CHAPTER FORTY-SIX
M I L L E R
Axel told me that he feels better. Sabi pa niya na magiging maayos na siya after satisfying the poison's desire to drink human blood. It seems that his family's mansion has allocated blood packs supply for him. Syempre alam ko na hindi pwedeng ganyan na lang siya parati, na hindi pa siya ligtas. As they said that the poison is a slow-moving killing essence that will only effect for a few months after ingestion. Kaya habang kaya pa niya ay nagsisimula nang kumilos si Axel para gumawa ng antidote.
Of course, as someone who used to give him the blood he needed and now his specimen to observe, I still have to stay by his side. Surpassingly, this made my heart glad. But this time, I won't be of much help in stabilizing the poison in his body by giving my blood, but instead, I will be his assistant. Minsan ay tumutulong ako sa lab niya. I don't have much background in their field but I can still catch up with the equipment. Ako ang taga-abot, taga-lagay, at taga-linis ng mga hindi masyadong toxic na bagay.
I've been to his mansion several times. Instead of staying in his condominium unit, sa mansion na niya ako umuuwi-uwi with the help of Kristoff. Nakikisabay pa rin ako sa teleportation ability niya.
Umaga pa kaya nasa eskwelahan pa ako. I am currently transferring rooms. Unlike my personal life, my school life is boring and uneventful kaya wala pa rin akong pinagkaiba dati. I am still the cold and loner Miller. It's been two months kaya may bago na rin kaming schedule ng mga klase. At kung mamalasin nga naman ay mas dumami pa ata ang subjects na magkaklase kami ni Kristoff, a.k.a Axel Wesley.
Malapit na ako sa susunod kong klase nang malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang mukha ng lalaking dati ko pa iniiwasan. His lean body is standing tall by the classroom's entrance, and the side of his lips are curved up. Ang makitang maraming tao sa paligid niya ay hindi na bago sa akin, ganun din ang pag-ngiti niya sa mga ito. And his charming smile is both unfamiliar and annoying. He used to be cold and indifferent toward others but his face now screams play with me. He is attracting everyone, especially the girls in the corridor. The once icy cold demeanor he wore is now full of vigor and warm. Ready to invite everyone to have fun.
Yet I don't really have to worry about that because I know this man is not the same man. He is not Axel Wesley, as this one carries a youthful aura than him. Hindi ko alam kung gaano kabata, pero kahit papaano ay alam ko ang pinagkaiba.
"Kristoff," I whispered as I sighed and took a few steps closer.
Nagsilingon sa akin ang mga kababaihan na nakikipag-usap sa kanya. I hate the sight, at isa pa mukhang gusto rin nila akong makausap kay sinamaan ko sila ng tingin. It didn't even took a while for them to get what I imply at nagsipasok na sila sa loob ng classroom.
"Miller, tinakot mo sila," angal sa akin ni Kristoff nang maiwan na siyang mag-isa sa may pintuan.
"Who are those?"
Kristoff excitedly replied, "Mast– Axel's fangirls! Inimbita nila ako sa isang party."
Pinanliitan ko siya ng mata. Listen to this man enjoying the things that are not his.
"Oh. Oo nga pala. Gusto ka rin nilang imbitahan," dagdag pa niya sabay abot sa akin ng isang envelope.
New Semester Party! Come and party with us to open the first week of the new semester!
Ito ang mga salita na nakasulat sa likod ng envelope. Eto na naman sila sa isa ulit walang kwentang pag-aaksaya ng pera. The students' in this university are pretty loaded. They all came from rich families. Sobra-sobra ang pera nila kaya parati rin silang naghahanap ng rason para aksayahin ito. And this year end party is just one of those nonsense money-wasting activities they held every year.
I used to be like this. But now, parties and having fun is no longer a thing to me. Especially if I have more difficult things to mind.
"I don't want to come," sagot ko tapos ay hinawi siya para makadaan sa pinto.
"Bakit hindi? Alam mo sa palagay ko gusto ka ng dalawang babae dun sa unahan. Hindi mo ba alam na maraming babae ang gustong makausap ka? 50% sa kanila ako ang nilalapitan." Kristoff makes it sound like a burden to him.
