Chapter 1
CHAPTER 1
"YMEE CLAIRE PERALEJO!"
Isang buntonghininga ang pinakawalan ko nang marinig ang buo kong pangalan. Mula sa mga bulaklak na inaayos ko sa paso ay inangat ko ang aking paningin sa kanya. And that, I saw my doctor best friend looks so devilishly beautiful in his white knitted turtleneck shirt and slacks. Giveon Baldivia.
"Ano na namang kailangan mo? Wala ka bang duty ngayon? At please lang, tantanan mo ang kakatawag sa 'kin sa buo kong pangalan. Hindi nakakatuwa." Pinagpatuloy ko ang ginagawa pero hindi pa ako nakakasimula ng hatakin niya ako patayo.
"You're going to come with me, Ymee."
Ngumuso ako at tinaas ang parehong kamay. "I'm dirty."
Hindi siya sumagot. Hindi na ako nagulat ng hilahin niya ako patungo sa kwarto ko at tinulak ako papasok sa banyo. Hindi ako umangal pa at napapailing na lang. Bakit ba ang dali lang para sa kanya na mapasunod ako sa gusto niya? This is not okay, so unfair Giveon!
Since high school ay may gusto na ako sa kanya. I never told anyone about it kahit na sa mga bago kong kaibigang babae o sa pamilya ko. I'm not like the other girl na kayang sabihin sa mga kaibigan ang nararamdaman nila. If Giveon won't trigger me then I won't confess to him about my feelings. Makakasira lang iyon sa kung anong meron kami. Mas okay na sa 'kin ang ganito ...mas lalo ko siyang nakakasama palagi.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" I asked softly while fixing my seat belt.
"Are you really not going to change your clothes?" Kunot ang noo niya, nakahawak sa manibela ngunit masama ang tingin sa damit na suot ko.
What's wrong with wearing a shirt and a knee-length shorts? Hindi naman party ang pupuntahan namin. I can wear any clothes I want. Hindi na nga malaswa ito.
"Pwede ba, Veo! Can you just drive, para makarating tayo agad? Palibhasa sanay ka sa mga babaeng labas ang kaluluwa," mataray kong sinabi na umani nang mahinang pag-ungot niya.
"What? Just change your clothes, Ymee. Wear a pants... or better if you wear a pajama? That's it." Ayaw talaga niyang paandarin hangga't hindi ako nagbibihis.
Napairap ako. Minsan talaga ay hindi ko gusto ang pagiging mahigpit niya. Alam kong ayaw niya akong mabastos pero kaya ko ang sarili ko. Hindi ko gusto ang hinihigpitan niya ako, binibigyan ko ng kahulugan ang mga maliit na bagay na ginagawa niya kahit na wala namang halaga iyon sa kanya.
"Bahala ka nga diyan. If you want me to come with you, then drive and stop invaded my clothes." Tinalikuran ko siya at kinuha ang cellphone ko.
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya saka siya mahinang bumulong. Mabilis niyang pinaandar ang kotse niya. Hindi ko naman iyon pinansin. Ngunit nang tumingin ako sa labas ng bintana ilang minuto ang nakakalipas ay nagsalubong ang kilay ko. Pamilyar sa 'kin ang daang tinatahak namin.
"Papunta ito sa bahay mo, Veo."
Sumulyap lang siya sa 'kin ng ilang sandali. "Yes, and we're not going anywhere not until you wear my jogging pants."
"Ano? Veo, naman eh! Kung ikaw lang naman pala ang magdedesisyon sa susuotin ko ay sana hindi mo na lang ako sinama!" I shouted in so much irratation.
I cross my armed afterwards and didn't let him answered me. Nilagay ko ang headphone sa tainga ko. Mabuti na lang at dala ko iyon. Hindi yata ako mabubuhay kapag hindi kasama ang headphone ko. Nasanay kasi akong kasama ito lagi sa kung saan ako pupunta. Mahilig akong makinig ng musika, lalo na at puro paborito ko ang pinapatugtog.
