CHAPTER FORTY-NINE

* * *

Palubog pa lang ang araw. Tila maliliit na dilaw na ilaw ang mga lumusot na liwanag ng pababang araw sanhi ng bintanang ang disenyo ay layunin ang presko at natural na simoy ng hangin. Ilang minuto na lang ay madilim na, patulog na ang mga tao ngunit ang bampira sa kwarto ay kagigising pa lamang.

Kalbo, may mataba at bansot na pangangatawan ang bampira. Malayo sa madalas ay marilag na anyo ng kanilang lahi. Syempre hindi rin ito ang tunay na anyo ng bampira. Suot niya ang ternong pantulog na akalain ay bagong taon dahil maliban sa kulay pula ay puting bilog-bilog din ang disenyo nito. Bago umalis sa kama ay naghikab at nag-inat ng katawan ang lalaki sa paraan na para bang kanya ang oras sa mundo. Dahan-dahan niyang inilapag sa sahig ang kanyang paa at kinapa-kapa ang tsinelas na kung saan-saan na napadpad sa ilalim ng kanyang kama. Nang hindi pa rin niya ito maramdaman ay yumuko siya, hirap man dahil sa malaki niyang tiyan ay binukaka pa niya ng maayos ang kanyang mga paa para lang kumportableng makayuko.

Wooshing! Ang malutong at maingay na tunog ng itinapon na bakal. Sumabog ang kama ng lalaki at mabilis siyang nakatalon mula rito. Mistulan siyang balahibong nahulog sa lupa nang lumapag siya sa sahig.

Shing! Sing bilis ng kidlat na bumalik sa kanyang mga kamay ang bakal na bagay. Kasabay nito ay ang pagwasak ng bintana ng kanyang silid at paglitaw ng lalaking naka-itim sa ilalim ng kanyang kama. Hindi ito si Bogeyman o kahit anong uri ng multo na panakot ng mga magulang sa anak nilang hirap matulog sa gabi. Isa itong bampira. Ganun din ang mga lalaki na pumasok sa silid niya na gamit ang kanyang preskong bintana.

Luminga-linga ang lalaki. Binibilang kung ilan ang mga nakapasok. May isa sa bahagi kung saan nakapwesto, ilang segundo lang ang nakalipas, ang kanyang kama at apat pa sa may bintana.

"An ambush, huh," aniya sabay inikot-ikot ang boomerang niyang sandata.

Pinakiramdaman niya muna kung ilan sa mga ito ang alpha at beta, o kung may alpha ba o beta sa grupong ito.

"All are beta," sabi niya sa sarili. Nakahinga siya ng maluwag na magiging madali lang ang labanan. "And one is wounded," dagdag niya. Nasugatan niya kasi kanina ang isa na nagtatago sa ilalim ng kanyang kama.

Mahimbing na natutulog ang lalaki kanina. Madalas ay alas otso siya ng gabi nagigising, ngunit dahil sa ingay ng bampira sa ilalim ng kanyang kama ay naging alerto siya.

Siya si Darren. Ang clan leader ng mga bampira sa kanluran. Isang alpha at magaling na mandirigma na gamit ay ang sandata niyang boomerang na gawa sa tanso at platinum. Matulis ang dalawang dulo at may magandang kurba na perpekto para pang-sugat sa mga kalaban sa malayuang labanan.

Magiging madali lang ang laban kaya hindi na nagtawag ng katulong si Darren. Ngumisi siya na may kumpyansa sa sarili na matatapos ito kaagad at muling itinapon ang kanyang boomerang.

Kssh. Kssh. Woosh. Shing! Umalingawngaw sa kanyang silid ang tunog ng boomerang na humiwa sa katawan ng mga nadadaanan nito. Sa bilis ng sandata ay hindi man lang nakasigaw ang kanyang mga kalaban.

Shing! Huli nitong tunog sa sandali na bumalik na ito sa kamay ni Darren.

"Such a waste of time... and my bed... and my windows!" angal ng bampira na may halong pighati nang makita ang sitwasyon sa loob ng kanyang silid. Idagdag pa ang limang mga bangkay na nasa sahig.

"Those nasty henchmen. They do really as savage as Ronaldo. Their surprise attack is even senseless. No style at all." Tumingin siya sa relo na nasa lamesa. "Argh! And I am more than three hours earlier than usual." Malayo pa kasi ang maliit na kamay ng relo sa numero otso.

