Chapter 8

CHAPTER 8

NAGISING ako mula sa pagkakatulog dahil sa isang malakas na tonog na nagmula sa cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin. Tinakpan ko ng unan ang tainga ko.

"Please stop!" inis na sigaw ko na animo'y naintindihan nito ako.

"Make it stop, Ymee." I heard someone talk.

Iyong antok ko parang bigla na lang nawala. Lumakas ang tibok ng puso ko. Para akong nabingi. Nang igalaw ko ang paa ay may nasangga akong mainit na bagay. What is it? Hanggang sa napaupo ako sa kama at iyon ang ginamit ko sa panghampas. Hindi ko na naisip kong saan matatama ang unang hawak ko. Sumigaw ako sa takot habang nakapikit ang mga mata.

"Ouch! What the hell? Damn, Ymee!" And I heard someone cussed. Ngunit agad akong natigilan ng mabosesan siya.

Giveon? Unti-unti kong iminulat ang mga mata. At natuon iyon sa kaharap ko. I saw Giveon sitting while covering his face using his arms. Nakangusong ibinaba ko ang unan.

"Ano bang problema mo?" masama ang mukhang tanong niya.

"Bakit ka nasa kwarto ko?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nagpaalam ako sa'yo kagabi na dito matutulog. You said yes so I slept here. Did you forget it?"

Pumayag ako? Did I? Hindi ko naalalang nagpaalam siya. I'm not drunk so I would know and remember it. Hinampas ko siya sa braso na kina-aray niya.

"I didn't remember anything, Veo. I'm not drunk so dapat ay naalala ko pero hindi!" istirikal ko. "Ang manyak mo! Isusumbong kita kay Tita!"

"What? Anong isusumbong mo? Parang unang beses na tayong natulog na magkatabi ha? Lagi kaya tayong magkatabi noon. Mom know that already kaya hindi mo pwedeng sabihin iyan." Ngumisi siya at muling nahiga. He cover his eyes gamit ang mga braso niya.

Inis na napapadyak ako. Ang inis na dala-dala ko hanggang sa pagligo. Paglabas ay andoon pa din siya, sa tingin ko ay tulog na ulit dahil naririnig ko ang paghilik niya. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. I saw manang and other maid in there.

"Good morning!" Umupo ako at hinanda naman nila ang pagkain ko.

"Damihan mo ang pagkain. Ang payat-payat mong bata ka." Napanguso ako sa sinabi ni manang.

"Tumataba na nga po ako." Umiling lang ito sa 'kin na lalong kinanguso ko.

"Morning."

Isang bagong gising na boses ni Giveon ang narinig ko mula sa aking likuran. Nagising agad siya? Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko ngunit isinawalang bahala ko iyon.

"Sungit," rinig kong bulong niya.

Agad akong napatingin. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang mga kilay ay nakakunot. "What?"

Napatingin sa amin si Manang kasama ang ibang maid dahil sa paglakas ng boses ko. I pinched him then continue eating. Kailangan ko pang kausapin ang apat tungkol sa pag-amin ko. Do I need to take it slow? Pero ayoko nang mas lalong tumagal pa itong pagtatago ko.

"Eat this. Also this. Here. Ito pa." Natigil ako sa pagkain dahil sa sunod-sunod na paglagay niya ng pagkain sa plato ko.

Nang matapos niya lagyan ay napatitig lang ako doon sa plato ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kong maiinis ako o matatawa sa ginawa niya. Nang balingan ko siya ay inosenteng nakatingin siya sa akin at ngumiti ng matamis.

"Seryoso ka ba? Kung sa'yo ko kaya ipakain ito?"

Ngumiwi siya. "It's for your own health."

Wala na akong magawa kundi ang kainin iyon. Lalo pang sumama ang mukha ko nang dagdagan ni Manang ang kanin ko. Kaya pagkatapos ay busog na busog ako, halos hindi na ako makatayo sa kinauupuan ko.

