Kabanata 2
"Can we share a table, Ladies?" Pinasadahan ko ng tingin ang mga lalaking tumapat sa table namin ni Lucille. They are five and I frowned. I must say that they are varsity players because of their attire. This is why I'm telling Lucille to sit in my front but she's stubborn, ipinilit pa rin ang gusto at tumabi sa akin. Hindi naman masikip, kasya hanggang sampung tao sa isang table pero ayaw ko lang talaga ng may kasabay kumain na hindi ko kilala.
"Yes-" Agad kong pinutol ang pagsangayon sana ni Lucille.
"No." Tinignan ako ni Lucille na puno ng pagtataka. Hindi ko siya pinansin at ibinalik sa pagkain ang atensyon. Nagkibit balikat ito sa aking tabi at wala na ring nagawa.
There are lot of vacant tables kaya bakit pa sila makikiupo?
We're eating our lunch inside the cafeteria. There are lot of white tables in an organized rows. I can hear everyone talking with their friends. Ang ingay! Lalo na yung mga babae sa likod ng table namin.
"Sungit." I heard someone muttered. Napaanggat ako ng tingin sa mga varsity player na hindi pa rin umaalis sa tapat ng table namin. I raised my brow up on the man who spoke. Nasisiguro ko na siya ang nagsalita. Nasa gilid siya nung lalaki na nagtanong kanina kung maaari silang makiupo. Some of them are sweating dahil mukhang kakagaling lang nila sa laro or training or whatsoever. Hindi man lang sila naligo muna, my God!
"Anong sinabi mo? Pakiulit nga." Taas noong bumaling ako dito.
"Dale." Rinig kong saway ng isa nilang kasamahan.
I smirked when the man named Dale slowly shook his head na para bang nagtitimpi. "Duwag ka pala." Ngising sambit ko sa lalaki bago isa isang tinignan ang kanyang mga kasama. "Anyway, madaming table sa paligid. Kung gusto niyo pagtigitigisahan niyo sobra pa yung table, huwag na kayong makisiksik." I sarcastically said before smiling widely.
"Sorry." One of them muttered but I ignored it. Tuluyan ng umalis ang mga ito sa harap ng table namin.
"Yun ba gusto mo? Sama ng ugali." Bago sila makalayo ay narinig ko pa ang sinabi nung Dale ngunit agad ko iyong inignora at wala sa sariling napaikot ang mga mata dahil sa inis.
"You know what, Luci-" Napatigil ang aking sasabihin nang may babaeng sumigaw sa loob ng cafeteria.
"Gusto kita, Creed! Mahal kita!" I turned to the woman's direction and saw her crying in front of Creed's table. Isang table ang nasa harap namin ni Lucille at sa harap noon ay ang table nila Creed.
Natigil ang bulungan at kwentuhan ng mga tao sa cafeteria dahil sa sigaw na iyon. Naagaw ng babae ang atensyon ng lahat.
I can't see Creed's emotion because I'm facing his back. Beside him is Mirae. In front of them is Astrid and the famous Archer because of his ton of girls.
Mirae gestured something and her mouth opened, hudyat na may sinabi ito sa babae ngunit mahina iyon kaya naman kahit medyo malapit ang table namin sa kanila ay hindi iyon rinig. Siguro ay sinadya na rin ni Mirae iyon para walang ibang makarinig sa kung ano man ang sinabi niya. Umiling ang babae at nanatiling nakatayo sa harap ng table nila Creed.
My God! Nakakawala ng class ang ginawa niya. I would never do that. Ano ba ang mapapala niya sa ginawa niya? Wala naman kung hindi ang mapahiya sa harap ng marami, lalo na mukhang walang pakealam si Creed.
"You know who is she?" Tanong ko kay Lucille ngunit hindi tinatanggal ang tingin sa babae.
"That's Cerys, I think she's crazy and obsessed with Creed. Balita ko ay tinatakot niya ang mga babae na nagkakagusto kay Creed. Yung iba natatakot, yung iba naman walang pakealam."
"You knew a lot about her." I commented.
"Duh! She's famous because of her obsession with Creed and its creepy, asa naman siya na papansinin siya ni Creed, e parang bato yung isang 'yon. Kawawa ang mapapangasawa dahil walang emosyon itong si Creed." She even rolled her eyes on me. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na ipinagkasundo ako nila Mommy kay Creed at ako ang mapapangasawa niya.
"She's not that famous, I don't even know her." Simpleng sagot ko dito. I don't know why I'm alarmed when I saw Creed rose up and started walking towards the exit of the cafeteria. Nakasunod sa kanyang likod si Cerys. Napatingin ako sa table na iniwan ni Creed. I saw Archer slowly shaking his head while Astrid looked so embarrassed because of what Cerys did. I can't see Mirae's reaction dahil nakatalikod siya sa amin.
"Let's go." Nagtatakang bumaling sa akin si Lucille.