"Such a waste."

Gustuhin niya man na matulog ulit pero kailangan niya muna na maglinis ng silid. Kaya kinaladkad niya ang sarili palapit sa intercom para tumawag ng taga-linis. Taga-linis, hindi lang ng silid kung hindi pati na rin ng mga bangkay na nakahandusay sa kanyang maputing sahig.

Subalit, bago pa man niya mahila ito at magalaw ang switch hook ng telepono ay may narinig na siyang tunog na tila sutsut sa hangin. Mabilis ito at tanging ang kulay puti na parang pagkislap lang ang nahagip ng mata niya. Papabayaan na sana ito ni Darren at baka namalik-mata lang din siya, bukas pa naman ang bintana niya at baka may dumaan lang na insekto sa tapat niya pero bigla na lang siyang nakaramdam ng hapdi at pagtulo ng pawang likido sa kanyang dibdib.

Dahan-dahan siyang yumuko.

Tumambad sa kanya ang mamasa-masa niyang dibdib. Pula ang kulay ng kanyang suot na pantulog, pero alam niya na ang dagdag na kulay dito ay hindi ordinaryo. Nangangamoy dugo ito.

Agad niyang inabot ang telepono. Naiangat pa niya ito pero huli na para sa kanya dahil bumagsak na siya sa sahig.

Mabilis gumaling ang sugat ng mga bampira maituturing ito na pangunahing rason ng mahaba nilang buhay. Pero hindi rin maiiwasan na magkaroon ng sigalot sa pagitan ng mga angkan. Kaya higit walong daang taon na ang nakaraan ay may nag-imbento ng isang likido na kapag pinahid sa sandata ng mga bampira ay magpapabagal ng regeneration ng kanilang sugat, tila ba saglit silang magiging mortal, at sa huli ay magdudulot ng kanilang kamatayan.

Ilang minuto rin ang lumipas na tanging ang mahinang toot toot toot na lang sa earpiece ng telepono ang maririnig sa loob ng kwarto. Hindi rin nagtagal ay may pumasok sa silid. Dumaan ito sa wasak na bintana, kung kilala siya ni Darren o hindi ay hindi pa ito basta-basta na matutukoy.

Kulay itim ang sapatos nitong sing kintab ng coating ng kotseng bagong linis. Naglakad siya palapit sa bangkay ng alpha, tinitigan niya ito ng hindi yumuyuko at mata niya lang ang gumalaw. Kumurba pataas ang isang gilid ng kanyang labi. Sinipa ang bangkay para maiharap ang dibdib nitong may panang nakatarak. Walang pagdudumili niya na hinablot ang pana mula sa katawan. Umagos ang dugo sanhi para pati ang puting maliit na bilog na disenyo sa pantulog ni Darren ay mag-kulay pula na rin.

"I guess you let your guard down thinking five betas are too easy for you, huh," mutawi ng lalaki. Dinampot niya ang nakabitin na telepono at pinindot ang unang numero sa dial. Wala pang tatlong bilang ay may sumagot na nito sa kabilang linya.

"Good evening, Master. You're up early. What can I do for you?" masiglang bati ng boses ng babae.

Pinatapos na muna siyang magsalita ng lalaking may itim na sapatos. Nang marinig na nito ang masaya niyang bati ay binuka na ng lalaki ang kanyang bibig. "Indeed, a good evening. I am Ronaldo, the new master of this territory."

Sa sandaling binitawan ni Ronaldo ang mga katagang ito ay naputol naman ang tawag. Toot toot toot. Iniwan siyang mag-isa ng babae sa linya at tumunog ang nakakabinging alarm sa loob ng mansyon.

"Attention! Protect the master! Protect the master!"

"Oopsie. Aren't they too late?" sabi niya sa sarili. Kasabay nito ay ang sunod-sunod na pagtalon ng iba pang mga lalaki sa loob ng silid.

Isa... dalawa... tatlo... apat... lima... at padami nang padami pa. Mistulan silang itim na mga langgam na nagtipon-tipon sa kending nahulog sa sahig.

"Seize them. Make them kneel to their new master," utos ni Ronaldo sa mga ito na isa-isang nagsi-alis sa silid gamit ang pinto. Gulat at kaba na lang ang nararamdaman ng mga tauhan ni Darren nang makita nila na nagmula sa mismong silid ng kanilang pinuno ang kalaban.

