Piraso
28
"Bakit ba kasi ayaw mong ako ang magdala ng gitara mo?" naiinis ko ng tanong kay Nathaniel. Niyuko lamang niya ako at pinisil ang aking ilong bago kinuha ang case sa akin.
"This is heavy babe."
"But I want to help you." giit ko. Hinawakan ko ang strap ng kanyang gitara pero tinabig lamang niya ang aking kamay. Matapos niyon ay hinawakan niya ang aking palad at ginawaran iyon ng isang halik.
"You can help me by doing your job Leria Geneva Morales. Bilis na. The stage is already set." tulak niya sa akin papunta sa likuran. Ngumuso na lamang ako pero ang marahan niyang pagtawa lamang ang narinig ko.
"Athan naman eh!" tawag ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita. Noong makarating ako sa backstage ay kumindat lamang siya sa akin bago niya isinara ang pintuan. Dumiretsyo na siya sa stage habang ako ay iniwanan niya sa likod.
Wala pa man akong limang minuto na naroon ay binaha na ako ng maraming tanong ng aking mga empleyado. Nagkalat na rin ang mga reporters na kumukuha ng inside scoop para sa album launch ng AEGGIS.
Ilang beses kong sinubukan muling bumalik sa labas para panuorin ang rehearsals nila tatlong oras bago ang concert. Nagsisimula na akong mainis dahil gusto ko pa namang kumuha ng video pero hindi ako makahanap ng pagkakataon.
"Hindi ka pa ba magbibihis?" tanong sa akin ni Lily. Pinagtaasan ko lamang siya ng kilay. I hate how demure she acts, kung tutuusin nga ay napakalandi niya. May turtle neck dress pa siyang nalalaman, hindi naman niya bagay. Mukha siyang pagong.
"No. Lalabas na ako." masungit kong sabi bago siya nilampasan. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya muli akong humarap.
"Pinagtatawanan mo ba ako?"
Mabilis ang ginawa niyang pag-iling bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Inayos niya ang kanyang buhok, halatang ipinapakita sa akin kung gaano ba kaputi ang kanyang balat.
Bitch. Iyon lamang ang nasa isip ko noong panahon na iyon. Di hamak naman na mas maganda ang mga kaibigan ko kumpara sa kanya.
"Pawis na pawis ka Leria. Namumutla ka pa. Wag mong sabihin na lalabas ka ng ganyan ang itsura?" panlalait niya. Nakagat ko ang labi ko at sasagot pa sana noong tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo.
Kahit na naiirita pa rin ako ay nagpunta ako sa comfort room. Tinitigan ko ang aking sarili at napansin ko ngang maputla ako. Sinindi ko ang gripo bago ako nagsimulang maghilamos noong biglang nagring ang aking cellphone sa bulsa. Kinapa ko iyon at napansin ang isang reminder.
N akalagay sa kalendaryo ko ang reminder ng pagbili ng sanitary pad. Bahagyang kumunot ang noo ko noong maalala na hindi pa ako nadadatnan para ngayong buwan. Regular naman ako at hindi ako nagkakaroon ng lapse sa period-
Muntik ko ng mabitawan ang phone ko sa naisip. Mabilis ang naging pagkilos ng kamay ko papunta sa aking tiyan at kinapa iyon. Could it be? Could it possibly be?
Noong unang beses na nangyari sa akin ito ay wala akong ideya sa dinadala ko. But now? I never knew the feeling of having a life growing inside you. Now that it is actually happening to me, I could only feel two things. Happiness and fear. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.
Ilang beses na katok ang narinig ko sa pintuan bago sumilip roon si Tori. Sinabi niyang malapit ng magsimula ang concert kaya kailangan ko ng lumabas.
Noong umalis na siya ay naiwan akong nakatingin sa repleksyon ko. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Sasabihin ko ba kay Athan ang tungkol sa hinala ko? Paano kung mali lamang pala ang nasa isip ko? What should I say?
