Chapter 7

CHAPTER 7

HABANG pauwi ng bahay ay hindi ko nilulubayan nang masamang tingin si Giveon. Naiinis pa din ako. Hindi ko maiwasang sapakin siya nang makita ko ang ngisi sa labi niya.

"Sige inisin mo pa ako at talagang ibabalik kita doon sa ex-girlfriend mo!" singhal ko.

Agad nawala ang ngisi sa labi niya kasabay ng pagwala ng emosiyon sa mukha niya. Kumuyom ang kamay ko. He's still hurting.

"Stop mentioning her!"

"Did I? I didn't mention a name, Veo. Sa tatlong naging ex mo iniisip mo ba na iyang panghuli mo ang tinutukoy ko?"

Natahimik siya. "Kung hindi siya then who?"

"It was Bianca." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang baliw na iyon?" Naalala pa niya.

Sino ang hindi makakaalala sa babaeng iyon? Sa naging ex ni Giveon siya lang iyong nabaliw dahil sa pag-iwan ni Giveon. Baliw na baliw iyon sa kaibigan ko kaya sa huli ay natuluyan nga. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niyang kidnapin si Giveon at ipabugbog ako sa mga kaibigan niya. Akala kasi nito noon na kaya siya hiniwalayan ni Giveon ay dahil sa akin. Hanggang ngayon ay nanginginig pa din pa ako kapag naalala ang nangyari noon.

She's desperate kaya kung hindi agad nakarating ang tauhan ni Daddy at ang mga pulis ay baka nakatali na si Giveon ngayon sa babaeng iyon. She planned na ipakasalan si Giveon sa kanya.

"Oo, hindi ba't minahal mo din iyon?" Napangisi ako nang makita ang pamumutla niya.

"What the hell, Ymee‽"

Umirap ako at tinalikuran siya. Bago iyon ay napatingin ako kay Manang na pinalipat ni Giveon kanina sa harap. Nakita ko ang natatawang mukha niya. Napanguso ako.

"Manang, magluluto ka po?" Pagbaba ng kotse ay sumunod ako kay Manang at hinayaan si Giveon.

"Oo, iyong paborito niyong dalawa ang lulutuin ko."

Napangiti ako. Susunod na sana ako sa kanya sa kusina ng hawakan ako ni Giveon. Inis na nilingon ko naman siya.

"Bakit galit ka? Ano na namang kasalanan ko?"

Nagtanong pa. Jerk! "Hindi ako galit!" Pero masama ang tingin ko sa kanya at pasinghal kong sinabi yon.

"Okay?" Lalo pa akong nainis sa sinagot niya. Hindi ko napigilan ang kamay kong hampasin siya sa braso. "Okay, fine. You're mad, then what I need to do?"

"Buy me a phone."

Tumitig siya sa 'kin. He cross his armed afterward. "I'll buy you later."

"I want it now, Veo." Pumadyak ako sa harap niya kaya supladong umiwas siya ng tingin.

Akala ko ay ipipilit niyang mamaya pa. Lumawak ang ngiti ko ng sabihin niyang aalis kami at bibilhin ang gusto ko. Nagpaalam muna kami kay manang na lalabas lang at babalik din agad. Tumakbo ako patungo sa kotse. Dinala niya ako sa isang mall, malapit lang iyon ng bahagya sa bahay. He buy me a brand new phone kahit na ilang ulit ko nang sinabi na ang mumurahin lang dahil pagbalik sa Manila ay hindi ko naman na magagamit pa. But he insisted so I didn't do anything about it. Bumili na din kami ng bagong sim card.

Habang pabalik ng bahay ay tinext ko si Nyssa na iyon ang numero ko. Ilang minuto bago ko siya tinext nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko dahil sa magkasunod na mensahe galing sa mga bitches.

Napasulyap si Giveon sa akin. Kunot ang noo niya. "Tsk! Wala pang isang oras ng binili natin iyan pero may ka-text kana."

"Mga kaibigan ko 'to. At anong silbi ng pagpapabili ko sa'yo nito kung hindi ko gagamitin? Ano pang display ko lang gano'n?" Tinarayan ko ulit siya na kinasimangot niya.

Pagdating sa bahay ay kumain din kami ngunit umalis ulit kami ni Giveon. Patungo kami sa isang bagong bukas na bar sa Culasi. Aka niya ay kakabukas lang nito ng isang linggo.

"Kakainom mo lang kagabi tapos iinom ka na naman ngayon?" I confusedly asked when he order a alcoholic drink for him and juice for me.

Hindi niya ako hinayaan na um-order dahil alam niyang masasabayan ko siya sa inuman. Pareho naman kaming mababa ang alcohol tolerance. Paniguradong bagsak kaming pareho kapag uminom din ako.

"Just for today, Ymee."

"Kapag nalasing ka mamaya ay iiwan kita dito. Huwag kang umasang tutulungan kita. Ang bigat-bigat mo akala mo ba!"

"Then call my driver."

Nagkibitbalikat ako at tumango lang. Pagkarating ng order ay agad niyang tinunga ang alak na para bang tubig lang 'yon. Ako naman ay nakipag-text sa mga kaibigan ko habang nagbabantay sa kanya. Nang naging busy ako sa mga kaibigan ko ay huli ko na naramdaman ang paglapit ng isang babae.

"Hi, handsome!"

Nagtaas ako ng tingin at nilingon siya na nasa gilid ni Giveon. Hindi naman siya pinansin nitong lalaking katabi ko, sunod-sunod na tumunga ng alak animo'y hindi narinig ang pagbati ng babae sa kanya.

Loyal iyan kay Sophia niya.

Pinatay ko ang cellphone at nangalumbaba sa babae. Mukhang hindi naman niya ako napansin. Pwede naman niyang kausapin huwag lang hahawakan o hahalikan at talagang magkakagulo kami dito.

