Obsessed

7

Natigil lang ako sa pagiisip ng tungkol sa nakaraan noong mapansin kong tumutulo na ang dugo mula sa daliri ko. Hindi ko namalayan na humigpit na pala ang hawak ko sa gunting na ginagamit ko para i-trim ang aking bangs. Binaba ko ang gunting at agad na naghugas ng kamay para maampat ang dugo.

Nang malagyan ko na ng gamot ang sugat ay bumaba na ako para magluto ng hapunan ko. Kinuha ko ang kaserola at nagsalang na ng tubig bago ko tiningnan ang labahan kong nakahain sa aking washing machine. Habang hinihintay kong matapos ang laundry ko at ang pagkulo ng niluluto ko, umupo muna ako sa harap ng aking laptop at nagtrabaho.

Ilang beses akong nag scroll sa mga balita tungkol sa mga talents na hinahawakan ng Wave. May mga issue na lumalabas sa mga baguhan ko habang ang AEGIS naman ay lalo lang sumisikat. They're number one now. They have been number one for years.

Luminga ako sa bahay. Naririnig ko na ang pagkulo ng aking niluluto kahit sobrang layo ng kusina sa aking sala. Agad na akong tumayo at pumunta roon. Hinalo ko ang ulam bago ako tumingin sa aking repleksyon.

I wish Georgina's here. Sa bawat pagkakataon na tumitingin ako sa salamin, mukha niya ang nakikita ko. Sa bawat araw na nadadagdag sa akin, iniisip kong nagnananakaw ako ng isang araw sa buha ni Georgina. It's my fault. I dragged her to her death. Ako ang may kasalanan.

I deserved to be left alone.

Nang mamatay si Georgina ay iniwan na ako ni Daddy at nila Kuya. Hindi man nila sinabi ng diretsyo, alam kong sinisisi nila ako. At alam kong hindi nila ako mapapatawad lalo pa't hindi ko naman sinabi ang totoong nangyari noong gabing iyon. I don't want them to know. Ayaw kong masira nila ang AEGIS kapag nalaman nila na si Athan ang kasangkot.. Hindi ko sisirain ang AEGIS na mahal na mahal ni Tori. I know, kapag nasaktan si Tori, mas masasaktan si Athan. That is my last act of devotion. Iyon na ang huli.

Ibinaba ko ang mga gulay na dapat ihalo at napapikit na lamang ng mariin noong sumalakay na naman ang alaala ko noong kasama ko pa si Nathaniel.

-----------------------------------

"You're Georgina's sister?" nagtataka niyang tanong. Tumango ulit ako at nilagyan ng kanin ang plato niya bago ko inabot ang ulam. Tinabig niya ang kamay ko at siya na ang naglagay ng kanyang pagkain.

"Anak ka ni President?" aniya. Napanguso na lang ako. Ang kulit nitong si Falcon. Ano ba yan. Pasalamat siya, gwapo siya. Kung hindi..

"Oo nga." sagot ko at pinanood siya habang kumakain na ng luto ko. Hindi pa man siya nakakapangalahati ay nainip na ako sa katahimikan.

"So.. yung girl doon sa concert ninyo.." pagsisimula ko. Tumaas ang tingin niya sa akin at hinintay ang susunod kong sasabihin. Lumunok ako at nagpatuloy. "She's Tori, diba?" anas ko. Nanigas ang panga niya at ibinaba ang kutsara.

"Let's not talk about her."

"Do you love her?"

Hindi siya sumagot. Tumayo na lamang siya at kumuha ng kanyang tubig. Nanatili lamang akong nakaupo habang pinapanood siya. Nakagat ko ang labi ko. the answer to my question is obvious. Nakita ko kung paano siya lumuhod at umiyak sa babaeng iyon. Nakita ko kung paano siya nahirapan sa pagkanta noong concert nila habang nakatingin kay Tori.

