Chapter 16

CHAPTER 16

ANONG ginagawa niya dito? Kinusot ko ang aking mga mata, hindi makapaniwala sa nakita. Imposibleng narito siya sa harap ko. Akma kong isasara ang pinto ng iharang niya ang kamay doon.

"Aray!" sigaw niya ng maipit ang kamay.

Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong binuksan ang pinto. Lumapit ako sa kanya. "A-Ayos ka lang ba? Bakit mo ba kasi nilagay ang kamay mo, ayan tuloy!"

"Sinisi mo pa ako. Ako na nga itong masaktan," sabi niya habang tinitingnan ang kamay niya.

Napalabi ako at kinunutan siya ng noo. "Dahil kasalan mo naman talaga. Sinong matinong tao ang maglalagay ng kamay niya diyan kahit nakita naman niyang isasara na ang pinto?"

"But I want to talk to you."

Umiling ako sa kanya. Ngayon pa na ayoko na? Na sumuko na ako sa kakahintay sa kanya? Hinintay ko siya sa isang buwan na iyon pero wala. Mas inuna pa niya ang pakikipagbalikan kay Sophia kaysa ang pakinggan ako.

"Pero ayaw na kitang makausap pa."

Natigilan siya. Nakita ko ang pagbago ng ekpresiyon sa mukha niya. "Bakit? Hindi ba at gusto mong magpaliwanag? I'm here now, Ymee. Gusto kong marinig ang paliwanag mo."

"Pinahintay mo ako ng isang buwan tapos ngayon nandito ka para pakinggan ako? Ngayon pa na ayoko ng magpaliwanag sa'yo? Para saan pa hindi ba? Wala din namang saysay ang pagpapaliwanag ko dahil nagkabalikan na kayo. It's useless, Giveon. Ngayon ang gusto ko ay umalis kana." Tinalikuran ko siya at akma ko ulit na isasara ng pigilan niya ako.

"Anong nagkabalikan? Iyong nakita mong magkasama kami ay nag-usap lang kami no'n, Ymee. Hindi kami nagkabalikan ni Sophia." Nang lumapit siya para hawakan ako ay agad akong lumayo. Muli siyang natigilan doon. Bumuntonghininga siya at tinitigan ako. "I'm sorry kung umabot ng isang buwan ang pagpunta ko. Nagkaproblema ang hospital ko sa Italy kaya hindi agad ako nakapunta. Last two weeks ay pupuntahan sana kita pero sinugod sa hospital si Mommy. Hindi agad ako nakaalis doon. Then last week, Nica labor her first baby." Ang tinutukoy niyang Nica ay ang nakakatanda niyang kapatid. Nanganak na pala siya.

Pero talagang hindi sila nagkabalikan ni Sophia? Then why Sophia called him 'Hon'? At anong pinag-usapan nila? Talaga ang babaeng iyon ang una niyang kinausap ha.

"Matagal kitang hinintay na pumunta. Nang magka-oras ka naman ay mas inuna mo pa siyang kausapin kaysa sa akin?" Sarkastiko akong tumawa. "Well sino ba naman ako para unahin hindi ba? Mahal mo siya kaya siya talaga ang uunahin mo. I'm just your bestfriend, na akala mo kaya kang hintayin hanggang dulo. But I'm sorry to tell you this Giveon, but I'm tired waiting you to come with me. Ayoko ng magpaliwanag pa sa'yo. Kung ayaw mong paniwalaan ang sasabihin ko noon o ayaw mo man lang pakinggan then nasa sa'yo na iyon. Gusto ko ng magpahinga kaya umuwi kana."

Hindi niya ako hinayaan na pagsarhan siya ulit. Pumasok siya sa loob at siya ang nagsara ng pinto. He also locked it. Baka hindi mapasok ang apat saka si Koa. Kunot ang noong hinawakan ko ang siradura ngunit hinuhi iyon ni Giveon saka ako hinila patungo sa salas.

"Fine. Hindi kita pipilitin na magpaliwanag sa akin pero kailangan nating mag-usap tungkol sa anak natin." Pinaupo niya ako sa sopa.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang sariling panlakihan ng mga mata. Hindi ko inaasahan iyon. Ramdam ko ang malakas na tambol ng puso ko.

Paano niyang nalaman ang tungkol doon? Anim lang kami ang nakakaalam maliban sa mga doktor-napatampal ako ng noo.

The doctors. I'm sure they tell Giveon about my baby. Kaya pala oras-oras ay nandoon sila sa kwarto ko. Hindi ko napansin na ang hospital na pinagdalhan sa akin ni Koa ay ang hospital din pala niya. Kaya din pamilyar sa akin ang mga doktor kanina.

"This is my baby," I hissed.

"Yes, our baby." Sumama ang mukha ko. Kung nang isang araw ay gustong-gusto ko siyang makita ngayon ay hindi ko alam kung bakit naaasar akong makita siyang nasa harap ko.

"Kung iinisin mo lang ako ay mas mabuting umalis kana. Ayaw kitang makita... ayaw kitang kausap." Tumayo ako at naglakad patungo sa kwarto ko.