"Are you alone? Pwede kitang samahan -"

"Leave me alone. May kasama ako." Umirap ako kay Giveon ng sulyapan niya ako.

Hindi man lang tumingin sa akin ang babae kaya tumaas ang kilay ko nang magtanong siya sa lalaking ito.

"Where is he?" So, lalaki na ako ngayon?

Tumaas ang sulok ng labi ni Giveon ng muli na naman niya ako sulyapan. Hindi ko maiwasang bumaba sa upuan ko. Natatawang tumango si Giveon sa akin, sinasabi na ako na ang bahala. Hindi talaga siya maiistorbo sa pag-inom niya.

Sinamaan ko ng tingin ang babae. "Hayop ba ako sa paningin mo, girl? Sa ating dalawa mukha ka pang lalaki eh. Ano pabulag-bulangan ka? Kung tusukin ko kaya iyang mata mo ng tuluyan ka ng hindi makakakita?" mariin at may katarayan na wika ko.

Napatingin siya sa akin. "And who are you?" pilit na pilit ang English niya.

Hindi ko alam pero nainis ako lalo nang makita ko ang itsura niya. I'm not fan of make ups and colors pero sa nakikita ko masasabi kong hindi niya ginagamit sa tama ang mga iyon. Lalo niya lang pinapanget ang mukha niya. Hindi bumabagay ang ginamit niyang kulay sa mukha niya. She's using pink make at makapal iyon. She used a thick and long eyelashes. Kulay itim pa na may kulay pula ang lipstick niya. She also put some glitters sa mukha niya. Dahil kayumangi ang kulay niya nakikita iyon.

Bumaba ang tingin ko sa damit niya. Halos matumba ako dahil sa suot niya, bigla akong nahilo kahit hindi naman ako uminom. Napahawak ako sa braso ni Giveon at napahawak sa ulo ko. Tumingin sa akin si Giveon na may pag-alala.

"You okay?" he asked.

Napainom ako ng juice. Itinuro ko ang babae sa kanya. "Damn! Paalisin mo iyan sa harap ko. Baka mahampas ko 'tong basong hawak ko. Sumasakit ang mata ko sa damit niyang hindi ko alam kung saan nagkulang at sumubra sa silaw."

Nakita ko ang panlalaki ng mata ng babae. Bago pa siya masabihan ni Giveon ay umalis na ito. Pinaupo niya ako. Natatawang tiningnan bago muling pinagpatuloy ang pag-inom.

"May mga badoy din naman sa Manila pero bakit sumubsob sa kabaduyan ang babaeng iyon?" namomoblema na wika ko.

I heard him laugh again so I pouted my lip. Hindi ko na siya kinausap. Muli aking nangalumbaba at inalala ang itsura kanina ng babae. Inis na inis akong uminom ng juice. Nakailang baso na din ako no'n bago tiningnan si Giveon na tingin ko ay lasing na lasing na. Bumaba ang paningin ko sa baso niyang napuno na ng alak.

"Tama na nga kasi!" Inis na kinuha ko mula sa kanya. Mataray na nilingon ko ang bartender. "Pwedeng huwag mo na siyang bigyan? Ako ang mahihirapan dito Kuya, hindi ikaw."

Namumungay ang matang tiningnan niya ako. Nang ngumisi siya ay agad ko siyang sinapak. Agad na tinawagan ko ang driver niya. Habang naghihintay dito ay pilit ko na nilalayo ang mga alak sa kanya. Napapatingin na din sa amin ang mga tao dahil nga nakikipag-away pa siya sa akin para lang sa alak niya.

"Ymee, gave it back to me."

"Kapag binigay ko ito sa'yo, bukas huwag mo akong kakausapin ha?"

Natigilan siya. Then he pout his lips to me. Nagpapa-cute siya. "That's unfair."

I rolled my eyes. Anong unfair doon? Umiling-iling ako. Inis na binagsak ko sa harap niya ang baso niya. "Ayan na. Sinasabi ko sa'yo, huwag mo akong kakausapin bukas Giveon Baldivia."

Pinagkrus ko ang mga braso ko. Hindi ko mapigila ang pagngisi nang makita ang pagpalit-palit niya ng tingin sa baso na iyon at sa akin. Hanggang sa tumaas ang kamay niya pahawak sa baso. Bagsak ang balikat na umiwas ako ng tingin.

"You're so unfair." Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. Tinulak niya papalayo sa kanya ang baso. "Damn, fine! I won't drink anymore."

Sumilip ang ngiti sa labi ko. Tumango ako. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Sapat na sa akin na kaya niyang hindi uminom muli dahil sa sinabi kong huwag akong kausapin bukas. That was enough for me now.

"Tumayo ka ng maayos, ano ba!" Hinampas ko siya sa braso nang alalayan ko siya patungo sa kama niya.

"You're so thin, Ymee."

"Alam ko iyan kaya pwede ayusin mo ang sarili mo? Ang bigat mo!" singhal ko bago siya padarang na binitawan pahiga sa kama niya. Hindi ko maiwasang mapapadyak sa inis. "Kung hindi lang kita mahal ay baka matagal na kitang iniwan."

"Sophia... Sophia..." Paulit-ulit niya iyong binubulong na nagpakirot ng puso ko.

Kada lasing talaga ay ang babaeng iyong ang hinahanap niya. Starting tomorrow sisiguraduhin kong hindi kana iinom. I won't let you hurt me this much again. Tama na ang ilang taong pagtitiis ko ng sakit na ito. I decided that I will confess, wala na akong pakialam kung iiwas ka man sa 'kin. Ayoko na muling magtiis pa sa sakit na pinaparamdam mo.

R.P.I | REDPOISONINK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top