Chapter 10
CHAPTER 10
HINAYAAN ko si Giveon na sumunod. Hindi ko siya pinansin kahit anong gawin niya. Nang magyaya si Gab na pumuntang beach ay sumama na ako. Akala ko ay makakalayo ako ng panandalian kay Giveon pero akala ko lamang iyon. Dahil sumama din siya sa amin.
Pagpasok ko pa lang sa kotse ay tumabi siya agad sa akin. Sinama namin si Manang. Nasa passenger sit ito samantalang nasa likuran kami ni Giveon.
"Maganda ba roon?" I asked.
Tiningnan ako ni Gab mula sa salamin sa harap. "You never tried swimming at the sea?"
Umiling ako. "Hindi pa. My mom wont allow me to swim in any beach out there. They only allowed me to swim at the pool. She is afraid that I might eat by a shark. Like seriously?"
Pagkatapos kong sabihin iyon ay malakas na tumawa sila. Nagkibitbalikat ako. Iyon naman talaga ang totoo. Kahit ako man ay natawa rin noong sabihin ni Mommy iyon. Sa mga nakikita at base sa kwento ng mga dati kong kaklase at kaibigan ay mukhang masaya naman maligo roon.
"Yes shark is real pero hindi naman iyon sa mababaw na parte nagtutungo. I think they're staying at the deepest part of the ocean." Gab answer at niliko ang sasakyan sa isang beach.
Bilib din ako dito kay Giveon eh. Simula ng pumasok talaga siya sa kotse ay tahimik lang siya. He just hold my hand and play with it. Himala at nagawa niyang manahimik ng matagal. Nararamdaman ko ang mga titig niya ngunit hindi ko iyon pinapansin.
"Hanggang bukas ba tayo dito?" I asked saka kinuha ang bag ko ngunit agad namang kinuha ni Giveon iyon sa kamay ko.
Kunot ang noong tiningnan ko siya. He just pout his lips and also hold my hand. Anong problema niya? Nang sinubukan kong hatakin ang kamay ko ay lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon. Kinunutan ko na lang siya ng noo.
"Ang ganda dito," namamanghang wika ko pagpasok pa lang namin sa entrance.
Muli sa puwesto namin ay nakikita ko ang ganda ng dagat. Marami ang nagtutungo dito. May mga nakikita pa nga akong babae na nakabikini also boys, will I don't like the body.
"What are you looking at?" salubong ang kilay na tanong ni Giveon sa akin.
Tiningnan ko siya, nagtataka. Hanggang sa dumapo ang tingin nito sa kung saan ako nakatingin kanina bago itinuon muli sa akin ang paningin. Napakamot ako sa pisngi nang tingnan niya ako ng may panunuya.
"Hindi pa ba sapat ang katawan ko para tumingin ka sa iba?" Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" Napatingin ako kay Gab at Manang na nasa loob na ng hotel. Talagang iniwan nila kami dito? "Nakakainis naman."
Akmang maglalakad ako patungo sa kanila nang hilahin ako ni Giveon. Inis na tiningnan ko siya. Alam kong nakikita niya ang ekpresiyon ko dahil bahagya siyang natigilan habang nakatingin sa akin. Lumabi siya at binitawan ang kamay ko.
"Sorry na." Tumaas ang kilay ko. "Pansinin mo na ako."
Lalong umarko ang kilay ko sa sinabi niya. "Hindi pa ba kita pinapansin sa lagay na 'to?"
"Then stop being masungit."
"I'm not masungit Giveon, ganito na talaga ako noon pa."
"No."
Inis na inis na talaga ako sa kanya. Napag-iwanan na nga kaming dalawa. Ano ba kasing problema nito? Anong pansin ba ang gusto niya? Gusto ba niyang minu-minuto ay dinadaldal ko siya?
"Anong 'no'?" nauubusan ng pasensiyang wika ko.
"You're not like that before. Please bati na tayo. Promise, hindi na ako iinom." Itinaas pa nito ang kamay na animo'y nangangako.
Umiling ako at bahagyang ngumuso. "Sure pero hindi na ako aasa na titigil ka. I'm not against with you if you want to drink all day, it's your body so it was your choice. I won't stop you if you want kill yourself with alcohol. Halika na at kanina pa nila tayo hinihintay."
Nauna akong naglakad sa kanya. Nanunukso ang tingin ang ibinabato ni Gab at Manang sa akin. Bahagya pa nilang nilingon si Giveon na nakangusong naglalakad patungo din sa amin.
"LQ?" Gab teased.
Umirap ako at niyakap ang braso ni Manang. "Are we going to swim now?"
"Nakadepende sa'yo. Ako ay gusto ko munang maglibot-libot dito, mamayang hapon na ako maliligo," sagot ni Gab at dinala kami sa kwarto namin ni Manang.
Dalawang kwarto ang kinuha niya. Isa sa amin ni Manang at saka sa kanila ni Giveon. Nakasunod lang si Giveon at ganoon pa rin ang ekpresiyon ng mukha. Umirap ako at tiningnan si Gab. Bigla nawala na sa isip ko ang pagpaplano kong umamin sa kanya. Sa tingin ko hindi ko na gagawin iyon. I won't confess and that's final.
