CHAPTER FORTY-ONE


* * *

Kinabukasan, matapos masigurado na maayos na ang sitwasyon ni Axel ay nagtungo na si Miller sa condominium unit para maghanda sa pasok niya. Nais ni Miller na manatili, ngunit hindi siya maaaring magpabaya sa pag-aaral niya. Hindi pa man nabubuksan ni Axel ang kanyang mga mata ay sapat na para sa mortal na malaman ang unti-unting pagbuti ng pakiramdam nito. Lalo na at bumabalik na ang mala-rosas na kulay ng balat ni Axel.

"I'll be back," saad niya kay Kristoff bilang simpleng pahiwatig na nais pa rin niyang makitang magising ang bampira.

Nasa paaralan na sila at balik na rin sa pagpapanggap bilang si Axel Wesley si Kristoff.

Samantala, binisita naman ni Martin si Mateo sa kanyang silid. Kababalik lang nito galing sa maaga niyang training kasama ang ibang alpha. Yumuko bilang pagbati si Martin nang lumabas na ng kanyang closet si Mateo. Hindi na nagulat si Mateo nang makita ang butler ni Axel sa kanyang silid.

Natatandaan niya na sinabi niya rito na nais niyang malaman ang nangyayari sa pagitan ng mortal at ng kaibigan. Alam niyang hindi magugustuhan ni Axel ang kanyang panghihimasok. Sa katunayan ay wala siyang balak na manghimasok, hahayaan niya sana ang kaibigan sa anumang desisyon na gagawin nito. Matalino si Axel kaya may malaking tiwala si Mateo sa kanya. Subalit, dahil sa nangyaring pagkalason ni Axel ay napagtanto ni Mateo na tila ba naligaw ang dating matalim at matuwid na pag-iisip ng kaibigan.

Pumayag siya sa gustong mangyari ni Axel, ngunit hindi niya inaasahan na ang pagiging malambot niya ang magdadala sa kaibigan sa kapahamakan.

"I should have insisted," sabi ni Mateo sa sarili habang iniisip ang araw na pumunta siya sa condominium unit ni Axel. Dapat ay pinilit niya si Axel na sabihin sa Supreme ang tungkol sa mortal na kanyang tinatago.

Panimula niya. "That human..." Kinuha niya ang inuming dugo sa lamesa na hinanda ng isa sa mga taga-silbi ng mansyon. "Tell me about that human's condition," sabi niya kay Martin sabay kumpas ng kanyang kamay para paupuin ito sa kanyang harapan.

"Huu..." Palihim na bumuga ng hangin si Martin na para bang hinahanda niya ang kanyang sarili para sa isang mahaba-habang usapan o kaya sa masakit sa ulo na pagpapaliwanag. "I am not allowed to tell you about Miller but... but that human is in a critical condition now, sir. His humanity is at stake."

Umangat ang dibdib ni Mateo dahil sa malalim niyang paghinga. Tila ba nahawa si Mateo kay Martin, pareho sila ng pakiramdam. Pareho nilang alam na magiging seryoso ang kanilang usapan, at magreresulta ito ng sakit sa ulo lalo na at kailangan nila aga ma gumawa ng desisyon pagkatapos nito.

"What do you mean that his humanity is at stake? Is he really turning into a vampire?"

"According to the Master's recent observation, that human's vitals are slowly changing. It shows the same results as the specimens in the lab."

"Wait," sabad ni Mateo, "What specimens do you have in your lab? Are those rats?"

Tumango si Martin. "Yes, sir. The rats and Miller's vitals show the same resistance to the vampire essence that infected their mortal blood."

"But those rats died, didn't they?"

"They did," tumangi ng bahagya si Martin, "But a sudden change happened to Miller's body that did not appear to those specimens nor to the dead vampirized humans we discovered. During the first month of them living together, Master discovered that the vampire's red blood cells in his body were thickening but a few days after that, the thickening halted. As if instead of trying to instantly invade the host's body through cell multiplication, the vampire's blood is disseminating itself first. Making sure that no part of the human body will remain vampire blood free," dahan-dahan at malinaw na paliwanag niya.

"Wouldn't that be too dangerous for him? Our blood is stronger than human's. It could kill him instantly," wika ni Mateo.

"Indeed. 'Yan po ang nangyari sa mga rats at iba pang specimen sa lab. But Miller is a different case. His body is a different case," pagpapatuloy ni Martin, "It seems that his body has a strong and healthy constitution that it can withstand the vampire blood without the emergence of its side effects. That's why it can quietly distribute itself."