When the car stop, bumaba siya. Nang akma niyang bubuksan ang pinto ng kotse ay inunahan ko na siya. Naiinis pa rin ako sa kanya. Naglakad ako papasok sa bahay niya ng hindi siya hinihintay. Sumalampak ako ng upo sa sopa niya.
"Ymee." My veins sends jolts of electricity throughout my body upon hearing the raspy voice of Giveon. "Please..."
"Huwag mo akong pilitin, Veo."
Mataman niya akong tinitigan, napatampal sa kanyang noo. Alam kong konti na lang ay mauubos na ang pasensiya niya sa 'kin. Nang tumabi siya sa 'kin ay halos marinig ko na ang pintig ng puso ko. Iyon ang laging epekto niya sa 'kin kahit wala naman siyang ginagawa. Pigilan ko ang sariling mapatingin sa kanya. Masyado akong marupok, baka pumayag na naman ako sa gusto niya.
"Ano bang maganda diyan sa suot mong short at ayaw mong palitan? Mababastos ka nga kasi do'n!" Lihim akong napangisi nang mahimigan ang inis sa boses niya.
"Hindi naman ikaw ang mababastos, ang piling mo naman." Gusto ko pa siyang inisin lalo. Hanggang do'n lang naman ang kaya ko.
"Pero ako ang mapapaaway dahil sa suot mo!"
Nang tingnan ko siya ay muntik na akong mapahalakhak dahil sa sama ng mukha niya, salubong ang mga kilay. Ang bilis lang talaga niyang inisin. Napailing ako nang sumama ang mukha niya ng makita akong nagpipigil sa pagtawa.
"You're teasing me, do you?"
Nagkibitbalikat ako saka tumayo. Pumasok ako sa kwarto niya at naghanap ng jogging pants. Hindi ko hahayaang siya ang pumili no'n para sa 'kin. I don't even like his passion, masyadong makaluma. Kahit sinong babae hindi isusuot ang damit na pipiliin niya.
"Here." Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya sa likuran ko. Nahulog ang panga ko ng makita ang hawak niya.
Isa iyong mahaba at malaking pants. Parang gusto ko tuloy bigwasan siya. Sa liit kong ito akala ba niya ay kakasya sa 'kin yan? Muli ko siyang tinalikuran at hinablot ang jogging pants na nakita ko. Inis na sinuot ko iyon sa harap niya nang hindi hinuhubad ang short ko. Naramdaman ko ang mainit niyang titig kaya tiningala ko siya. Tumaas ang kilay ko at tinarayan siya. Nauna akong pumunta sa kotse niya.
"Bar?" Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya ng marating namin ang sinasabi niyang pupuntahan namin. "Inistorbo mo ang pag-aayos ko ng mga bulaklak ko para lang dalhin sa lugar na ito? And look at my clothes, Veo. Balot na balot ako, not even suited in this place!" Tinuro ko ang damit ko. Ni hindi ko nga alam kung bagay sa akin ang suot ko. My over-sized t-shirt and his jogging pants. Napapadyak ako.
Ngunit imbis na sagutin ako ay hiwakan niya ang kamay ko, hinila papasok sa loob. Sari-saring amoy ang nalangghap ko, malakas na tugtog ang sumalubong sa pandinig ko. Napangiwi ako ng libutin ng tingin ang buong paligid. I even saw people making out in the corner.
"Hon, you're here." Napaiwas ako ng tingin nang salubongin ni Sophia si Giveon ng halik sa labi.
Binitawan ako ni Giveon at hiwakan sa baywang ang kasintahan niya. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw kong ipaalam sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko.
Giveon has a girlfriend. Limang taon na sila ni Sophia and their relationship is very strong. Walang ni kahit sino ang nakakasira no'n. Hindi hinahayaan ni Giveon na may sumira sa relasiyon nila. Mahal na mahal niya ang babae. At may plano na siyang pakasalan ito. Hindi ko lang alam kung kailan.