Hindi naman sa hindi ko alam. I can see a few of those girls flustered whenever I try to interact with them, intentional or not. I begin to notice that some girls don't talk to me not because they are scared of me but because they are just shy. I'm not stupid to not see that. Yet it doesn't also mean that I have to respond. And that also goes to this situation. Hindi ko sinagot si Kristoff at naghanap lang ng upuan sa dulo ng classroom.
"Ah, teka," he exclaimed in a quiet voice, "May girlfriend ka ba?"
"I don't need one."
"Hm. Ibig sabihin, wala... Edi mas maganda! Sumama ka mamaya ha," pamimilit pa rin niya. "Oh, someone is calling me over there. Saglit lang, pupuntahan ko sila," paalam niya sa akin na parang bata na nakita sa palaruan ang mga kaibigan niya.
But before he even gets to step his foot out under the table, I grabbed his arm as I whispered, "Hey, stop flirting with Axel's face."
He sure seems surprised with me suddenly grabbing his arm. Natigilan kasi siya at ilang segundo lang ay ngumiti at tumawa. "Nakakatawa ka. Para namang gamit ko ang totoo mukha ni Master. Sige, bye!" He casually pulled his arm then went running in the front of the class to meet his friends.
Alam ko ang ibig sabihin ni Kristoff. Tama nga naman siya. Hindi ito ang tunay na anyo ni Axel, matagal ko na itong alam. And it has been a long time since I found out his true appearance. But what else can I do if that face is my first impression of him. What can I do if it was the first Axel I met before knowing him as vampire?
Pero kahit anong anyo man ang gamit niya, as long as I used to see and know that it was Axel, I can't help but to feel him.
I grabbed my phone then went to our message box. Sa ilang buwan naming pagsasama sa iisang bubong, kamakailan ko lang nakuha ang number niya.
"Do you want me to grab something before going back?" I typed such a question then sent it to the contact named Axel Wesley.
Why do I even have to ask that anyway?
* * *
"Bernard, I thought you're coming next week. Why are you here early?" tanong ni Paolo. Si Paolo ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Ronaldo. Siya ang naka-atas na mamahala sa mga vampirized na tao na gamma ang naging resulta ng ranking.
"I also thought the same. Pero mukhang may ilan na akong mga alaga rito na dinatnan ng maaga," sambit niya sabay senyas sa dalawang van na nasa kanyang likod para pumasok sa tarangkahan.
"Woah. It's their first estrus after all. How many are they?"
"Six. The extra van is for the supply the Lord gave to your branch."
"Cool. Get in. Tell me if you also want a company, there are some who are assertive," saad ni Paolo.
Sa unang tingin ay aakalain na commercial building ang mansyon ni Paolo. May dalawa itong palapag at may maraming mga espasyo. Pero imbes na mga negosyo ang nandito ay mga silid ang nasa lahat ng espasyo.
Sa unang palapag makikita ang tatlong silid kung saan ay namamalagi ang mga gamma. Sing laki ng bahay ang bawat espasyo kaya may mga kwarto rin dito. Sa tatlong espasyo naman ay ang kainan, lutuan, gym, clinic, at iba't iba pang pangangailangan nila. May anim din na espasyo sa ikalawang palapag. Isa ay para sa mga bisita, dalawa ay para kay Paolo at sa kanyang mga tauhan, at tatlo ay para sa estrus.
Hindi man buwan-buwan kung datnan ng estrus ang mga bampira, hindi rin naman ibig sabihin nito ay wala nang nadadatnan sa kanila kada buwan. Sa loob ng limang taon humigit kumulang na lima sa bente na mga bampira ang sabay-sabay na magka-estrus sa loob ng sampung taon. Isa na sa mga ito ang anim na dala ngayon ni Bernard.
"Where are the stimulant?" tanong ni Paolo sa tauhan niyang nakatambay lang sa pintuan ng kanyang opisina. Nagmadali naman siya na pumasok sa loob para kunin ang mga ito.
Sa lugar ni Paolo ay malaya ang mga vamparized na gawin ang gusto nila. Pwede silang lumabas at gumala, pero may nakakabit sa kanilang mga leeg na akalain ay palamuting choker na may dalang GPS. Gustuhin man nila na umalis ay hindi nila magagawa dahil matutunton pa rin sila ng mga tauhan ni Paolo. Isa mahirap tanggalin ang GPS. Kung ma-detect man nito na may sapilitan na kunin ito mula sa leeg na pinagkabitan ay maaari itong sumabog. Gawa rin ito elastic microfiber na artificially manufactured ni Paolo. Kung mayroon man na ilalaban kay Axel pagdating sa research at siyensya sa panig ni Ronaldo, si Paolo na ata ito.
