CHAPTER ELEVEN
M I L L E R
"Wanna hop in for a ride? I can take you home fast. It's just around the corner, right?" aya sa akin ni Axel.
With a fast car like that, a 20 minutes trip home will really be just around the corner.
Gusto kong masubukan na sumakay sa Mercedes SLS. I bet it will feel great. But unfortunately, I have two reasons not to. First, I can't be home early. Baka nga kasi naghihintay sa bahay ang mga loan sharks. At ikalawa, si Axel Wesley ang may-ari nito. My pride just can't take it. Gusto ko ang sasakyan niya at hindi siya. Such a waste of opportunity.
Umiling-iling ako. "Hindi na kailangan," tugon ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. Patuloy lang din sa pagsunod sa akin si Axel Wesley habang sakay ng Mercedes niya. Humihinto man siya sa tuwing may tumatawid ay mabilis pa rin siyang nakakasunod.
At dahil din sa magara niyang sasakyan ay hindi na nakakagulat ang atensyon na nakukuha namin. Pikit-mata na lang akong nagpatuloy sa paglalakad. But his stubbornness has seemed to level up day by day dahil halos tatlong minuto na siyang nakasunod sa akin, at tatlong minuto na rin ako na hindi kumikibo but he still did not stop following me.
A few more minutes later ay hindi ko na kinaya ang pagbuntot niya. Tiniis ko pa na umabot kami sa kanto ng kalye na papasok ng isang village. Shortcut ko ito patungo sa boarding house namin. Tanging ako lang ang may alam nito since ako lang naman ata ang estudyante ng university namin na nakatira sa boarding house na malapit sa red light district.
"Hindi ka ba titigil?" pauna kong salita bago huminto sa paglalakad, "Don't you have other things to do, something more important than following me?"
Dahan-dahan na lumingon sa labas ng bintana niya si Axel tapos ay tumingala. "This is important."
Bumuntong-hininga ako. Naglalakad lang naman ako pero bakit parang hinihingal ata ako sa tuwing nasa malapit ang isang 'to? His existence has become a stressor to me. Para siyang isang malaking kumpol ng stress na ayaw akong layuan.
"Dude, hindi mo ba nakita kanina kung gaano karaming tao ang nakatingin sa akin, sa sasakyan mo? Your Mercedes is too flashy to follow a commoner around."
Hindi muna siya sumagot ng ilang segundo. At nang magsalita siya ay unang lumabas sa bibig niya ang mga tanong na, "I am just offering you a free ride. Don't you want a free ride? Don't you want to be home as early as possible and have a rest for your next job?"
"I do. But I don't want you near me," walang padalos-dalos kong sagot at nagpatuloy na sa paglalakad.
I was about to take another step when a sudden and slight gush of air passed me. Saglit lang 'yun at maihahambing sa pagkisap ng mata. But... "What the f*ck!" mura ko. The next thing I know is that I am now inside Axel Wesley's Mercedes-benz SLS.
"Paano... Ano... Anong ginawa mo?" bulalas ko.
Halos hindi ako makapagsalita ng maayos sa gulat at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Wala na akong nasabi. Dahil sa bilis ng pangyayari ay tila ba nahuli ng ilang segundo ang dapat na agaran kong pagkagulat at inis dahil sa pagpupumilit niya.
Did he use his magic to me?
"Remember, I'm a vampire," pagpapaalala niya.
It's not like I have forgotten about it. Who would dare to forget such silly, unrealistically real things?
"Alam ko. Do you think I have forgotten about that and did this para ipaalala sa akin?" tanong ko sa kanya.
Axel smirked as he shakes his head. "Nope, you were just so stubborn that I cannot wait for you to give in." Bubuksan ko pa sana ang pinto para umalis nang pinaharurot na niya ang sasakyan. Nagmistulang may magnet ang likod ko nang dumikit ito sa sandalan ng upuan dahil sa bilis.
"Hey! Stop!" sigaw ko sa kanya habang aligagang kinakabit ang seatbelt.
Tahimik at walang katao-tao sa kalsada ng village kaya malaya siyang iharurot ito sa daan.
It has not been at least two minutes yet we have already reached the end of the village road. "So, is it left, or right? Where do we go next?"
He seems to be having fun.