Nakita niya lang ang girlfriend niya ay parang nakalimutan na niya ako. I bit the inside of my cheek because of the pain that stabbed in my heart. I hate it everytime he make feel that I am not his priority anymore.
"Ymee Claire?" Someone call me at my back. Nilingon ko ito and I saw the bitches smiling at me.
"Bitches, what are you doing here? Akala ko ba ay busy kayo?" Lumapit ako at niyakap sila.
Seham pouted her lips. "We finished our works immediately so we can hang out. We texted you earlier but we didn't get a reply. Now, we know." Sumulyap ito sa likuran ko.
Bumuntonghininga ako. "Sasama na lang ako sa inyo. Magiging out of place lang ako sa kanila. I and Sophia were not close, baka magsasamaan lang kami ng tingin doon buong pananatili ko sa kanila." I get my phone and delivered a message to Giveon telling that I'm going to sit with my friends table. Hindi ito nagreply but I know mababasa naman niya mamaya. He's busy right now.
Sumama ako sa apat. Nasa kabilang table lang naman kami, nakikita ko pa rin ang puwesto nila. Kada minuto yata ay sumusulyap ako sa kanila, hindi ko mapigilan ang sariling bantayan ang bawat galaw niya.
"Here drink more, bitch." Nilapag ni Nyssa ang baso sa harap ko.
Siya ang pinaka mahinhin sa amin kaya nakapagtataka na sumama siya sa tatlo patungo dito. Nyssa always with me, mas close ko siya kaysa sa tatlo. Paano ay mga baliw ang tatlo, kung anong kabalastukan ang ginagawa.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Bakit pakiramdam ko ay nilalasing niyo ako? Kanina pa ako at nakailang baso na din ako samantalang nakadalawang baso pa lang yata kayo. Something was fishy here, what is it?"
Sabay na umiwas ang apat. Hanggang sa sumama ang mukha ko. I knew it. May kabalastugan na naman silang gagawin.
"What?" taray ko.
"Paaaminin ka lang naman namin," Leizel answered that make my brows meet.
"What?" Lalo kong pinataray ang boses ko.
Sabay na humugot sila ng buntonghininga. Then Myna look at my eyes straight. "Were going to ask you a question. And we knew, kapag lasing ka lang nagsasabi ng totoo tungkol dito."
"Why don't you ask me right now?" Nang maramdaman kong may nakatingin sa akin ay nilibot ko ang paningin ko.
Nakita kong nakatingin sa akin si Giveon, umirap lang ako. Para 'yan sa ginawa mong pagbabaliwala sa akin kanina. Nagkatinginan ang apat.
"Sasagutin mo? 'Yong totoo?" Tumabi sa akin si Nysaa.
'Depende sa magiging tanong niyo.' Hindi ko na isinantinig iyon.
Tumango lang ako kaya sumeryoso sila. At iyon ang nagpakaba sa akin. That face of them, alam kong seryosong bagay ang itatanong nila. Tanong na alam kong mahihirapan akong sagutin.
Nakita ko ang pagsulyap ni Myna sa ibang direksiyon. "Are you in love with your best friend?"
Parang natuod ako sa kinauupuan ko. Parang nawala na lang bigla ang mga tao sa paligid ko. Iyon ang tanong na hindi ko inaasahan. They already knew? But how? Alam ko sa sarili kong hindi halata ang pagkakagusto ko kay Giveon.
Kumuyom ang kamay ko. My lips tremble, namuo ang luha sa mga mata ko. Naghihintay sila sa sagot ko. Alam kong mapagkatiwalaan ko sila pero hindi pa ako handang may makakaalam no'n. Narinig ko ang buntonghininga nila, nilapitan nila ako at hinaplos ang likuran ko.