"Nasa tapat lang ng kwarto niyo ang kwarto namin. Kumatok lang kayo kung may kailangan."
Tumango na lang ako. "Andito naman si manang. Ayokong abalahin kayo. Magbibihis lang ako saka ako bababa." Bahagya ko nilingon si Giveon. "Ipasyal mo kaya iyang pinsan mo, o hindi ay yayain mong uminom sa resto at paniguradong hindi aayaw iyan."
"Hindi na nga ako iinom." Biglang lumapit si Giveon at hinawakan ako sa siko ngunit iniwas ko lang iyon.
"Sige na at papasok na kami. Mamayang hapon na din ako maliligo." Inirapan ko siyang muli bago pumasok sa loob.
"She still mad at you, dude. Ayan sige inom pa. Napagod na kakaalaga sa'yo iyong bestfriend mo." Rinig ko ang pang-aasar ni Gab kay Giveon bago narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.
"Damn it!" It was Giveon for sure.
Napailing ako. Kung magmura ay akala mo hindi Doctor.
"Nag-away ba kayo ng alaga ko?" Nagulat ako ng biglang nagsalita ni Manang.
Lumapit ako sa kama at naupo roon. Nilagay niya ang bag namin sa closet saka ako hinarap. Bahagya akong umiling sa kanya bago nahiga. Anong sasabihin ko? Do I need to lie? Baka magalit siya dahil inaaway ko ang alaga niya. Pero hindi ko naman na kasalanan iyon hindi ba? Bumuntonghininga ako.
"May konting pinag-awayan lang. Pinapatino ko po, namimihasa sa pag-iinom eh. Hindi ko nga alam kong doctor ba talaga iyang alaga niyo. Ang pinagbabawal niya sa pasyente niya ay ginagawa naman niya. Gawain ba ng doctor iyan?" I said as I close my eyes. Inaasahan ko nang pagsasabihan niya ako dahil alam ko naman na ang alaga pa rin nito ang kakampihan. Ngunit napangiti ako sa naging sagot niya.
"Mabuti iyan. Sige at hindi kita pakikialaman riyan dahil alam ko namang mas kilala mo na ang batang iyon. Hindi ko nga alam at nagbago iyon." Tumabi siya sa akin.
"Impluwensiya iyan ng maarte niyang ex-girlfriend." I leered and shook my head.
Hindi ko nang narinig pang sumagot ito ngunit narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Nang makarinig kami ng katok ay agad na lumapit doon si Manang at binuksan ang pinto.
"Oh bakit? Si Ymee ba?Magpapahinga pa siya." Si manang ang nagsalita kaya dumilat ako.
Nilingon ko ang pinto ngunit hindi ko masyadong naaninag ang taong kausap niya. Naningkit ang mata ko.
"Mag-uusap kami, Manang." Napabangon ako agad ng marinig ko ang boses ni Giveon.
"ANO naman ang gagawin natin dito? Bakit kailangan dito pa, Giveon? We can talk in our room, lumayo pa tuloy tayo." Nag-cross arm ako sa harap niya pagkatapos niya akong hilahin patungo sa kung saan.
Lumayo pa kasi talaga kami para lang mag-usap kuno. Hindi ko alam kung anong pag-uusap namin dahil nag-usap na naman kami kanina. Nasabi ko na sa kanya ang dapat na sasabihin.
Bumuntonghininga siya saka ako tinitigan. Animo'y ako lang ang nakikita niya sa oras na iyon. I can saw emotion playing on his eyes. "Hindi mo na talaga ako bati?"
"Bati? We didn't even fight, Giveon."
"Then why are you still calling me Giveon, it's Veo right?" Lahat na lang ay napapansin niya.
"Dahil gusto ko. Ngayon ko lang napagtantong maganda din pala ang pangalan mo." Nagkibitbalikat ako saka siya tinalikuran ngunit hinawakan niya ang kamay ko.
Ayaw ko mang aminin pero malakas na kumabog ang puso ko dahil sa ginawa niya. Kahit simpleng hawak lang iyon ay nagrereak na ang puso ko. Mariin akong pumikit at nilingon siya. Nakita ko ang bahagya niyang pagnguso.
"Please, Ymee."
Halos murahin ko siya. Bakit hindi ko siya matiis? Napapadyak ako sa inis sa kanya.
"Fine. Pero kapag uminom ka pang muli ay huwag kang aasa na aalagaan kita tulad noon. Hindi ko obligasiyon na mag-alaga ng taong nagpapakatanga sa ex niya. Let's go." Hindi ko nakita ang reaksiyon niya dahil sa biglaang pagtalikod ko pero alam kong natigilan siya.
Hindi ko deserve masaktan ng paulit-ulit dahil sa mga ginagawa niya. Sunod-sunod ang naging buntonghininga ko habang naglalakad kami. Nasa gilid ko lang siya at nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pasulyap-sulyap niya sa akin.