"Why do you love her?" tanong ko ulit. Humarap siya sa akin at tinitigan ako ng matalim. Hindi ako nagpatinag. Hindi ko ipinakita na bahagya akong nanginig sa talim ng kanyang tingin.

"Shut up."

Tumayo na ako at nilapitan siya. Niyuko niya ako habang lalong naglapat ang labi niya sa inis sa akin.

"Why?" tanong ko ulit. Napamura na lang siya ng matalim at umiling. Itinaas niya ang kamay niya tanda ng pagsuko sa kakulitan ko.

"Because she's been there for me. Maalaga siya. Mabait. She's smart. She never gets angry. Masayahin siya--" tumigil siya noong tumawa ako. Kumunot ang noo niya habang nakanganga siyang nakatingin sa akin.

"You don't love her." bulalas ko ng hindi nag-iisip. Dumilim ang mukha niya sa narinig. Napahakbang ako palayo sa kanya dahil sa takot. Pero alam ko. Nakikita ko. Athan doesn't love her. He has reasons for loving her. And love doesn't have any reasons at all. Basta mahal mo lang. Dapat walang rason.

"Dapat walang rason A. Kasi hindi pagmamahal yan. Paano kapag nawala ang rason mo? Hindi mo na siya mamahalin."

"Shut up." Humakbang siya palapit sa akin at lumayo naman ako.

"Akala mo lang mahal mo siya. Sinanay mo lang ang sarili mo na isipin na mahal mo siya--"

Hindi agad ako nakagalaw noong lumapit siya sa akin at agad hinila ang batok ko. Ganun na lang ang gulat ko noong bumaba ang labi niya sa aking bibig at binigyan ako ng mapagparusang halik. Inipit niya ang dalawa kong pisngi at ginalugad ng dila niya ang loob ng aking bibig. Napasinghap na lang ako ng malasahan na ang dugo sa aking labi. Doon lamang siya humiwalay sa akin. Dinama ko ang labi kong siguradong namantal sa ginawa niya. Hindi ko napigilan ang luha na tumulo mula sa akin ng makita ko ang patak ng dugo sa aking daliri.

"I do love her. More than anything. Papatunayan ko yan sayo." Madiin niyang sabi. Walang bakas ng pagsisisi sa mukha niya sa ginawa niyang pananakit sa akin. Yumuko na lamang ako at tinago sa kanya ang luha ko bago umiling.

"Love has no reasons." Bulong ko. Narinig ko ang pagmumura niya bago hinawakan ang baba ko at pinilit akong tumingin sa kanya.

"Help me." nagmamakaawa niyang sabi. Ilang beses akong kumurap at nagulat na lamang sa biglaan niyang pagmamakaawa sa akin. Lumunok muna ako bago tumango.

"Anong gusto mo?" I asked him. Kahit ano, ibibigay ko Athan. Whatever you want. You just have to name it.

Matagal siyang sumagot. Pumikit muna siya at parang nakikipagdebate sa kanyang sarili. Noong dumilat siya ay diretsyo ang tingin niya sa akin.

Seryoso siyang tumingin at hinawakan ang aking braso. "Disband AEGIS. That's my proof that I love Victoria. Tell your Dad to disband us."

Tumango ako bago huminga ng malalim. "But you have to stay with me." anas ko sa boses na katulad ng sa kanya. Puno ng desperasyon at pagmamakaawa.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Hinintay ko lamang na magsalita siya ulit. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa taong yelo na ito? He rarely talks.

"Stay with me. Just for a month. After that, I'll tell my Dad to..disband AEGIS." Dagdag ko. Tumingin lang siya sa akin bago ngumisi. He smiled at me, pakiramdam ko ay nanginig ako sa ngiting iyon.

"Fine. Basta tutulungan mo akong makuha si Toryang." Sabi niya. Pikit mata akong tumango kahit na alam kong pagsisisihan ko ang pagsang-ayon ko sa kanya.

At pumayag ako. This is my proof that I love Athan.

