Chapter 14
CHAPTER 14
"VEO, sandali!" sigaw ko kay Giveon nang talikuran niya ako at mabilis siyang naglakad paalis. Kahit masakit pa din ang pang-ibaba ko ay kinaya ko iyong tiisin. Hinabol ko siya sa abot ng makakaya ko.
Pero para siyang walang narinig. Derederetso ang kanyang paglalakad patungo sa hotel. Hindi ako tumigil sa pagtawag at pagmamakaawa sa kanya. Halos sumabog ang puso ko sa kaba. Alam kong galit na galit siya.
Kasalanan ko ba kung natakot ako na baka masaktan siya? Kung alam ko lang na lolokohin niya ulit si Giveon sana noon sinabi ko na. Alam ko kung gaano niya kamahal si Sophia, kaya natakot ako. Ayoko lang naman siyang masaktan lalo.
Nang pumasok siya sa kwarto niya ay sumunod ako. At nakita ko siyang kinuha ang bag pack niya at pinasok ang gamit doon. Bahagya pang nangunot ang noo ko ng hablutin niya ang tsinelas pangtulog at pinasok iyon sa bag niya.
"Veo, sa hotel iyan."
Natigilan siya at tiningnan ang bag. Kinuha niya ulit iyon saka tinapon sa kung saan. Lumapit ako sa kanya. Sinubukan ko siyang hawakan pero inilag niya ang braso sa akin. Hindi ko naiwasang masaktan. Unang beses niyang ginawa iyon. Napayuko ako.
"Sorry, Veo! Please, hayaan mo akong magpaliwanag."
"Paliwanag? Ano pa bang sasabihin mo? Hindi pa ba sapat ang narinig ko? Damn you, Ymee! I trusted you." Galit na tumayo siya at iniwan lang akong nakatunganga doon.
Para akong natuod sa kinatatayuan. Ni hindi ko magawang makagalaw. Did he... did he really cuss me? Hindi ako makapaniwala. Dahil lang sa hindi ko pagsabi sa kanya noon na matagal na siyang niloloko ni Sophia ay mumura na niya ako? Sa unang pagkakataon. Napailing na napaupo ako sa sopa. Hindi ko na maiwasang mapaluha. Paulit-ulit na nanumbalik sa akin ang sinabi niyang iyon.
Paniguradong hindi ko makakalimutan iyon hanggang sa pagtulog ko. Galit lang siya kaya niya nasabi iyon hindi ba? Hindi si Giveon ang taong iyon. Hindi kayang sabihin ni Giveon sa akin iyon. Umiling-iling ako. Kasalanan ko din naman. Kailangan ko siyang makausap kahit anong mangyari.
Mabilis akong tumayo at muli siyang hinabol. Nakasalubong ko pa si Gab kaya agad ko siyang tinanong kung nakita ang pinsan nito.
"Palabas na ng hotel. Bakit may dalang bag iyon?"
Hindi ko na siya sinagot pa. Mabilis akong sumakay sa elevator. Pagdating sa baba ay tumakbo ako patungo sa exit at doon ko siya nakita.
"Giveon!" paulit-ulit ko siyang tinawag. "Please, pakinggan mo naman ako!"
Napapatingin na sa amin ang mga naroon. Nahihiya na ako sa pagbabaliwala niya pero kailangan ko siyang makausap. Nagmumukha akong timang dito ngunit kinakailangan kong baliwalain iyon. Hinila ko ang braso niya. Nakahinto na ang isang kotse sa harap niya nang maabutan ko. Kanino iyon? Wala naman siyang dalang kotse ah?
"Please?"
Nang balingan niya ako at nakita kong natigilan siya habang nakatingin sa mga mata ko. Ayaw ni Giveon na nakikita akong umiiyak. Pero nakatingin lang siya sa akin ngayon. Nakita ko sa mukha niya ang pagdadalawang isip niya kung lalapitan ba ako o hindi. But he choose not to. Dahil sa galit niya pinili niyang hindi lumapit.
Umiling siya at dahan-dahang binawi ang braso. Kahit may nagbago sa emosiyon niya ay hindi pa rin mawala ang pansisilik ng mga mata niya. "Hindi tayo makakapag-usap ng matino ngayong galit na galit ako, Ymee. Let's talk in other time."
