Chapter 19
CHAPTER 19
“BATA pa lang kayo ay gusto na kita para sa anak ko. Naikwento ko iyon noon sa magulang mo. Naalala mo bang pinipigilan ka ng Mommy mo sa pagbo-boyfriend noon? She also want Giveon to be your husband, hija. We decided to arrange marriage you but our husbands stop us. Kasi hindi magwo-work iyon kung hindi niyo naman mahal ang isa't isa. Tapos ito namang magaling kong anak nag-girlfriend naman. Labis din kaming naapektuhan doon.”
“But we let you decided to your life, hindi naman namin pwedeng pigilan at bawalan kayo sa gusto niyo. Naiinis pa din ako dito sa anak ko kapag naaalalang sinira niya ang pinaglalaban kong babae para sa kanya. But I'm happy now kasi magkakaapo na ako at sa'yo pa. But please, you need to be married before my grandchild born. Ayaw naman naming isipin niya na hindi pa kasal ang magulang niya. Pag-usapan niyo ang sinabi ko.”
Nakangusong tiningnan ko si Giveon habang mahimbing na natutulog. Kapag naaalala ko ang sinabi ni Tita kanina ay nawawala talaga ang antok ko. Alas dose na pero hito ako dilat na dilat pa rin. Umikot ako patalikod kay Giveon pero mayamaya ay napaharap ulit ako sa kanya.
After Tita called, hindi naman kami nag-usap ni Giveon. He didn't even mention the marriage things na dapat ay pag-usapan namin. Tumatawang hinila lang niya ako at nahiga sa kama. Saka niya ako tinulugan. Tama ba iyon? Akala ko ba gusto din niya akong pakasalan? Eh ano na? Nakakainis siya. Muli akong umikot at humarap sa kanya.
“Baby, stop moving.” Hinawakan niya ang baywang ko at pigilan sa akmang pag-ikot. “Just sleep.”
“I can't sleep, Veo.” Tumingala ako ng bahagya sa kanya.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Tumingin siya sa orasan at niyuko ako. “Ipagtitimpla kita ng gatas. Stay here and wait for me.”
Bago pa ko magsalita ay bumangon na siya at lumabas ng kwarto. Ilang minuto bago siya bumalik bitbit ang gatas ko. Inalalayan niya akong umupo at pinainom no'n. Hinintay niya akong makatapos bago nilagay iyon sa table sa gilid. Muli niya akong pinahiga at pinahiga sa braso niya. And his another arm encircled to my waist kaya napasubsob ako sa dibdib niya.
Doon ako napahikab. “Good night, Veo!”
“Good night, baby. I hope you would say yes to my proposal soon. I'm in love with you, Ymee Claire.” Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil tuluyan na akong nakatulog.
Kinaumagahan ay nagising akong nag-aayos sa harap ng salamin si Giveon. Mukhang papasok na din siya sa trabaho. Ilang days din yata iyan hindi pumasok eh. Pinabayaan na ang pasyente niya sa hospital dahil may sinusuyo sa ibang bahay. Nakita niya akong gising na kaya nakangiting lumapit siya at hinagkan ako sa noo.
“Good morning, my pregnant florist!”
“Good morning too, my hot doctor!” paos na bati ko. Hindi naman mabaho ang hininga ko sa umaga.
“I already cooked our breakfast.” Nakatitig siya sa akin habang sinasabi iyon.
Ngumuso ako at inangat ang mga braso sa leeg niya. Agad naman niyang naintindihan iyon. Wala siyang pakialam kung malukot ang damit niya, binuhat niya ako pababa sa kusina.
Sabay kaming kumain, pinagsilbihan niya ako. Ngunit habang kumakain ay pasulyap-sulyap ako sa kanya. Ngunit alam kong alam niya ang ginagawa kong iyon dahil nakikita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. Nakalimutan ba niya agad ang sinabi ng mommy tungkol doon sa kasal? Wala talaga siyang planong pag-usapan iyon? Napayuko ako. Hanggang sa matapos kami at umalis siya para pumasok ay umaasa pa din akong babanggitin niya iyon. Bumuntonghininga ako at bumalik sa kwarto.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang mommy ko. Hindi pa nagtatatlong ring ng sagutin niya ito. Mukhang wala siyang ginagawa.
“Good morning, mom!” masiglang bati ko.
Narinig ko ang ingay sa kabilang linya. “Good morning, prinsesa ko!” It was my dad.
Napanguso ako. Kapag ba sinabi ko na kanila magiging ganyan kasigla pa rin ang boses niya? I don't think so dad. Kilala ko ang daddy ko, paniguradong magwawala talaga ito.
