Chapter 18
CHAPTER 18
NANG pumasok kami sa loob ng bahay ay hindi ko maiwasang mapanganga. Hindi maipagkakailang mas maganda ito sa bahay niya. Naglalaro sa puti at itim ang kulay ng buong kabahayan. Dahil na din sa iyon ang paborito kong kulay na lalo akong napahanga. Maganda ang kombinasyon ng dalawa.
“Do you want to see our baby's room?”
Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon. Kwarto anak namin? Mayroon na? Hindi ako nakapagsalita, ngunit agad akong tumango sa kanya. Ngumiti siya at inalalayan ako paakyat sa second floor ng bahay.
“May limang kwarto akong pinalagay sa floor na 'to. The master bedroom, our baby's room, the other one ay kapag lumaki na siya. Then the two room is a guest room. Sa kwarto ng anak natin ay pinakulayan ko muna itong puti dahil hindi pa naman natin alam ang gender ng baby.” Binuksan niya ang kwartong katabi ng master bedroom.
Pagpasok sa loob ay lalo lang akong namangha. Masasabi kong kompleto ang mga kamitan ng baby doon. Mayroon pa itong mini kitchen at playground. May maliit ding ref doon, nang buksan ay nakita ko ang mga inomin nito at kung ano-anong makakain ng mga mata.
“Do you like it?” Naramdaman ko ang mga braso niya sa baywang ko.
Tumango ako. “I don't like it Veo, because I really love it. I can't believe na mayroon na siyang sariling kwarto.” Tumingin ako sa kanya at malapad na ngumiti. Pinakita kung gaano ako kasaya sa pinakita niya.
Inakbayan niya ako at hinagkan sa sentido. “I'm happy that you like it.”
“Kailan mo pinagawa ito? Bakit hindi ko alam? So noon pa lang naglilihim kana sa akin?” I raised my eyebrows to him. Natigilan pa ako ng makitang namula ang tainga niya.
Bahagya siyang lumayo at lumikot ang mga mata niya, animo'y hindi mapakali at nahihiya. “You don't need to know. Damn! I'm just in high school that time, I didn't know what I am thinking.”
Kumunot ang noo ko. Binulong lang kasi niya ang panghuli. Okay? Pinagkibit-balikat na lang niya iyon at nilibot ang buong kabahayan. Nagpaalam siya sa akin na magluluto ng lunch namin kaya nagpaiwan ako sa master bedroom. Iyon daw ang kwarto naming dalawa. Nahiga ako doon ay tumulala lang.
Hindi pa din kasi ako makapaniwala. Parang ang bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang ay nag-eemote pa ako kapag binabaliwa niya ako kapag kaharap si Sophia. Parang kahapon lang nasasaktan at umiiyak ako ng dahil sa kanya. Hindi ko inaasahan ngayon na maging ganito ako kasaya. Sana ay hindi na ito matapos pa. Niyakap ko ang mahabang unan doon ay inalala ang gwapong mukha ni Sawyer habang suot ang pangdoktor na damit. Hanggang sa hindi ko inaasahan na makakatulog ako.
Nagising lang ako dahil sa pag-ayog ni Giveon sa akin. Luto na daw ang lunch nila. Mapungay ang mga matang bumangon ako at nakangusong tiningnan siya. Tinaas ko ang kamay sa kanya.
“Buhat ako.”
Natawa siya bago ako pinangko ng walang angal. Bumaba kami sa first floor at dumeretso sa kusina. Pinaupo niya ako sa upuan, saka pinagsilbihan.
Pagkatapos naming kumain ay pinasok niya ang mga pinamili namin kanina ay dinala sa kwarto ng baby. Hindi niya ako hinayaang tumulong pa.
“Papuntahin ko kaya dito si manang para kapag may trabaho ako ay may kasama ka?” Iyon ang sabi niya pagbaba niya ng second floor, tumabi siya sa akin sa sopa. Hinigit ako para mayakap.
“Huwag na muna, kapag siguro anim na buwan na ang tiyan ko saka na natin siya papuntahin. I can manage myself pa naman.” Nilusot ko ang kamay ko sa damit niya at nilaro ang dibdib niya. I play with his nipple too na hinayaan naman niya ako.
“I have meeting later,” he said.
Tumingala ako. “Anong oras?”
“Three o'clock. Do you want to come with me?”
Umiling ako at humikab. Sumiksik ako sa kanya at pinikit ang mga mata. “Okay, bili mo ako pagkatapos ice cream.”