"What?" Hindi ko na siya pinansin dahil nakita ko na nakakalayo na sila Creed at baka hindi ko makita kung saan pupunta ang mga ito. Agad akong tumayo para lumabas ng cafeteria at kinuha ang phone para kunwaring may ginagawa doon. Medyo mabagal ang lakad ko at ng makalabas ako ay ipinasada ko ang aking tingin sa paligid ngunit hindi ko na sila nakita. Imposible na makalayo agad sila. Ilang ulit ko pang inilibot ang tingin sa mga pathway, sa engineering building dahil iyon ang pinakamalapit ngunit wala talaga. Fuck!
Sigurado ako na maguusap sila. I don't know why I want to know kung ano ang paguusapan nila.
Its been a month since that dinner. Simula noon ay hinahatid at sundo ako ni Creed ngunit bilang lang ang aming paguusap. Kaswal kami sa isa't isa ngunit nananatili ang malamig na ekspresyon nito. Ayoko na may ibang makaalam noon kaya naman kapag malapit na sa University ay nagpapababa na ako kay Creed at naglalakad nalang. Noong una ay tutol siya ngunit wala ring nagawa noong muntik na akong tumalon ng kotse niya dahil ayaw niyang ihinto ang sasakyan. Starting that day, he'll always drop me near our University. Pinapauna niya ako at nakasunod ang kanyang sasakyan sa akin. Sa paguwi naman ay ganoon rin, mauuna akong maglakad para makalayo sa Unibersidad at ang kotse niya ay nakasunod sa akin. Saka lang ako sasakay kapag nakita ko na wala ng estudyante na makakakita sa amin.
"Lavinia!" I turned to Lucille when I heard her calling my name. Umikot ang kanyang mga mata at iniabot ang aking mga gamit. Nakalimutan ko na naiwan ko ito dahil sa pagmamadali na sundan sila Creed ngunit hindi ko rin sila naabutan.
"Bakit mo sinusundan?" She asked. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na ipinagkasundo ako kay Creed.
"Nawala na." Iritadong sambit ko matapos humarap sa kanya.
"Bakit ba kasi?"
"Ewan ko!"
"What the?" She chuckled. "Wala ka bang magawa kaya mo sinusundan? I didn't know that eavesdropping is your thing." Tinignan niya ako ng puno ng paghihinala. "Don't tell me bet mo si Creed?"
"No way!" Sigurado akong hindi! How can you be so sure, Lavinia?
"Bakit mo nga sinusundan?!"
"He's my fiance."
Nahihiwagaan siyang tumingin sa akin. "Oho! Tirik na tirik ang araw nananaginip ka?"
I frowned. "Totoo ang sinasabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko sila sinundan pero siguro ay gusto kong marinig ang kung ano ang paguusapan nila. Isang tingin pa lang ay hindi ko na nagustuhan ang ikinikilos ng Cerys na 'yon."
"You jealous?" Nakangising tanong sa akin ni Lucille.
"No! It's just that, he's my fiance and-" Unti-unting humina ang aking boses ng nakita kung sino ang lumabas sa isang pasilyo sa aming gilid. Nandoon ba sila ni Cerys? Bakit hindi ko nakita?
Nagtama ang aming tingin at hindi ko magawang iwasan iyon lalo na nang naglakad siya palapit sa direksyon namin ni Lucille. Bakas ang pagtataka kay Lucille sa biglang pagtigil ko ngunit agad nitong nakuha ang aking reaksyon at humarap sa kanyang likod kung nasaan si Creed.
Creed stopped in our front. "Don't think too much. I just talked to her to clear things out, nothing more." Fuck! Narinig niya ang sinabi ko!
"A-ang bilis naman." I stammered. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naisagot ko.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Sa huli ay nagkibit balikat ito at nagsimula ng maglakad paalis. Nilagpasan ako nito na para bang walang nangyari.
"Totoo nga?" Lucille asked ng makalayo si Creed. Hindi pa ako nakakasagot ay lumabas na si Cerys sa kaninang pinanggalingan ni Creed at puno pa rin ng mga luha ang kanyang mga mata.
Parang hindi kami nito nakikita dahil nasa malayo ang kanyang tingin. Ilang segundo itong nakatingin sa papalayong bulto ni Creed bago tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa kabilang direksyon.
Is she that desperate? Ano bang nakita niya kay Creed? He looks like a walking stone because of his attitude. Napakalamig at tila walang emosyon.
Napalayo na ako sa Unibersidad ngunit wala pa rin ang kotse ni Creed. I saw his car on the parking lot but he's not there. Sa loob ng isang buwan ay laging siya ang nauuna lumabas at hinihintay ako sa parking lot upang makasunod sa akin ang kotse niya. Ngayon lang ang ako ang naunang lumabas. Hindi ko na siya hinintay at sinimulan na ang paglalakad. Siguro ay natagalan lang siya sa klase. I don't want to call my driver dahil paparating na rin naman si Creed.
