Pain
25
"Saan mo gustong pumunta ngayon?" tanong ni Athan sa akin habang abala siya sa pagaayos ng mga plato sa hapag. Tiningala ko lang siya mula sa mga papeles na binabasa ko bago nagkibit balikat.
"Dito lang. I have tons of work."
"Kakabalik ko lang mula sa roadshow namin. I want to relax Leria." Nakanguso pa niyang sabi. Umupo siya sa harap ko at tiningnan ang mga babasahin ko. I sighed at inagaw iyon sa kanya.
"Athan.."
"Po?" masaya niyang sabi sa akin. Napaikot na lamang ang mata ko dahil sa kakulitan niya. Tinitigan ko siya at ganun din ang kanyang ginawa. Umiling na lamang ako at at hindi na siya pinansin.
Kanina pa nangungulit si Athan na lumabas kaming dalawa pero ayaw kong pumayag dala na nga rin ng trabaho ko. Maraming bagong rookies ang Wave at kailangan ko silang ievaluate isa isa para malaman ko kung sino sino ang pwedeng pagsama samahin sa iisang grupo. Matagal na gawain iyon at kailangan ko talaga ng oras habang ito namang si Nathaniel ay kuntodo kung manggulo sa akin.
"Sandali lang naman tayo Ria." Dagdag niya pa. Hindi ko siya pinansin. Kung hindi lang napagod ang AEGGIS sa naging roadshow nila ay hindi ko sila pagbibigyan sa day off na ito. Idagdag mo pang nagkaroon ng malaking gulo sa pagitan ni Stanley at August pagkabalik nila mula sa show nila sa Baguio. Sa isang taon kong pamamalakad ng Wave, ngayon ko lang nakita na nag away ang dalawang miyembro.
"Samahan mo lang akong maggrocery. Wala na akong supplies sa condo ko." Pukaw ni Athan sa aking atensyon. Isinara ko na ang lid ng laptop ko at seryoso siyang tiningnan.
"Athan, inaayos ko pa ang gulo sa banda ninyo. August wants to quit AEGGIS at alam mong sooner or later ay lalabas na iyon sa media. Ngayon pa lang ay kailangan ko ng gumawa ng paraan para hindi matuloy iyon. Idagdag mo pang marami ring mga bagong talents. I can't go to your shopping spree, busy ako." Paliwanag ko. Nanatili lamang si Athan na nakatingin sa akin habang naglalahad ako ng aking litanya.
"August won't quit. Kakausapin namin siya. As for the new talents, tutulong kami sa pageevaluate. I will help you Leria. Kaya pumayag ka na please? Samahan mo na ako." Nakanguso niyang sabi. Tumayo na siya at hinila na rin ako patayo din.
"Athan naman!" protesta ko. Humalakhak lamang siya at hinigpitan ang hawak sa aking pulso.
Wala na akong nagawa noong kinuha na niya ang purse ko at kinaladkad ako palabas ng aking pad. Noong nasa may elevator na kami ay hindi ko itinago ang pagkainis ko sa kanya.
Tinititigan niya ako gamit ang repleksyon namin sa may pintuan ng elevator.nakikita ko pa ang pagpipigil niya sa kanyang ngisi. Alam niyang naisahan niya ako kaya siya masaya. Hindi ko na lamang siya pinansin at humalukipkip na lamang.
"Ang sungit talaga." Bulong niyang narinig ko naman. Tiningala ko siya at inirapan kaya natawa na siya ng malakas.
"Ewan ko sayo." Naiinis ko ng sabi. Humakbang ako palayo sa kanya pero mabilis niyang hinawakan ang aking siko at inilapit sa kanya.
"I want you near." Bulong niya sa akin. Iyong kamay niya ay dumako na sa aking beywang at hinapit ako. Agad akong nagpanic lalo na at naramdaman ko ang init ng braso niya sa balat na nakalabas sa aking midriff.
"You have a bad habit of exposing what is mine Leria." Aniya habang ang daliri niya ay naglalaro na sa aking tiyan. Napasinghap na lamang ako at pinigilan ang naglulumikot niyang kamay. Ngumisi lamang siya at mas lalo pang itinaas ang kamay niya hanggang sa pumaloob na ito sa aking top.
Hinawakan ko na ang kanyang palad. "Athan!" pagbawal ko. Hinalikan lamang niya ang buhok ko at tuluyan ng tumigil sa kanyang panunukso. Hinawakan na lamang niya ang kamay ko at sabay na naglakad papunta sa kanyang kotse.
Mabilis lamang kaming nakarating sa supermarket. Bawat madaanan naming mga paninda ay kumukuha si Athan roon habang ako naman ay ibinabalik iyon.
"You don't need that!" asik ko noong sinubukan na niyang kumuha ng sanitary napkin. Namumula ang pisngi kong ibinalik iyon sa lalagyan at hinarap muli ang makulit na taong yelo sa tabi ko.
