Chapter 21
CHAPTER 21
“SINABI ko na kasi sa'yo na tawagin mo ako kapag may kailangan ka. Ang tigas naman ng ulo mo, Ymee.” Nakangusong nakikinig lang ako sa sermon ni Koa habang nililinis ang basag na baso sa harap ko.
Siyam na buwan na akong nandito sa America kasama niya. Kabuwanan ko na rin. Kaya hito siya at sinesermunan ako dahil nagpumilit akong bumaba ng kwarto ko para kumuha ng gatas. Ayoko naman kasi siyang istorbuhin dahil alam kong pagod siya.
Madaling araw na din kasi siyang umuwi kanina dahil sa dami ng pasyente nila. May naaksidente kasi, sumalpok ang school bus sa isang truck. Ang sabi ay lasing ang driver ng truck. Patay na dinala ang driver ng truck sa hospital at maraming sugatang mga estudyante. Lima ang patay na mga bata pero nakakalungkot pa rin doon sa pamilya ng mga ito.
“I know you're tired, Koa. Kaya ko naman eh, so magpahinga kana doon.”
Umiling siya at ngumisi sa akin. Nakatira ako sa bahay niya dahil iyon ang sinabi ni Daddy at Kuya. Para din na mabantay niya ako habang nagbubuntis. Pabor din naman daw sa kanya iyon.
“Kaya mo? Then bakit nabasag ito?”
Ngumuso ako at bahagya siyang hinampas. “Ginulat mo kaya ako. Are you done na ba? Sige na at magpahinga kana.”
Tumayo siya at nilagay sa basurahan ang mga basag na baso. “And you? What are you going to do? You also need to rest Ymee, hindi ka natulog kanina.”
Hindi nga ako masyado nakatulog kanina dahil sa paghihintay sa kanya. Akala ko kasi kung napaano na siya. Huli ko na din kasi nalaman na may naaksidente pala.
“Huwag mo na nga ako alalahanin pa. Hala sige na mapaghi—Aw!” Lukot ang mukhang napahawak ako sa tiyan ko ng bigla iyong lumiyap sa sakit.
Nag-aalalang lumapit naman siya at hinawakan ang kamay ko. “Are you okay? Masakit na ba ang tiyan mo?”
Hindi ko siya sinagot dahil lalong kumirot ang tiyan ko. Nakangiwing humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Hanggang sa nanlalaki ang matang napatingin siya sa ibaba ko. Yumuko din naman ako para tingnan iyon. May tubig na dumaloy mula sa akin. My water bag broke.
“I think manganganak na ako.” Pinipilit kong maging kalmado.
Walang pagdadalawang isip na binuhat niya ako at mabilis na dinala sa kotse niya. Paulit-ulit niyang sinabing kumalma ako pero siya naman itong hindi kalmado. Humugot ako ng malalim na hininga ng mas lalo iyong sumakit.
“Baby, huwag mo naman pahirapan si Mommy,” wika ko habang hinihimas ng isang kamay ang tiyan ko.
Halos mawalan ako ng ulirat ng lalong sumakit iyon. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa upuan. Mukhang alam na niya kung saan nagmana ang anak niya.
“Damn, Koa! Make it faster! I can't make this, ahh! Masakit!” sigaw ko ng maramdaman kong lalabas na talaga.
Hindi ko na talaga kaya ang sakit na hatid no'n. Hindi niya ako dinala sa hospital na pinagtatrabahuhan niya dahil alam niyang hindi din ako maaasikaso agad doon sa dami ng pasyente. Dinala niya ako sa hospital na malapit lang sa bahay niya.
Pagkarating ay agad nila akong dinala sa delivery room. Gusto ko sanang babae ang magpapaanak sa akin kaso sa lagay ko ngayon ay hindi ko na kayang mag-inarte pa. Gusto ng lumabas ng baby ko. Masyado na siyang atat na makita ang mundo.
“The baby is going to out. Take a breath and push harder, baby. I'll count of three then you need to gave me your strength to push harder.”
Bahagya akong natigilan ng mabosesan ang pamilyar na boses na iyon. Malakas na kumabog ang puso ko. Ngunit panandalian lamang iyon dahil lalong lumiyab sa sakit ang tiyan ko. Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Nagbilang siya ng tatlo pagkatapos no'n ay umiri na ako.
“One more,” he said.
“Ahhhh! Damn you, Veo!” I shouted painfully and push harder. “Ayoko naaa!”
“One more hard push Ymee, our baby was going to out.” Then she tried her best to push really hard. At ilang minuto ay narinig niya ang iyak ng isang sanggol.
