Chapter 9

CHAPTER 9

HINDI ko alam kung anong problema niya. Kanina ko pa siya pinipilit na pumunta sa bilihan ng damit. Siya ang nagpresentang bibili ng damit ko but now halos hilahin ko pa siya dahil gusto na talaga niyang umuwi.

His face was blank. Halos masama ang tingin niya sa mga dumadaan sa gilid namin. Nasa labas kami ng kotse niya. Nakasandal siya doon samantalang nasa harap niya ako, hawak ang damit niya at pinipilit pa din siya.

"Ayaw mo talaga?" He shook his head, still looking away. Hindi man lang ako sinulyapan muna pa kanina.

"If you want then go," he coldly said.

Sumikip ang dibdib. Nasasaktan ako sa simpleng salita lang niya. Binitawan ko ang damit niya kaya napatingin siya doon. Nakita ko pa ang pagdilim ng mukha niya. Masama ang loob na humakbang ako paatras. Ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko.

"Okay fine. Kung ayaw mo ay umuwi kana. Just leave me here, uuwi akong mag-isa." Tumalikod ako at naglakad papalayo sa kanya. Bawat hakbang ko papalayo sa kanya ay siya namang kirot ang naramdaman ko.

Kinuha ko ang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Nyssa na padalhan ako ng pera. Sumakay ako sa tricycle at sinabi na lang sa driver kung saan pwedeng mag-cash out ng pera. Dinala naman niya ako agad. The driver waited to me, dahil na din sinabi ko. After I cash out the money at nagpahatid ako sa malapit na mall, kung saan may bilihan ng mga damit. Dinala ako ng driver sa Unitop. Pagkatapos magbayad ay pumasok na ako.

Nagtungo ako sa second floor. Masayang naghanap ako ng damit. Pinili ko ang mga damit na komportable ako.

"Oh, hey!" Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa harap ko. Mukhang napansin niya iyon. "I'm sorry to surprise you."

Nang tumingala ako para tingnan siya ay nanlaki ang mga mata. Siya ang lalaking nabangga ko kanina. That handsome man. Napalunok ako. Bakit ba kasi mahaba ang buhok niya? Minsan tuloy ay nakikita ko si Giveon sa kanya ngunit mas gwapo siya sa lalaking iyon.

"Ah, it's o-okay." Ngumiti ako sa kanya.

Nilahad niya ang kamay sa harap ko. "I'm Gabriel, you can call me Gab."

Nakangiti ko iyong tinanggap. "I'm Ym-"

"I'm Giveon Baldivia." Nagulat kaming pareho ng malakas na humiwalay ang mga palad naming dalawa.

Giveon hold Gab hand and shake it. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Gab hanggang sa mahinang tumawa ito. Nakangusong pinagkrus ko ang mga kamay ko at tiningnan lang sila.

"Dre, anong ginagawa mo dito?" Natigilan ako sa tanong niya sa lalaking katabi ko.

"You see we're in our date but you fucking ruined it." Sinamaan ni Giveon ng tingin ang lalaki at hinawakan ang braso ko.

Sumulyap naman sa akin ang lalaki bago tumawa. "Oh, I thought you have a girlfriend? Is she Sophia?"

Mukhang natigilan si Giveon doon. Bumuntonghininga ako saka marahas na hinila ang braso ko. Sa harap ko pa talaga pag-uusapan. Napatingin sila sa akin ng humakbang ako paatras.

"You knew each other? I'm not that woman. Do I look like a pretending and stagy woman to you?" baling ko kay Gab.

Tinuro ni Gab ang sarili saka si Giveon. "We're cousin."

Tumaas ang kilay ko at tinitigan ko sila. Bakit ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig nila? Maliban sa pareho sila ng buhok ay pareho ding may kasingkitan ang mga mata nila animo'y inaakit ka sa mga tingin niya.

"Okay then." Palihim kong sinamaan ng tingin si Giveon. At mukhang napansin niya iyon. Lumapit siya at sinilip ang mukha ko. Hindi man lang inisip na nakatingin sa amin ang pinsan niya nang ilapit ang mukha sa akin.