Hindi ko na siya sinagot at magtatangka pa sana na lumabas ulit nang magsalita na naman siya. "If I were you, I won't do that. You know how I can easily teleport you back in the car if you try to escape again," pagbabanta niya.
Teleport? So, it was teleportation.
"What the hell, you're insane." Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.
In the end ay wala na akong nagawa. He went and brought me home with his fancy car, enough for the vendors in front of the boarding house to make a fuss.
"May dala naman atang mayaman na babae ang binatilyo sa room 211," rinig kong sabi ng isang matandang babae sa hindi kalayuan.
Lumingon ako sa kanila at kaagad din naman silang tumalikod nang magsalubong ang mga mata namin. Hindi na ako nagsalita pa at didiretso na sana sa hagdan nang lumabas sa sasakyan si Axel.
"Hey, are you not going to at least say thank you?"
Huminto ako, at saka sinabi na, "I don't feel like saying it since I was forced inside."
"What about the group assignment that I will do in behalf of us? You know the one in Philosophy class."
I sighed. "You know what, can I just be honest?" tumango siya habang naka-angat ang mga kilay. "Sa totoo lang ayaw kong magpasalamat dahil ayaw ko sa'yo. Stop following me and get a life already, man." Itinulak ko siya ng mahina tapos ay padabog na umakyat na ng hagdan.
Sa hindi malaman na dahilan, habang paakyat ako ay pakiramdam ko'y may mali. I felt like I forgot to do something. An important matter. Ngunit bago ko pa man ito maalala ay narating ko na ang pinto ng silid ko. And then there, three men are waiting outside. Ang isa ay nakatayo at nakasandal sa dingding, ang isa naman ay nasa harap niya, at ang isa ay naka-upo sa sahig habang humihithit ng sigarilyo.
"Oh, nandito ka na pala. Saktong-sakto, kararating lang namin," sabi ng lalaking nakaupo. Mataas at halatang kasisindi nga lang din talaga ng hawak niyang sigarilyo.
Napatingin ako sa orasan ko.
Sh*t. That bastard Axel. Wala pa ni-thirty minutes ang lumipas simula nung nag-out ako sa convenience store.
"Ba't wala kayo kahapon? I thought someone paid my debt and you let me off the hook already," kalmado kong sabi sa kanilang habang ipinapasok sa doorknob ang susi.
"Busy lang sa opisina. May matigas kasing borrower. Ang tigas magbayad kaya minasahe muna namin ng konti para lumambot naman," pagpaparinig ng lalaking nakasandal. Umayos siya ng tindig at mariin akong tinitigan.
Mas malinaw pa sa sikat ng araw kung ano ang ibig sabihin nila sa masahe. They clearly beaten the person to death to extort cash from them.
Sa tatlong lalaki na nasa harap ko ay wala sa kanila ang alam ko ang mga pangalan. Kada Linggo kasi ay iba't ibang tao ang naniningil sa akin. Pareho lang sila na nakasuot ng itim na sando at puting suit o kaya polo, at pantalon bilang pambaba. Hindi ako sigurado pero mukhang uniform color ata nila ang itim at puti. Idagdag pa ang pulang folder na laging dala ng isa sa kanila. Sa sandaling ito ay dala ng lalaking naka-shades ang folder.
Nakapunta na ako sa opisina nila. Pero imbes na nasa building ay isa lamang itong private house sa isang exclusive subdivision. Nangyari ito noong unang araw na nalaman ko kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng kumpanya namin. At ang araw rin na napagtanto ko na hindi na babalik ang ama ko na nagpaalam lang na pupunta ng ibang syudad para maghanap ng investors.
It was the day I realized I was completely abandoned.
'Yun din ang una at huling pagkakataon na pinayagan nila akong hindi magbayad ng isang buwan. Hinintay muna nila akong makahanap ng trabaho at kumita. Ngunit ang kapalit nito ay mas malaking interes. Nagulat na lang ako na doble ang nilaki ng pagkakautang ni Daddy sa kanila.
"Ano na jan... Miller... De Leon," wika ng lalaking naka-shades na binabasa pa ang pangalan ko sa listahan nila, "wala kami kahapon. Siguro naman may pambayad ka na ngayon?"