Naramdaman ko siyang sumunod. Hindi naman niya ako pinigilan pero naiinis ako sa presensiya niya. Mabilis akong pumasok sa kwarto, isasara ko na ang pinto ng muli niya iyong napigilan. Pumasok siya sa kwarto ko at dumeretso sa kama.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kung makaasta siya ay akala niya wala siyang kasalanan sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko nakakalimutan ang nakita ko sa restaurant sa Antique. Naalala ko ang tawa niya kasama ang babae niya. After he fuck me, makikita ko siyang nakipaglandian sa iba?

"Sa ayaw at sa gusto mo, aalagaan ko kayo ng anak natin."

Natawa ako sa sinabi niya. "After you kissed some girl in Antique at ang pakikipagkita kay Sophia kahit alam mong naghihintay akong puntahan mo? Hindi na Giveon, kaya kong alagaan ang anak ko ng mag-isa. Well Koa said he's willing to be my baby's dad so I don't need-" Natahimik ako ng putulin niya ang pagsasalita ko.

"Don't you dare, Ymee!" sigaw niya. Madilim ang mukhang lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko. "Hindi ko hahayaan na may ibang kinikilalang ama ang anak ko. Tayo ang gumawa niyan, hindi kayo!"

Napangiwi ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa braso ko. Nang mamasa ang mga mata ay pilit kong hinihila ang braso ko mula sa kanya. Parang napapasong binitawan naman niya iyon ng makita ang luha sa mga mata ko. Gusto ko tuloy na murahin siya.

"I'm sorry, Ymee! Hindi ko sinasad-"

"I hate you! Ayoko na sa'yo!" sigaw ko at tumakbo palabas ng kwarto. Mabilis akong pumasok sa guest room at ni-lock iyon.

Narinig ko ang malakas niyang pagkatok sa pinto ko. Nagpanggap akong walang narinig. Naupo ako sa kama at tiningnan ang braso ko. Namumula iyon, dahil maputi ang balat ko ay nakikita ang bakat ng kamay niya doon.

"Ymee, open this door. Please, I'm sorry." Mabulok siya. Galit na ako sa kanya ngayon. Ang dami na niyang kasalanan sa akin.

Dahil hindi ko naman dala ang cellphone ko ay ginamit ko na ang telepono dito sa guest room. Tinawagan ko si Nyssa. Ilang ring din bago niya sinagot ang tawag.

"Nasaan na kayo? Please pumunta kayo agad dito. Giveon is here." Hindi ko maiwasang mapanguso ng may marinig akong ingay sa labas.

Anong nangyari? Nilingon ko ang pinto pero nagdadalawang isip akong buksan iyon upang tingnan.

"Ano? Bakit mo siya pinapasok?" sigaw ni Nyssa. Alam kong nagmamadali na siyang kumilos.

"I didn't let him. Pumasok na lang siya bigla. J-Just make it fast, bitch. Ayoko siyang naririto. Naiirita ako."

"Sige tatawagan ko ang tatlo para sabay-sabay na kaming pumunta. Tawagan mo na si Koa, sabihin mong pakibilisan." At pinatay niya na ang tawag.

Bumuntonghininga ako. Iyon ang problema ko. Hindi ko alam ang numero ni Koa. Nakalimutan kong hingin kanina. Kaya nakangusong bumalik ako sa kama at nahiga na lang doon.

"Ymee? Kakain na tayo. Buksan mo na ang pinto."

Kaya siya nagkakaganyan dahil sa baby hindi para sa akin. Nasaktan ako sa isiping iyon. Kung hindi ako buntis pupuntahan kaya niya ako? I guess not. Ang dahilan lang naman ng pagpunta niya ay ang anak namin. Wala ng iba.

Hindi ako sumagot. Hinila ko ang kumot at pinikit ang mga mata. Inaantok ako bigla. Siguro matutulog muna ako habang hinihintay sila. Bago tuluyang makatulog ay narinig ko ang pagtonog ng pinto tanda na bumukas iyon. Pero dahil sa antok ay hindi ko na iyon pinansin pa.

"Ymee?" isang malambing na boses ang narinig ko bago ako nakatulog na.

Nagising na lamang ako dahil sa paggalaw ng kung sino sa tabi ko. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang bigat sa leeg at tiyan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Nang titingnan ko na kung ano iyon ay nauntog ang baba ko sa matigas na bagay. Kaya bahagya ko na lamang na nilayo ang ulo ko para makita ito. Nagulat ako ng makitang nakasiksik ang mukha ni Giveon sa leeg ko. Nang bumaba ang paningin ko sa tiyan ay nakita kong nakayakap ang braso niya doon.

Namamalik-mata ba ako? Napatingin ako sa pinto pagkatapos ay kay Giveon. Didn't I locked the door-paano niya nabuksan?

Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa akin ngunit napanguso lamang ako ng higitin niya ako lalo sa kanya at siniksik pa ang mukha sa leeg ko. Gising siya.