"You okay?" natatawang tanong ng hinayupak.

"Nakakainis ka!" Hinampas ko siya sa braso. "Lumayo ka nga muna. Baka hindi ako matunawan."

Natatawa pa din siya nang lumayo sa akin. Pinagtutulungan nila ako. Hindi ko ito matatanggap. Akala ko ay kakampi ko si Manang pero nagkamali ako. Ngumuso ako nang bigyan ako ni Manang ng gatas.

"Busog na po ako."

Ginulo niya ang buhok ko saka matamis na ngumiti. "Kailangan mo iyan. Paniguradong ipapasyal ka ng alaga ko at baka'y sa hapon pa kayo makakauwi."

"SAAN mo na naman ako dadalhin? Ayoko na doon sa bar, Veo. Hindi ka iinom, sinasabi ko sa'yo." Dinuro ko pa siya. Nasa kotse na kami at kasalukuyang bumabyahe patungo sa kung saan.

"Pupunta tayong San Jose," sabi niya habang nakapokus ang paningin sa harap.

"Malayo ba iyan?" Tumango siya. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Nyssa.

Hindi naging boring ang byahe dahil sa kwentuhan naming lima. Mabuti na nga lang at kompleto sila kaya sobrang ingay namin. Nakita ko pa ang pag-iling ni Giveon habang tumatawa, nakikinig sa usapan namin.

"Kailan ka ba uuwi?" tanong bigla ni Seham.

Natahimik ako. "Dalawang araw pa lang ako dito, miss mo na ako agad?" Ngumisi pa ako.

"What? I'm just asking, bitch. Of course I'm not."

"May 'Of course' na may 'I'm not' pa. It's fifty-fifty, huh?" Tumawa ang tatlo kaya tumawa na din ako. Inasar namin si Seham, hanggang sa tumigil ang sasakyan ni Giveon ay ganoon lang kami.

"Turn it off. Mamaya na iyan, hmm?"

Sinunod ko na lang siya. Nagpaalam ako sa apat then I walk by his side. Sabay kaming pumasok sa loob ng isang malaking gusali. Agad na tumambad sa akin ang maraming tao. Nasa Robinson kami ngayon. Iyon ang nakita kong pangalan sa labas kanina.

"Bakit naman tayo nandito? May pagkain ba dito?" Nagutom ako sa pakipagkwentuhan kanina.

Umiling siya kaya lumaylay ang balikat ko. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sabay kaming sumakay sa escalator. Hindi ko alam kung saan talaga kami pupunta kaya sumunod lang ako sa kanya. Napapansin kong may napapalingon pa sa kanyang mga babae. Harapang ituturo si Giveon at sabay na kikiligin.

Sa sobrang inis ko sa kanila ay lalo akong lumapit kay Giveon. Nagtatakang yumuko naman siya sa akin. Sandali itong sumulyap sa paligid bago ako akbayan.

"Boys are looking at you. Tsk, you're wearing short again. We will buy your clothes later. And I'm the one who choose this time." Lalo niya akong hinigit sa katatawan niya. Naamoy ko tuloy ang pabango niya.

Napailing-iling nalang ako ng maramdaman ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko. "Ayoko. I don't like the clothes you're choosing, Veo. Nagmumukha akong matandang dalaga sa mga pinipili mo."

"Bakit hindi ba?" nakangisi niyang wika.

I hit his arms and tug his left ear. As if those hits would hurt him. He giggles then holds me on the waist. Tumigil kami sa paglalakad.

"Lagot ka sa 'kin mama-" Natigilan ako sa aking nakita. National Bookstore. Iyon ang nabasa kong nakasulat sa taas. Napatingin agad ako kay Giveon.

"I know you're bored sometimes so..." Nginuso niya ang mga istante ng libro.

Napangiti ako. Hinila ko agad siya papasok at dumeretso kami sa istante ng mga libro. "I'm so excited."