Hinang-hina ako pagkatapos no'n. Gusto ko pa sanang tingnan ang anak ko ngunit gusto nang pumikit ng mga mata ko. Pagod na pagod ako. Pakiramdam ko lahat ng lakas ko ay naubos. Tumulo ang luha ko ng maramdaman ang pagbigat ng dibdib ko hanggang sa itaas ng tiyan ko. Dumilim na ang paningin ko pagkatapos no'n.
Nang magising ako ay agad kong nakita si Koa na nakaupo sa upuang nasa tabi ng kama ko. He was texting while smiling. Bahagya akong ngumisi dahil alam ko na agad kung sino ang dahilan no'n.
“H-Hindi ko alam pero ganyan pala ang n-nagagawa ng love sa'yo,” nanghihina pa ring wika ko.
Napaangat siya ng tingin sa akin, nanlalaki ang mata niya. Nagulat pa ng makitang gising ako. Tinago niya ang cellphone saka bahagyang lumapit.
“You're now awake.”
Napalabi ako at nilibot ang paningin ko. “Ang baby ko?”
“Dadalhin siya mamaya dito. Kailangan pa nilang siguraduhin na ayos si baby.”
Tumango ako at tiningnan siya. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin animo'y tinitimbang ang reaksiyon ko. Kinunutan ko siya ng noo.
“Bakit ganyan ka makatingin?” I asked confusedly.
“Alam mo ba kung sino ang nagpaanak sa'yo?”
Natigilan naman ako doon. Hanggang sa napapikit ako dahil sa naalala. Ayokong umasa. Impossibleng alam niya. Pero hindi din naman ako pwedeng magkamali sa oras na iyon. Kilala ko ang boses na iyon.
“The baby is going to out. Take a breath and push harder, baby. I'll count of three then you need to gave me your strength to push harder.”
“One more,”
“One more hard push Ymee, our baby was going to out.”
“Thank you! Thank you for carrying him for nine months, baby. Thank you for giving me a healthy and handsome boy. I'm very proud of you, Ymee Claire. I love you!” As he kissed my forehead before I unconscious.
Bago ako mawalan ng malay ay natinig ko pa ang sinabi niyang iyon. Saktong pagmulat ko ng mga mata ng bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin ni Koa doon. Dalawang nurse ang pumaso doon. Magtataka sana ako dahil ni isa sa kanila hindi dala ang baby ko. Pero natigilan ako nang muling may pumasok.
Napasinghap ako nang makita ang mukha niya. Walang emosiyon siyang nakatitig sa akin habang papalapit, buhat-buhat ang anak ko. Tumayo si Koa at bahagyang lumayo upang bigyan ito ng espasiyo.
Tama nga ako. Kahit siyam na buwan ko ng hindi naririnig ang boses niya ay alam na alam pa din ito ng puso ko. Sa tagal kong nagkagusto sa kanya, paano ko iyon makakalimutan? Kumuyom ang kamay ko habang nakasunod ang mga mata sa kanya.
Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala at sigawan siya. Gusto kong isisi sa kanya lahat ang naranasan kong hirap ng ipagbuntis ko ang anak namin. Gusto kong ipamukha sa kanya na kaya ko. Kaya kong wala siya... kaya naming wala siya sa tabi namin ng anak ko. That we didn't need him anymore.
“Akin na ang anak ko.” Kunot ang noo ko at inangat ang mga braso para kunin ang anak ko.
Hindi naman niya pinagkait ito, dahan-dahan niyang binigay sa akin at umupo sa tabi ko. I didn't look at him. Ayokong masaktan ulit. Alam ko sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin ay naroon pa rin siya sa puso ko. I said I'll move on from him, but I am still here continuing loving him unconditionally.
Niyuko ko ang anak ko. Hindi maiwasang mapaawang ang labi ko, hindi inaasahan sa nakita. Halos mapaluha ako habang tinitingnan ang anak ko. He's so handsome.
Ang kapal kapal ng kilay niya, mahaba ang pilikmata na alam kong minana niya sa ama. Hindi naman ganito kahaba ang pilikmata ko. I trace his nose, nakagat ko ang labi ng maramdaman ko ang taas no'n. Kahit titingnan mo pa lang ay makikita mo agad na mataas iyon. Parehong nasa lahi namin ni Giveon ang matataas ang ilong. Then his lips was small and kissable. Namumula din ang pisngi niya dahil sa kaputian niya. Gusto kong magmura sa saya. Hindi ko inaasahan na ganito kagwapo ang magagawa namin ni Giveon.
