Chapter 23

CHAPTER 23

PINATILI kong seryoso ang tingin ko kay Giveon pagkatapos ng sinabi niya. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko pero ayokong ipahalata na naaapektuhan ako sa kanya. We need to talk, we need to settle this for once. Kapag sinabayan ko pa ang sinabi niya ay baka hindi na kami makapag-usap pa. Alam kong hindi lang halik ang pagsasaluhan namin ngayon pa na ilang buwan din kaming hindi nagkita.

“Mag-uusap ba tayo o maglolokohan na lang dito?” Kunot ang noong tumitig ako sa kanya.

Nakita ko ang pagnguso niya. Sa tagal kong pagtitig sa kanya ay doon ko lang talaga napansin na may nagbago sa kanya. Bumaba ang paningin ko sa katawan niya at doon ko napansin na lalong lumaki ang katawan niya, pumuti siyang lalo at nagdagdagan ang taas niya. Mas lalo din siyang gumwapo. Lihim akong napangisi.

“Ang seryoso mo.” He sat down beside me at hinarap ako. I feel his hand crawled onto mine. Mahigpit niya iyong hinawakan. “Ask me anything you want. Tell me the reason why you leave me without saying a word. What i did wrong—”

“What you did wrong? Seriously, Veo? You really asking me that?” sarkastiko akong tumawa ng bahagya. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko ngunit hindi niya hinayaan na mabawi ko iyon.

“Yes, Ymee. Dahil nagtataka ako, nalilito kung bakit at kung anong dahilan!”

Sa oras na iyon ay nanumbalik muli ang lahat ng alaala na nangyari noon. Ayokong umiyak ngayon, ayokong magmukhang mahina na naman sa harap niya. Tapos na akong maging mahina. Pero paano kung mapipigilan kung lahat ng sakit sabay-sabay kong naramdaman. I feel my tears in my right cheek so I wipe it immediately by my free hand.

“A-Ang sobrang manhid mo naman, Veo. Sarili mong kasalanan hindi mo alam? Kahit nakakasakit kana ng iba, hindi mo pa rin ramdam!” Natawa pa ako ng humigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. “You're so heartless.”

“Ymee...”

Tumingala ako ng maramdaman ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. “Akala ko noon nagbago kana talaga. Pero lahat iyon akala ko lang. Nakakainis. Nakakainis dahil ang dali kong naniwala sa'yo. M-Magkababata tayo kaya dapat alam ko ang takbo ng bituka mo. D-Dapat alam ko na si Sophia lang ang m-mamahalin mo buong buhay mo. Masyado akong naging marupok na pinaniniwalaan ko agad ang lahat ng pinapakita mo. Akala ko kasi totoo na. Akala ko unti-unti mo na rin akong nagugustuhan dahil sa mga kilos na pinapakita mo. Ang ilusyonada ko din kasi minsan. Lahat ng pinapakita at ginagawa mo ay binibigyan ko ng kahulugan.” I wiped my tears again but he stop me. Pinaharap niya ako at siya ang nagpunas noon. Hindi ako makaangal.

Nakita ko ang kunot niyang noo at ang pandidilim ng mukha niya. Para bang may sinabi ako na hindi niya nagustuhan.

“Si Sophia ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan?”

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Sa haba ng sinabi ko ay ang tungkol kay Sophia lang ang napansin niya. Inis kong winaksi ang kamay niyang nagpupunas sa luha ko.

Nawala ang emosiyon sa mukha ko. “Kung ano man ang dahilan ko ay wala ka ng pakialam doon. Malusog kong pinanganak si Ycob, iyon ang mahalaga.”

Sinubukan kong tumayo ngunit hinawakan niya ang baywang ko at hinila palapit sa kanya. Dahilan iyon para mapaupo ako sa kandungan niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan kong lumayo ngunit masyadong malakas at mahigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko.

“I'm asking you Ymee, si Sophia ba ang dahilan—”

“Oo! Siya ang dahilan kong bakit kita iniwan! Puro ka na lang kasi Sophia! Mas mahalaga sa'yo si Sophia! Lagi mo na lang siyang inuuna na minsan nakakalimutan mo na ang iba! Nakakalimutan mo na mayroon pang ako na naghihintay lagi sa atensiyon mo!” umiiyak na sigaw ko. Lalong kumirot ang puso ko sa sakit na naramdaman. “If you still love her then go to her. Just stop pretending that you care and hurting me like hell!” Nagpumiglas na ako sa hawak niya.

Ngunit hindi ko inaasahan ang pagkilos niya paikot habang dala-dala ako. He pinned me on the bed. He raised my chin to attacked my lips with his glamorous one. Ilang minuto din akong natulala hanggang sa tumigil siya at lumayo ng bahagya.