"Bakit? May wings naman yun. You use those with wings right?" katwiran niya pa. Napayuko na lamang ako at napansin ang iilang mga mamimili na napapatingin sa aming dalawa. Mabuti na lamang at nakashades itong isang ito at walang masyadong nakakakilala sa kanya. Nakakahiya na bukas ay makikita sa dyaryo na ang gitarista ng AEGGIS ay bumibili ng sanitary napkin.
"Athan, ang kulit mo." Mababang boses kong sabi. Ngumuso lamang siya bago ngumiti sa akin. Hindi ko na siya hinintay pa. Nauna na akong pumunta sa mga condiments. Narinig ko na lamang ang tunog ng gulong ng kanyang cart. Maya maya lang ay nasa gilid ko na siya.
"Pero with wings naman talaga yung gamit mo hindi ba?" tanong niya pa. Sinapak ko na ang kanyang braso pero hindi man lang siya natinag. Ako pa ang nasaktan sa ginawa kong pagsuntok sa kanya.
"Nakakainis ka na." anas ko. Kumuha ako ng iba't ibang sarsa na paborito niya habang siya ay nasa likuran ko lamang.
"Ayos lang.Mas gusto ko ng mainis ka sa akin kesa sa tratuhin mo ako na parang wala ka naman talagang pakialam sa akin."
Natigilan ako sa paghahanap ng paborito niyang brand ng toyo sa narinig ko. Kinagat ko na lamang ang labi ko. I don't know what to say. Should I say something? Kung may sasabihin man ako, ano iyon?
"Athan.." panimula ko. Naputol ang sasabihin ko noong tumunog ang cellphone ko. Madali ko iyong kinuha sa aking bulsa at nakita ko ang pagtawag sa akin ng Manager ng AEGGIS. Tiningnan ko lamang si Athan at sinagot iyon.
"Hello?"
Pinakinggan ko ang problema ng kanilang Manager. Si Athan naman ay matyaga na hinihintay akong matapos ito sa pagsasalita. Pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko sa narinig na balita mula rito.
"Okay. Papunta na kami." Sagot ko. Kumunot ang noo ni Athan sa naging reaksyon ko.
"Anong nangyari?" tanong nito. Ibinalik ko ang toyo sa lalagyanan at hinila na siya.
"Just, let's go. I'll explain while we are on our way." Mabilis kong salita. Nagmamadali kaming lumabas ng Supermarket at dumiretsyo sa ospital.
----------------------------------
"Tangina mo Augustine! Nag iisip ka ba?!" bwisit na sigaw ni Ethan ang bumungad sa amin. Dirediretyo akong pumasok. Mabilis na hinanap ng mata ko si Augustine. Nakabenda na ang kaliwa niyang palad habang nakaupo lamang sa kama.
"Bakit ka ba nagkakaganyan ha? Kung may problema ka, sabihin mo. Wag kang parang gago na nagsasarili." Si Iñigo naman ang nagsalita. Inikot ko ang mata ko sa buong kwarto. Tanging si Stanley lamang ang wala sa buong AEGGIS. Noong mapansin ako ni Greg ay siya na ang nagkusang lumapit.
"Anong nangyari?" mahinahon kong sabi. Namulsa lamang si Greg at umiling.
"Nag away sila ni Stanley. Ayaw kasing sabihin nung isa kung nasaan si Shana. Kaya ayun, sinuntok niya ang pader. Hindi namin nalaman agad na ginawa niya iyon kaya namaga ng todo ang kamay niya, namuo pa ang dugo. Sa lagay ng kamay niya, hindi siya makakatugtog sa concert." Mahaba nitong sabi. Napaismid na lamang ako. Doon lamang nagtaas ng tingin si Augustine. Dumiretsyo ang titig niya sa akin at halos manlamig ako roon.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang isang stool.
"Gusto ko ng umalis sa banda." Aniya. Hindi na ako nagulat sa sinabi niyang iyon. At inaasahan ko na rin ang pag ulan ng mura mula sa mga myembro. Pumikit na lamang ako noong sinipa na ni Iñigo ang pintuan.
"Sira ka ba?!" nangigigil nitong sabi. Hinarap ko sila at pinandilatan.
"Get out." I said coldly. Natahimik ang mga ito at natigilan.
"Wag mong sabihin na papayag ka Leria?" angal ni Athan. Binalingan ko siya.
"I said get out! All of you get out!" galit ko ng sigaw. Huminga ng malalim si Greg at inakay na ang AEGGIS palabas. Noong mawala na sila ay muli kong hinarap si Augustine.
"Magkano ang babayaran ko—"
"You can cry now. Wala na sila." Anas ko. Namula ang mata niya bago yumuko at umiling na lamang.
"Pinalabas mo lang pala sila para paiyakin ako. Ang sama mo Bossing." Natatawa niyang sabi. Ngumiti lamang ako at nagkibit balikat.
"I won't force you to stay as an AEGGIS. Pero pag isipan mo muna Augustine. Sasayangin mo ba talaga lahat ng pangarap mo dahil lang iniwan ka niya?"