M I L L E R

Tapos na ako sa pinapagawa sa akin ni Axel. Naubos ko na rin ang blood pack na hindi ko pa rin matandaan kung saan ko unang natikman ang ganoong lasa. I was about to return to my bed space (as I can't really tell what to call that tiny space I occupy behind the wall) when I noticed how quiet the whole floor was. Usually, there would be several vampires sweating and gasping for breath walking around. Each has a blood pack on their hands as if they are replenishing like drinking water.

Tapos ay may narinig akong ingay sa labas. Mga boses na sabay-sabay sumisigaw tapos sunod naman na nagkakagulo.

"Aaah! Ha!" May mga sandali pa na maririnig ko ito na para bang naglalaban sila.

Out of curiosity I walked down the stairs and went to the balcony of the next floor below. Sa likod kasi ng mansyon nakatutok ang view ng balkonahe na ito at sa direksyon na iyon ko narinig ang mga boses.

As soon as I stepped on the balcony the views of several people emerged. Man or woman, black or white, tall or short. They are of different colors, sizes, and appearances and they are in the same place. Hindi naman sa nagulat ako sa rason na iyon, I am more surprised to see the view from up here where they spar to each other.

Someone will kick his legs high while someone has to dodge it, both in lighting speed. There will be a man charging with a saber while the other will shield himself using his own weapon, a long metallic rod that I have no idea what they call it. There are some who jump insanely high enough to crack the ground as they land a punch targeting the person across them. Sa unang tingin pa lang ay masasabi nang they are not humans.

So, these men must be the alphas. The vampire warriors.

Nakamamangha silang tingnan but at the same time, as someone who has the average... well not really average kasi sa tingin ko malakas naman din talaga ang katawan ko. Pero hindi kasing lakas ng mga bampira sa baba. As someone who is human, what they are doing looks painful. If a vampire landed an iron fist to a human, so strong they could crack the ground, the human will undoubtedly die. Unable to dodge the attack.

Naiisip ko na lang na at least they have something to do. Unlike me, who is about to rot in boredom. I resigned to my jobs since I agreed to be the 'specimen' of this mansion. Besides, I'm gradually turning into a vampire, napaka-delikado kung ipagpapatuloy ko ang pakikipagsalamuha sa mga tao.

Hah! Mga tao. Now, I am thinking as if I am no longer a human... well, doon din naman ako patungo.

They paid my father's remaining debts. And charged it for me to pay to them for the next hundred years. Ganun pa rin, may utang pa rin ako pero sa kanila na. Pero ito siguro talaga ang advantage ng nilalang na may mahabang buhay.

I was about to start spacing out when I spotted Mateo in the middle of the chaotic sparring. Passing by them as if he is strolling in a peaceful garden. Aalis na sana ako nang makita niya rin ako. I just tried to take a step backward when a man said, "Where's your master?"

At nang lumingon ako ay nakita ko si Mateo. Casually standing as if he's been there before me.

I cleared my throat then replied saying, "Nasa opisina ng Supreme."

After staying in this mansion for a while now, parang nasasanay na rin ako na tawagin na Supreme ang lider nila.

"Also, he is not my master."

"Why not? The vampire essence in your bloodstream is basically his. You're part of his clan by default."

Napaisip ako. I wanted to ask more when Mateo continued, "By the way, he still wanted to help even the Supreme told him to rest? That stubborn guy," he mumbled.

Habang pinapakinggan ko siya, sumagi sa isip ko kung ano ang relasyon na mayroon silang dalawa ni Axel. They seem to be close. Closer than Axel and I, or any other vampire. They are close enough to scold each other and quarrel against each other.

"Bakit kaya sila malapit sa isa't isa?"

"Oh, that? Axel and I are childhood friends."

"Hm?"

"Uhm, we are childhood friends. We both have our parents serving the Supreme, we are about the same age, so we naturally became close like siblings."

Saglit akong napasinghap. Saglit lang naman. Sobrang saglit para hindi mapansin ni Mateo. Did I just think out loud and ask him such a question?

"What's the matter?" aniya.

"W-Wala," umiling-iling ako. Paninindigan ko na lang ang paksa na aksidente kong sinimulan.

I was about to speak when Mateo said, "I can also see that you're close to him."