Napayuko ako. Umiiyak na tumango na lamang. Tama siya. Baka nga puro sigawan lang ang mangyayari sa amin dito. Pumasok siya sa kotse at agad na pinaharurot iyon paalis. Nakatanaw lang ako sa kotse niya.
"Nag-away kayo?"
Sa sobrang lungkot na naramdaman ay hindi ko man lang nagawang magulat ng may nagsalita sa likuran ko. Nang balingan ay nakita kong si Koa iyon. Malungkot akong ngumiti at iika-ikang naglakad. Wala ako sa mood na makipag-usap sa ngayon. At wala na din akong gana na makisaya pa. Siguro ay yayayain ko ng umuwi si Manang at Gab.
"Are you okay? Bakit ganyan ka maglakad?" he asked me again.
"I'm okay." Hindi ko na sinagot ang huling tanong niya dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya. "Mag-usap na lang tayo kapag nakabalik kami sa Manila." Iniwan ko na siya doon.
"Alis na tayo, Gab." Agad na bungad ko kay Gab ng pumasok siya sa kwartong namin ni Manang. Kasabay niyang pumasok si Manang na lumabas kanina para tawagin ito.
Nag-aayos ako ng mga gamit ko. Tahimik lang naman na nag-ayos din si Manang. Alam siguro din nila kung bakit ako nagkakaganito kaya tumango na si Gab. Nagpaalam agad siya upang ayusin ang mga gamit niya. Ilang minuto ay natapos siya. Kinatok niya kami kaya sabay kaming lumabas ni Manang. Tahimik ang naging byahe namin.
"Dumating na ba si Giveon?" Iyon ang agad na tanong ko sa mga kasambahay pero umiling sila.
"Hindi po, ma'am." Nagtaka ako. Nauna siyang umalis kaya dapat ay nandito na siya. Nilingon ko si Gab na nagulat din sa paglingon ko sa kanya.
"Bakit?" he's confused now.
"Hindi ba nagtext sa'yo?" mahinang tanong ko. Pakiramdam ko ay nanghihina ako. Nang umiling siya ay tumango ako at dumeretso sa kwarto. Pabagsak akong nahiga.
Hindi naman siguro siya sa pumunta sa bar 'di ba? O umuwi ng Manila? Hindi niya ako iiwan dito. Muli akong tumayo at naligo. Nagbihis at muling lumabas ng kwarto. Kailangan ko siyang hanapin.
"Hahanapin mo si Giveon? Sasamahan na kita." Sinalubong ako ni Gab at sinabi iyon kaya tumango ako.
Pinuntahan namin ang mga alam niyang bar dito. Dahil maaga pa naman ay sarado pa ang iba. Konti pa lang ang bukas pero wala naman siya doon. Hanggang sa inabot na kami ng tanghali sa kakahanap sa kanya. Napabuntonghininga ako.
"Kumain muna tayo." Dinala niya ako sa isang kainan malapit sa isang bar ngunit pagpasok pa lang namin ay agad na may nahagip ang aking paningin.
Nasa pinakadulo sila naka-upo. Malapit sa isa't isa. Hindi ko maiwasang masaktan ng makita ang pagtawa ni Giveon habang nakadantay ang kamay sa upuan ng babae.
Hindi ko maipagkakailang maganda talaga ang kasama niya. May kahabaan ang buhok, may singkit na mga mata na halos mawala iyon kapag tumatawa ito. Matangos din ang ilong at kahit sa malayo at makikita ang mapupula nitong labi. Mabuti lang siya sa akin ng konti. Maamo ang mukha niya at alam kong iyon ang mga tipo talaga ni Giveon. Nang nilapit ni Giveon ang mukha sa babae ay agad akong tumalikod. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko.
Atleast maayos siya. Mabuti na rin at hindi siya uminom. Kahit may kirot sa puso akong naramdaman ay nagawa kong ngumiti ng pilit kay Gab. "Uwi na tayo."
Siguro ay hahayaan ko muna siya. Alam kong hindi mapapatawad agad ang ginawa kong paglilihim sa kanya. Mas mabuti sigurong lumayo muna ako para makapag-isip siya. Tumango ako. Uuwi ako ng Manila. Uuwi akong mag-isa.