Hinaplos niya ang buhok ko. “Ice cream? That's it? May iba ka pa bang gusto?”
“I just want ice cream.” He said okay kaya lalo akong sumiksik sa kanya at nagsalita. “Ice cream with spaghetti on top, Veo.”
Hindi ko na alam kung anong naging reaksiyon niya pagkatapos no'n dahil tuluyan na akong nakatulog. Nagising akong nasa kama na namin. Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog dahil pagtingin ko sa labas ng bintana ay madilim na.
“Hindi pa ba siya nakakauwi?” Bumaba ako sa kama at dumeretso sa banyo para mag-ayos.
“Ymee?” Nasa loob ako ng banyo ng marinig ang boses ni Giveon. Binilisan ko ang pagsisipilyo at lumabas ng banyo.
“Nakauwi kana?”
“Kanina pa. I didn't wake you up dahil sobrang himbing ng tulog mo.” Lumapit siya at hinagkan ako sa noo.
“Ice cream?” Hindi siya nagsalita pero inalalayan niya ako patungo sa kusina.
May kinuha siya sa ref at nilapag sa harap ko. Halos kuminang ang mga mata ko ng makitang ice cream iyon at may spaghetti sa taas nito. I yelled and hug him. Agad ko itong sinimulang kainin. And he was just looking at me. May kung anong emosiyon akong nakita na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin.
“Is that even healthy— damn! I forgot that I'm a doctor.”
Hindi ko pa rin siya pinapansin. Nakatuon lang talaga ang buong pansin ko sa pagkaing nasa harap. Pinaghalo ko ang ice cream at spaghetti na kinangiwi niya.
“You want?” alok ko at itinaas ang kutsara.
Mabilis siyang umiling. “No, no! Kulang pa yata sa'yo 'yan.”
Mukhang tama din naman siya. Pagkaubos ko kasi non ay nanghinga pa ako sa kanya. Ngumuso ako ng sabihin niyang ubos na iyon.
“Buy me again tomorrow.” Tumango lang siya.
Tumunog ang cellphone niyang nasa mesa kaya agad ko siyang inunahan sa pagkuha no'n. Baka kasi may babae ito. Napalabi ako ng makita ang pangalan ng caller. Agad ko iyong nilapag sa harap niya at umiwas ng tingin.
“Hmm.” Ramdam ko ang pagngisi niya bago kinuha ang cellphone. “Yeah, mom? We're fine. She's beside me, you want to talk to her?”
Mabilis akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Ako ba ang pinag-uusapan nila? Kinabahan ako bigla. Natatakot akong makausap sila tita. Kahit close kami ay natatakot ako. Ang alam nila ay si Sophia ang girlfriend ni Giveon. Paano kung malaman nilang buntis ako sa anak ni Giveon? Ako pa na bestfriend ang alam nilang relasiyon naming dalawa.
Bumaba ako sa upuan. Akmang tatalikod at aalis na ako doon ng hawakan ni Giveon ang baywang ko, dahan-dahang hinila ako sa katawan niya. Nagpumiglas ako. Buong lakas ko na ang ginamit ko pero parang wala lang sa kanya iyon. Naramdaman ko na lang ang pamamasa ng mata ko. Labis na takot talaga ang naramdaman ko. Ayokong magalit sa akin Tita pero dahil sa nangyaring ito sigurado akong magagalit talaga sila. Si Sophia ang gusto nilang maging manugang, iyon ang nararamdaman ko kapag nagkikita o nagsasama sila.
“M-Matutulog na ako, Veo.” Suminghot pa ako upang pigilan ang hikbi na gustong kumawala sa akin.
Natigilan siya. Hanggang sa narinig kong nagpaalam muna siya sa Ina. Hinarap niya ako. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya nang mapagmasdan ako.
“Why? Why are you crying? Did I do wrong? I'm sorry.” Sunod-sunod ng tumulo ang luha ko pagkatapos no'n. Tarantang pinunasan naman niya. Pinakalma niya ako. Pinangko at dinala sa kwarto. Nilapag niya ako sa kama at tumabi sa akin
“N-Natatakot ako, Veo.” Niyakap ko siya at umiyak sa leeg niya.
“Natatakot saan? I'm here, baby.” That endearment again. Lalo akong napaiyak kaya lalo siyang nataranta. Naririnig ko pa ang sunod-sunod niyang mura.
