CHAPTER FIFTY-TWO
M I L L E R
"Dito ako matutulog. Babantayan kita."
Sinabi ko ito but I myself am not sure on how I should guard him. Pero siguro sapat na nga ang naisip ko kanina na dito lang ako sa tabi niya matutulog para kung sakali na may mangyari man sa kanya ay agad ko itong mapapansin.
Lumingon ako sa kanya to see if he is starting to close his eyes. Yet instead, nahuli ko siyang nakatingin din sa akin bago nagmamadaling bumalikwas sa kabila. Obviously, he is avoiding me. It's no longer a surprised if he does it. Kung ako rin naman siguro magugulat kung bigla na lang ako tatabihan ng tao na kagaya ko – an unsociable person who seem to hate having someone accompanying him. Pero mas nagtaka ako nang saglit kong makita ang mapula niyang mga pisngi.
Yes, his face are already pinkish red with his high fever but what caught my attention was his attitude. Out of his pinkish complexion ay nangibabaw ang pamumula sa mga pisngi niya habang nung nagtagpo ang mga mata namin, tila ba nataranta siya kung saan niya igagawi ang kanyang mga mata. Until he decided to just change his position and went facing the other side.
"D-Do what... ever you want. As long as you shut your mouth... and let me sleep in peace." Hindi pa rin maayos ang paghinga niya. There are still a few times that he has to pause before continuing.
Hindi rin nagtagal ay pinikit ko na rin ang mga mata ko. I am ready to fall asleep and have my eyelids tightly attached when I notice the subtle shaking.
Hindi naman lumilindol. It certainly is not an earthquake as it is not shaking the way I know earthquake shaking should go. If I were to describe it's more like the bouncy bed itself is moving.
Napalingon ako sa tabi ko. Doon ko pa lang nakita kung ano ang sanhi ng mahinang paggalaw. Axel beside me is squirming in small movements. Nakabalot naman siya ng kumot at may kumportable na unan. For some reason I felt that I have to held my breath to see what he's doing.
I watch his back shaking while his feet rub against each other and the bed.
He must be cold.
I sighed. "You're cold," sabi ko.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Pero kahit ganun ay tumayo pa rin ako para hinaan ang aircon ng silid. It's in 16 degrees so I went down to turn it to fan. Malamig pa rin naman ang buong silid with the remaining moisture.
Bumalik din ako kaagad sa tabi ni Axel at inobserbahan siya. Bahagyang tumigil na ang paggalaw ng kanyang mga paa but he sure is still shaking. Naririnig ko pa rin nga ang mabigat niyang paghinga.
"Malamig pa rin ba?" tanong ko sa kanya, pero ganun pa rin. Ayaw pa rin niyang sumagot.
Kaya naman pikit-mata at naninigas kong itinuwid ang braso ko. Umusog ako palapit sa kanya at inabot siya para balutin ng hindi rin kumportable na braso ko.
"Wh– What are you... What are y-you up to now?" His voice is still shaking.
"Niyayakap kita."
"Why?" Maikli niyang tanong. He must be really tired to even open his mouth.
"I told you that I will take care of you. Hindi ko alam kung ano ang iniinom niyong gamot maliban sa dugo, I mean it's not like paracetamol works on vampires. And I don't think those wet towels will do its job for a sick vampire's body as well." I'm not even sure if it works with humans.
"Why..." he paused to breathe, "are you hugging me?
"The room is still freezing cold. I'm allowing you to use me to warm yourself."
I felt light jolt of resistance pero wala itong nagawa maski ang galawin man lang ang braso ko sa baywang niya.
"Hn..." I heard him groan.
"Shh. Just close your eyes. Hindi ba sabi ko sa'yo, if you let me take care of you I'll stop asking about entering the battlefield. Let me do this and let's get to sleep." Nang binanggit ko ulit ang tungkol sa pangako ko ay huminto na siya sa mahina niyang pagpoprotesta. "Don't worry, I'll let go once you start sweating," bulong ko saka pumukit na rin.
Maliwanag man ang sikat ng araw sa labas ay madilim pa rin ang silid namin ni Axel. Ngayon ko lang nalaman kung ano talaga ang silbi ng makapal nila na mga kurtina.
