Walang Hangan
20
"Athan." Pagtawag ko sa kanya. Tumaas lamang ang tingin niya sa akin mula sa kanyang gitara. Mabilis akong ngumiti at patakbong lumapit sa kanya. Ngumiti siya sa akin bago inayos ang kambal kong tirintas.
"I love your pig tails." Masuyo niyang sabi. Pakiramdam ko ay lumobo ang puso ko sa ginawa niyang papuri. Nagpatuloy nang muli si Athan sa pagtugtog habang ako ay nanunuod naman sa kanya.
He is perfection. Siya ang unang lalaking nagparamdam sa akin nito. He is my first love and my first kiss. I want him to be my first in everything. Gusto ko rin siya na ang maging huli ko. Siya ang makakasama ko sa pagtanda namin. Siya iyong makakwentuhan ko kapag hindi na ako makalakad dahil sa rayuma.
I never wanted anything so bad. I want Nathaniel Falcon.
Hindi ko alam kung ano na bang estado naming dalawa. Basta ang alam ko lang ay nakukuha ko na ang puwang na inaasam ko. He told me he is starting to like me. Achievement na rin naman iyon, hindi ba? Unti unti na rin naman niyang makakalimutan si Victoria. Mamahalin na rin naman niya ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi ni Athan. Sunod ko na lamang nalaman ay ang paggising ko sa sofa. Nilinga ko ang buong condo ko pero wala na siya roon. Tiningnan ko ang bedside table at doon napansin ang sulat niya.
'Went to work.
-A'
Napanguso na lamang ako sa nabasa. Sana ay ginising na lamang niya ako. I would have been so happy kung makakasama ako sa kanila. Ang alam ko ay recording nila sa bagong album na kanilang irerelease. Gusto ko pa naman silang pinapanood.
Buong araw ay bored lamang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nagpasya na lang akong puntahan si Athan sa Wave. Noong makarating ako doon ay hindi na ako makapasok sa studio. Puno ito ng press na kumukuha ng balita para sa kanilang album.
Nagpasya na lamang akong pumunta sa music room ng Wave. Dumiretsyo ako sa piano at umupo roon. Tinaas ko ang lid at nagsimulang tumugtog na lamang. Mula sa maliliit at pahinto hintong nota ay nagtuloy tuloy ang kanta.
'Ikaw ang una't huling
Pag-ibig ng buhay ko
Kaytagal mang naghintay,
nandito kana aking habang-buhay'
Napangiti ako ng unti unti ko nang makumpleto ang kanta na ako mismo ang sumulat. And of course, para it okay Athan. Because he is my first, and my last eventually. Kapag nagawa na niyang sabihin sa akin ang mga salitang hinihintay ko ay ako na ang magiging pinakamasayang babae sa buong mundo.
'Sinlinaw ng langit na bughaw,
hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
na tayong dalawa ay maging isa'
I never felt this way before. Iyong unang beses ko siyang nakita, dito mismo sa loob ng music room habang tumutugtog ng kanyang gitara, iyon na yata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buong buhay ko. Seeing him made my world shift. I will never blame gravity for falling.
"Anong ginagawa mo?"
Napataas ako ng tingin. Nakita ko si Athan na nakatayo sa may hamba ng pintuan at pinapanood ako. Noong mapansin niyang nakita ko na siya ay lumapit siya sa akin. Umupo siya sa aking tabi at tiningnan ang kamay kong nasa may piano pa rin.
"I wrote a song for you." Masaya kong sabi. Nilingon niya ako, ang mata niyang kulay abo ay kumislap. Mabilis siyang nag iwas ng tingin sa akin pero hindi niya naitago ang pagngiti niya sa sinabi ko.
"I love you." Bulong ko sa kanya. Nanigas siya sa pagkakaupo at hindi agad nakatingin sa akin. Umayos ako ng upo at muling tinugtog ang kanta. Nagsimula akong muli sa mga mumunting nota. Hindi ko alam pero ngayong nasa tabi ko na siya ay kinabahan akong bigla.
