naman talaga kailangan ni Axel na mag-aral o laging makipag-ugnayan sa mga tao. Pero dahil sa kanyang pananaliksik para mapa-usbong ang pamumuhay ng mga bampira, ay may mga pagkakataon na kailangan niyang lumabas at makipag-salamuha sa mga mortal. At bumabalik-balik sa kanyang laboratoryo at sa opisina ng Supreme. Hindi rin siya dapat mangamba dahil may mga tauhan siya sa laboratoryo, at marami rin ang maaaring pumalit sa kanya sa unibersidad at kunin ang kanyang pekeng pagkatao bilang isang perpektong estudyante. Ito ang tulong na nagagawa ng kanilang mga abilidad sa kanilang pamumuhay.

"So, how was it?" pag-uusisa ni Mateo.

"It... It obviously did not go well," malungkot at nakayuko na sagot ni Axel, "The Supreme was right, Mateo. Father was with Ronaldo. He was an accomplice and is now in their den."

"Are you not scared to be targeted? Your father might do everything to get you on their side. You're a great asset anyway. Your research could help them to gain knowledge for their own benefits."

"No... Of course, I won't come to them," sigurado niyang sabi, "I know that it is not the right thing to do. They betrayed the original vampire's will. How can I come to them and let them use my brain in order to destroy the root of the original vampires?"

Saglit na pumasok sa kanyang opisina si Axel, sinundan naman siya ni Mateo na sumabay din sa kanyang sa pag-telepport sa loob.

Tumungo sa walk-in closet niya si Axel kung saan nakalagay ang kanyang mga kasuotan na akma sa kanyang gampanin bilang kalihim. Mga suit at tuxedo, mga mamahaling relo at kurbata, at iba pa.

Samantala, umupo naman sa sofa na nasa harap ng lamesa ni Axel si Mateo para doon siya hintayin. "You always know what to do, huh?"

"You may say that," ani ni Axel mula sa loob ng closet, sa talas pa naman ng pandinig ng mga bampira ay balewala sa kanila ang makapal na pader ng mansyon. "But it only takes rationality to come up with this decision."

"And what about your ex-lover?"

Nahinto sa paghuhubad ng kanyang kurbata si Axel. "I did love him," wika niya, "and that made his betrayal more painful, no wonder among all my lovers father favored him too much." Napatitig si Axel sa salamin at ngumisi. Hindi niya maiwasan na matawa sa kanyang sariling katangahan.

"He really thought a lover would change your beliefs?"

Bumuntong-hininga si Axel saka siya nagpatuloy sa pagbibihis. Habang ginagawa ito ay iniisip niya kung ano ang tamang isasagot sa kaibigan.

"... Actually," nag-aalinlangan niyang ani sa sandaling natapos na siya sa pagpapalit ng damit, "Actually, I almost fell for it. If only he truly loved me and I saw his sincerity. I would have gone with them against the Supreme," pagtatapat niya.

Tinanggal ni Axel ang tali sa kanyang buhok bago ito pinaikli ulit at bahagyang nagpalit ng kulay ng balat at binawasan ng konti ang matangos niyang ilong. Nagpalit din siya ng kulay ng mata, ang kulay-kape niyang mga iris ay naging itim, at ang mapula niyang labi ay pumutla ng bahagya at nagmistulang kulay rosas.

"You'll never falter, huh. But what if they suddenly come to you and force you to join them?"

"Uh, they actually harassed me so many times. Two weeks ago, he went to catch me. He got a soldier with him and chased me to death. I even got into an accident because of them, and now everything got more complicated."

"What accident?"

"Huh... Uhm, I'll tell you more once I confirm that person's safety. Besides, Bernard's henchmen are still trying to steal me whenever they get a chance."

"What? Why are you just telling me that? Are you crazy? You're a beta and those are alphas. What are you planning to do with fighting them on your own?" Pag-aalala ni Mateo. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay pasimple na palang pinalitan ni Axel ang paksa ng kanilang usapan. Hindi pa kasi siya handa na sabihin sa kaibigan ang tungkol sa kanyang pagkakamali. Oo. Si Miller ang tinutukoy ni Axel at ang aksidente na kanyang binabanggit ay ang hindi niya sinasadya na pagkagat sa mortal.