And with the darkness inside the room, I suddenly heard a faint thump. Hindi ko na kailangan na mag-isip pa ng maigi kung saan galing ang tunog na ito. All it takes is to feel my own chest... pounding relentlessly in the middle of the pitch black room.
Oh, shoot! I can loudly hear my heart beating. Maingat akong napayuko sa dibdib ko, and I noticed it also pounding. Nasa tapat ng tiyan ni Axel ang kamay ko, and even the noise can be heard in their... wait. My heart is also pounding loudly on Axel's side? Isn't that impossible. I can hear from his back the sound of his heart.
No wonder it is too loud. The combined thumping of our hearts echoed in the pitch black bedroom.
Sana lang ay hindi niya napansin ang ingay ng tibok ng puso ko.
* * *
"That vampire is a great partner too. Okay, I gotta add him on my f*ck buddies." Ito ang nasa isipan ni Bernard nung umuwi siya galing sa mansyon ni Paolo.
May apat na araw pang natitira ang mga bampirang nasa estrus. Noong una ay may balak siya na manatili pa roon ng dalawa pang araw dahil andoon si Sedric at nais pa sana mag-imbita ng iba pang gamma. Matapos ang huling round nilang dalawa ni Sedric sa kama ay nakatanggap siya ng balita na pupunta sa kanyang mansyon si Aaron. Isa pa, dahil sa narinig niyang balita tungkol sa tagumpay ng kanyang Lord ay pakiramdam niya ay kailangan na rin niyang kumilos.
"Nandito na ba siya?" salubong niyang tanong sa kanyang assistant na naghihintay sa kanya sa pintuan ng kanyang mansyon.
"Yes, Master. Nasa guest area po siya," tugon ng assistant niya.
Isa ring clan leader si Bernard. Ngunit hindi kagaya ng iba na minana ang posisyon sa kanilang pamilya, inagaw naman niya ang posisyon na ito sa orihinal na clan leader na ayaw makipag-sanib pwersa kay Ronaldo.
Madalas ay ito ang nangyayari sa mga clan leader na kontra kay Ronaldo. Kapag minalas sila at nagka-interes sa kanilang teritoryo ang taksil ng kanilang lahi ay hindi malabong sasakupin sila nito. At marami sa kanila ay nasasawi sa pakikipaglaban sa kanya.
Sa pagkakataon na mawala ang leader ng naiwang clan ay ibibigay ito ni Ronaldo sa isa sa kanyang mga pangunahing taga-sunod. Isa na rito si Bernard at si Aaron. Habang ang iba naman ay nagmula sa mga prominenteng pamilya at minana mula sa kanilang mga magulang ang parehong pananaw na sila ay mas mataas sa mga mortal. Sa madaling salita, dahil sa mapagmataas na paniniwala ng kanilang pamilya ay nakipag-tulungan sila kay Ronaldo na magtaksil sa kanilang Supreme.
Pagdating ni Bernard sa guest room ay agad niyang nakita ang nakaupong pigura ni Aaron. Natatakpan ng dyaryo ang kanyang mukha habang naka-krus naman ang kanyang mga paa.
"You look comfortable," sabi niya imbes na bumati.
Automatiko na bumaba ang dyaryo sa mukha ni Aaron nang marinig ang boses ni Bernard. "Ang tagal mo naman ata."
"Am I? How long have you been waiting?"
"Mga," sinilip na muna ni Aaron ang relo niya sa kamay, "mag-iisang oras na rin."
"Oh. Not bad," nakangising ani ni Bernard bago umupo sa tapat ni Aaron.
Sa tono pa lang ni Bernard ay alam ni Aaron na iniinis lang siya nito. Kumpara kay Bernard na maihahambing sa mortal na nasa kalagitnaan ng kanyang kabataan, si Aaron naman ay masasabing nasa edad na 50's na. Wala na siyang panahon para makipag-inisan sa mas batang bampira.
"Nabanggit ko na sa'yo ang tungkol sa lason sa katawan ni Axel, hindi ba?"
"Of course. It was me who slipped that poison on him. Baka nakakalimutan mo?" paalala niya dito.