"We already knew, bitch. Hindi namin napapansin sa kilos mo pero nakikita namin iyon sa mga mata mo. The way you look at him, it's full of love and admiration. We understand you bitch, if you're not yet ready to tell us." Itinakip ko ang dalawang kamay sa mukha at mahinang napahikbi. Ganoon na ba kahalata ang mga titig ko sa kanya?
"Thank you for not forcing me. And I'm really sorry, I am not ready yet."
Hinintay nilang tumahan ako at muli kaming uminom. Hindi tulad kanina, sunod-sunod na ang ginawa naming pag-inom. Nahihilo man ay sabay naming tinungo ang dance floor. Wala na kami sa aming sarili, dumaloy na sa sistema namin ang alak na ininom.
We dance wildly. Tinaas ang mga kamay, sabay na sumabay sa indak ng musika. We move our hips sexily. May nakipagsayaw din sa aming mga lalaki, pinalibutan kami pero hindi namin pinansin pa. Sa sobrang kalasingan ay wala na kaming pakialam sa paligid.
Someone touch my waist so I move my hips even more. Hindi ko pinansin ang kung saan mapunta ang kamay niya. Hinarap ko siya at pinalibot ang isang kamay sa leeg niya. I can't saw his face clearly but I know he's handsome. Makisig ang katawan niya, his smell good too.
"You're sexy." I heard him whispered.
Paano niya nasabi eh balot na balot nga ako? Napailing ako at inigihan ang pag-idak. Hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. I hummed and lalong nilapit ang katawan sa kanya. But to my surprise, bigla akong nawala sa mga bisig nito. Umikot lalo ang paningin ko nang mabangga ako sa matigas na bagay. Kailan pa may poste dito.
"Hey!" alma ng lalaki.
May pumalibot na mainit sa baywang ko. Niyuko ko ito, nangkit ang mga mata ng makita ang mga braso. Nang tingnan ko kung kanino iyon ay napanguso ako. It was Giveon.
"What? Are you ready to face my fist? Come here, babasagin ko 'yang mukha mong gago ka! How dare you to touch her!" Kahit malakas na ang tugtog ay mas naririnig pa din ng lahat ang galit na sigaw niya.
Natawa ako ng makita na natigilan ang mga sumasayaw malapit sa puwesto namin. Ang tawa na nauwi sa pagngiwi ng humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Umalis ang lalaki sa harap namin habang naiiling.
"Damn, Ymee! What the hell are you doing?" Ramdam ko ang galit niya. Hindi ko alam kung dala lamang ng kalasingan ko pero tinawanan ko siya. I bid my goodbye to the bitches when Giveon pulled me, palabas ng bar. Nang marating ang kotse niya ay hinarap niya ako, hinawakan ang magkabilang balikat ko. "You're dancing with that freak! He's touching your body, for god sake! What's your problem? Sinabi ko bang uminom ka?"
Napatakip ako ng tainga. "Ano ba 'yan, Veo! You're so loud. And do I need your permission kapag gusto kong uminom? Can you just stop shouting at me? Lalo akong nahihilo. Let's go, uwi na tayo." Tumawa ako at nauna nang pumasok sa kotse niya. Nabangga pa ako sa pinto niya ng buksan ko ito. Mabuti na lang at nakaalalay siya.
Pagkaupo ko pa lang ay pumikit na ang mga mata ko. Inaantok na ako. Naramdaman ko ang pagpasok niya, inayos niya ang seat belt ko. Then I heard him sighed, pinapakalma ang sarili. Mukha galit pa din siya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo! Ymee, stop making my head hurt."
Narinig kong wika niya bago paandarin ang kotse. Sakit na talaga siya sa ulo nito simula pa lang. Pero hindi ko alam kung bakit nananatili pa rin siya sa tabi ko. Isang ngiti ang namutawi sa labi ko bago ako tuluyang nakatulog.
R.P.I | REDPOISONINK
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top