Kabanata 3
Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na akong nakatayo sa harapan ng condo ni Creed. Minsan na niya akong sinama rito nang may dinaanan siya sa condo bago ako ihatid sa bahay. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng aking mga paa.
After talking to my Lolo, and hearing that my Dad is comatose, I don't know what I'd do. Mommy fainted after hearing that news. When she woke up, she started looking for my Dad. I thought she'd not calm down pero matapos ang ilang minuto ay kumalma rin.
What happened to my family? Bakit nandito kami sa ganitong sitwasyon? Ang pinakagumugulo sa akin ay ang mga sinabi ni Lolo, that if I'll take his position then he can finally rest. Hindi ko maiwasan hindi mapaluha dahil doon. Matanda na si Lolo ngunit siya pa rin ang namamahala sa Amherst. Hindi ko magawang masisi si Daddy dahil hindi niya tinanggap ang posisyon ni Lolo.
I left the hospital after my Mommy calmed down. My plan was to go to Lucille's house but when I saw Tita Louise and Lucille outside of one of the emergency room in the hospital, I realized na maaaring isa ang Daddy ni Lucille sa mga kasama ni Lolo kanina.
I was about to turned my back, para bumalik nalang sa ospital ngunit biglang bumukas ang pinto ng condo ni Creed.
Shock was evident in his face when he saw me standing in front of his condo, he frowned afterwards. Sa huli ay lumapit ito sa akin at marahang inilagay ang kanyang kamay sa aking pisngi. I was oblivious of the tears rolling down my cheeks not until Creed gently wiped those.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha. I felt something in my inside got triggered because of what he have done. Kusang bumuhos ng walang tigil ang aking mga luha, lalo na nang higitin niya ako palapit sa kanya at marahan akong kinulong sa kanyang mga braso. He didn't utter a single word, tahimik lang itong niyakap ako at marahang hinahagod ang aking likod.
Ilang minuto kaming nasa ganoon posisyon at nanatili lang akong umiiyak sa kanyang dibdib. Matapos ang ilang sandali ay unti-unti rin akong kumalma. Naramdaman ko na pinangko ako ni Creed at ipinasok sa loob ng condo niya.
Pinaupo niya ako sa sofa. Mas mataas siya sa akin kahit siya ay luhod sa harapan ko dahil sa tangkad nito. Ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa magkabilang gilid at kinukulong ako sa gitna. Nanatili itong tahimik at para bang ako ang hinihintay na magsalita.
"A-anong gagawin ko?" I sobbed. Sinalubong ko ang kanyang tingin. His eyes look so comforting. Malayo sa natural na malamig na ekspresyon niya. Malambot ang mga titig nito at para bang sa isang tingin lang ay magiging maayos ang lahat.
"My Lolo wanted me to take his position. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kaya. W-wala pa akong magagawa para sa Amherst. It's a big organization with i-illegal activities. How do you expect me to handle that?" Wala sa sariling nasabi ko iyon ngunit walang nagbago sa kanyang ekspresyon.
Our family is known as hoteliers and we also have the Amherst Corporation. Lingid sa kaalaman ng lahat na sa likod ng mga kompanyang iyon ay ang illegal na organisasyon ng mga Amherst. Kaya naman nagtataka ako na walang reaksyon si Creed sa inamin ko na mayroon kaming illegal na gawain, ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin.
I don't know where, when, and how did the organization started. The only thing I know is, I should take Lolo's position as the mafia boss of Amherst. If I refuse, that organization will be out of our control. Mapupunta ito sa ibang pamilya na iniiwasang mangyari ni Lolo.
"My Dad, he's comatose because of that mafia!" Hindi ko na maiwasan na hindi magtaas ng boses.
"Daddy refused to become the leader of that fucked up organization pero ano? Hinahabol siya ng kamatayan just because our name is chained on that organization at hindi namin kayang takbuhan iyon! Lalo't higit walang balak si Lolo na tumakbo papalayo roon!" I can't control my emotions. The pain is conquering my heart. The frustration is all over my face and fear because of that organization were ruling my whole body.