Oo. Muntik na nga na makalimutan ni Aaron kung sino sa mga kasama niya ang inutusan niya na painumin ng lason si Axel. May mga sandali kasi na inuutusan iya ang ibang mga kasama na pumatay o humuli ng mga bampira sa kanilang kalaban.
"Ah. Oo nga pala. Makapal ang mukha ni Bernard kaya walang kahirap-hirap sa kanya ang paglapit kay Axel kahit na matagal na silang tapos." anito sa sarili.
Huminga lang siya ng malalim at ibinalita na, "Sa tansya ko ay nasa malalang kondisyon na ang kanyang katawan ngayon. Kaya sa palagay ko ay pwede na natin siyang ligpitin."
"What's with the rush?"
"Naiinis na si Ronaldo. May nalaman siyang balita mula sa teritoryo ni Darren na may vampirized silang alpha ang ranggo."
Umangat ang mga kilay ni Bernard at ngumisi. "They got lucky this time. So, sinabi mo na alisin na sa eksena ang Science person ng kampo ng Supreme para hindi na nila malaman pa ang sikreto ng vampirization process?" hula nito.
Tumango si Aaron.
"Great!" masaya na komento ng binata.
Ilang beses na niyang nakaharap si Axel. Ilang beses na rin niya itong muntik nang mahuli at makumbinsi na sumama sa kanila. Ngunit sa bawat muntik ay inis at galit lamang ang nabubuo sa kanyang puso.
"Finally. That sl*t, deserves death for not choosing our side. We gave him so many chances yet he still ignores us. Hindi na ako makapag-hintay pa nadurugin siya gamit ang sarili kong mga kamay," nagtitimpi niyang sabi sa likod ng kanyang isipan.
"Mahina na ang katawan niya ngayon. Balak ko sana na gawin ito sa huling buwan ng lason kung saan mas nakamamatay ito. Pero magiging imposible na ang pagpapalabas sa kanya ng nag-iisa at walang bantay kung ganun. O baka higpitanan nila ang bantay sa kaniya mansyon."
Alam na alam ni Aaron kung gaano kahalaga si Axel sa mga tauhan nito. Alam niya na malaki ang respeto ng angkan ng mga Wesley sa bata nilang pinuno. Ganun din sa kampo ni Maximilian na pinahahalagahan ang talino ng kanilang kalihim.
"So, what's the plan?"
"Maghanda ka ng dalawang alpha. Piliin mo ang pinaka-malakas sa iyong poder. Ako na ang bahala kay Axel. Ako na ang bahala na magpalabas sa kanya kung nasaang lungga man siya naroroon ngayon."
Matapos ang seryosong pagpapahayag ni Aaron sa kanyang plano ay humalakhak naman ng pagkalakas-lakas si Bernard.
"Really? Pursigido ka talaga na patayin si Axel. Are you really that eager to kill your stepson? Hahahaha!"
Nanliit ang mga mata ni Aaron habang nakakunot ang kanyang noo. "Kinamumuhian ko ang mukha niya."
Hindi na nag-komento pa si Bernard sa plano ni Aaron imbes ay nagwika na lang siya ng, "Sige na. Sige na. Sabihin mo lang sa akin kung saan at kailan. Ako na ang bahala." Puno ito ng kumpyansa kaya naman nagtutunog tamad ang kanyang boses.
Sunod siyang tumayo at naghihikab na nagsalita ulit. "Matutulog na muna ako. Kung may gusto kang kainin o inumin, just ask my servants about it." Kumaway-kaway siya sa nakatatandang bampira at patungo na sana sa pintuan nang may mapansin si Aaron sa leeg niya.
"Kaya pala natagalan ka sa mansyon ni Paolo. Mukhang natuwa ka ata sa pagbisita mo roon," batid ni Aaron na nagpahinto kay Axel sa paglalakad.
Hinawakan niya ang leeg na may marka pa ng gabi't araw na pinagsaluhan nila ni Sedric sa kama.
Ngumisi ulit siya at pilyong sinabi kay Aaron na, "It's not yet your estrus, right? But if your junior misses the heat you can just come to Paolo's den and have it heated with his gammas. May nakita akong magagandang babae doon. I'm pretty sure you'll like them."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top