“Mabuti naman at tinawagan mo kami. Akala namin ay nakalimutan mo na kami,” nagtatampong wika ni mommy. “Lagi na lang si Giveon ang inuuna mo.”
“Yeah, is he your parents? Hindi ka naman gusto ng lalaking iyon kaya umuwi kana dito!” asik naman ng daddy niya.
I didn't tell them about my feelings for Giveon pero sigurado akong alam nila. Tulad ng sinabi ko ay lahat ng nakapaligid sa akin ay alam ang nararamdaman ko kay Giveon, nagkataon lang talagang manhid ang walang hiyang iyon.
“That's why I called you.”
Natahimik sila. “Uuwi kana?” my mom asked.
“I want to tell you something. It's about us, Giveon and me. Mom, dad...” Kinakabahan ako sobra.
“Bakit pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan itong sasabihin mo, Ymee Claire Peralejo?” seryosong saad ni daddy kaya napalunok ako at lalong kinabahan.
“Dad, I'm sorry po.” Kay daddy talaga ako nagsosorry dahil alam kong tulad lang din si mommy kay Tita.
“What did you do, Ymee Claire? Sinaktan ka ba ng lalaking iyon? Did he kissed you?” He's starting to get mad. He already mentioning my full name. Para akong dinaga, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Anong kiss dad? Hindi lang halik ang ginawa niya, nag-iwan pa nga ng remembrance ang walang hiya sa unang gabi namin. Hindi man lang inulit sa sumunod na araw bago ako taniman. Niyuko ko ang tiyan ko at napanguso. Hindi pa naman halata eh.
“I'mpregnantwithGiveonchildmom,dad.”
Hinintay kong sigawan ako ni daddy ngunit wala akong narinig na malakas na boses. Akala ko namatay ang tawag pero nang tingnan ko naman ay hindi naman.
“Mom, dad?”
“What do you want to tell us, Ymee? Just say it, anak,” wika ni mommy.
Natigilan naman ako. “I already said it.”
“Wala kaming narinig, Ymee Claire. Maliban sa nagsasalita kang mag-isa diyan ay wala na kaming narinig.”
“Ang sabi ko buntis ako sa anak ni Giveon!” malakas na sabi ko na kinatahimik nila.
Ilang minutong katahimikan bago ko narinig ang boses ni mommy na sumisigaw sa saya. Hanggang sa tinawag niya ang pangalan ni daddy na kinakaba ko. Para kasing nag-aalala siya na natatawa.
“Yalter! Jusko namang lalaki ka!”
"Mommy, ano pong nangyayari diyan? Mom?” nag-aalalang tanong ko.
“We will call you later, anak. Nahimatay kasi itong daddy mo. Alam mo naman itong daddy mo kapag nabibigla ay nahihimatay na. Hintayin mo ang tawag namin mamaya dahil paniguradong magwawala itong daddy mo.”
Bumuntonghininga ako. “Sorry, mom!”
Tumawa ito sa kabilang linya. “It's okay, anak! I'm super happy for you and Giveon. Mabuti naman at gumalaw-galaw na din ang batang iyon. Gustong-gusto ko talaga siya para sa'yo. Ngunit importante pa ring maikasal kayong dalawa bago lumabas ang apo ko.” Magkatulad sila ni Tita, parang atat na atat na magpakasal kami.
Paano ang lalaking gusto niyo ay walang planong pag-usapan iyon! Nakakainis siya!
Hanggang sa nagpaalam na siya. Nang tumunog ang doorbell ay napalingon agad ako doon. Giveon? Umuwi na siya agad? Hindi ko maiwasang mapangiti, masiglang naglakad ako patungo sa pinto ngunit agad na nawala ang ngiting iyon ng mabuksan ang pinto.
“Anong ginagawa niyo dito?” nakataas ang kilay at mataray na wika ko. Nag-cross arm pa ako sa harap nila.
“Ang taray naman nitong buntis natin.” Tinaas nila ng sabay ang mga dala nila. “May dala kaming pagkain, ayaw mo? Okay sige uuwi na lang kami.”
Nang akmang tatalikod na sila nang pigilan ko. Bigla kasi akong natakam sa dala nila. Nakita ko kasi ang hawak ni Seham, lalagyan iyon ng ice cream. Para sa akin ba iyon? Did they bought spaghetti too? Napalabi ako at hinila si Seham paloob.
“Sige pasok kayo. Pakilagay ng pagkain doon sa mesa.” Mabilis kong hinila si Seham patungo din sa kusina. Hinablot ko ang hawak niyang plastik at nilapag sa mesa.
