CHAPTER FORTY-TWO
* * *
Kaninang umaga, bago pa man dumating ang sundo ni Miller para ihatid siya pauwi ay minabuti na muna niya na pagmasdan ang natutulog na si Axel. Dalawang oras lang ang haba ng tulog ni Miller. Hindi kasi siya sanay sa lugar na kanyang tinutulugan, maliban pa rito ay hindi niya makalimutan ang biglaang paggaling ng kanyang mga sugat.
Hindi na niya kailangan pa na ulit-ulitin sa sarili niya ang katanungan kung paano ito nangyari? Isa lamang ang kasagutan dito, I have become a vampire. Alam na ito ni Miller. Ilang ulit na niyang narinig kay Axel ang posibilidad ng pagiging bampira niya. Sumagi man sa kanyang isipan na maaari nga siyang maging bampira, pero hindi niya lubusan na maisip kung ano ang mangyayari sa kanya kung siya ay tuluyan nang maging bampira.
Magkakaroon din ba siya ng kapangyarihan?
Mabubuhay rin ba siya ng matagal?
Iinom din ba siya ng dugo ng tao?
Imposible na ba siyang maging tao ulit?
At kung hindi na at oo ang sagot sa lahat ng mga naunang katanungan, masasanay ba siya sa buhay bilang isang bampira?
Wouldn't that be great? I have a longer lifetime to pay my father's debt. Biro niya sa sarili.
Inangat ni Miller ang nakayuko niyang ulo. Unang nahagip ng tingin niya ang mapayapang paligid ng natutulog na si Axel. Humakbang siya at umupo sa bakanteng espasyo sa gilid ng kama nito.
Nagpakawala siya ng mahinang tawa at ngumisi ng tabingi. "You sure taking your time there, huh," panimula niya. "Why don't you wake up and help me think? Didn't you tell me that I am your responsibility? How dare you sleep peacefully while I barely sleep from overthinking..." tumawa ulit siya ng mahina at inalis ang tingin kay Axel. Gumawi ito sa lamesa. Nakatitig lang siya roon na tila ba nakapaskil doon ang kanyang mga salita mula sa kanyang isipan.
But overthinking is reasonable in my situation. From human to vampire... it just sounds so absurd.
"I get that you started approaching me because of the mistake but don't you think you're too cold? You're starting to be cold and distant. We rarely talk about anything aside from blood. That kind of hurt... Don't imitate the thing where I am good at. That's annoying."
Mariin na ipinikit ni Miller ang kanyang mga mata. Magkasalubong din ang kanyang kilay habang minamasahe niya ang gitna ng mga ito.
"What am I even saying? Isn't not talking is better for me" tanong ni Miller sa sarili na hindi makapaniwala sa tunay niyang nararamdaman.
Hindi nagtagal ay sumulpot na sa silid si Kristoff. Hindi niya inaasahan na maagang magigising si Miller. Pero mas hindi niya inasahan ang pag-aalinlangan nito na umalis. Buong akala niya ay maaga itong nagising para maagang umuwi. Subalit sa inaasta nito, sa blangko nitong ekspresyon ay kitang-kita na wala rin ito sa kanyang sarili.
Hindi rin nakawala sa kanyang mga tingin ang makinis nitong kanang braso na dapat ay puno ngayon ng benda. Maaari naman na magpanggap si Miller na hindi pa naghihilom ang kanyang mga sugat sa pamamagitan ng benda. Hindi sigurado si Kristoff kung sinadya ba ni Miller na makita niya ito o nakalimutan niya lang na takpan ang dapat ay sugatan niyang braso. Kung ano man ang pakay ni Miller ay walang ideya si Kristoff. Alam ni Kristoff kung ano ang ibig sabihin ng kusang paggaling ng sugat ng isang mortal na may vampire essence sa katawan. Ngunit ayaw niya na pangunahan ang mortal na kaibigan kaya nagpanggap siya na walang napansin.
"Sabi ni Papa baka isa hanggang dalawang araw pa raw bago magising si Master," pahayag ni Kristoff. "Huwag kang mag-alala tatawagan kita kung nagising na siya."