“Hindi ko na siya mahal, Ymee. Didn't I tell you that before? Tulad ng sinabi mo, kilala mo na ako kaya dapat alam mo din na kailan man hindi ako nagsinungaling sa'yo.” Lalong dumilim ang mukha niya.

“So, bakit mo ako iniwan dito sa bahay noon nang marinig mong nasa hospital siya? You didn't say a word, Veo! Bigla ka na lang tumakbo palabas na akala mo hindi mo ako kasama. You didn't even think what I would feel because of your action. S-Sa sobrang manhid mo, nakakalimutan mo na ang kung anong mararamdaman namin ng anak mo!”

“Ymee, hindi gano'n 'yon. You won't understand—”

“Then ipaintindi mo! Ano akala mo sa akin bata na hindi kayang umintindi?” I shouted in so much frustration.

Bumuntonghininga siya. Dahil malapit ang mukha niya ay nakikita ko inis at pagpipigil mawalan ng pasensiya sa akin. Siya pa talaga ang makakaramdam no'n? Sa lahat ng sakit na naranasan ko sa kanya, siya pa itong inis?

“Sophia is pregnant that time.”

Parang tumingil ang mundo ko sa sinabi niya. My lips hang and I didn't feel if it will back to my face. Hanggang sa unti-unting nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.

Buong lakas ko siyang tinulak. Nang makawala ay agad ko siyang sinampal. Sa sobrang lakas no'n ay napabaling ang mukha niya sa kabila. Lalong bumuhos ang mga luha sa aking mga mata.

"Napakawalang hiya mo! After me, you impregnate her too? O baka siya ang nauna mong binuntis bago ako? Hindi ka ba talaga marunong makun—” Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang muling sakupin ng labi niya ang labi ko.

Hindi  ko gusto ang nararamdaman kong ito. Na kahit galit ako ay hindi ko maiwasang magpadala sa ginagawa niya. I immediately clasped  my hands at the back of his neck and gently bit his lower lips. He groaned and kiss me more. I close my eyes at ninanamnam ang halik na pinagkaloob niya. Nang lumayo siya ay hindi ko binuksan ang mga mata ko.Nakaramdam din ako ng hiya sa sarili ko.

Paano kong sinagot ang halik niya samantalang galit na galit ako sa kanya. Baka isipin niyang hindi ko pa rin siya kayang tanggihan. Na masyado talaga akong marupok pagdating sa kanya.

"For god sake baby, I am not the father of her child."

Agad kong naimulat ang mga mata ko. He is not? And because i am staring at him I saw the amazement and mischievous on her eyes. Manghang-mangha siya habang nakatititg sa akin. Na para bang may sinabi ako na kinamangha niya.

"Then bakit ganoon ka na lang mag-alala sa kanya? Parang takot na takot ka sa pwedeng mangyari sa kanya." I asked confusedly.

Suminghot ako kaya tumaas ang kamay niya sa pisngi ko at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Nasa leeg pa rin niya ang mga braso ko.

"Sophia has a stage 3 brain cancer at mahirap na sa kanya ang pagbubuntis. Hindi siya pinagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya kaya mas lalo siyang nahirapan."

Napatitig ako sa kanya. Hanggang sa maalala ko ang pagkikita namin sa mall. Sa itsura niya ay hindi mahahalata na may sakit siya maliban sa pamumutla ng labi niya at pamamayat niya. Hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin dahil akala ko epekto lang iyon ng paghihiwalay nila ni Giveon.

"But she doesn't looked have a illness..."

"Dahil ayaw niyang ipaalam. Ayaw niyang kinaaawaan siya. Iyong araw na nakita mo kami sa restaurant ay iyon ang araw na nalaman ko ang lahat. Sophia already know about us. Sinabi niya sa akin ang lahat pero ayaw din niyang bumalik ako dahil lang sa sakit niya. Wala din naman akong planong bumalik pa sa kanya but I told her that I'll help her. May pinagsamahan din naman kami. Hindi ko lang inasahan na ang desisyon at ang ginawa kong iyon ang magiging dahilan para iwan mo ako. Hindi ko agad nasabi sa'yo iyon, I'm really sorry." Umawang ang labi ko.

"Pero bakit ikaw? Nasaan ang magulang niya?"

Malungkot siyang tumingin sa akin. Nakikita ko ang awa sa mga mata niya pero sigurado akong hindi para sa akin iyon. Para kay Sophia.

"Nang malaman nilang hindi siya pinagutan ng lalaki ay tinakwil nila siya dahil masisira ang pangalan nila. Tinakwil nila at hindi inisip kung ano ang magiging buhay at mangyayari sa anak nila. Its like they didn't care about her anymore."

Iyong naramdaman kong inggit kay Sophia noon ay biglang naglaho na lang. Hiniling ko noon na ako na lang siya pero hindi. Ayoko palang maging siya.