"I wasn't fighting... or maybe I did but whenever I felt like I could no longer cope with their strength, I decided to escape," sambit niya.

"Next time if they attack you, call me," paniniguro sa kanya ni Mateo.

"That's a good idea, you might catch one of his low-ranking henchmen and ask him questions," suhestiyon ni Axel bago sila lumabas ng kanyang silid.

Pagkatapos nilang mag-usap ay umuwi na si Axel habang nagpatuloy naman sa kanyang mga gawain si Mateo. Lalo na at nagsisimula nang magparamdam at sumulpot ang mga traydor sa kanilang samahan.

"Hey," tawag ulit ni Mateo kay Axel bago ito umalis. "I know you knew about the Supreme's lover. She just gave birth, didn't she?" Naging mabigat ang ihip ng hangin sa kanilang paligid.

Diretso at seryoso rin siyang tiningnan ni Axel sa mata. "What about it?"

"Stay quiet. Never tell anyone about her. Act as if she never existed, or else, the bloodline of the original vampires might be gone forever."

Mahinang bumuga ng hangin si Axel. "I know. Didn't you say I never falter."

* * *

Isa sa pinaka-maginhawang bahagi ng pagiging isang bampira ay ang pagkakaroon ng kakayahang mag-teleport na nagbibigay-daan sa kanila ng libreng transportasyon. Kaya naman sa tuwing patungo at pauwi si Axel mula sa mansyon ng kanilang Supreme ay hindi na niya dinadala pa ang kanyang sasakyan. Ang kailangan niya lang gawin ay ang mag-teleport sa layo ng kanyang makakaya hanggang sa makauwi siya sa kanila. Dahil maagang natapos si Axel ay naisipan niyang dumaan muna sa convenience store malapit sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Tahimik siyang nag-teleport sa likod ng establisyimento at naglakad patungo sa harap para pasimpleng pumasok sa pinto. Maganda rin itong pagkakataon para magpahinga. May limitasyon pa rin naman ang abilidad na ito. May tila cooling down na proseso muna bago sila makaka-teleport ulit, lalo na kung lagpas dalawampung kilometro ang layo ng kanilang nilipatan.

Bumili siya ng apat na softdrinks at iilang instant food packages. Hindi rin kasi siya marunong magluto kaya sa tuwing mag-isa ay ito ang kanyang pagkain.

Subalit, habang ninanamnam niya ang lamig ng gabi sa gilid ng kalsada ng kanilang unibersidad ay may hindi inaasahan na bampira na sumulpot sa kanyang tapat.

"Got you!" masigla nitong bati.

Moreno at matangkad na lalaki. May side bushed top siyang hairstyle at sa kabila ng moreno niyang balat ay may kulay berde siyang mga mata.

Ang lalaki ay ang bampirang nagngangalang Bernard. Siya ang bampirang humahabol kay Axel sa gabing natagpuan siya ni Miller, kasama niya noon ang isa sa kanyang mga tauhan na siyang walang tigil na nakipaglaban at humabol kay Axel.

Ito na ang pangalawang teleportation ni Axel kaya hindi na siya basta-basta pa na makakatakas sa bampirang nasa kanyang harap. Kakailanganin pa niyang maghintay ng mahigit-kumulang na limang minuto bago niya ulit magagamit ang kanyang abilidad at mag-teleport sa lugar na malayo sa mga naghahabol sa kanya.

Mabilis na nag-isip si Axel ng paraan para makapag-ipon ng oras. Dahan-dahan siyang humakbang pabalik at luminga-linga sa paligid. Inaasahan niya na may mga mortal sa kalsada para kahit papaano man lang ay magdalawang-isip na gumawa ng masama si Bernard. Subalit bigo siyang makakita ng mga mortal, kung mayroon mang dumating ay 'yun ang apat pa na kasamahan ni Bernard na pawang mga bampira rin. Dalawang alpha at dalawang beta.

"I invited some friends. Hindi ko kasi alam na ganun ka na lang kailap," banggit ni Bernard.

Sa kaaatras ni Axel ay bumangga siya sa isa na namang bampira sa kanyang likod.

"Five," bilang niya sa mga tauhan ni Bernard, "and an alpha at that. He really wanted to get me. But I won't allow them."