I wish I could confidently say yes, kaso hindi ako sigurado kung wais ba na sumagot. Pero hindi rin pwede na wala akong sabihin o gawin. So, I took the cash on my wallet. At ibibigay na sana ito sa kanila nang sinabi ng isa na, "Idagdag mo na rin pala ang 1,500 para ngayong araw. Ibabawas na lang namin 'yan sa bayarin mo ngayong Linggo," sabay hablot ng pera sa kamay ko.
Ah. 1,500.
Sana nga ay may extra pa akong 1,500, kaso pati ang ibabayad ko para sa nakaraang linggo ay kulang din.
"Teka..." the man with cigarette uttered as he flips the cash on his hand, "short ka ata, pre," pahayag niya nang mabilang ang huling perang papel.
"Ganun ba?" sambit naman ng naka-shades, "ayus lang, lapag ka na lang ng 1,000 para ngayong araw."
"Ah. Hindi. Hindi. Kulang talaga ang bayad niya para sa nakaraang linggo," paglilinaw ng kasama niya.
Tumaas ang dalawang kilay ng lalaki at dahan-dahan na ibinaba ang suot niyang shades. Humakbang siya palapit sa akin, hinawakan ang makabila kong balikat, at binulong sa mukha ko na, "Sabihin mo sa akin na mali ka lang ng bilang."
Oh gosh. Ayaw ko sana na makipag-away ngayon pero mukhang—
"Miller!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses. At doon ay nakita ko ang pagmumukha ni Axel Wesley na akala ko ay kanina pa umalis.
He suddenly appeared in front of the door next to mine. Wala kaming narinig na yabag ng mga paang papaakyat, nihindi namin nakita na may paparating. I bet these three are wondering right now. Pero mukhang alam ko na kung paano ito nangyari. He is a vampire anyway.
"Sino 'to?" tanong ng isa sa kanila. "Tumatanggap na rin ba ng lalaking kustomer ang club niyo?"
"Hindi k—"
"I am his friend," kusang pagpapakilala ni Axel. I was about to deny him when he asked, "How much does he owe you?"
"What are you doing?"
"I'm trying to save you."
"I don't need your help."
Hindi niya ako pinapansin at tiningnan lang ang lalaking may hawak na sigarilyo. "How much?"
Natulala ang lalaki at aligagang binilang ulit ang pera. "2,850."
Walang pagdadalawang-isip na dumukot sa bulsa niya si Axel at kinuha ang kanyang wallet. Tahimik lang kaming apat na pinapanood siyang ilabas ang pera niya. He let out six straight and crispy blue bills from his black wallet then said, "This is the only cash in my wallet. That's probably more than enough, isn't it?"
Ngumisi ang lalaking naka-shades at binitawan ako. He reached his hand, and the other guy swiftly gave him a pen then he started to write on the folder.
"Okay! May advance ka para sa hulugan mo sa Linggo. Mabuti. Mabuti." Tumatango-tango niyang sabi, "Sige, tara na! Salamat sa kooperasyon." Tinapik niya muna ng mahina ang pisngi ko bago ako nilayuan. At mariin naman niyang tinitigan sa mata si Axel habang mayabang na ngumingisi.
Tahimik lang kami. Tahimik lang ako habang pinapanood ang tatlo na mawala sa paningin ko. Their backs are straight, walking with their chin up full of dignity and pride na para bang legal ang ginagawa nila.
So now, everything is settled for the meantime. Maliban na lang kay Axel Wesley.
Galit akong tumingin sa kanya. Nakakunot ang mga kilay ko at matalim siyang tinitigan. "Kung sa tingin mo ay papayag na ako sa pabor mo dahil sa ginawa mo, you're wrong. Babayaran kita sa darating na Linggo."
"Oh, so you know that I will eventually resort to using money since you won't budge no matter what I say?"
Halata naman. May pera siya, ako wala.
Pumasok na ako ng bahay at iniwan na lang siya sa labas when he pops in by the doorway out of the blue. Ngayon alam ko na kung paano siya nakapasok sa gabing nandito si Sara.
"Trespassing ka na naman!" I exclaimed.
"Hey, lower your voice," sambit niya na walang ka-emo-emosyon.
"If you just liste—"
"I have a proposal. A would say, it's a win-win proposal. Would you mind hearing me out?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top