“What if Tita and Tito was mad at me because of this? They know that Sophia is your woman, a woman that you want to marry. They want Sophia to be your wife. What if they know about our baby? What if they want us to be separated, and will force you to come back with Sophia? What if...what if...” I can't even finish my words dahil sa nararamdaman takot, sakit at pangamba.
Humigpit ang yakap niya. Malalim siyang bumuntonghininga at hinaplos ang likuran ko. He stay quiet until he slightly get away. Hinaplos nito ang pisngi niya at pinatakan ng halik ang labi niyang nakanguso.
“They already know about the baby, Ymee. Kaya nga sila tumawag para kamustahin ka. And you're thinking wrong about who they want to be my wife. Sophia never of their option.” He smiled like he was remembering the person that his parents wants for him.
Tumingala ako. Sophia never of their option? What did he mean of that? Kung close kami ni Tita mas close sila ni Sophia. Ramdam kong gusto siya ni Tita para sa anak nila. Kung wala si Sophia sa option nila, sino? May iba pa bang ibang kilala si Tita?
“You'll choose her? Do you want to marry her too?” Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa tanong ko.
‘Really self? Gusto mo talagang masaktan? Ang tanga mo!”
Pero paano kung gusto din pala niya 'yon? Paano ako? Ang baby nila? Itong pinapakita niya sa akin, ano pakitang tao na lang? Dahil lang talaga sa baby nila? Baka kaya siya naging ganito dahil gusto niyang kunin ang anak ko sa akin para sila ang mag-aalaga?
Hindi ko maiwasang mapalayo sa kanya. Hindi ako makakapayag. Tumawa siya kaya naupo ako sa kama at mabilis na lumayo sa kanya. Natatawang umupo din naman siya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naging reaksiyon niya.
“Bakit ka lumalayo? Ano na namang iniisip mo, Ymee? Damn woman your so cute! Come here, baby.” Pilit niya akong inaabot ngunit umiling ako. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
“Do you want to marry her? Why you can't answer it!” Nagsimula na namang tumulo ang luha ko.
Tumigil siya sa pagtawa. Sumeryoso at bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. “Of course I want to marry her. Naghahanap lang ako ng oras para tanungin siya.”
Agad akong tumalikod sa kanya. Doon lumabas ang hikbi ko. Akala ko wala ng mas sasakit pa sa naramdaman ko noon pero hito halos hindi na ako makahinga dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ilang kutsilyo ang tumusok sa puso ko. Na kahit bahagya akong huminga ay sumasakit iyon. Hindi ko maiwasang mapahawak doon.
Hanggang sa naramdaman kong may pumulupot sa baywang ko. Nakayakap si Giveon sa likuran ko. Nang mag-echo sa akin ang sinagot niya at hindi ko maiwasang magpumiglas sa yakap niya.
“You don't want to know who she is?” he murmured to my ear.
Mariin akong umiling. I already hurt myself asking if he will marry her, tapos dadagdagan ko pa? Hindi naman ako tanga para gawin iyon.
“J-Just let me go,” mahinang sabi ko at nagpumiglas sa pagkakahawak niya.
Tulad kanina hindi man lang niya ako binitawan kahit gaano pa ako kalakas magpumiglas. Hanggang sa narinig kong may tinawagan siya dahil sa pag-ring ng cellphone niya.
“Mom?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinambit niya.
He called his mom? For what? Lalo akong napaiyak, tinakpan ko ang bibig upang hindi marinig ang boses ni Tita. Nakakainis siya. Akala ko ay okay na kami, pero hindi ko inaakala na lalo lang pala niya ako sasaktan.
“Ymee wants to know who is the woman you like to be my wife. She's here in my arm, crying.” Pati iyon kailangan niyang sabihin? Hinampas ko ang braso niya at halos murahin ko na siya.
“What? Why she's crying? Did you made her cry, Giveon Baldivia?” I heard Tita's voice kaya natigilan ako, ramdam ko kasi ang pag-alala sa boses niya. Giveon loud speaker it so I'll heard Tita's answer.
Nang maramdaman niyang kumalma ako ay hinila niya ako patungo sa kama. Binuhat niya ako at paharap na pinaupo sa kandungan niya.
“Just tell her mom, kung sino ang gusto mo para sa akin. That was the reason why she was crying. She taught I'll marry someone.”
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas sa dibdib. “Because you let me think that it is!”
Natawa si Tita kaya napanguso ako. “It's you Ymee Claire Peralejo. I always want you to be my son's wife.”
R.P.I | REDPOISONINK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top