"I... I want to see him opening his eyes," sambit ni Miller sa mababa at malamig na boses, na halos ibulong na niya sa sobrang hina.
Natigilan si Kristoff, bahagyang bumuka ang kanyang bibig. Pero gumuhit din agad ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang magiliw na pagtingin ni Miller sa kanyang master.
"Sige, kung ano ang gusto mong gawin sabihin mo lang sa akin. Pwede naman kitang samahan mamaya rito pagkatapos mo sa trabaho mo."
Saglit na nagpakita ng saya ang mga mat ani Miller bago siya tumikhim at umiwas ng tingin. "That would be great." Tumingin siya ulit kay Axel sa huling pagkakataon bago nagwika ng, "I'll be back."
Ngumiti si Kristoff. Hindi na kailangan magpaliwanag ni Miller kung ano ang ibig sabihin niya. Sapat na ang tatlong salitang iyon para ipahiwatig sa kanya na sang-ayon si Miller sa alok niya kanina.
M I L L E R
Today is unusually long for me. Hindi dahil sa marami akong ginagawa. Tama nga sila ng sinasabi na mas tatagal ang paghihintay mo kung babantayan mo ang takbo ng oras.
After a long day in school and my day time part time job, I am finally at the club house. I promised to fill in the remaining time I had yesterday. Kaya maaga rin akong pumasok ngayon. Hindi pa man bumababa ang araw ay nandito na ako para mag-entertain ng customers. I got the chance to sleep a few hours before going. It's still not enough, but strangely I feel more energetic at night time compared to sun out.
"Dude, tapos ka na dapat ngayon, ah. Lumampas ka na sa quota mo," Kian told me when I went to the front desk.
"Oo nga, Miller. Ayos na 'yan, pwede ka nang umuwi," dugtong naman ni Dan.
I checked the clock behind Dan. Totoo nga, mag-aalas dose na at kaninang alas siyete pa ako rito.
"Right. Thanks for reminding me. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Dan na madalas kong kasama na umuwi.
He shook his head, and replied, "Ayos lang. May isang oras mahigit pa ako. Balak kong mag-overtime."
Tumango na lang din ako at kinawayan siya bago pumasok ng locker para magbihis. Even with a busy day I still can't get rid of the thought I have this morning.
The unusual energy I have in the night, isn't it because I am a vampire now? At kanina, naramdaman ko na naman ang matinding gutom. I even ate three plates of meals, but I can't still get enough. Kahit ngayon ay medyo nagugutom pa rin ako.
Dapat ko na talagang ipaalam kay Axel ang tungkol dito pagkagising niya... ah. Why am I thinking about him again? I promise myself not to think too much about him. But... who else should I think about to help me?
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para icheck ang inbox ko. Kanina ko pa tinext si Kristoff na patapos na ako sa trabaho pero hindi pa rin siya nagrereply. Ang sabi niya sa akin kanina na sasamahan niya daw ulit ako sa mansyon ng mga bampira. Did he cheat on me para lang umalis ako sa mansyon nila?
"Tsk. Those vampires." Hindi ko pa naman alam kung nasaan ang mansyon na 'yon.
Nasa panghuling kanto na ako ng street ng host club namin nang may mabigat na bagay na biglang kumapit sa braso ko.
"Miller!" bati nito sa malambing at medyo malanding paraan.
I looked down on my right shoulder only to see a woman with a familiar feature but whose name is unknown to me.
"Excuse me?" tanong ko.
Hinayaan ko lang siyang kumapit sa braso. She doesn't look drunk so I looked around. Baka kasi nagpapanggap lang siya na kasama ko para makaiwas sa mga nambabastos sa kanya. This thing is no longer new in the red light district.
Pero nang luminga-linga ako at wala akong nakitang kakaiba sa paligid ay bahagya akong lumayo sa babae.
"Eeh? Miller naman, eh! Don't you remember me? This is Trisha. Tree-Sha. Customer mo ako dati sa club house niyo."
