Permanent Mark

6

Nakahanap na ako ng list of songs for TTCB.

Flashback na tayo ha?

--------------------------------------

Nagising ako nang bahagyang gumalaw si Athan sa tabi ko. Umungol siya kaya agad kong sinindi ang lampshade sa gilid ko.

"Lights." Hinihingal niyang sabi. Tumayo ako at sinindi ang switch bago ko siya binalikan. Punong puno siya ng pawis habang namumutla. Hindi ko napigilang magtaka sa inaasta niya? Natatakot siya?

But then, noong narealize ko iyon ay gusto kong sampalin ang sarili ko. of course, Leria Morales, matatakot talaga yan. Kinidnap mo eh. Lumapit ako sa kanya habang siya naman ay pinipilit na kumalma. Noong dumilat siya ay bahagyang nanlaki ang mata niya.

"Ikaw?"

Tinaas ko ang kamay ko bago kumaway. "Hi." Anas ko. Tinitigan lang niya ako. Akma sana siyang tatayo pero hindi siya nakagalaw. Nakagat ko ang labi ko ng makita ko ang pagtalim ng mata niya pagkatingin sa mga posas na nakalagay sa kaniya.

"What the fuck?" namamangha niyang tanong. Pinilit niyang hilahin ang kamay pero hindi iyon natinag. Ako naman ay pinapanood siyang magpumilit makawala. Noong mapagod siya ay tinitigan niya ako.

"Pakawalan mo ako."

"Eeh? Ayaw ko nga." nangingiti kong sabi. You're helpless now Falcon. Akin ka na. Sa loob nga lang ng isang linggo. Pero okay na yun kesa sa wala hindi ba?

Tinitigan lang niya ako. Tinitigan ko lang din siya. Kaagad nagwelga ang mga alitaptap ko. Nagstanding ovation na sila dahil sa pinakamatagal na pagtitig ni Falcon sa akin. Pakiramdam ko ay mangingisay na talaga ako.

"Baliw ka ba? Pakawalan mo na ako. May shooting kami--"

"Uh-uh. I know your sched Athan. Free kayo for one week." Natatawa kong sabi. Namilog ang mga mata niya sa sobrang gulat.

"How.."

"I have my ways." Sagot ko na lang. Napamura siya ulit bago pumikit. Noong dumilat siya ay seryoso na at walang emosyon ang kanyang tingin.

"Untie me."

"Ayoko nga. Tatakbo ka nun." sabi ko habang ngumunguso. Gumalaw ang mga muscles niya sa panga at mukha na akong tanga habang pinapanood iyon.

"Hindi ako tatakbo."

Tinitigan ko siya ng matagal. "Promise?" paninigurado ko. Tumaas ang sulok ng labi niya, iyong tipo ng nagpipigil ng ngiti. Hinigit ko ang hininga ko. Shiz, ngingitian niya ako? Ngingitian talaga niya ako? Damn.

"Promise." Madiin niyang sabi. Lumawak ang ngiti ko pero hindi pa ako bumigay.

"Promise na promise? Peksman sa buwan?" dagdag ko. Bumuntong hininga siya habang tumatango na lamang sa kakulitan ko. Kinuha ko ang susi na nakatago sa loob ng bra ko at lumapit sa kanya. Nakita ko pa ang gulat sa mukha niya ng makita kung saan ko inilalagay ang susi ng posas niya. Dumukwang ako at unang kinalagan ang paa niya. Nang matapos ako ay ang mga kamay naman niya. Umupo siya sa gitna ng kama habang hinihilot ang katawan niya.

Inipon ko ang apat na pares ng posas bago iyon inilagay sa drawer. Saktong pagyuko ko ay kumalabog ang kama at tunog ng mga hakbang ng paa ang narinig ko. Sunod kong nalaman ay ang pagpipilit ni Athan na buksan ang pintuan. Ngumisi lang ako at napailing. Nakapadlock yan Athan. Nasa akin rin ang susi.

