Kabanata 7
"Creed! She's moving!" I excitedly muttered as I caressed my tummy. Dali-dali niyang inilapat ang kamay sa aking tiyan.
Agad siyang napangiwi nang walang maramdaman doon. "Lagi nalang." Pagmumukmok nito. I heartily laughed when I saw his reaction. I can feel our baby moving pero kapag si Creed na ang hahawak ay hindi na ito gumagalaw. Minsan ay naaabutan ito ni Creed ngunit madalas ay hindi.
I'm already seven months pregnant and I'm homeschooled simula nang malaman namin na buntis ako.
I can still clearly remember Creed's reaction when I told him that I'm pregnant. He froze for several minutes and I thought he'll faint. Matapos makabawi ay nagsisigaw ito na magiging tatay na daw siya. Hindi mawala ang ngiti niya sa mga labi nang araw na 'yon.
"Baby, come on he's your Dad." Marahang sambit ko habang hawak ang kamay ni Creed na nasa ibabaw aking tiyan.
"Say hello to your Daddy." Sambit ko ulit at nakita ko ang pamimilog ng mga mata ni Creed.
"She moved!" Gulat na sambit nito at ipinulupot ang kanyang mga braso sa akin. "I love you both." He gave my tummy a peck, matapos ay sa aking labi naman lumapat ang mga labi niya.
"Creed, help!" I rolled my eyes when I heard Cerys' voice in the kitchen.
I sighed. "Puntahan mo na." Sambit ko kay Creed. He sighed in defeat, muli niya akong hinalikan bago pinuntahan si Cerys.
Last month, after Creed's graduation, Cerys moved in to Creed's condo dahil wala raw mag-aalaga rito. Hindi ako makakapayag na sila lang dalawa ni Cerys dito sa condo kaya ganoon din ang ginawa ko.
Pinayagan naman ako ni Mommy pero lagi itong bumibisita sa akin pati na rin si Dad. Si Tita Merida at Tito Kristoff ay napapadalas din dito. Matapos malaman ng mga Ferron na buntis ako ay agad nilang tinanggihan ang ipinipilit na kasal ng mga magulang ni Cerys. Tita Merida immediately arranged an engagement party para sa amin ni Creed noong nalaman nito na buntis ako. She said that we'll marry each other whether we like it or not.
Cerys is already nine months pregnant at ano mang oras ay maaari na itong manganak.
At sa loob ng isang buwan na magkasama kami ni Cerys sa iisang bubong ay hindi lilipas ang isang araw na hindi kami nagaaway. Well, I know it's all my fault sometimes. Hindi mapigilan na hindi mainis sa tuwing nakikita ko ito at ang dahilan kung bakit ito nakapasok sa buhay namin ni Creed.
Noong isang araw ay dinugo ako dahil sa pagaaway namin. Nagalit si Creed sa aming dalawa ni Cerys that time. Naiintindihan ko ang galit nito dahil parehas kaming buntis at maselan ang kalagayan. Nagkainisan kami ni Cerys kaya tinulak ako nito kaya nawalan ako ng balanse.
Ngayon ay iniiwasan na namin ang isa't isa dahil na rin sa sinabi ng doktor na mahina ang kapit ng bata sa aking sinapupunan.
Napatayo ako ng makita si Creed na buhat si Cerys, mukhang pumutok na ang panubigan nito.
"Papupuntahin ko si Dasher dito para bantayan ka. Take-"
"Go on, take care." Agad na pinutol ko ang sasabihin ni Creed. He stared at me, para bang tinitingnan mabuti ang aking reaksyon sa huli ay tumango ito bago lumabas ng condo at umalis.
The door buzzed after a few minutes that Creed left with Cerys. Tumungo ako roon para buksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang dalawang lalaking kaibigan ni Creed.
"How are you and the baby?" Bungad ni Dasher sa akin. Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok sila.
"We're fine." Kaswal na sagot ko kay Dash.