"Isn't that impossible? All vampirized humans at least died or had a severe thirst for human blood. Some even felt dependence to them. There are some who had muscle pains and other health issues," litanya ni Mateo nang maalala ang naging kondisyon ng mga vampirized na tao na nasagip nila mula sa kamay ng mga alagad ni Ronaldo.

May iilan na nabuhay at namuhay bilang bampira. Ilan sa kanila ay pinili na mamuhay kasama ang mga mortal at ipinagpatuloy ang naiwan nilang pagkatao. Marami sa mga biktima ni Ronaldo ay naging mahihinang uri ng bampira lamang, mga gamma. Sa ganitong kondisyon ay maaari pa silang mamuhay kasama ang mga mortal. Mahihirapan sila sa simula ngunit kung masasanay na ay hindi maitatanggi na pabor ito sa kanila. Mahabang buhay at katawan na tatlong beses ang lakas kaysa isang mortal. Mistulan bang isa itong premyo matapos ang isang proseso na naglalagay ng kanilang kabilang paa sa hukay.

"We also thought about that," tugon ni Martin, "As you can see yesterday, when you asked him about his condition, he replied that he is just fine. We can't start making hypotheses yet if he is not being honest about what he feels."

"What if you tell him all the things you found out for him to cooperate?" suhestiyon ni Mateo.

Pero bigo rin siyang makuha ang sagot na gusto niyang marinig. "I also suggested the same to Master, yet he still refused to tell the human."

"Doesn't he consider what could happen if he prolongs it further?" tumaas ng bahagya ang boses ni Mateo. "We have the best specimen here. Why is he still hesitant?"

"I'm sorry, sir. I also don't know his reasons," paliwanag ni Martin.

Hindi niya rin alam kung bakit nag-aalinlangan ang kanyang master. Napapansin niya lang ang madalas na pag-absent nito sa lab. Minsan ay wala rin ito sa sarili. Hindi niya rin ito matanong ng maayos dahil sa tila marami itong iniisip.

Nagkrus ng braso niya si Mateo at sumandal sa kanyang upuan. "After all that happened to him, he might not show it, but I know that he still worries about the incident." Ang kaninang nakakunot niyang noo ay lumapad. Ang poot sa loob niya ay nagsimulang mapalitan ng pag-aalala

"The time when he was betrayed by Sir Aaron?" tanong ni Martin.

Kagaya ni Mateo ay hindi niya rin makakalimutan ang panahon na iyon. Nang nawala ang ina ni Axel ay nagsimula na rin niyang pagsilbihan ang naulilang bampira. Matagal nang butler ng mga Wesley ang pamilya ni Martin. Bago si Axel ay naging master niya muna ang ina nito. Inaasahan na si Kristoff ang magiging butler ni Axel, subalit dahil sa maaga na pagkawala ng kanyang ina ay maaga rin napalitan ang master ni ng kanilang angkan. At dahil malakas pa si Martin ay nanatili na lang siyang butler ng anak ng dati niyang master.

Tumango lang si Mateo. Umangat ulit ang dibdib niya dahil sa malalim na paghinga, "Let's continue the thing about the human," sabi niya sabay upo ng maayos sa upuan. May tamang sandali para pag-usapan ang nakaraan, at malinaw na malinaw na hindi ito ngayon.

"Oh. Uhm." Umayos din ng upo si Martin at ibinalik ang seryosong tono ng kanyang boses. "As what I have mentioned, the human body resisting the vampire blood is nothing abnormal to happen. It is just natural for the host's system to fight against a foreign body invading it. Along the way to the invasion, there will be side effects. 'Yan na 'yung mga nararamdaman nila na sakit sa katawan o kaya pagkahilo. May iba na natatakam sa dugo ng tao, at kung ano-ano pa." Saglit na huminto si Martin para tingnan ang ekspresyon ni Mateo. Lumiit ang mga mata nito, pero hindi niya itinaas ang kanyang kamay. Mukhang hindi siya kontra sa mga impormasyon na ibinahagi ni Martin kaya nagpatuloy lang din sa pagsasalita ang tagapagsilbi. "But what makes Miller's body exceptional is perhaps his immune system. That's why unlike others he doesn't show external resistance to the vampire blood."

"Are you saying that the vampire's blood is no different from a virus?" tanong ni Mateo nang matapos na sa pagpapaliwanag si Martin.

"Yes... but also a no, sir," sagot ni Martin, "Yes, because it infects the human blood cells mutation to vampire blood. And no, in a sense that unlike virus diseases it won't just make one's body weak. Instead, it will enhance their constitution similar to a vampire. If one has strong body, they will become stronger with vampire blood in them."

Maraming pagkakaiba ang bawat mortal. At ang kanilang katawan ay hindi ligtas sa pagkakaibang ito.