-------------------------------------------

I rubbed my face harshly. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. memories just came rushing back magmula noong may nangyari sa amin ni Athan sa Baguio. Hindi ko alam kung bakit bumabalik ang lahat. For pete's sake, apat na taon na iyon. Matagal ko ng kinalimutan.

Sa sobrang inis ko ay kinuha ko na lamang agad ang aking purse at nagbihis. Inipit ko na lamang pataas ang tuwid kong buhok at naglagay ng makapal na make-up. Sinuot ko ang pinaka maikli kong damit, a midriff bareback top at skater skirt at tinernuhan ng itim kong boots. Nang maayos na ako ay agad akong dumiretsyo sa motor ko at pinaandar iyon. Hindi na ako nagabalang maghelmet. If I die, then so be it.

Mabilis akong nakarating sa Euphoria, a high class bar in the downtowns. Marami ng tao noong pumasok ako. Kaiba sa ibang bar, ang Euphoria ay hindi mausok at makakapag-isip ka pa rin kahit na maingay ang music nila. Agad akong pumwesto sa bar at pinanood ang bartender sa pagmimix ng mga alak.

"Just go."

Nilingon ko ang boses na narinig ko. Hindi pa man ako nakakaharap ay alam ko ng siya iyon. Noong makita ko siya ay agad naningkit ang aking mata. Nasa harapan niya iyon kaibigan ni Tori. Yung kung magsalita ay pinaghahalo ang English sa Tagalog sa nakakairitang paraan. Bwisit.

"Isang drink lang naman. You're so KJ." Nagpout pa ito habang nakaharap kay Athan at inaabutan ng isang scotch. Tumaas ang kilay ko at pinanood silang dalawa.

Kinuha ni Athan ang baso pero hindi niya iyon ininom. "You're dating my brother Avvi." Mariin niyang sabi. Natawa na lamang ako. She's dating Ethan pero hinahabol niya si Athan? Damn that girl. Ang landi lang ha?

"I'm not dating him." Nag=pout pa ito lalo. Kumulo naman ang dugo ko sa itsura niya. Mukha siyang bibe na nakasuot lamang ng pulang dress.

Hindi na sumagot si Athan. Noong nagsimula ulit ang isang upbeat na music ay hinila na siya ni Avvi sa gitna para sumayaw. Pinanood ko lamang silang dalawa, si Athan na mukhang tore na nakatayo habang si Avvi na nakataas ang braso at umiindak sabay ng tugtog.

Kinagat ko ng mariin ang labi ko at muling humarap sa bartender. Nag-order agad ako ng alak bago iyon ininom ng isang lagok. Kumuha ulit ako ng isa pang baso bago dumiretsyo sa dancefloor. Lumapit ako sa grupo ng mga lalaki na nagtatawanan sa isang gilid. Tatlo sila at lahat ay nakasuot ng coat. Ngumiti ako sa kanila at dumikit sa lalaking blond.

"Hi." Malambing kong sabi. Nagtinginan ang tatlo bago ngumiti pabalik sa akin. Inabutan ako noong maikli ang buhok ng isang bote ng vodka at agad ko iyong ininom. Naramdaman ko ang pagguhit ng init sa aking lalamunan pagkatapos niyon.

"You're alone?" tanong noong walang necktie. Kinagat ko ang labi ko at napatingin siya roon. Tinitigan ko lamang siya. Guys. They're all assholes.

"Yes." Sagot ko at yumuko ng kaunti. Sumunod ang mga mata nila sa aking dibdib at napangiti na lamang ako. Hinila ko si blond at dinala sa may gitna ng dancefloor.

"Whoa there babe." Nakataas ang kamay niyang sabi. Tumatawa siya habang ako ay hinihila ang kanyang necktie. Agad kong nilingon si Athan na nakatayo pa rin sa gilid namin at si Avvi na nagsasayaw. Nagpalit ang kanta at doon ko lamang napansin na ang AEGIS pala ang nasa stage. Nilingon ko ulit si Athan na papunta na sa banda habang isinasabit sa kanya ang kanyang gitara.