"Lelang mo fine!" Sabat ni Archer na kasama ni Dash.
I rolled my eyes on him bago inis na sinagot ito. "I'm not talking to you." I became close sa kanilang dalawa. Hindi katulad ng samahan nila kay Mirae at Astrid pero masasabi ko na malapit ako sa kanila dahil na rin kay Creed. Si Astrid naman ay kaswal sa akin. Yun nga lang, si Mirae ang hindi ko makasundo at hindi ko gugustuhing makasundo sa mga kaibigan ni Creed. Hanggang ngayon ay galit si Mirae kay Creed dahil sa pag-aaway nila dahil sa akin. Walang alam ang mga kaibigan ng dalawa na may pagtatalo sa pagitan ni Creed at Mirae.
"Kung hindi ko lang talaga alam na Amherst ka, iisipin ko na magkapatid kayo ni Mirae! Attitude kayo parehas!" Nakangising sambit nito. Hindi ko alam kung bakit hindi nila alam na magkapatid kami ni Mirae. Si Creed man ay walang nabanggit sa akin tungkol sa aming dalawa ni Mirae. That's why I assumed that he also doesn't know a thing. Siguro ay ginusto na lang ni Mirae na ilihim ito sa mga kaibigan.
"Lagot ka kay Mirae, attitude huh?" Dasher smirked.
"Joke lang! Di naman mabiro!" Agad na bawi nito sa sinabi.
Dasher chuckled on Archer's reaction. "Magkakaroon na tayo ng pamangkin! Dalawa pa, pero duda ako roon sa isa." Dasher muttered out of nowhere as he sat down on a one seater sofa. Ganoon din ang ginawa namin ni Archer then I started caressing my tummy. Nakasanayan ko na ang paghaplos doon simula nang magbuntis ako.
"Kapatid ka ni Creed?" Sarkastikong tanong ni Archer. "Pamangkin daw!" Archer laughed on what Dasher have said. Pero nanatili akong tahimik at si Dasher naman ay ngiwi lang ang isinagot dito.
"Pero seriously ako rin duda sa isa. Alam ko na alam ni Creed ang ginagawa niya kahit lasing siya. Hindi ko lang alam kung bakit hindi niya maalala kung may nangyari nga o wala."
"Let's just wait for the paternity test."
"Ikaw, Lavinia sure ka ba na kay Creed 'yan?" I know it's just one of Archer's joke kaya naman inirapan ko na lamang ito.
"Tigilan mo nga si Vinia! Baka ikaw paghilihan niyan, kawawa ang bata!" Dasher teased Arch.
"Tanga! Tapos na 'yan maglihi!" Hirit ni Archer na agad namang binawian ni Dash.
"Alam ko, doktor ako baka nakakalimutan mo."
"Hoy! Hindi ka pa doktor! Isa kang quack, quack!" Sambit nito bago humalakhak.
Nahihiwagaang napabaling ako kay Archer. "What the fuck?" Hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili dahil sa sinabi ni Archer.
"Bakit?" Inosenteng tanong nito sa akin habang natawa naman si Dasher.
Inignora ko ito kaya naman muli siyang bumaling kay Dash. Nagpatuloy ang panlalait ng dalawa sa isa't isa ngunit hindi ko na iyon binigyan ng pansin.
Natigil lang ang dalawa nang magingay ang phone ni Dash. Tumayo ito ay nagpaalam na sasagutin ang tawag ngunit hindi na masyadong lumayo.
"Milady." May ngiti sa mga labi na sagot nito sa tawag.
He frowned and I saw how a deep furrow formed in his brow. Nawala ang ngiti nito at naging seryoso ang ekspresyon.
"Fuck! Papunta na 'ko." Agad na sagot nito bago ibinaba ang tawag.
Dasher's stares landed directly at me and I gave him a questioning look.
"What?"
"Ano nangyari?" Archer asked ngunit sa nanatili sa akin ng tingin ni Dash.