Tama nga ako ng ilang sandali ay may pamilyar na kotse na huminto sa aking unahan. I was about to walk towards the passenger's seat when Creed came out of the car, frowning.
"Why didn't you wait for me?" Salubong nito sa akin. "What if something bad happens?"
"I'm safe and I can handle if something happens." I casually said as I walked near the passenger's side of the car.
Nakasunod sa akin si Creed para siguro pagbuksan ako ng pinto ngunit naunahan ko siya. I frowned when I saw Mirae seating on the passenger's seat. Agad tumaas ang kilay nito sa akin.
"Mirae." Creed called her as he gestured the back seat.
"Nandito na 'ko bakit palilipatin mo pa ako?" She snarled. Diretso ang tingin nito kay Creed na nasa aking likuran.
Hindi na ako nakipagtalo at dumiretso na sa back seat. I saw Creed smiling while shaking his head on Mirae. Nakita ko pa na pinitik ni Creed ang noo ni Mirae bago nito isinarado ang pinto.
Matapos akong ihatid ng dalawa ay agad na nagpaalam si Creed dahil nagpapasama si Mirae sa kung saan na hindi niya matanggihan. Sabi niya ay wala raw ibang sasama dito kung hindi siya dahil ang isa nilang kaibigan ay busy sa med school. Hindi ko naman din kinukwestyon ngunit kusa niyang sinabi sa akin iyon.
I entered our mansion and I was confused when I saw no one inside. This is unusual, laging sumasalubong sa akin si Mommy sa paguwi ko ngunit ngayon ay wala. Maybe Daddy is still in the office kaya wala rin.
Dumiretso ako sa kitchen dahil alam ko na naroon si Manang Siling at hindi ako nagkamali ng makita ko siya roon. Naghihiwa ito ng mga gulay ngunit ang tingin ay nasa malayo.
"Where's Mommy?" I asked. Para itong natauhan sa malalim na iniisip at gulat na napatingin sa akin.
"N-nasa ospital, sa Alterio Hospital." She stammered. Fuck! What happened, Mommy?
"What? What happened?"
"Ang L-lolo mo at si Sir nasa ospital. Hindi ko alam ang nangyari-" Hindi ko na siya pinatapos at agad na umalis para puntahan sila Mommy.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng ganoon kabilis sa ospital, nakita ko nalang ang sarili ko na tumatakbo papalapit kay Mommy.
"Mommy! Anong nangyari?" I hugged her.
"Si Robert at a-ang Lolo mo." Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil sa pagiyak. I can't stand seeing her devastated. Seeing her cry, I felt my tears rolling down my cheeks.
"Shhh, Mommy. They'll be okay." I hushed her at unti-unti naman siyang kumalma.
"K-kritikal ang Daddy mo sa emergency room. Ang Lolo mo, p-puntahan mo. Hindi ko kayang iwanan dito si Robert, anak." Sa gitna ng mga luha ay hindi maiwasan na hindi mapangiti. Mommy loves my Daddy so much. Even though Daddy's not her first love, I know that he'd be her last. Ganoon din si Daddy kay Mommy. The the only difference is, Mommy is Daddy's first and last. Wala itong ibang minahal kung hindi si Mommy, kahit noong mga panahong mahal pa at baliw na baliw si Mommy sa totoong ama ko.
"Mommy, calm down first then I'll go to Lolo. Dad will be alright." I don't know what happened ngunit minabuti ko na muna na hindi na ulit magtanong kay Mommy dahil alam ko na sa estado niya ngayon ay hindi niya ako masasagot ng maayos.
I waited for her to calm down before I went to my Lolo's room.
Naabutan ko ang isang nurse na kalalabas lang sa kwarto ni Lolo. I wiped my tears before finally entering Lolo's room. I saw him lying in bed. Mukhang kagigising lang din dahil hindi pa tuluyang mulat ang mga mata.
"Apo." Mahinang tawag niya sa akin ngunit sapat iyon upang marinig.
I sat on the chair beside his bed and asked. "How are you, Lo?" I can't imagine the high and mighty Armando Amherst being in this situation. He looks so weak and fragile.
"Ayos na ako, Apo." He answered but I'm not satisfied.
"What happened?" Nagaalalang tanong ko
"Amherst." Simpleng sagot ni Lolo at nasagot nito ang lahat ng aking katanungan.
I sighed. "You think we should continue that? We have a company, sapat na iyon sa atin. Let that organization go." Pakiusap ko kahit alam ko na hindi mangyayari ang gusto ko. "For our safety, Lolo. Tigilan na natin. Hayaan nalang natin iyon sa mga Montecillo, maraming pwedeng mamahala sa pamilya nila."
My Lolo slowly shook his head. "Mahalaga sa akin iyon, Apo. Ikaw lang ang aasahan ko sa pamamahala ng Amherst. Please, take my position so I can finally rest. I can finally take my rest."
__________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top