Humiga ako sa kama at pinanood siya noong dumako siya sa bintana. Binuksan niya ang salamin bago napailing na lamang.

"Nasa sixth floor tayo. Mamamatay ka kapag tumalon ka." Seryoso kong sabi. Inis niyang binagsak ang salamin at humarap sa akin.

"Sino ka?" tanong niya sa nag-iigting na panga. Damn. Angry Athan is gorgeous. Naku.

"Asawa mo." Natatawa kong sagot. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nawala ang ngiti ko bago huminga ng malalim.

"Leria Morales." Simple kong sagot. Ilang beses siyang kumurap habang tinitingnan ako. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang buo kong pangalan at alam kong nagkaideya na siya kung sino nga ba talaga ako. That I am not just a simple stalker.

Pasimple kong inayos ang buhok ko at humiga sa kamang inokupa niya kanina. Matagal siyang hindi nagsasalita. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang pinapanood akong gumulong gulong sa kama.

Ilang buga ng hangin ang ginawa niya bago tuluyang sumuko na lamang. Umupo siya sa taas ng study table roon at tiningnan ako.

"Morales?" bakas sa boses niya ang paninigurado. Nakagat ko ang labi ko bago tumango. Lalong nanliit ang singkit niyang mata habang inaalisa ang galaw ko.

Tumalikod siya sa akin at kumuha ng libro sa book shelf. "Bakit nandito ako?" tanong niya habang nagbabasa.

"I kidnapped you." Simple kong sagot. Hindi man lang siya natinag sa pagtingin sa pahina ng libro na hawak niya.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Because I love you." Mabilis kong sabi. Doon pa lamang siya napatingin sa akin. Buka ang bibig niya at halatang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.

"You what?"

"I said I love you." Mas malakas ko ng sabi. Narinig ko ang pabagsak na pagsara ng libro bago niya iyon ibinaba sa lamesa.

"Baliw ka na." sumusuko na niyang sabi, Sunod siyang lumapit sa mga canvass na nakadisplay roon sa pader. Kinagat ko ang labi ko at umiling.


"No. Ito lang ang naisip kong paraan para makasama ka. Tell me, will you stay, even for just a minute with me, kung nakiusap lang ako sayo at umasa na papansinin mo ako? Come on Athan, saang kamay ng diyos ko kukunin ang ganung milagro? You don't even look at me." tuloy tuloy kong sabi. By the time na tapos na ako sa aking litanya, nakaharap na siya sa akin at pinapakinggan na ako.

"You can't love me." sabi niya habang hinihilot ang kanyang sentido.

"Why?"

"Because you don't know me. You're just inlove with this.." sabi niya habang tinuturo ang kanyang mukha. "Or maybe because I play instruments and I sing." Dagdag niya pa. Ngumuso lamang ako sa kanyang sinasabi.

Tumayo ako at tumapat sa kanya. KInailangan ko pa talagang tumingala dahil sa tangkad niya. Noong malapit na ako sa mukha niya ay doon ko lamang napansin na hindi pala brown ang kulay ng mata niya kung hindi gray. Not just gray. But a gorgeous shade of gray.

"First of all, kung iniisip mo na mahal kita kasi gwapo ka, then think again. Kung ang batayan ko lang ay ang mukha mo, sana mahal ko rin si Ethan, because as far as I remember, magkamukha kayong dalawa. And to tell you frankly, hindi ikaw ang pinakagwapo sa AEGIS Athan. Iñigo is." Tumigil ako ng makita ko ang pagtaas ng kilay niya sa huli kong sinabi. Noong hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ako.

"Isa pa, I can play instruments too. And I do sing. There's nothing special about your talents dahil kaya kong gawin lahat ng kaya mo. Surely, I don't know you now. Pero kaya nga kita kinidnap ay para makilala kita." Pagtatapos ko. Nanliit ang mata niya at tinaas niya ang kanyang baba. Umiling na lamang siya at lumayo sa akin.