"Creed and Cerys." I saw him hesitated before finally answering my question. "They're ambushed. Creed's critical in the hospital and Cerys is missing." What the hell?
"W-what?" I can felt my chest tightened as my tears still building up in my eyes.
"I'll go to the hospital, sasama na rin ako sa paghahanap kay Cerys. Archer, samahan mo muna rito si Lavinia." Dasher said with finality na agad kong tinutulan.
"No! I want to see Creed. Ano raw ang nangyari? Bakit--anong they're ambushed?" What happened? Manganganak na si Cerys bakit ganoon ang nangyari? I mean, hindi sila umabot sa ospital?
"Iyon lang ang sinabi sa akin. Dito ka nalang, Vinia. Baka kung ano pa ang mangyari sayo at sa bata sa ospital."
I shook my head and rose up. "Sasama ako, I wanna see Creed!" Hindi ko na napigilan na hindi magtaas ng boses.
Days passed and Creed's still unconscious while Cerys is still missing. They're all telling me to rest but I can't. Hindi ko kaya hanggang hindi pa nagigising si Creed. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong pinagsabihan ni Mommy para magpahinga para na rin sa bata ngunit hindi ko ito pinakinggan. Ganoon din ang dalawang kaibigan ni Creed at sila Tita Merida ngunit ni isa ay wala akong pinakinggan.
Here I am again, talking to Creed na para bang maririnig niya ang sinasabi ko.
I held Creed's hand as I gently caressed my tummy. "Creed, our baby's waiting for you. Come on, wake up." I felt my tears rolling down my cheeks. Hindi ko na alam kung kailan tumigil ang aking mga luha simula nang mabalitaan ang mangyari kay Creed o kung tumitigil pa ba ito.
"Malapit ng lumabas si Baby, dapat tayong dalawa ang sasalubong sa kanya. Paano mo magagawa 'yon kung hindi ka gigising? I miss you already, Creed. Kami ni Baby, we miss you."
"When you woke up, promise hindi na kami magkukulit ni Baby." I looked at my tummy and caressed it. "Baby, tell your Dad to wake up."
Nanatili ang aking kamay na mahigpit ang hawak sa kamay ni Creed. Hinahaplos ko ang aking tiyan habang bumagbasak dito ang aking mga luha. Bahagyang akong napangiti nang maramdaman ko ang paggalaw ng aking anak. "If your Daddy's awake, nasisiguro ko na magtatampo 'yon dahil hindi ka na naman magpaparamdam sa kanya." Sambit ko sa aking anak.
Natigilan ako nang maramdaman ang paggalaw ng kamay ni Creed. I looked at him and saw him slowly opening his eyes.
Agad kong pinalis ang mga luha na naguunahang tumulo galing sa aking mga mata at napatayo dahil sa nakita.
"C-Creed." I stammered.
Marahan siyang bumaling sa akin. I was confused because of his cold stares but I ignored it. Gusto ko siyang yakapin ngunit hindi ko ginawa dahil sa sensitibo nitong sitwasyon.
"Creed." Muli kong hinawakan ang kamay niyang nabitawan ko kanina ngunit agad akong nagtaka nang binawi niya iyon.
"W-what?"
"Who are you?" Tanong niya na nakapagpabigla sa akin. Kasabay noon ang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto.
"Vinia, don't be stubborn. You need to rest--Creed you're awake!" It was Dasher.
Nanatili sa akin ang tingin ni Creed. Matapos ay bumaba iyon sa aking tiyan bago nagsalita at nakangising bumaling kay Dasher. "Hhmm, is she your wife? She's pregnant, huh?"
Naguunahang tumulo ang aking mga luha. Napatakip ako sa aking bibig upang mapigilan ang paglabas ng ingay doon.
"What the fuck are you talking about?" Naguguluhan ding tanong ni Dasher.
"She's your wife right? What's her name? Vinia?"