Ayokong ganoon ang gawin sa aking ng magulang ko. Ayokong mabuntis ng walang ama ang anak ko. Na sa kabila ng sakit ko ay doble-dobleng problema pa ang dumating sa  buhay ko. I can't make it. I can't solve that problem without hurting myself. Kung sa akin nangyari iyan ay baka  sumuko na ako Hindi ako kasing tibay ni Sophia. 

Ang saktan pa lang nga ni Giveon ay parang hindi ko na kaya. Paano pa kaya ang sunod-sunod na problemang dumating pa?

I tried to put myself in Sophia's situation and I feel my heart skipped like hell. Hindi ko talaga kaya. Para akong maiiyak sa nangyayari. Unti-unti akong nakaramdam ng awa sa kanya. Hindi ko na inisip ang naging ugali niya noon.

"H-How is she now?" I asked softly at bahagyang umiwas ng tingin.

"In her seven months she gave birth with an healthy girl." Alam kong pilit ang ngiti niya. Nakaramdam din ako ng kung ano sa dibdib ko.

"And Sophia?"

"Sophia? Sad to say she didn't make it. We tried to convinced her to undergo in surgery but she didn't want to. Mas iniisip niya ang anak niya. Kaya we decided to do it when she gave birth. But we didn't expect that she will gave birth on her seven months. Nang lumabas ang bata ay sumuko na din siya. Ramdam naman namin na gusto na niyang sumuko pero kinakaya niya lang dahil sa anak niya." Dahan-dahan siyang bumangon at inalalayan ako. Niyakap niya ako mula sa gilid.

Para akong natuod dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwang malungkot sa nangyari. Paano na ang bata gayong hindi ito tanggap ng ama nito?

"How about the baby, Veo? Sino ang mag-aalaga sa kanya?" Tumingin ako sa kanya.

Bumuntonghininga siya. "I'll adopt her if you agree."

Nagulat ako. "Bakit kailangan pa ng pahintulot ko? You can adopt her without my concent."

Lalong humigpit ang yakap niya. "Ayokong gumawa ng bagay na pwede nating pag-awayan sa huli. Natatakot ako na baka iyon ang magiging dahilan para iwan mo ulit ako."

Bakit ba siya ganito? Paaasahin na naman ba niya ako?

"You can adopt her, she can be a ate to our Ycob." Tumango-tango pa ako.

"Really?" Hinarap niya ako at hinagkan sa noo. "Thank you, baby."

Hinintay ko na sabihin din sa akin ang tatlong salitang iyon pero umabot na ng ilang minuto pero wala akong narinig. Napanghinaan ako ng loob... nakaramdam ng inis pero habang nakatingin sa mukha niyang masaya sa naging desisyon ko ay nawawala iyon.

He's happy and I think its enough for now.

After we talk ay bumaba na kami. Kahit nakukulangan pa ako sa usapang iyon ay sinantabi ko iyon. Magkasama naman kami sa iisang bahay, we can talk anytime.

"Pupunta si Kuya, Mom?" I asked my mom who's sitting beside me looking intently to my son. Pinapadede ko kasi siya kaya kaming mga babae lang ang nandito sa salas. Parang hindi pa siya kontento mula kanina.

"I think so. Ang sabi niya kanina ay susunod siya. Your father texted him already so don't worry." Ngumuso siya pagkatapos. "Ang gwapo gwapo ng apo ko. Mukhang nagmana talaga sa ama niya."

Mabilis akong napatingin kay Mommy. Narinig ko ang mahinang tawa sa likuran ko kaya napatingin ako doon. And I saw Giveon, nakadungaw sa akin. Pati si Tita ay tumawa din. Sumama ang mukha ko at sumimangot.

"He also look like me, Mom!" I hissed.

"Of course, honey. May oras lang talagang kamukhang-kamukha siya ni Giveon noong bata pa." Tumingin siya kay Tita. "Hindi ba, mare?"

Tumango si Tita at ngumiti ng malaki. "Kung nakita mo na mga picture niya dati ay masasabi mo talagang maraming nakuha si Ycob sa kanya."

Umiling-iling ako. Hindi matanggap ang sinabi nila. Lalong tumawa si Giveon. Alam kasi niyang hindi ako papayag sa ganoon. Pinag-awayan pa namin iyon sa America.

"No, he didn't. Mas marami siyang nakuha sa akin!" angal ko.

"Don't talk back, Mom, Tita. Hindi iyan magpapatalo, mag-aaway lang kayo. Just agree with her," natatawang wika ni Giveon at hinagkan ako sa ulo.

"Ano ba!" asik ko.

Kamukha ko naman talaga ang anak ko.

R.P.I | REDPOISONINK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top