Doon ko lamang napansin na nasa gilid ko na rin ang dalawang kasama nitong si blond. Ngumiti na lamang ako at hinila sila para sumayaw kasama ako.

'I don't like the way he's looking at you

I'm starting to think you want him too

Am I crazy, have I lost ya?

Even though I know you love me, can't help it'

Tinaas ko lamang ang kamay ko at lalong umakyat ang midriff na suot ko sa aking beywang. Agad humawak si blonde sa akin at hindi ko naman iyon inalis. Lalo akong dumikit sa kanya habang siya ay inaamoy na ang aking buhok.

'I turn my chin music up

And I'm puffing my chest

I'm getting red in the face

You can call me obsessed'

Hindi ko namalayan na napunta na pala kami sa elevated na parte ng bar. Kitang kita na kami ng mga tao pero wala akong pakialam. I wanted to forget. I wanted to erase those damn, fucking memories. With the help of these guys, makakalimot ako. Mawawala sa isip ko iyon.

Pumikit ako ng maramdaman ang pag-ikot ng paligid. Hilong hilo ako kahit tatlong baso pa lang ng alak ang naiinom ko.

It's not your fault that they hover

I mean no disrespect

It's my right to be hellish

I still get jealous'

Inalis ko na ang pagkakaipit ng aking buhok at agad nalaglaga ang mga hibla sa mukha ko. Sabay sabay kaming humalakhak noong tatlo habang paunti unti akong gumigiling sa kanilang harapan. Hinila ako ni blonde at yumuko siya sa akin.Pinulupot ko ang leeg ko sa kanya at hinintay ang paglalapat ng labi namin. Bago pa man mangyari iyon ay may humila na sa akin. Sunod kong namalayan ay nakatayo na ako sa likuran ni Athan at sinugod ang tatlo.

Isang malakas na tili ang nagpatigil sa akin sa pagsasayaw. Doon ko lamang napansin na wala ng tugtog at wala na rin ang tatlo na kasayaw ko.  Nga nga akong napatingin habang sina August, Greg at Ethan ay hinahawakan si Athan na pulang pula ang mukha.

"Tangina." Madiin niyang mura habang nakatingin sa akin. Tumaas lang ang kilay ko sa talim ng mga iyon. You can stare all you want Falcon. Hindi mo na ako masusugatan sa titig mong iyan.

"Gago ka ah!" sigaw ni blonde na muling tumayo sa aking paanan. Sumunod sa kanya ang mga kasama niya habang ang ibang AEGIS ay humarang. Sumunod na rin sina Stanley at Iñigo sa gulo.

Napako ako sa kinatatayuan ko noong lumipad ang isang suntok mula kay Athan papunta sa isa na walang necktie. Hindi pa siya nakuntento at sinipa niya pa iyon. Noong hindi na iyon makatayo ay hinarap niya si blonde na hawak hawak nila Stanley.

"Matapang ka lang gago ka dahil nandito yung banda mo. Paalisin mo sila Falcon. Tingnan natin kung anong pinagmamalaki mo." Hamon nito kay Athan. Pinatunog ni A ang kanyang kamao habang tinanguan lamang ang ibang AEGIS na lumayo.

Magsasalita pa sana si blonde noong tumama ang kamao ni Athan sa tiyan niya. Napaupo siya sa sakit at kinuha ni Athan ang pagkakataon. Lumipad ang kamao niya sa pisngi nito at agad na iyong natumba. Ang dalawang kasama nito ay nakanganga lamang na nakatingin kay Athan. Dumako ang mata ni A sa kanila at nagmamadaling lumabas ang dalawa, at iniwan si blonde sa sahig ng bar.

"Akin yan." Bwisit na sabi ni Athan at hinarap ako. Agad bumalot ang palad niya sa braso ko at hinila ako. Sumunod sa amin ang AEGIS hanggang sa may parking lot.