'Ikaw ang una't huling
Pag-ibig ng buhay ko
Kaytagal mang naghintay,
nandito kana aking habang-buhay'
I felt bursting. Iyong pagmamahal kong itinago ko sa kaibuturan ng pagkatao ko ay unti unting lumalabas. Ngayong katabi ko siya ay ramdam ko ang intensidad na tanging siya lang ang nakakapagbigay sa akin. Mahal na mahal ko siya. Buong pagkatao ko, hindi lang ang puso ko ang nagmamahal sa kanya.
'Sinlinaw ng langit na bughaw,
hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
na tayong dalawa ay maging isa'
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nanginginig ako habang kumakanta. Nasa tabi ko na siya. Iyong Nathaniel Falcon na inaasam ko noon, nasa tabi ko na. How could this moment be so perfect?
Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Athan sa beywang ko. Pinagpatuloy ko ang pagkanta. Kahit na basag na ang boses ko ay hindi ako tumigil. I want him to know. I want him to feel the intensity I am feeling for him.
'Ikaw ang una't huling
mamahalin ko ng ganto
nais kong malaman mo
dati pangarap lang ito'
"Stop." He said. Tiningala ko siya. Bakas sa kanyang mukha ang emosyon na hindi ko mabigyan ng pangalan. I can see mixtures of pain, amazement, fear and..love? I don't know. Baka masyado lang akong umaasa kaya kung ano na ang nakikita ko.
"Why are you crying?" paos ang boses niyang sabi. Mabilis niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi bago ako tinitigan.
"I-I am inlove with you Nathaniel Falcon..sobra sobra." Anas ko. Tumulong muli ang luha ko pero mabilis niya iyong pinunasan.
"Stop. Kapag sinabi mong mahal mo ako, wag kang umiyak na para bang nagsisisi ka. Dry your tears babe, please." Pakiusap niya. Kumurap ako at tinitigan siya. Ngumiti lamang siya at hinila na ako.
I love you. I love you so much. Hindi ako mapapagod na ulit ulitin sa iyo iyan Nathaniel Falcon. Up until my last breath, I will confess my love for you. Because you are my first, and my last.
----------------------------
"What are we doing here?" tanong ko kay Athan habang hinihila niya ako sa gitna ng park. Ngumiti lamang siya at hinarap ako.
"Surprise." Aniya.
"Anong surprise?" tanong ko. Ginulo lamang niya ang buhok ko bago may kinuha sa kanyang bulsa.
"A thank you gift. Since you agreed on giving me a second chance." Sabi niya. Dinukot niyang muli ang anklet na gawa sa raindrops at nilabas iyon. Umupo siya at lumuhod sa aking harapan bago niya ikinabit iyon sa aking paa.
"Athan, ano ba. Madaming tao." Pagbabawal ko. Nilinga ko ang mga taong tinitingnan si Nathaniel na isinusuot ang anklet sa akin.
"Hayaan mo silang tumingin. Let them know you own me Morales." Maangas niyang sabi bago tumayo. Bahagya pa akong napamura noong lumapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung sinadya niya ba iyon o ano. Huli ko na lamang nakita ay ang pagngisi niya.
Tinapik lamang niya ang ilong ko. "Stay there." Utos niya bago naglakad palayo sa akin. Lumapit siya sa bandang tumutugtog sa may fountain bago nag abot ng pera doon. Kinuha niya ang kanilang gitara bagp ako tiningnan.
"You wrote a song for me then. I want to return the favor Leria." Nakangiti niyang sabi. Kinuha na niya ang gitara at nagsimulang tumugtog.
"I am not good with words, so let the song tell you what I really wanted to tell you four years ago." Aniya.
'Ang pag-ibig ko sa 'yo ay wagas
Ating sumpaan, 'di kita iiwan'
Pumikit siya, halatang dinadamdam ang bawat salita ng kantang kanya mismong sinulat. Ako naman ay napayakap na lang sa sarili ko. Bumibilis na ang tibok ng puso ko sa hindi mawaring dahilan. Am I affected? Ginagawa ni Athan lahat ng ginawa ko noon. He is the Leria now.
