Prologue

Taming The Cold Boy

By: Ace Domingo

"Fuck." Mura ni Athan bago siya bumagsak. Agad akong tumakbo papunta sa kanya para masalo siya. Muntik pa akong matumba dahil sa bigat niya.

"A." paninigurado ko kung tulog na ba siya. Tiningnan ko ang baso niya ng alak na hinaluan ko ng pampatulog. Nang masiguro kong naubos niya iyon ay agad ko ng tinawag ang kapatid ko.

"This is insane Leria." Inis na sabi ni Georgina sa akin bago niya kinuha ang isang braso ni Athan at tinulungan akong buhatin ito.

Tinitigan ko lamang ang ate ko bago napanguso.

"If this is Stanley, will you do the same?" paghahamon ko. Tumaas lang ang kilay niya bago umiling. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang pintuan ng aking kotse para maipasok roon si Athan.

"You're really hopeless sis." Inis niyang sabi. Inayos niya ang dress niyang nalukot bago niya ako nilapitan. Hinalikan niya ako sa pisngi bago ako binigyan ng isang card.

"You call, okay?" utos niya. Tumango lang ako sa kapatid ko bago pumasok sa kotse. Kinuha ko ang rope sa backseat at tinali ang kamay at paa ni Athan. Nang matapos na ako ay tinitigan ko siya. Inayos ko ang buhok niyang natatakpan ang kanyang mukha. Napahinga ako ng malalim ng makita ko siya.

God, I love this man. So much. Mula sa alon alon niyang buhok hanggang sa pilikmata niyang mahahaba. Hanggang sa malamig niyang pagkatao at sa walang pakialam niyang pagtugtog ng gitara niya. Mahal ko ang lahat sa kanya.

Too bad he's inlove with somebody else.

Dumiretsyo ako ng upo noong maalala ko ang babaeng iniyakan niya noong may concert sila. Nakita ko kung paano sumuko si Athan noon sa babae. Georgina said, the girl, which I remembered Tori pala ang pangalan, is Stan's childhood sweetheart. My sister said, up until now, inlove pa rin si Tori kay Stan, which means Athan's love is unrequited.

Lucky me. Tori's lost is my gain. Walang matinong babae ang hindi mahuhulog kay Athan. He's perfect.

Nagmaneho na ako patungong Pampanga bago pa man magising itong aking biktima. Baliw na nga siguro ako dahil kinidnap ko ang gitarista ng AEGIS, pero wala na akong pakialam. Tiningnan ko naman ang sched nila at free sila ng isang buong linggo. Makakasama ko siya ng one week! My gosh!

Tatlong oras rin ang byahe mula Maynila hanggang sa resort namin dito sa Clark. Agad akong nagpatawag ng katulong para tulungan akong ibaba si Athan. Nakita ko ang nagtatanong nilang mga mata noong makita na nakatali ito pero pinandilatan ko lamang sila kaya wala na silang nagawa. Sumunod ako sa kanila at pinadala si Athan sa pinakamaatas naming kwarto.

"Umalis na po muna kayo. Kaya ko na po ito. Balik na lang kayo next week Manang." Anas ko. Nanlaki ang mata nila bago walang kibong tumango. Kinuha ko ang mga susi at nilapitan si Athan. Hinaplos ko ang pisngi niya bago ako yumuko at hinalikan ang kanyang labi.

Ganito pala ang first kiss.

Parang nagtambol ang aking dibdib ng maramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa akin. Hindi agad ako nakagalaw sa sensasyong iyon. Nang makabalik na ako sa aking huwisyo ay tumayo na ako. Kinuha ko ang aking bag at inilabas doon ang dalawang pares ng posas. Ikinabit ko iyon sa kamay niya at sa headboard. Ginawa ko rin iyon sa kanyang paa. Nang makita kong mahigpit na ang kanyang pagkakatali ay humiga na ako sa kanyang tabi. Umusog ako ng kaunti at niyakap siya.

Lihim akong napangiti habang pinapakinggan ang malalalim na paghinga ni Athan. Sumiksik pa ako lalo sa kanya bago pumikit.

"I'll tame you cold boy. You will love me too. I'll be your finish line." Pangako ko sa kanya at sa aking sarili. Muli ko siyang tinitigan bago ko hinaplos ang kanyang dibdib at natulog na.

Hindi naman siguro masama na kinidnap ko siya hindi ba? Isang linggo lang naman.

-----------------------------

Mamaya yung Chapter 1.

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top