“You mean OUR baby,” malamig niyang wika and emphasize the our.
Napaangat ako ng tingin at suminghap sa sinabi niya. Sasagot na sana ako ng nakita ko si Koa na sinenyasan ang isang nurse na lumapit. Taas ang kilay na tiningnan pa niya si Giveon.
“Name of your baby?” Koa asked then looked at the nurse.
I already have a name for my baby. Kaso dalawa ang ginawa ko, at hindi ako makapili. Tumingin ako kay Koa. Dahil minsan ko na iyong sinabi sa kanya.
“What do you like—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Giveon, pero masama ang tingin niya sa akin.
“Aeron Zeeycob Baldivia, that was his name.”
Umawang ang labi ko. Gulat na gulat akong napatitig sa kanya. Ngayon ay masasabi ko ng may alam talaga siya. Pero paano niyang nalaman ang lahat? Ang pangalang isinambit niya ay ang isa sa pangalang pinagpipilian ko. Tanging si Koa lang ang may alam no'n. Even with my family I didn't tell them that. Agad akong napatingin kay Koa pero umiwas siya ng tingin.
“Paano mong nalaman ang pangalan na 'yan?” galit na wika ko.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsenyas muli ni Koa sa mga nurses na lumabas na. Lumabas din siya at iniwan ako dito sa lalaking ito.
Kinapa ko ang sariling nararamdaman ko. Pero ganoon na lang ang pagkabigla ko ng hindi man lang naramdaman ang galit, inis o pagtatampo na naramdaman ko noon sa kanya. Hanggang sa bumaba ang tingin ko kay Ycob, sa anak ko.
Is he the reason why I didn't feel that emotion when I saw his dad? Tanging naramdaman ko lang para sa kanya ay ang malakas na tibok ng puso ko.
“I have my way, Ymee.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Way? Legal ba iyang way mo na iyan?”
Nagkibitbalikat siya at lumapit sa akin. Sobrang lapit na halos idikit na niya ang sarili sa akin. Hindi ko naman magawang kumilos. Maliban sa may kirot pa akong nararamdaman sa ibaba ko ay hawak ko rin ang anak ko.
“We will talk later. I need you to explain why you leave me, Ymee. Why you run away and choose to suffer all alone? Bakit mas pinili mong tumakbo palayo nang hindi natin pinag-uusapan ang kung anong problema mo?” mahinang bulong niya at lumayo sa akin.
Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Muling sumariwa sa isip ko ang huling araw na kasama ko siya. Ang araw na kinakailangan kong sumuko na dahil sa sakit na pinararanas niya. Gusto kong umiyak, ngunit ayaw kong ipakita sa kanya na naaapektuhan pa rin ako.
Tumikhin ako at umiling. “Why do I need to explain it from you? Hindi pa ba sapat na dahilan ang ayoko na? Ayaw na kitang makita at makasama?”
“That's not enough! Hinanap kita, Ymee. Hinanap ko kayo ng anak ko dahil alam kong kailangan niyo ako.”
Tumawa ako at umiling sa kanya. “You're wrong, Giveon. Kaya namin na wala ka. Sa siyam na buwan na malayo sa'yo napagtanto kong hindi ka pala namin na kailangan. Na kaya kong alagaan siyang mag-isa. Kinaya ko ngang dalhin siya ng siyam na buwan na wala ka, ito pa kayang lumabas na siya? We're rich Giveon, kaya kong ibigay ang lahat ng gusto ng anak ko,” seryosong sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagdaan ng emosiyon sa mga mata niya. Natigilan ako habang nakatitig doon. Tama bang sakit ang nakikita ko? O nagpapanggap lang siyang nasasaktan para maawa ako at bumalik sa kanya?
“Alam kong kaya mo, Ymee. Alam kong hindi mo na ako kailangan. Pero ako? Hindi ko kaya at kailangan ko kayo.” Muli siyang lumapit at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinagdikit niya ang noo namin. “Please, sabihin mo kung anong kasalanan ko at maitama ko iyon. Ngayong kasama ko na kayo ng anak ko, ayoko na mawalay pa kayo sa akin. Let's stop the chase, Ymee? Let's go back together and take care our son?”
Nang patakan niya ng halik ang labi ko ay napapikit na ako. Doon ko naramdaman ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Magmamatigas pa ba ako? Mahal ko pa rin naman siya. Pero hindi ibig sabihin no'n na makakalimutan ko ang lahat.
“Then let's stop the chase, Veo. I-Isang chance na lang ito at kapag sinira mo pa ayoko na talaga.”
R.P.I | REDPOISONINK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top