I love my family so much. Na kahit kaya kong takbuhan ang mga responsibilidad bilang Amherst ay hindi ko gagawin. Not because of conscience but because of love. It is powerful, indeed. It can turn everything upside down.
"Tell me, Creed. Do you think I should take Lolo's position?"
He sighed. "Is your Lolo forcing you?" Iyon ang unang beses na narinig ko siyang nagsalita gamit ang tono na iyon. His voice were soft and comforting in a manly way.
Marahan akong umiling. Lolo is not forcing me, more like pinapakiusapan.
"That's your decision to make. But remember to use both this," He pointed his head and his heart. "And this, when you're deciding." He pressed his lips together before he continued.
"A decision made by only one of those is surely a failure. But a decision using those two is surely what you need and it'll make you happy, maybe not now but in the near future." Iyon ang pinakamahabang salita na narinig ko mula kay Creed. I can't help but agree on what he have said.
Magiisang taon na ang nakalipas simula ng araw na iyon. I can still clearly remember that day. Nahihiya ako sa kanya tuwing maaalala ang araw na 'yon at tinatawanan lang niya ako sa tuwing nangyayari iyon. After that day we became close. Tuloy pa rin ang kasal namin, the difference is we're willing to marry each other and not because of the merging of our company.
The waves are crashing down the shore, its sound feel so relaxing. The sands on my feet feel so soft, I don't even know why I'm barefooted. The cold breeze of air touches my skin. Niyakap ko ang aking sarili na nababalot sa puting roba. Hindi ko makita ang hangganan ng dagat dahil sa madilim na kalangitan. Tila naman nagtagpo ang dagat at ang langit. The luminosity of the moon is reflecting on the sea.
"Vinia!" I heard Creed calling my name. Lumingon ako sa kinatayayuan ng villa ng mga Ferron. I saw Creed walking towards my direction. Magulo ang buhok nito at halatang kagigising lang. Diretso ang tingin nito sa akin habang nakakunot ang noo.
Madaling araw pa lang at hindi ko alam na magigising siya, kaya naman hindi na ako nagabalang magiwan ng pasabi sa tabi niya.
I thought he'll be mad. Ngunit nang makalapit siya sa akin ay agad niyang pinulupot ang mga braso paikot sa aking baywang para ako ay mayakap. I encircled my arms around his nape.
"I thought you left." Sambit nito gamit ang marahang boses. He caressed my hair at nanatiling nakayakap sa akin.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti dahil sa reaksyon niya.
"I don't know. I just......fuck, nothing." Sa huli ay marahan itong umiling sa akin. "What are you doing here?"
"Hindi ako makatulog."
"Still jealous?" Nakangising sambit nito sa akin. Nang maalala ko ang kanina naming pinagtalunan ay agad kong hinampas ang kanyang dibdib at tinulak siya palayo. Ngunit hindi niya ako hinayaan sa nais kong gawin. Lalo lang humigpit ang braso niya sa aking baywang.
"Listen. I have something to tell you."
"You! Bitawan mo 'ko." Inis na sambit ko. Nagpumiglas ako at sinamaan siya ng tingin ng makita ko ang pagpipigil niya sa sarili para mangiti.
Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa tuktok ng aking ulo. "Hey, baby. I'll tell you something." He whispered. Sa tono ng pananalita niya ay masasabi ko na seryoso na ito, kaya naman muli kong sinalubong ang tingin niya at pinanliitan siya ng mga mata. Dahil doon ay hindi na nito napigilan ang sarili na hindi mapangisi.
"Anong sasabihin mo?" Pabalang pa rin na tanong sa kanya.
Muling bumalik ang seryosong ekspresyon nito bago nagsalita.
"About that, I'm sorry. Sorry kung ngayon ko lang sasabihin 'to.'' He cleared his throat. "Soon, I'll become an underboss. Maybe after the graduation." Diretsong sambit nito.