"If so, what is the reason why some vampirized humans are dying?"

"It's their blood, sir. We might have missed observing a successful vampirization but we have seen several failures. We concluded that the death of the specimens at ibang vampirized humans na nahuli natin ay sanhi ng pagkaubos ng vampire blood sa system nila. At first, I thought that vampirized humans died because their human blood ran out, defeated by the vampire blood. But recently, the Master discovered that this is not the case. In fact, death was caused by the defeat of the vampire blood. Once the amount of vampirized blood cells decreases it leaves the blood cells aberrant. The human body starts to be disoriented, deprived of oxygen because of several abnormal red blood cells which rebel against their original purpose of carrying oxygen."

Ang pagkapanalo ng dugo ng tao mula sa dugo ng bampira ay hindi nagpapahiwatig ng kaligtasan mula sa vampirization. Kung hindi ay ang adaptation lamang nito mula sa foreign body na pumasok sa katawan ng host. Nakakalito man, ngunit sa sandaling ito lamang tunay na masasabi na natalo ng dugo ng bampira ang dugo ng tao. Tunay na nasakop na nito ang katawan ng tao.

"As it got tricked by the vampire blood cells, thinking that those cells are the original blood cells. After what happened, every tissue, membranes, cells... all parts are starting to get vampirized and gain the characteristics of a vampire. Completely losing their humanity."

Umayos ulit ng upo niya si Martin. Hindi niya kasi maiwasan na masabik kaya umuusog siya paabante sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag niya. Tapat si Martin sa kanyang trabaho. Tunay siyang namamangha sa kanyang nadidiskubre kaya ang pag-usapan ang ganitong paksa ay nagpapasaya rin sa kanya... kahit na hindi rin maikakaila na masakit sa ulo ang simulan ang paksa na ito alang-alang sa gulo na nagaganap sa mundo ng mga bampira. Nais niyang masulit ang pagdiskubre ng mga kaalaman. Ngunit kailangan nilang madaliin ang lahat para maiwasan ang kanilang katapusan.

Tumayo si Mateo. Umikot siya sa kanyang upuan at doon huminto sabay sabi ng, "What can we do for that human to survive? Can we stop the vampirization process?"

"If Miller is indeed in the vampirization process and his body still does not show serious side effects. His body must be really strong and healthy. Besides, even if he doesn't say it, we know it's impossible for him not to be affected by the vampire essence in his body." Saglit siyang lumunok ng laway at nagpatuloy sa pagsasalita. "As for stopping the process, it is out of the question. We can't stop or do anything once the process begins. We can no longer extract the vampire essence in his body."

"So, we just wait 'til his transition to vampirehood is finished and see what happens to him?"

"Yes, sir." Bahagyang tumango si Martin.

Natahimik si Mateo. Kinamot niya ang kanyang baba habang nakatitig sa sahig na para bang naghahanap siya ng kasagutan doon. "What do you think of letting the Supreme know about this? Do you share the same opinion as your master?"

"With all honesty, Sir Mateo, I wanted to inform Lord Maximillian about the information we gathered. But the Master still opposes the idea. I guess I must wait for his go signal." Kibit-balikat na tugon ni Martin.

"Why wait for his signal?" bulyaw ni Mateo. Hindi niya lubos na maisip na pinapatagal ni Axel ang mga bagay-bagay. At ngayon, dahil sa kanyang kapabayaan ay nakahanap tuloy ng butas ang kampo ni Ronaldo laban sa kanya. "His condition will worsen as the time passes by. Once he wakes up, he must begin to formulate the antidote for the poison. He is also in danger, why mind about a human's life?"

"Miller De Leon is our specimen, sir," giit ni Martin bilang sagot. Takot siya na hindi masunod ang kalooban ng kanyang master.

"Is he? By the way Axel let's him by his side doesn't seem the same as you label him." Lumapit ng bahagya si Mateo kay Martin at mariin na nagwika ng, "I don't care what relationship they have. I care about our kind and this discovery is a huge leap to stop Ronaldo's greed by creating vampires with living humans."

Tumaas-baba ang adam's apple ni Martin. Kahit hindi na sabihin ni Mateo ay may kutob na si Martin sa balak nito.

"What is your plan, sir?"

"Sooner or later the Supreme will discover Axel's secret. If he wants to protect that human, he must do what's best. We both know that letting the Supreme know about Miller is the best thing to do." Tila ba nagliwanag ang mga mata ni Mateo sa kanyang naisip. Tumingin siya kay Martin at inutos na, "I want to see the man once more. Bring him back to the Red Mansion."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top