“Salamat ha, na-appreciate ko ng sobra ang paghila at pagtulak pagkatapos mong kunin ang dala ko.” Sinamaan niya ako ng tingin saka umupo sa upuang nasa tabi ko. Umupo din ang tatlo sa harap namin.
“Welcome!” I give her a thumbs up saka binuksan ang ice cream. Kinuha ko ang ibang plastik at binuksan iyon then I saw my spaghetti. Namilog ang matang tiningnan ko sila. “You know my craving.”
Ngumiwi sila at nandidiring tiningnan ang paglalagay ko ng spaghetti sa taas ng ice cream. Umirap na lang ako dahil pakiramdam ko ay hindi nila gusto ang pagkain ko.
“Hindi ba sasakit ang tiyan mo diyan? Mamaya ay kami ang pagbintangan ng lalaki mo kahit na siya naman itong nagsabing ito ang bibilhin namin.” Halos hindi makatingin si Leizel ng sabihin iyon.
“Baka bawal iyan kay baby, bitch?” Myna asked.
“Kapag pumangit ang inaanak ko ay magbaback-out ako sa pagiging ninang niyan. Mga magagandang lahi lang tinatanggap kong maging inaanak, bitch.” Seham rolled her eyes at kumuha ng lollipop sa maliit niyang bag.
“Mukhang hindi naman bawal kasi si Giveon naman ang nagsabi nito eh. Doctor kaya iyon,” Nyssa said then smiled at me.
Ngumiti din naman ako pabalik at tumango. Mabuti pa si Nyssa, itong tatlo ang aarte. Masarap naman itong ice cream with spaghetti ko ah. Baka naiinggit lang ang mga ito? Manghihingi lang naman sila eh.
“I don't trust anyone especially that mongoloid. After he hurt our Ymee bitch? Hindi na oy, baka lasonin niya itong babaeng ito. Bakit ka ba naniniwala agad doon Seham, hindi mo ba naisip na baka ipahamak niya si Ymee?” Leizel said with her bitchy tone.
Napailing naman ako. Alam ko namang hindi magagawa ni Giveon na ipahamak ako. At saka ako ang may gusto nitong pagkain eh, kahit si Giveon nga sa tingin ko nandidiri na din sa kinakain ko. Ang sama-sama nila sa pagkain ko.
“Manahimik ka nga, si Ymee ang nag-c-crave nito kaya malamang sasabihin niya sa atin. Wala naman tayong aasahan dito sa babaeng ito.” Sabay turo pa ni Myna sa akin.
“Hindi pa natin malalaman na dito na siya tumutuloy kung hindi pa tayo tinawagan ni Giveon kanina.” Tinaasan ako ng kilay ni Seham.
Tinigil ko ang pagkain at tiningnan sila. “Nagtatampo pa rin ako sa inyo akala niyo ba. Pinabayaan niyo ako sa kanya doon sa bahay. Its also your fault kung bakit wala kayong alam!” Nang bubuka ang bibig nila ng samaan ko sila ng tingin. “Ano? Baka gusto niyong pakainin ko kayo nito?” Tinaas ko pa ang kutsara ko.
Tinikom naman nila ang bibig nila at umiwas ng tingin. Seham and Nyssa get their phone at kunwari nagtetext doon. Leizel get her make-up kit at nag-ayos ng mukha at si Myna? Ngumiwi ako sa kanya. Kumuha kasi siya ng saging sa mesa, binalatan at dahan-dahang sinubo iyon. Mga baliw!
Nanatili sila dito hanggang maghapon. Nang dumating si Giveon ay saka lang sila nagpaalam. Si Giveon ulit ang nagluto ng hapunan namin kahit nag-volunteer naman ako. Alam ko kasing pagod siya pero ayaw naman niya akong palapitin doon.
“How's your day with your friends?” he asked habang pinagsisilbihan ulit ako.
Ngumiti ako ng malawak. “Sobrang saya. Kaya salamat sa'yo, Giveon!”
He smiled and kiss my forehead. Nilagay niya ang makalat kong buhok sa likod ng tainga ko. “Basta para sa mag-ina ko gagawin ko lahat. Bukas ay sa hapon ako papasok. Gusto ko kayong makasama bukas, kahit kalahating araw lang ay ayos na.”
Dumukwang ako at hinagkan siya sa pisngi. “I love you, Giveon!”
Nakangiti akong naghintay ng sagot niya ngunit ngumiti lang siya sa akin at pinatakan ng munting halik ang ilong at labi ko. Nakaramdam ako ng matinding pagkirot sa puso. Namasa ang mga mata at napakagat labi na lang. Bigo akong nagpatuloy sa pagkain.
R.P.I | REDPOISONINK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top