Sa dami pa naman ng mga babae na pumupunta sa host club, hindi ko na natatandaan pa ang iba.
"Ah. Trisha."
"Yes! It's Trisha," masigla niyang sabi bago kumapit ulit sa braso ko at niyakap ito. Now that I looked at her, she sure has a bold dress.
A skimpy top with thin spaghetti strap with satin texture, and really tight short jeans. May bitbit din siyang pula na long jacket na sa palagay ko ay pangtakip niya sa revealing niyang suot. This might be the red light district but not all establishments acknowledge skimpy clothes. Kagaya na lang ng club namin na mas gusto ang formal attire. And there are some bars here that only allow you to meet up and get together. If you want to make out, you have to look for a hotel. If you want a one-night stand, you might have to enter an establishment with that business goal.
Kasabay ng paghihigpit ng yakap sa akin ni Trisha ay ang pagdiin niya rin ng dibdib niya sa braso ko. She might not be drunk but she sure is h*rny.
"Uh, sorry pero tapos na ang duty ko," sabi ko para tanggihan ang pasimple niyang imbitasyon.
"Really? That's good! We can enjoy ourselves. Quick, may alam akong discounted motel sa malapi—"
"Trisha?"
"Yes?"
"I don't do one-night stands."
"What?" Namutla bigla ang mukha ng babae. Kaliwa-kanan, malikot na tumingin-tingin ang kanyang mga mata bago nagwika ng, "The girls in your club said that you do."
"Oh. Dati 'yun. Pero it's... I call it extra service and it comes with an extra payment of course. Pero tumigil na ako."
"Wh-Why? You're so hot, and your d*ck is superb. You can't be selfish and deny us your body!"
Woah. Hindi lang siya mukhang aggressive, she also talks aggressively.
"I no longer have the desire to do it with anyone." Besides I can't make it hard except for a certain man.
Namula ang mukha ng babae. Magsasalita pa sana siya nang mahagip ko si Kristoff sa daan.
"Kristoff. Kristoff!"
"Kris... toff? Wait, what are you talking about?"
Hindi ko na siya pinansin. Hinintay ko na lang din si Kristoff na lumapit sa akin. His face looks tense and serious. Mahahaba rin ang hakbang ng kanyang paa. Hindi pa man siya nakakalapit ay rinig na rinig ko na ang mabigat niyang paghinga.
"Miller, saan ka ba galing?"
"Uhm, shouldn't I be the one asking you that? Kanina pa ako naghihintay sa'yo," tugon ko.
"Ohh. This guy looks so hot too. Saan ka nagtatrabaho?" Ngayon ay kay Kristoff naman siya kumapit.
"P-Pasensya na po pero hindi po ako nagtatrabaho rito," kabado niyang sagot bago tinulak ang babae. Tumakbo rin siya sa likod ko para layuan ito.
"Hey!"
"Sorry, but he is a minor."
"What? He doesn't look like one."
I agree. Regardless of his age, Kristoff looks a 25 years old bachelor. In terms of human age, this guy is certainly no longer a minor. But saying that he is one isn't totally a lie also. Lalo na sa nakita kong reaksyon niya kanina nung kumapit ang babae sa kanya. He sure was flustered.
"M-Miller, pinapatawag ka ni Sir Mateo," bulong niya sa akin.
"Oh My Gosh! If he is a minor, bakit siya nandito? You shouldn't bring such a kid here!" nagpupuyos sa galit na saway ng babae.
It's kind of hard to take her seriously with the way she dresses herself right now.
"Uhm... so-sorry po," sabi ni Kristoff bago ako tinulak palayo sa kanya. "Alis na po kami." Mas binilisan pa niya ang pagtulak sa akin sa loob ng pinakamalapit na eskinita.
"What? Where do you think you're heading? That's a—"
Hindi ko na narinig ang kabuuang sinabi ng babae sa amin dahil nag-teleport na kaagad si Miller.
Mateo wants to talk to me? Ano naman kaya ang gusto niyang pag-usapan.
Out of nowhere, sumagi sa isip ko ang mukha ni Axel.
There's no doubt. It should be about Axel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top