Aatake na sana ang alpha sa kanyang likuran nang sinabi ni Axel na, "Not too fast... agh!" Napahiyaw si Axel nang mabasa ni Bernard ang kanyang susunod na gagawin. Nais sana ni Axel na mag-teleport sa loob ng unibersidad para magtago subalit kumapit sa kanya si Bernard at dinala siya sa rooftop ng Science building at doon siya inipit sa pagitan ng isang pader.

"You're not really coming with me?" pagpupumilit ni Bernard. "Hindi mo ba ako namimiss?"

"No one misses a traitor!" anas ni Axel.

"Ouch! Ang sakit naman ata marinig 'yan!" Dahan-dahan na lumalapit ang mukha ni Bernard sa mukha ni Axel. Pilit na umiiwas si Axel ngunit dahil sa pader na nasa kanyang likuran ay halos hindi na siya makagalaw. At nang mapuno sa kalikutan ng ulo ng kanyang dating kasintahan ay mahigpit na hinawakan ni Bernard and pisngi ni Axel. "Especially, if it's coming from these tasty lips of yours," bulong niya at saka pinilit itong halikan. Pero muntik na siyang matumba nang bigla na lang naglaho sa kanyang mga kamay si Axel. "Oh, so it was an illusion? Nice play," aniya habang hinahawakan ang labi.

Habang umaatras kasi kanina si Axel mula sa kanya ay naisipan na nitong gumawa ng pekeng siya bilang pamalit sa kanyang pwesto habang nag-teteleport siya sa loob ng unibersidad para magtago ng hindi napapansin ng kalaban. At nang dumating ang isa pang bampira ay ginamit ni Axel ang pagkakataon na iyon para magkaroon ng standpoint para sa kanyang pekeng sarili. Sa sandaling kumapit at nag-teleport si Bernard sa Science building ay ibang Axel na ang kanyang kasama.

"Who wants to get kissed by someone as disgusting as you?" pasaring ni Axel sa kalaban. Patuloy niya pa rin na ginagamit ang pekeng siya na ngayon ay sing nipis na ng usok ang imahe. Hindi rin kasi itong madaling gawin kaya matapos ng isang beses ay mahirap nang gumawa ng isa pa na may solidong imahe.

Ngumisi si Bernard. "Ang sakit mo naman atang magsalita. Para naman tayong walang pinagsamahan... Look for him!" utos nito sa mga tauhan.

"Bernard, you're really persistent when it comes to what you desire. Even in s*x, you're very aggressive. Don't tell me you are this desperate because you're too pent up. Don't you have anyone there?" sabi ni Axel, kailangan pa niya ng oras kaya papalipasin niya ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap gamit ang kanyang ilusyon.

"F*cking with you was great. Kung alam mo 'yan, why don't you come with us. I'm sure you don't have anyone with you right now?"

"I don't. And I also don't randomly pick guys to f*ck me. Since you betrayed me, I started to think of not just to consider the handsome face and sexy body. I'm now considering their loyalty. Delikado at baka mauwi lang din sa ginawa mo."

Habang kausap ni Bernad ang ilusyon na Axel ay tinatawagan naman ng tunay na Axel si Mateo na nangakong tutulungan siya sa ganitong sitwasyon.

"Hey, you told me to call you when they try to steal me, right?" kagyat niyang sabi sa sandaling sumagot si Mateo.

"Are they after you at this moment?" tanong nito na para bang isa lang itong natural na pangyayari, "Okay, where are you?"

"Behind my university building. I was on my way home when they came."

"What? Do you know how big that place is? How am I supposed to find you in an instant?"

"Just teleport near the gate. There are two look outs outside the gate."

"Good thing I've been in your school. Okay, I'm ri– no this is not your university."

"Hey!"

"Fine. Fine, I'm trying to remember the gate– oh, I'm here," sabi ni Mateo nang nagkataong sa likod din ng parehong building na pinagtataguan ni Axel siya napadpad, kasabay nito ay ang hindi sinasadya niyang pagkaway sa kaibigan.

"Idiot. Don't wave at me!" saway ni Axel.

"Nandoon siya! Get him!" rinig ni Axel mula sa kabilang linya. Huli na pala ang lahat dahil may nakakita kay Mateo at napansin kung saan siya nakatingin. "Oops, sorry. You should leave now, thanks for the tip," wika ni Mateo bago sinalubong ang mga paparating na kalaban.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top