I stared at him. Habang nakatingin ako sa kanya ay nakikita ko ang estado ko noong ako ang iniwan ni Athan sa ere. I saw hopelessness in his eyes. I can almost taste his pain. Noong ako ang nasa sapatos niya ay halos itapon ko ang buhay ko. I almost did that. Pero dumating si Georgina at siya ang umako sa mga maling desisyon ko.
Gagawin ko ang ginawa ni Georgina para sa akin noon. I will stop August from doing the wrong decisions dahil lang sa tinalikuran siya.
"Masakit maiwan August. Sa lahat ng tao, ako ang pinakanakakaintindi sa pakiramdam na yan. Iniisip mo kung ano bang nagawa mo, may kulang ba sayo, may mali, may sira ka ba? Lahat ng sisi ibubunton mo sa sarili mo hanggang sa hindi mo mamalayan, wasak ka na. Pero kahit na sirang sira na yung pagkatao mo, nakakabaliw lang kasi mananatili kang naghihintay. Maghihintay at maghihintay kang balikan. Kasi umaasa ka na sana, sana sa pagbalik niya, sapat ka na, tama ka na, ayos ka na." huminto ako sa pagsasalita dahil ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.
Oh the feeling of being worthless and rejected. Kahit na anong mangyari ay ayaw ko ng maramdaman ulit iyon. Iyong pakiramdam na walang tumatanggap sa iyo ay isa ng impyerno dito sa mundo. I know the feeling August.
"Pero isipin mo, baka hindi naman ikaw yung may problema. Baka siya. Baka siya yung kulang, siya yung mai, siya yung may sira. Baka hindi naman tama na sayo mo isisisi ang lahat kasi wala ka namang ginawang mali eh. Nagmahal ka lang. Oo, masakit, pero wag mong hahayaan na yung sakit na yun, diktahan ang buong pagkatao mo. You should never let a broken heart broke your whole self. Puso lang yan, may utak ka pa. Gamitin mo yan."
Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan si August na nakayuko pa rin. Kuyom ang palad niyang walang injury. Tumayo na ako at lalabas na sana noong narinig ko ang tawag niya.
"Salamat." Aniya. Tumango na lamang ako at tuluyan ng lumabas. Sa pintuan ay nakaabang na ang apat at hinihintay ako sa paglabas.
"What happened? Did he change his mind? I hope he changes his mind. You made him change his mind right?" tuloy tuloy na sabi ni Ethan. Sinapok lamang siya ni I at tiningnan ako.
Nagkibit balikat lamang ako at nilampasan na sila.
"Leria, anong sinabi niya?" habol ni Athan sa akin. Hinawakan niya ang siko ko at pinilit akong humarap sa kanya.
"Pag iisipan daw niya—"
Kumunot ang noo niya. "Pag iisipan? Leria, pangarap niya ang itatapon niya dahil lang sa naiwanan siya! Papayag ka na lang doon?"
"If that will ease his pain, then I will let him leave AEGGIS."
"That's nonsense! This is his dream—"
Tumawa ako ng pagak. "Dreams change Nathaniel. Everything changes. Sa oras na masaktan ka, nagbabago ang lahat. That is the power of pain." Wika ko. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin.
"Wag kang magsalita ng ganyan dahil hindi mo alam kung ano bang pakiramdam ng maiwanan Athan. Never talk that way again dahil sa una pa lang, pareho kayo ni Shana. You gave up on those who will never give up on you at the first place." Naluluha kong sabi. Yumuko lamang si Athan sa narinig.
"Wag mo siyang husgahan. Wag kang umarte na para bang nasa tama ka dahil hindi mo alam kung paano maiwanan sa ere. Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng lumagapak. People who leave are cowards Athan.
"Leria.."
Huminga ako ng malalim. Tumalikod na ako at maglalakad na sana noong magsalita si Athan.
"We're not talking about August anymore, aren't we?" aniya. Napangiti na lamang ako at tumango. Hinarap ko siya at tiningnan.
"Magpapaliwanag ako." Madiin at seryoso niyang sabi. Umiling na lamang ako.
"Wala ng silbi yan."
"But it can ease your pain." Sigurado niyang sabi. humakbang ako palapit sa kanya bago umiling.
"How can you be so sure? Apat na taon na akong naghahanap ng gamot para mawala ang sakit na ito pero hanggang ngayon nandito pa rin Athan. Anong kasiguraduhan mong kapag nagpaliwanag ka ay mababalik sa akin lahat ng naiwala ko? Tell me, how can your explanation fix me?" paghamon ko. Tumaas ang kamay niya at hinaplos ang aking pisngi.
"Tell me what really happened four years ago. Sa ganong paraan lang kita matutulungan." Desperado niyang sabi. mabilis ang naging pag iling ko.
"Bakit?" nanghihina na niyang sabi. Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"Because I don't want you to hate yourself the way I hate myself."
--------------------------------
*pen<310
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top