Umupo lamang siya sa study table at muling nagbasa. Ako naman ay humiga na sa kama at naglaro sa cellphone ko. Alas dos na ng madaling araw at inaantok na ako. Pero hindi ako makatulog hanggat gising siya. Kahit naman alam kong hindi siya manyak, kung desperado naman siyang makatakas ay madali lang niyang makukuha ang mga susi na nakatago sa bra ko.

Bahagya siyang humikab kaya tiningnan ko siya.

"Hindi ka ba matutulog ulit?" concerned kong tanong. Nanatiling nakapako ang mata niya sa libro at hindi man lang ako nilingon.

"Hindi ako makatulog sa ibang kama." Simple niyang sabi. Nagkibit balikat na lamang ako at bahagyang tinapik ang mga unan.

"Come on. I'll sing for you. Hanggang makatulog ka." Sabi ko. Tumaas ang sulok ng kilay niya sa akin noong sinabi ko iyon.

"Hindi kita itatali, promise." Tinaas ko pa ang kamay ko at natawa ng kaunti. Noong hindi siya gumalaw ay ako na ang tumayo at hinila siya. Nabigla pa siya sa ginawa ko kaya muntik na siyang matumba. Kinuha ko ang oportunidad na iyon para itulak siya pahiga. Noong nasa may kama na siya ay agad ko siyang kinumutan at binigyan ng unan.

"What are you doing?"

Nilingon ko siya. Umusog siya ng kaunti at sumandal sa headboard.

"Taking care of you." Simple kong sagot. Pumikit lamang siya at umayos sa pagkakasandal. Umusog ako para magkatabi kaming dalawa. Sinimulan ko ng i-hum ang intro ng kanta na nais kong kantahin para sa kanya.

'Maybe it's intuition

Something you just don't question

Like in your eyes

I see my future in an instant

And there it goes

I think I found my way home'

Pinanood ko siya habang payapang nakikinig sa aking boses. Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng lalamunan habang tinitingnan ang makakapal niyang pilik mata na halos tumakip na sa mata niya. He's a god. Athan Falcon is a god. Nagsinungaling ako kanina. Iñigo is not the most handsome member for me. Si Athan talaga. Si Athan ang laging mangunguna sa listahan ng mga alitaptap ko.

'I knew I loved you

Before I met you

I have been waiting all my life'

Bahagyang nahulog ang ulo niya at muli siyang napadilat. Napatingin siya sa akin at halos mangisay ako ng malaman na sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Napatigil ako sa pagkanta at bumaba ang tingin ko sa labi niyang ninakawan ko ng halik kanina habang tulog siya.

Nag-iwas siya ng tingin at muling pumikit. Pinilit kong kumalma at muling kumanta para sa kanya.

'I knew I loved you

 Before I met you

I think I dreamed you into life

I knew I loved you before I met you

I have been waiting all my life'

Tumigil lamang ako noong bumagsak na ang ulo niya sa may balikat ko. Lihim akong napangiti at maingat na gumalaw para mailapag ko siya ng maayos sa kanyang unan. Inilagay ko ang kumot sa kanya at humiga sa kanyang tabi. Marahan kong inalis ang mga buhok na nakatakip sa kanyang mukha at napabuntong hininga na lang sa sobrang saya.

"I knew I loved you, before I met you." Pagpapatuloy ko sa pagkanta. Pinanood ko ang pagtaas at baba ng dibdib niya habang natutulog.

"Toryang.." bulong niya. Nanigas ako sa narinig. Ang saya na naramdaman ko ay mabilis na nabura at napalitan ng selos para sa babaeng iyon. Pero wala akong karapatan na magselos. I am nothing to him. Yet. Pagkatapos ng linggo na ito, sisiguraduhin kong kasama na ako sa sistema niya at hindi na niya ako mabubura doon.

I will be permanent. Like a mark.

"Someday, you will fall for me Athan. And you will fall hard. Mas matindi pa kay Toryang." Pangako ko sa sarili ko bago tuluyang nanaginip.

----------------------------------

Song Used:

I Knew I Loved You- Savage Garden

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top