"What? You still mad?"

Sumama agad ang mukha ko. Tinulak ko papalayo ang mukha niya. "Pwede ba? Ilayo mo ang mukha mo?" Tumingin ako kay Gab. "Talaga bang magpinsan kayo? Bakit parang hindi naman? You're good looking while him? Will nevermind." Umirap ako kay Giveon at naglakad patungo sa kabila. Naiinis pa rin ako sa kanya.

"Is she mad?" Rinig kong tanong ni Gab.

"Nakita mo naman na nilayasan ako, of course she is. Damn, this is your fucking fault. Umalis ka na nga." Naramdaman ko ang pagsunod ni Giveon sa akin.

"Sa bahay mo ako matutulog mamaya. Mom and Dad were going in Canada later." Walang hiyang sigaw ni Gab.

"Whatever."

Tumalim ang tingin ko kay Giveon ng mapansin ang pagtingin ng mga naroon sa kanila. Paano'y malalakas ang mga boses nila. Hindi ba sila nahihiya doon?

"What again?" nauubusan ng pasensiya na wika tanong niya.

"Can you lower your voice? Akala ko ba ay uuwi ka? What are you doing here then?" Kumuha ako ng mga t-shirt at short. He tried to stop me nang hablutin ko ang short short pero masyadong mabilis ang kamay ko sa pagkuha no'n.

"Bakit mo kinuha iyon? Ibalik mo. You won't wear that short, Ymee." Imbis na patulan siya ay padabog akong naglakad papalayo.

Nang makita si Gab ay naglakad ako patungo sa kanya. Gulat naman siyang napatingin sa akin. Nang mapatingin sa likod ko ay nakataas ang kamay na humakbang siya paatras. Tumaas ang kilay ko.

"Woah, woah! What do you want?" Lalong umarko ang kilay ko sa kanya. Umirap ako bago kinuha mula sa kanya ang push cart niya saka naglakad papalayo. "What? Hey, that was mine."

Nilagay ko ang mga napili ko at naglibot sandali. Bumili din ako ng undies at other stuff na kailangan ko. Pagkatapos ay nagtungo ako sa counter para magbayad.

NAKAUPO ako ngayon sa salas ng bahay ni Giveon. I'm watching a Chinese drama nang tumabi sa akin si Gab. Umalis si Giveon kani-kanilang dahil may asikasuhin daw siya. Babalik din naman daw agad. Hindi na ako aasa pa, alam ko namang sa bar ang punta niya at doon mag-dadrama.

"Nakita mo ba si Giveon?" Kararating lang nito at agad hinanap ang pinsan niyang baliw.

Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala na magpinsan sila. May hawig nga sila pero talagang ayokong maniwala. Angat na angat ang itsura nitong lalaking katabi ko. Kahit sinong babae ay mapapalingon kapag dumaan ito.

"Bakit hindi mo hanapin sa mga bar? Paniguradong pinagluluksaan pa rin niya ang paghihiwalay nila ni Sophia." Tutok na tutok ako sa panonood habang sinasabi iyon. Nasa exciting part na kasi ako.

"If Sophia is his girlfriend -"

I cut him off. "Ex-girlfriend you mean?" Napataas ang kilay ko tingnan siya.

"Yeah I forgot. Kung ex-girlfriend niya si Sophia, what are you?"

Natigilan ako. Bumuntonghininga at palihim na kinuyom ang mga kamay. "Bestfriend. I didn't expect that you didn't even know. Magkaibigan na kami ni Giveon noon pa, nakapagtataka na wala kang alam. Well ano pa bang aasahan ko sa kanya hindi ba? Sa tingin ko ay hindi niya ako kinikwento sa iba. I'm not Sophia so I guess that's the reason."