Pumasok na sa loob ng Play Room si Bernard. May kakaibang paraan ng pagpapangalan si Paolo sa mga silid niya.
Central Intelligence Room ang tawag niya sa kanyang silid na puno ng kanyang likha at pawang laboratoryo na rin niya. Get-together Room naman ang tawag niya sa silid na tanggapan niya ng mga bisita. Habang Daily Routine Rooms ang gamit niyang termino sa kwarto ng mga vampirized.
Play Room ang tawag sa silid kung saan nangyayari ang breeding ng mga bampira. Pero may exemption naman dito para sa mga kasama niya na kagaya ni Bernard na naghahanap lang ng init sa katawan.
Dinala ng mga tauhan ni Bernard ang anim na alpha na nag-iinit na ang katawan sa Play Room. Nang masigurado na ayos na ang lahat ay pumasok naman ang mga tauhan ni Paolo kasama ang anim na mga gamma. Apat na lalaki at dalawang babae ang may estrus na alpha. Kaya apat na babae at dalawang lalaki naman ang dala na gamma ng mga tauhan ni Paolo.
"May stimulant na ba sila?" naninigurado na tanong ni Bernard sa kaibigan.
"Yeah, sure. I just gave them a shot each when I got in," sagot ni Paolo.
Tinangoan naman ni Bernard ang kanyang mga tauhan at kay Paolo bilang senyas na ipasok na ito sa mga maliliit na kwarto sa silid. Tanging kama at banyo lang ang nasa loob, hindi ito naka-lock kaya madaling makakalabas ang pares na papasok doon.
Nang mailagay na isa-isa ang bawat pares ng alpha at gamma ay lumabas na rin sina Paolo at Bernard kasama ang kanilang mga tauhan. Sinara ng maigi ang pinaka-pintuan ng silid. At tahimik na nagbantay sa labas ang dalawang bruskong alpha.
Kahit bukas ang mga kwarto sa loob ay mahigpit naman ang security sa labas ng pinaka-pinto. Tumatagal ng isa hanggang isa't kalahating linggo ang estrus ng mga alpha na bampira. Kaya naman may nakahanda na rin na pagkain at may sariling kusina ang Play Room. May benteng maliit na kwarto rin ito. Kahit na niisang beses ay hindi pa ito ginagamit ng sabay-sabay.
"Now, they can enjoy themselves!" sambit ni Paolo na may halong saya sa boses. Tila ba may nagawa na naman siyang panibagong mabuting trabaho. "How about you my friend, do you need something else?" tanong niya sa kaibigan na nasa malayo na ang tingin.
Nakasandal na sa railings ng balkonahe si Bernard. Tanaw mula sa ikalawang palapag ang basketball court kung saan may iilang bampira na naglalaro.
Nakangiting nanonood si Bernard nang tinabihan siya ni Paolo. Sinuyod nito ang tingin ng kasama at nang makita kung saan ito nakatuon ay nagtanong siya ng, "Do you want that guy?" Hindi siya kaagad sinagot ni Bernard kaya nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "He is one of the bests, he can do almost everything. He is somewhat weak in pleasure so he does any role as long as it feels good... But I somewhat can say that you really have good senses, Bernard. Do you know that he feels it more using his back these days?"
Tiningnan muli ni Paolo ang bampirang pinagmamasdan ni Bernard. Isang maliit at balingkinitan na lalaki ang pinapanood nilang dalawang. May itim na buhok ngunit matamis na ngiti. Naglalaro siya ng basketball kaya basa rin siya ng pawis. Subalit tila ba ito rin ang umakit kay Bernard sa kanya. Matigas man ang kanyang galaw sa court pero makikita pa rin ang ganda ng bawat hubog ng kanyang katawan na akalaing babae ang may-ari.
"I like his aura. I'll take a rest here tonight," pahayag ni Bernard.
"Do you want him to serve your dinner?" tanong ni Paolo. Hindi na siya sinagot ni Bernard ngunit alam niya na kung ano ang itutugon nito sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top