"What were you thinking?!" sigaw niya pagkarating namin sa van nila. Nilingon ko ang lima na nakatayo lamang sa may gilid.

Hindi ako nagsalita. Alam kong kapag bumuka ang bibig ko ay tuluyan na akong magsusuka. Mukhang napansin iyon ni Athan at agad napalitan ng pag-aalala ang galit sa kanyang mukha.

"May pinainom ba sila sayo?" seryosong tanong ni Iñigo. Nakagat ko ang labi ko habang pinapanood ang paggalaw ng muscles sa panga ni I. Lumapit ako sa kanya pero agad nahawakan ni Athan ang braso ko.

"Damn it Leria." Madiin niyang mura. Pinanliitan ko siya ng mata dahil nahihilo na ako.

"You should take her home." Si Stanley naman ang nagsalita. Narinig ko ang pagsang ayon ni August roon.

"Anong pinainom nila sayo?" si Ethan na ang nagsalita. Humagikhik lamang ako at pinaspas ang kamay sa aking harapan.

"Vodka lang. Wag nga kayong paranoid." Masungit kong sabi. Bumalik ang tingin ko kay Iñigo na hanggang ngayon ay poker faced pa rin. Naglakad ako papunta sa kanya pero sa taas ng takong ko ay agad din akong natumba. Nauna ang mukha ko sa semento at agad lumabas ang tawa na hindi ko inaasahan.

"Lasing na yan. Iuwi mo na." narinig kong sabi ni Stanley. Tumunog ang van nila at pumasok sila roon, habang kami ni Athan ay tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa semento. Noong diretsyo na ako ay tinulak ko siya.

"If I fall, I'll fall. Wag mo akong saluhin." Sabi ko sa kanya. Tiningnan ko siya na seryoso lang na nakatingin pabalik sa akin.

"Where's your car?" imbes ay sagot niya. Hindi ko siya sinagot. Tinaas ko lamang ang middle finger ko sa kanya. Naglakad ako papunta sa motor ko at sumakay roon. Kinuha ko ang susi ko pero sa sobrang hilo ay hindi ko magawang maipasok iyon.

Sunod kong nalaman ay umakyat ang katawan ko paalis sa motor at pabaligtad na akong lumulutang. Hindi na ako nanlaban dahil ramdam ko na ang nalalapit kong pagsusuka.

"Anong--"

"I don't want you to kill yourself with that death trap Leria." Malamig ang boses niyang sabi. Binuksan niya ang pintuan ng van at nakita ko ang gulat na reaksyon noong lima.

"Get out." Utos ni Athan. Suminghap si August sa sinabi nito.

"Paano kami uuwi?" tanong ni Greg. Binato ni Athan ang wallet niya rito bago ako pinasok sa loob.

"Mag taxi kayo. Wala akong pakialam. Basta umalis na kayo." Bwisit na sabi nito. Magsasalita pa sana at aalma si August pero tinulak na lang siya noong apat.

"Wala akong pamasahe." Pagsasabi sabi pa rin ni August. Sinapok siya ni Stanley sa sobrang kadaldalan.

"Bobo. Kumuha ka sa wallet ni A. Wag kang tanga August." Si I ang sumagot. Sumakay si Athan sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.

"YOU'RE TOO DAMN OBSESSED WITH RIA,ATHAN!" sigaw ni August sa papaalis naming sasakyan. Pinanood ko si Athan na walang reaksyon sa narinig.

Of course. Hindi yan obsessed. Kay Tori siya obsessed. Hindi sa akin--

"Hell yes. Too damn much." Bulong niya bago tuluyang lumabas papunta sa kalsada.

--------------------------------

Song Used:

Nick Jonas - Jealous

Join na po kayo sa group, Pen @ Wattpad. Thank you rin sa playlist ng STBB at TTCB sa Spotify, Aisa. Pati rin kay NizNiz sa FB Page ng mga kwento ko. Sa mga admin ng group natin, salamat :)

*pen<310

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top