-----------
Noong lumabas ako ay madilim na ang buong stage. Sa likuran na lamang ako pumwesto para manuod. Nakaset na ang buong instrumento nila pero wala pa ang AEGGIS roon. Umupo na ako sa pinakadulong hilera, nagiisip kung ano ba dapat ang tama kong gawin.
'I never dream
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing'
Napatingin ako sa stage noong may biglaang kumanta. Tumindig ang balahibo ko noong makilala kong ang boses ni Athan iyon. Unti unti, mula sa may entablado ay marahan siyang naglakad papalapit sa akin.
'And I could swear
Love is just a game that children play
And no more than a game'
Habang kumakanta siya ay nanatili ang tingin niya sa akin. Sa bawat paghakbang ay seryoso at mabibigat ang hininga niya. Hindi ko napigilan ang maluha habang pinapanood ko siya. I remembered the times I sang for him when we were together. Kung paanong napapasaya na ako sa mga pagkakataong makakatulog siya sa balikat ko habang umaawit ako.
And now he is doing the same thing for me.
'Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day'
Noong huminto siya sa harapan ko ay nawala na ako sa sarili. Humagulgol na ako habang siya ay dahan dahang lumapit sa akin. Tumigil siya sa pagkanta pero patuloy pa rin ang pagtugtog ng piano ni Iñigo sa background. Ang dalawang bokalista na ang sumalo ng kanta habang si Athan ay nakatingin lamang sa akin.
'I believe you
I believe in every word that you say
I love you all the way'
"I'm not sure if destiny or fate is a real thing Leria. But sometimes, the thing that you wish for is right here, standing before your eyes." pagbasag niya sa kanyang katahimikan. Kinuha niya ang aking kamay, sa paraan ng paghawak niya ay ramdam ko ang panginginig niya at ang panlalamig.
"You said that pain changes a person permanently. That the only thing you have felt eversince I left you was pain. Hindi ko alam kung paano k ba itatama lahat ng naging mali o aayusin ang lahat ng naging sira mo magmula noong tinalikuran kita, but I am willing to try Leria. I want to fix you even if I end up being hurt by your broken pieces." madamdamin niyang sabi. Yumuko na lamang ako, hindi na makapagsalita dahil sa tindi ng dalang emosyon ng kanyang mga salita sa akin.
'Now I could swear
Love is not a game that children play
So tell me that you stay'
It is funny. Isang malaking katatawanan sa buhay ang ganitong eksena. It very funny to love someone who caused you so much pain. Nakakatawang nagmamahal ka pa rin kahit na winasak ka niya, na minamahal mo pa rin siya gamit ang bawat piraso ng pagkatao mong binasag niya ng walang awa.
This is something I don't understand. But this is also something I do feel right now.
'Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day'
Lumuhod siya sa aking harapan at ang kanta ay tuluyan ng nalunod ng sigawan. Ngumiti siya sa akin habang may mga nangingilid na luha sa kanyang mata. Lumunok siya at mataman akong tinitigan.
"I am so inlove with you Leria Geneva Morales. So inlove.." anas niya. Pinunasan ko ang luha ko at tumango sa kanyang sinabi.
Pain changes a person permanently. Kung may isang bagay man akong natutunan, iyon ay ang kaalaman na nagbabago ang isang tao ng dahil sa sakit.
But now, I also learned something. Happiness changes pain. Magmula noong sinabi kong bibigyan ko si Athan ng pagkakataon ay nangako na akong hindi na ako mabubuhay sa nakaraan. That my mistakes were all nightmares from the past. Maybe I am no longer the innocent girl back then, because I know that I am more than that.
I am strong. Lahat ng naranasan ko ay naging dahilan ng pagiging matibay ko. Maybe, the only person who can heal your wounds is the same person who caused them. At ngayong narito na si Athan ay sigurado na ako, mawawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Will you marry me Leria?" tanong niya at inilabas ang singsing mula sa kanyang bulsa. Sa sobrang luha ay hindi na ako makasagot. Tumango na lamang ako at inilahad ang aking daliri sa kanya.
----------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top