Pagdating sa bahay ay agad akong nag-ayos. Hindi ko na dinala ang mga damit ko dahil marami naman akong damit sa Manila. Hindi ko na ito kailangan pa. Kinuha ko na lang ang wallet ko at cellphone. Nagpaalam ako sa kanila.
"Bumalik ka dito ha? Kakausapin ko si Giveon mamaya pag-uwi niya. Alam kong hindi ka niya matitiis." Niyakap ako ni Manang at ng iba pa. Mamimiss ko sila panigurado.
"Hayaan niyo po siguro muna si Giveon, Manang. Kasalanan ko din naman po kung bakit siya galit," wika ko.
Nagpahatid ako kay Gab sa terminal. Mabuti na din at may pera pa ako. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko na uuwi na ako. And they offer their private plane to me na hindi ko naman nagawang tanggihan pa.
Niyakap ko si Gab. "Maraming salamat, Gab! Hoping na magkita pa tayo ulit."
Saka ako nagtuloy sa plane ni Seham. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga nangyari sa amin ni Giveon. Napangiti ako. Kahit sa konting panahon ay nagawa pa rin naming magsaya sa piling ng isa't isa. Sa tagal ng panahon ay nagawa ko ding mahalikan siya ng hindi siya tulog, na nagugustuhan din niya. Hindi iyong ako lang ang may gusto.
Kakausapin ko na lang siya siguro ulit kapag bumalik na din siya ng Manila. Hindi din nagtagal ang byahe ko. Nang marating ang Manila ay agad akong sinalubong ng apat. They immediately hug me like they really miss me, animo'y isang taon akong hindi nagpakita sa kanila.
"We cooked your favorite." Halos ayaw pakawalan ni Myna ang braso ko.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Ganoon niyo ako namiss? Parang ilang araw lang naman ako doon sa Antique, ah."
"Namiss namin ang karupukan mo!" Leizel hissed.
Napairap ako. "Ang shop ko?"
"Nakatayo pa din naman." Nyssa answered at binigay sa akin ang bag at cellphone ko.
Iisang kotse lang ang ginamit nila sa pagsundo sa akin kaya ang nangyari ay tatlo kaming naupo sa likuran. Halos magsiksikan na kami doon dahil talagang hindi lumayo si Myna sa siyang may laman-laman sa aming lahat.
Pagdating ng bahay ay pinalibutan na ako ng apat. Pinilit na pagkwento sa kanila sa nangyari, at kung bakit napauwi akong mag-isa ng Manila samantalang si Giveon ang kasama ko. So I told them everything. Pati ang pag-away namin naikwento ko na sa kanila.
"Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Nang hanapin namin siya ni Gab kanina ay nakita ko namang masaya siyang kausap ang isang babae. Naisip ko, maayos naman na siya siguro ay hahayaan ko muna siya. Papalamigin ko muna ang ulo niya sa nangyari bago ko ulit sibukan na kausapin siya." Kumuha ako ng french fries at sinubo ito.
"Hindi, Ymee. Hayaan mo siyang siya ang kusang lalapit sa'yo para marinig ang paliwanag mo. You already did your part. Sinubukan mo siyang kausapin pero ayaw niya. Kasihudang hinabol mo na siya. Nasa kanya na iyon kung gusto pa niyang marinig ang paliwanag mo. Basta ikaw sibukan mo na," Liezel said that make me nodded.
"Saka para din naman sa kanya ang ginawa mong paglilihim. Kung sinabi mo agad noon akala ba niya mararanasan niyang maging masaya? Atleast siya naging masaya siya sa piling ng babaeng iyon. You sacrifice your chance and happiness for him, aarte pa siya!" Inis na singhal ni Seham.
Napalabi ako. They're right. Kung gusto ni Giveon na marinig ang paliwanag ko hahayaan ko siyang siya ang pumunta dito para kausapin ako. I already did my part to explain my part to him but he didn't want to hear it. Kahit masakit ang katawan ko hinabol ko siya. Now nasa kanya ang desisyon. Kung ayaw niyang marinig ang sasabihin ko then wala na akong magagawa pa doon.
Sana lang ay huwag niyang pagsisisihan.
R.P.I | REDPOISONINK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top