"Don't worry I don't even know who is that Sophia. I just knew about her last night, over the phone of course. Because that cousin of mine was sober and called me in the middle of the night. Giveon never talk about any woman thought. And your case is different, noon pa man ay may naikukwento na siya sa amin tungkol sa'yo his bestfriend but I am the one who never listened to him. I'm not a good listener, habang nagkukwento siya ay natutulog ako." And he's so talkative. Hindi ako makasingit sa haba ng sinabi niya.

"Then why are you telling..." Gusto kong pilipitin ang leeg niya bigla.

"Ngayon nagsisisi na ako kung bakit hindi ako nakinig noon, eh 'di sana matagal na kitang nakilala. Sayang naman." Yeah it's sayang talaga.

Tumango ako. "Kung naikwento ka lang din sana niya noon sa akin, eh 'di sa'yo ako nagkagusto." Binulong ko lang ang huling salita. Napailing ako sa tumayo. I need to call the bitches.

Pero bago pa ako makaakyat sa kwarto ko ay bumukas ang pinto sa main door. Eight in evening na at ngayon lang siya umuwi. Tama nga ako at sa bar ang punta niya. Hindi na ba siya madadaan sa pakiusap? I told him not to drink but what happened? He never followed it. Naglasing pa nga ang baliw. What would I do next? Andiyan naman si Gab, siya na lang ang mag-aalaga sa kanya. Kaya imbis na tulungan si Giveon ay derederetso ako sa pag-akyat sa kwarto. Ginusto niya iyan eh 'di kayanin niya.

"What? Ymee, help me with him," rinig kong ungot ni Gab ngunit umirap lang ako at pumasok ng kwarto.

Ilang araw na akong nag-aalaga sa kanya kapag naglalasing. Pwedeng namang magpahinga muna hindi ba? Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa kanya ng mga bawal ngunit siya itong matigas ang ulo at ayaw sumunod. Then fine, I won't stop him anymore. Gusto niyang sirain ang buhay niya dahil kay Sophia? Okay fine then. Bahala na siya sa buhay niya.

Tinawagan ko ang bitches saka kami nag-usap. I told them also my plan na hindi na aamin. Wala din namang silbi kung nagkataon. Wala akong aasahan sa lalaking iyon. Why would I waste my time to people who didn't value my worth, effort and love? Pero alam ko naman na kahit anong paulit-ulit na itatak ko sa sarili ko na ayoko na ay alam kong mayroon pang parte sa puso ko na umaasa na makakalimutan niya si Sophia at mahalin din ako pabalik.

Pero sino bang niloloko ko? Kahit kailan hindi magkakagusto si Giveon sa akin. For him para lang niya akong kapatid. Iyon ang sanabi niya noon sa akin. Kapatid lang ang turing niya sa akin. Masakit, sobrang sakit na halos ayoko na lang na pansinin siya, lumayo at kalimutan siya.

"Good morning!" nakangiting bati ko sa mga nakakasalubong ko kinaumagahan.

"You're happy, huh. Alam mo bang ilang ulit na kitang tinawag sa kwarto mo kagabi?" Ang nakabusangot na mukha ni Gab ang sumalubong sa akin pagtungo ko sa kusina. "I sleep here hindi dahil para gawin niyong tagaalaga ng baliw na iyon."

Ngumisi ako sa kanya at umupo sa harap niya. "He is your cousin right? Then it's your responsibility to do it not me. Ilang araw na akong nag-alaga diyan, ayoko na." Nagsimula akong kumain ng hindi pinansin ang pagtigil nito sa pagkain para lang titigan siya.

"Eyes off, dude."

Sabay kaming nagulat ni Gab ng may nagsalita sa likuran ko. Lumakas ang tibok ng puso ko. Nagwawala na naman ang mga paruparo sa tiyan ko. Umiling ako at muling kumain.

"Ymee?" I didn't answer him. Mabulok sjya. "I won't do it again then."

"You always said that to me, pero ano may nagbago ba? May sinunod ka sa sinabi mo? Wala. Kaya don't told me about that, masyadong hindi kapani-kapaniwala."

R.P.I | REDPOISONINK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top