"Let go! Ano ba, Giveon!" inis na singhal ko.

"I want to cuddle," mahina at may lambing niyang saad.

Imbis na kiligin sa sinabi niya ay lalo lang akong nainis. Nakakapagtaka iyon. Sa naaalala ko ay masyado akong marupok sa kanya. Na sa simpleng ginagawa o sinasabi lang niya ay kinikilig na ako. Ngunit iba sa ngayon. Siguro ay dahil iyon ng pagbubuntis ko.

"Then go and cuddle with your girl... Sophia." Nagpumiglas ako sa kanya ngunit ayaw talaga niya akong bitawan.

Hindi pa ba dumating ang limang iyon? Nakatulog na ako't lahat wala pa rin? Imposible namang na-trapik sila dahil hindi naman masyadong malayo ang mga bahay nila sa akin. At kanina pa iyon.

"Ikaw ang gusto ko. And she's not my girl. Stop talking and just sleep, Ymee."

At ngayon inutusan niya ako? Sino siya sa tingin niya? Ang kinainis ko lang lalo ay ang kinikilos ko ngayon. Hindi man lang ako umangal sa sinabi niya. Kahit gusto kong magsalita para umangal ay ayaw naman bumuka ng labi ko.

Ano na, Ymee? Magpapadala ka na naman sa kanya? Makukurot ka na talaga ng apat dahil sa ginagawa mo. Sobra-sobra na iyang karupukan mo!

"Nakakainis ka! Ayaw nga kasi kitang makita, mahirap bang intindihin 'yon? A-Ang daya-daya mo! Bakit parang ang dali para sa'yo na kalimutan ang ginawa mo? N-Napapagod na akong intindihin at mahalin ka, Giveon." Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko maiwasang mapaamin sa kanya. Naramdaman kong natigilan siya. Pero dahil sa emosiyon na nararamdaman ko ay nagpatuloy ako. Wala na akong pakialam kung aalis siya ulit dahil sa pag-amin kong ito. "Ang sakit mong mahalin... ang mahirap mong abutin. Ang lapit mo nga sa akin pero nahihirapan pa rin akong abutin ka."

Inangat niya ang paningin sa akin. Nakita ko ang gulat at kung akong emosiyon sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha.

"Ako naman ang nauna mong nakilala pero bakit siya ang pinili mo? Lahat ng nakapaligid sa akin alam ang nararamdaman ko sa'yo, nakikita nila kung gaano kita kagusto. Pero ikaw, para kang bulag pagdating sa nararamdaman ko. O baka ay wala ka lang talagang pake sa nararamdaman ko? Mas importante kasi sa'yo ang nararamdaman mo para kay Sophia. Lahat ng atensiyon mo ay naka-pokus lang sa inyong dalawa. Nang maghiwalay kayo, ni kahit sino wala kang pinasok sa puso mo. Kaya sobrang hirap magpigil, ang hirap magpanggap na okay lang sa akin ang pagbabaliwala mo sa nararamdaman ko."

"Ymee..." Nang hahawakan niya ako ay agad akong lumayo sa kanya. May dumaan na emosiyon sa mga mata niya ngunit hindi ko iyon mapangalanan.

"Nakita ko kung paano mong m-minahal si Sophia kaya nga tinago ko nalang sa'yo ang nalalaman ko. I-Iniisip ko, paano kung malaman mo ang ginagawa niya kapag nakatalikod ka? Alam kong masasaktan ka ng sobra. So instead of telling you... I choose to hide it from you. Mas iniisip ko kasi ang nararamdaman mo, Giveon. Ganoon kita kamahal, na kaya kong itago ang lahat sumaya ka lang sa kanya. Mas iniisip ko din naman na baka hindi mo din ako paniwalaan. Alam mong hindi kami close ni Sophia kaya baka isipin mong sinisiraan ko lang siya. Siya naman lagi ang kinakampihan mo kahit kasalan niya, hindi ba?" Inis kong pinunasan muli ang mga luha.

"Alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko kapag mas inuuna mo siya kaysa sa akin? Kung paano mo ako baliwalain kapag nandiyan siya? Na nakakalimutan mong kasama mo ako kapag kaharap na siya? Giveon, sobrang sakit na. Nahihirapan na rin akong mahalin at intindihin ka pa. Kaya pwedeng tama na? Huwag mo naman ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Gusto ko nang maging masaya." Sa pangalawang pagtangka niyang paghawak sa akin ay hindi na ako lumayo o pumiglas pa. Hinayaan ko siyang higitin ako palapit sa kanya. Nakakatawa lang na nagagawa naming maghigitan kahit nakahiga kami.

"Then tell me kung ano ang magagawa ko para sumaya ka? Sabihin mo lang at gagawin ko. Pero hindi kasama ang paglayo sa inyo ng anak ko. Hindi kasama ang iwanan ko kayo." Pinagdikit niya ang noo namin. "Dahil kahit hilingin ko pa iyon, hindi ko gagawin. I'll stay by your side from now on, Ymee. I won't leave you and our baby."

R.P.I | REDPOISONINK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top