Pinilit ko ang aking sarili para makapagsalita kahit nangingibabaw doon ang mga hikbi dahil sa pagiyak. "Creed, a-anong sinasabi mo?"
"Miss, listen to your husband. You need to rest and why are you crying? Hindi maganda sa buntis ang umiiyak." Kunot noong sambit sa akin ni Creed.
"Creed, stop talking bullshits." Mariing sambit ni Dash kasabay ang muling pagbukas ng pinto ng kwarto ni Creed. It was Creed's three remaining friends who entered.
"You're awake!" It was Mirae's voice.
"I'll call the Doctor." Archer muttered before leaving Creed's room.
"Mabuti at nagising ka na." Sambit ng pinakabata nilang kaibigan na si Astrid bago dumako ang tingin nito sa akin.
"Why are you crying?" Gulat na tanong nito kaya nabaling ang lahat ng atensyon sa akin.
Hindi ko ito pinansin at dumiretso kay Creed. I felt my hands trembled, ramdam ko ang bahagyang pananakit ng aking tiyan.
I tried to hold his hand ngunit agad niya iyon inalis. "Anong problema ng asawa mo, Dash?" Kunot noong tanong nito. I heard Mirae and Astrid's question about what Creed have said ngunit hindi ko na pinansin iyon.
"Stop joking, Creed. Come on, it's me Lavinia!" Desperadang sambit ko. What happened? Bakit hindi niya ako maalala? This can't be, magkakaanak na kami!
Napahawak ako sa gilid ng kama ni Creed nang maramdaman ang pagbigat ng aking katawan.
"Vinia." Hindi ko na nabigyan ng pansin ang tawag ni Dash dahil sa pagkirot ng aking tiyan.
"Please, Creed! Huwag ka namang magbiro. I'm Lavinia at tayo ang ikakasal! This is our child, your child and not Dasher's!" I felt my knees wobbled as tears streamed down my cheeks. Nanlabo ang aking mga paningin kasabay ng biglaang pagkahilo.
"Fuck!" I saw Creed frustratedly pulled his hair. Hindi ko na masyadong nasundan ang pangyayari dahil naramdaman ko ang dahan dahang pagkawala ng lakas ng aking mga hita upang makatayo.
"Vinia, fuck! You're bleeding!" That was the last thing that I heard after my legs finally gave up. Naramdaman ko ang mga brasong sumalo sa aking katawan bago naging blangko ang lahat.
I woke up feeling lost. Si Mommy ang bumungad sa akin na mukhang kagagaling lang sa iyak. Unti unting bumalik sa akin ang mga pangyayari. Sinubukan ko ng umupo ngunit agad akong pinigilan ni Mommy. Napansin ko rin na naroon si Lolo at si Daddy kasama ang magasawang Ferron.
Hinimas ko ang aking tiyan gaya ng nakasanayan ngunit agad na kumunot ang aking mga noo nang maramdaman ko ang aking tiyan. Wala akong nakapa na umbok doon na aking ipinagtaka.
"Where's my Baby?" Naramdaman ko ang panggigilid ng aking mga luha nang walang sumagot sa aking tanong.
"M-mommy." My voice trembled.
"P-patay na ang bata nang mailabas ito."
Agad na namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Mommy.
"N-no." Dahan-dahang sambit ko at bahagya pang napailing. "No! Ilabas niyo ang anak ko! Buhay siya, 'wag ka ng magsinungaling, Mommy!"
Mommy bit her lower lip, pilit pinipigilan tumulo ang nagbabadyang mga luha.
"Bawiin mo yung sinabi mo, Mommy. Hindi totoo 'yon."
Hindi nagsalita si Mommy at mabilis itong umiling. I saw Tita Merida silently crying beside Tito. Si Dad naman ay nakaalalay na kay Mommy habang si Lolo ay blangko ang tingin.
This can't be! Paano ako nito? Creed can't remember me and my baby died? Lahat na lang! Ano pa ang kukunin sa akin?
__________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top