'Ang pagmamahal, sa 'yo lang iaalay
'Di magbabago sa dilim at liwanag
Sisikapin na lagi kitang makita
Kahit maraming hadlang na iba'
Lahat ng alitaptap sa tyan ko ay nanahimik habang pinapakinggan si Nathaniel sa pagkanta. Ang intensidad na naramdaman ko noon habang ako naman ang kumanta para sa kanya ay bumabalik. Iyong pamilyar na init na humahaplos sa akin sa tuwing kasama ko siya ay muli kong nararamdaman.
Here is the man who had all of my firsts, singing for me.
'Kahit maraming hadlang na iba
Walang hangan ang pag-ibig ko sa iyo
Itataya ang lahat kahit buhay ko'
Tumulo ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Sasabog na ang dibdib ko sa sobrang emosyon ko habang pinapanood siya. Hindi na ako nagdududa sa pagmamahal niya. Hindi naman niya gagawin ito kung ayaw niya.
Pinagdududahan ko lang kung mas matindi na ba ang pagmamahal niya para sa akin kumpara kay Tori. Kung tuluyan na ba niyang naisuko sa akin ang buong siya, na hindi lamang niya ito ginagawa dahil natalo siya ni Stanley. Natatakot akong sumugal ulit sa kanya dahil ayaw ko ng masira.
'Walang hanggan ang pag-ibig ko sa iyo
Itataya ang lahat kahit buhay ko'
Noong tumigil siya ay lumapit siya sa akin. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at tiningnan siya. Nakangisi lamang siya kahit na bahagyang namumula ang mukha.
"Nagustuhan mo? I wrote it for you." Hinihingal niyang sabi.
"Kelan mo sinulat?" tanong ko. Nawala ang ngiti niya at nagseryoso.
"The day you sang for me. Sa piano room Leria. " aniya. Tiningnan ko siya at napamaang na lang.
"You wrote that four years ago?" hindi ko makapaniwalang sabi. Tumango lamang siya.
"But why now? Bakit ngayon mo lang sinabi?" hindi ko makapaniwalang sabihin. I have been with him for almost a year now, managing Wave. Isa pa, noong kinantahan ko siya ay ilang buwan pa kaming nagsama. Maraming panahon sa pagitan naming dalawa pero bakit wala siyang nabanggit.
"Because I was afraid Leria." Sagot niya. Kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong hinawakan.
"But now, I am not afraid anymore. Mas gugustuhin ko pang matakot kesa ang mawala ka. I can live with the fear, but the pain of living without you? Hell no." madamdamin niyang sabi. Suminghot ako at mabilis na yumuko. Hinawakan naman niya ang baba ko at ngumiti.
"Leria Geneva Morales.." tawag niya sa akin. hindi ko siya nilingon.
"Look at me." Mas madiin niyang sabi. Tiningnan ko na siya at nagulat noong mabasa ko ang nasa mata niya. He is looking at me with so much pain, amazement, fear and love. Katulad ng paraan ng pagtingin niya sa akin noon.
"I will bring you back." Bulong niya bago hinagkan ang aking noo. Simple lang ang mga salita niya pero ramdam ko ang pangako sa likod nun. At kahit ayaw ko, hindi ko napigilan ang maniwala sa salita niya.
Noong humiwalay siya sa akin ay mabilis ko siyang niyakap.
"Thank you A." sagot ko. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa akin.
"Anything for you Ri." Aniya. Humiwalay na ako sa kanya at tumango.
'Walang hanggan ang pag-ibig ko sa iyo
Itataya ang lahat kahit buhay ko'
Inayos ko ang buhok ko bago huminga ng malalim.
"Let's go?" anas ko. Tumango lamang siya bago kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon. I looked up at him at nalaman kong nakatingin nga siya sa akin. Nag iwas ako ng tingin bago ko naramdaman ang pagtaas ng sulok ng labi ko. Hindi ko na iyon pinigilan.
I smiled. And it is all because of him. Again.
--------------------
Songs Used:
Una't Huling Pag-ibig – Yeng Constantino
Walang Hanggan – Ney Dimaculangan and Yeng Constantino
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top