"Kunin mo kung anong gusto mo. I'll pay."

"Babayaran na lang kita pagdating sa Manila," saad ko habang pumipili.

Umiling siya. "Nah, it's okay."

Kumuha ako ng Temptation Island ni Cecelib. Nakasunod lang naman si Giveon. Siya ang pinapahawak ko ng iba. Then nang mapunta ako sa dulo ay natigilan ako. I saw a purple cover. Iyon ang nagpaagaw ng atensiyon ko. Tinungo ko ito at kinuha ang isa doon. Obscenity Of Memories? The cover was glitter that make it more great. I read the blurb on its back.

"Oh, I like this. Why won't we buy this too? I want to know what is the reason why her memories coming in when she went back in Philippines. Make it two, Ymee." Napalingon ako sa kanya ng magsalita siya. He's also holding the book with a purple cover.

"Magbabasa ka din?" takang tanong ko.

"I'm curious so yeah."

Pagkatapos naming pumili ay nagbayad na kami sa counter. Then we changed our location. Nagpunta ulit kami sa isang mall. Kumain kami sa Jollibee.

"Messy eater." Tumigil ako sa pagkain ng spaghetti dahil sa sinabi niya. Nang i-angat ko ang paningin sa kanya kasabay no'n ang pag-angat din ng kanyang kamay patungo sa mukha ko. He wipe the sause in my lip side.

A sly smile on my lips appeared. Rapid beating of my heart I felt nang dalhin niya ang hinlalaki sa labi niya. Napaiwas ako ng tingin.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami agad ngunit nasa exit na kami ng may nabangga ako. Agad akong yumuko.

"Sorry!"

I didn't heard a answer kaya tumingala ako. Napaawang ang labi ko ng makita siya. Ni hindi ko maalis ang paningin sa kanya. Nang tumaas ang sulok ng labi niya ay napaatras ako. He's so handsome, iyon ang alam ko. Mahaba din ang kanyang buhok ngunit hindi ito nakapusod tulad ng kay Giveon. He has a pointed nose. Singkit ang mga mata niya. He's wearing a all black clothes. Mula sa damit hanggang sa sapatos niya. May backpack itong dala sa isang balikat niya.

"It's okay, miss."

Napakurap ako. Kahit ang boses ay napaka-sexy pakinggan. Nagkatitigan pa kaming dalawa. Alam kong namula ang pisngi ko. Kung siya ang kaharap mo ay baka tumalon ka pa sa sobrang kilig. Kahit si Giveon ay nakalimutan ko dahil sa kanya.

"Let's go." May mainit na braso ang pumulupot sa baywang ko.

"Sandali lang," wala sa sariling wika ko, nakatingin pa din sa lalaki.

Narinig ko ang pagtawa nito kaya lalo napaawang ang labi ko. Tao ba talaga siya? Lalong humigpit ang magkakahawak ni Giveon sa akin. Sinulyapan ko siya.

Giveon's face darkened from what I've said. For a moment, he looks murderous and that scares me a little. Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin sa lalaking kaharap. Bigla tuloy akong nahiya dahil baka isipin nito na ayaw niya pang umalis ay dahil dito.

"Sorry ulit." Hinila ko na si Giveon palabas.

Sino iyon? Muli akong lumingon, at nakita ko siyang nakatingin din sa amin ...o sa akin lang. Nakita ko ang muling pagtaas ng sulok ng labi niya kasabay ng pagkaway niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Tsk! Why are you blushing?" asik ni Giveon nang makita iyon.

Nagulat ako. Hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "M-Mainit kaya namumula iyan."

Suminghap siya. Pinisil ang baywang ko. "Lets go home. I don't want here anymore."

Binitawan niya ako at naunang maglakad. Napatanga na lamang ako. Anong nangyari doon?

R.P.I | REDPOISONINK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top