"Pardon?"

Humakbang si Mateo. With his back on the balcony's railings, he is now facing me. "He is quite fond of you. Take care of that guy. He has been hurt a lot in the past, he lost both his parents."

Mateo's voice is solemn, with Axel's sadness as the topic, his whole vibes scream vulnerability.

"Related na naman ba dyan 'yung Ronaldo?"

Mateo nodded. Akala ko ay may sasabihin pa siya when he uttered, "I won't say more. It's Axel's tale anyway." He sighed. "He might seem okay but that guy is prone to emotional breakdowns. It might not be too obvious but..." Huminto na naman siya sa pagsasalita na para bang iniisip kung tama ba na sabihin niya ang mga katagang nasa kanyang isipan. His expression changed then he continued, "He had his past relationships before. All are with a man. I really don't care. But I can see that his attitude towards them is all the same. He is the mischievous type before his last man betrayed him."

Oh. So... the man I saw with him that night might also be one of them. Pero bakit ito pinapaalam sa akin ni Mateo?

"He is all the same though, except that he doesn't have a partner. But..." He paused once more. "This is awkward—just take care of him, he acts differently when it comes to you. Stay here because when you're around he is more obedient."

It turns out that Axel has the tendency to get carried away with his emotions during an argument. Nung araw na nagising si Axel ay inasahan na pala ni Mateo ang matinding sagutan. Naghanda na siya ng paliwanag para pakalmahin si Axel but the awaited emotions never came. And Axel was calm and collected the whole time. At ayaw daw ni Axel na may nakakasamang tao sa isang lugar.

"The whole last floor in his mansion is his room," banggit ni Mateo. "That's why I was surprised to see you in his condominium yet what's more surprising was that you are not the same kind. You're human."

He was surprised? He sure was, sa dami pa naman ng mga katanungan na binaggit niya kay Axel sa araw na 'yun. But with his stiff facial reaction, I can't properly tell that time.

"He could have just let you go. You're not the only vampirized that we have anyway. He can use those guys as his specimen, yet he still chooses you."

Oh. So, how am I supposed to react with that?

"So, what were you doing before you came watching the alphas?" biglaang pagpapalit ni Mateo ng paksa.

I did not answer right away. Huminto muna ako na para bang inaalala ang ginawa ko more or less five minutes ago.

"I was in the lab. Hinugasan ko lang 'yung mga kagamitan..." 'Yun na sana lahat nang may maalala pa ako. "Ah, tumikim din pala ako ng dugo ng tao."

Mateo and Axel both have the same reaction. "How's it?"

"It's just sweet."

"It's just sweet?"

Para bang nagkaroon ako ng déjà vu sa saglit na palitan namin na ito. I just had this exact same conversation with Axel earlier.

"Is that all? Blood is always sweet to vampires, what differs is the flavor."

I know. Ilang beses nang nabanggit sa akin ni Axel 'yan.

"Ah! Uhm. Naubos ko ang buong pakete. I keep thinking and thinking kung anong lasa ang nasa dila ko. But I can't remember the name."

"What's it? Tell me about it."

Hinimas-himas ko ang ilalim ng baba ko habang nginunguya-nguya ang bibig ko as an attempt to remember the flavor with the leftover tastes in my tongue's buds.

"Aside of being sweet, it has a sharp mouthfeel. A little sour but still sweet and fruity." Habang inilalarawan ko ang lasa ng dugo ay unti-unti namang lumiwanag ang mata ni Mateo, which is a rare sight to see.

"An alpha," he suddenly uttered. "Miller, you're an alpha!" His voice is excited, he sounds happy with a mixture of shock but all this with a stiff face.

"H-Huh? Paano..."

An alpha? Isang beses pa lang akong uminom ng dugo and with just a few descriptive words he immediately concluded that I am an alpha. I am not even as strong as those gu— but, what if I am? What if I will become as strong as them after the vampirization process and turn into a true vampire?

"Paano ka nakakasiguro?" I still doubted.

"Paano? How? You're asking me how? Miller, I am an alpha of course. I know the blood would taste like pomegranate!"

... Ah. Yes. Yes! Pomegranate nga! It is indeed a pomegranate!

Pomegranate is an exotic fruit. Ang tagal na nung huli akong nakatikim nito kaya hindi ko matandaan kung ano ang tawag sa nalalasahan kong prutas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top