"Bati na talaga tayo?" he asked then hold her hand again, ayaw na niyang bitawan iyon kahit anong hila ko.
"Ayaw mo ba?" pataray kong saad.
"Sabi ko nga bati na tayo. Let's swim?" Agad akong umiling. Mamayang hapon na siguro ako.
"Later. Maglilibot muna ako." Bumalik kami sa hotel upang kumain muna. Ngunit nakita namin si Gab at Manang na kumakain na roon.
"Kumain na kayo." Pinaghanda kami ni Manang kaya nagsimula na din kaming kumain.
Pagkatapos ay kumuha din kami ng isang cottage at doon silang nagpahingang tatlo. Nagpaalam akong may pupuntahan lang. Naglalakad ako hanggang sa mapunta ako sa isang cottage na hindi kalayuan sa amin.
"Ymee?"
Nakita kong lumabas sa isang cottage ang isang lalaki. Agad na kumuha ng atensiyon ko ay ang may kalakihan niyang katawan. He's wearing a white shirt and short. Hinahangin ang hindi kahabaang buhok nito. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya.
Nanlaki ang mata ko ng makilala siya. "Koa?"
Koa Trevantes, isa siya sa magaling na doktor ni Giveon sa America. Koa is one of my suitor back then. Sa lahat ng naging manliligaw ko ay siya ang nagpursige at nagtiis sa ugali ko. Ngunit isang araw ay nagpaalam siyang aalis at sinabing sa America na ito mananatili. Nalungkot ako pero ayaw ko naman na pigilan siya. Simula ng manatili siya doon ay nawalan na kami ng komunikasiyon. No text, no calls.
"Nakauwi kana? Kailan lang?" Lumapit ako sa kanya. Malaki ang nagbago sa kanya.
"Bakasiyon lang. Nang isang araw lang ako umuwi. How are you? Sinong kasama mo?"
Ngumuso ako. "I'm fine, sila Manang lang."
Tumango siya at tinitigan ako. Hanggang sa mamutawi ang ngiti sa labi niya. Kinunutan ko siya ng noo nang bigla siyang tumawa.
"Natutuwa lang akong makita ka. Sa ilang taon, hindi ko inaasahan na makikita kita dito. Destiny, huh?" Napailing ako sa sinabi niya.
"Pinagtagpo tayong muli dahil gusto ng tadhana na batukan kita. Ang dami mong atraso." Sinamaan ko siya ng tingin. "Lumapit ka dito at makikita mo."
Natawa siya. "Sadista ka pa rin."
"At baliw ka pa rin hanggang ngayon."
Nang lumapit siya at saka ko siya binatukan. Napangiwi siya at napahawak sa parteng binatukan ko.
"Masakit 'yon, Ymee."
"Yes, I know."
Ngumuso siya at nilingon ang cottage nito. "I'm with my family, do you want to come? Mom, miss you so much. Lagi ka ngang tinatanong sa 'kin kahit sinabi kong wala na tayong komunikasiyon."
"Who fault is that?" mataray kong saad.
"You-- I mean me." Nakita niya ang masama kong tingin kaya agad niya iyong binago. Sabay kaming tumawang dalawa.
Sabay na sana kaming maglalakad patungo sa cottage ng may brasong pumulupot sa baywang ko. Agad akong napatingin sa may-ari no'n.
"Veo?" Anong ginagawa nito dito?
"Mr. Baldivia?" Nagtatakang tumingin si Koa sa akin saka sa lalaking bigla-bigla na lang sumusulpot.
"She's not going anywhere," malamig na wika ni Giveon.
Nagulat ako pero agad din namang nakabawi. Pilit kong inaalis ang braso niya. "Sasama ako kay Koa, Veo. Ano ba!"
Mariin niya akong tiningnan. "I said no, Ymee. Let's go, manang searching for you." Agad na niya akong hinila papalayo doon.
Nilingon ko si Koa na gulat pa ring nakatingin sa amin. "I see you later."
"No, you won't seeing someone," sabad ni Giveon na kinasama ng mukha ko. Hinampas ko siya.
"Nakakainis ka! Ngayon lang kami ulit nagkita ni Koa. Kung hindi mo lang siya nilipat noon sa America noon." Agad siyang natigilan sa sinabi ko.
Alam kong nilipat niya si Koa. Hindi ko alam kung anong problema niya. Kung hindi ginawa noon iyon siguro kay Koa na nabaling ang nararamdaman ko. Hindi siguro ako nasasaktan ngayon dahil sa kanya. Akala yata niya hindi ko alam ang tungkol doon. Narinig ko silang nag-uusap ni Koa noon. Nagpanggap lang akong hindi alam dahil hindi ko alam kong anong dahilan ni Giveon. Inisip ko na baka kulang ang doktor nila sa America kaya niya pinadala si Koa doon.
"If you didn't do that eh 'di sana hindi ako nahihirapan ngayon. Siguro naging masaya din ako noon tulad mo." Iiling-iling na nagpumiglas ako at naglakad pabalik sa cottage.
R.P.I | REDPOISONINK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top