I rolled my eyes on him. "Stop fooling around." I saw and memorized the top twenty mafia organization. From their boss, underbosses and down to their capos. And I didn't saw his family name. Siguro kung totoo man ang sinasabi niya ay mababa ang rank ng mafia na kinabibilanggan nila. Kaya naman hindi ko nakita ang family name niya dahil ang top twenty lang ang nakita ko.
He frowned. "Totoo ang sinasabi ko."
"I didn't saw your family name, kahit capo lang wala akong matandaan na Ferron. Tell me what group are you in, baka sakaling pamilyar."
"Promise me you won't tell anyone."
"I promise." I muttered with full of sincerity.
He sighed. "Cosmos."
I frowned at ng makuha ang sinabi niya ay unti unting namilog ang aking mga mata. "What? The one on the first spot this month?"
He nodded his head. That's why I didn't saw his family name! Cosmos is one of the leading mafia. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ito bumababa sa pangapat. Kung hindi una ay nasa pangalawa. Isang beses lang itong pumanggatlo, balita ko ay Amherst ang pumalit dito ngunit agad namang nakabawi. Masyadong masikreto ang Cosmos. No one knows kung sinu-sinong mga pamilya ang nasa likod nito.
"H-how come? I mean, who's your boss? What family?" I don't know if he'll tell me kung anong pamilya pero hindi masamang magtry.
"I'm sorry. I can't tell you." Agad akong nadismaya sa isinagot niya.
"It means, your Dad is a current underboss of Cosmos?" I asked.
"No, its still my Lolo's generation." Imposible.
I frowned. "You'll graduate after two years. How come na magiging underboss ka na pagkagraduate?" It should be his father and not him.
"My father's generation is a fucked up one. The supposed to be boss in my father's generation died in an early age."
"Then it should be one of the underbosses." If the mafia boss died, one of the underbosses would take the position.
He shrugged. "Hindi pa naipapasa yung posisyon kay Tito noong namatay siya. Kaya mananatili sa pamilya nila ang Cosmos and the underbosses of my father's generation wouldn't mind anyway."
I slowly nodded my head. In Amherst's case, my father declined. We have only two underbosses. First is from Lucille's family, the Montecillo's and they declined, katulad ni Daddy. Second is Montenegro's na hindi namin alam kung nasaan ang dapat na underboss sa henerasyon nila Dad.
"Why are you telling me this?" We've been together for almost a year pero ngayon lang niya ito sinabi sa akin.
"About that, yung nabasa mo galing 'yon sa isa sa mga magiging underboss ng Cosmos." Iyon ang kanina pa naming pinagtatalunan. I saw a text from a person named 'Light' saying that she misses her baby. I rolled my eyes.
"She's flirting with you?"
"What?" Kunot noong tanong nito at bahagyang tumaas ang boses. "No! I mean, he's a guy and I don't know why he sent me that kind of message. Maybe he's bored. That fucker. " Mahina at pabulong ang huli niyang sinabi na para bang sa sarili lang iyon sinabi.
"Then what is he? A gay?"
Hindi makapaniwalang napatitig ito sa akin. "No." He chuckled in a manly way. "If you only know who is he. Hindi mo maiisip na ang sinabi mo."
My brow rose up. "Who is he then?"
"I can't tell you that." I rolled my eyes before of his answer.
"Baka naman pinaglololoko mo lang ako?"
He frowned. "Of course not. I'm telling you the truth."
"Bakit ayaw mong sabihin kung sino ang Light na 'yon?"
He sighed in defeat. "Light is a code name. I can't tell who's the person behind that code name."
"Then why did you tell me that you're one of them?"
"Because you're jealous."
"What's the use? Hindi mo din pala sasabihin kung sino 'yon."
"Come on, baby. Pagtatalunan pa ba natin 'to?"
I rolled my eyes.
"Lavinia, I can't."
"Then don't talk to me!" Sambit ko bago siya talikuran at iwan doon ng magisa.
__________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top